LOGINSelene’s POV
Pagdating ko sa bahay, dere-derecho ako sa banyo at binuksan ang shower. The coldest it could possibly get.Tanga. Tanga. Tanga.
Sa pitong bilyong tao sa mundo, kay Dante mo pa talaga binigay ang virginity ko? Sa asawang dalawang taon nang hindi ako hinahawakan kahit sa kamay? Sa lalaking mas inuuna pa ang mga babaeng walang pangalan kaysa sa akin?
Napasandal na lang ako sa malamig na tile. Gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Gusto kong burahin ang buong gabing iyon sa alaala, pero ang masama, hindi iyong posible. Naaalala ng katawan ko ang bawat haplos.
Naiwan sa isip ko ang boses ni Dante, mababa at mainit. Para kang asawa ko.
Hindi nito alam na ako ‘yon. Kung alam lang nito...
“Wala na ’yon,” my tears threatening to fall. “Isang pagkakamali. Wala ka nang pakialam, remember?”
Pero kumikirot ang dibdib ko, at pinipilit ko itong hindi pansinin.
Hapon na nang bumaba ako para maghanda sa para sa dinner kasama ang pamilya ni Dante. Linggo ngayon, at tuwing Linggo ay dapat nasa mansion ng mga Montenegro kaming mag-asawa. Hindi namin iyon maaaring palampasin, kahit pa nag-viral ang scandal.
I chose a beige dress and went for light make-up. Binilisan ko ang paglalakad pababa ng hagdan nang marinig ko ang boses ni Dante mula sa study.
Tumigil siya.
“...hindi, hindi ’yon ang inorder ko, Rico.” Malamig at mariin ang tinig nito. “Ang pina-book ko ay si Mika, ’yung model. Pero ang nasa kuwarto, hindi siya.”
Nanlamig ang batok ko.
“Gusto kong hanapin mo siya. Tingnan mo ang CCTV ng Onyx. Tanungin mo si Kim Tuazon kung sino ang pumasok sa Room 8. Wala akong pakialam kung magkano ang gastos.” Natahimik ito sandali. “Hindi... hindi ko alam kung bakit. Basta hanapin mo.”
Napahawak ako sa barandilya.
Hinahanap niya ako.
Hindi dahil sa pagmamahal. Hindi dahil sa pag-aalala. Dahil lang curious? Dahil hindi niya matanggap na may babaeng hindi niya matukoy?
Tapos naisip ko: kapag nahanap ako ni Dante, kapag nalaman nitong ang babaeng ikinama niya ay ang asawang tinawag niyang “bunso” sa loob ng labing-apat na taon...
Pagtatawanan niya ako. O mas malala, maaawa siya sa akin.
Ayoko ng awa.
Hindi niya malalaman, mariin kong sabi sa sarili ko. At para hindi niya malaman, kailangan ko nang tapusin ito bago pa niya matunton ang CCTV.
Pagbaba ni Dante mula sa study, nakasuot ito ng itim na polo na may ilang butones na bukas. Halatang walang tulog. Bumaling siya ng tingin sa akin, at saglit na may kakaibang dumaan sa mga mata nito. Pero hindi ko mabasa.
“Tara na,” malamig nitong sabi. “Mali-late tayo.”
Parang mahuhulugan ng karayom ang buong kotse na balot na balot ng katahimikan. Pero nahuli ko ang pagsulyap ni Dante sa akin.
***
Nakahanda na ang mahabang mesa sa dining hall ng mga Montenegro. Si Don Armando sa dulo, matigas ang mukha. Si Doña Lourdes sa kaliwa, may hawak na rosaryo kahit sa hapag-kainan.“Hijo,” simula agad ni Don Armando habang hinihiwa ang steak, “nakita ko ang video.”
Nanigas ang buong mesa.
“Papa...”
“Hindi ako galit sa ’yo dahil lalaki ka, Dante. Galit ako dahil naging tanga ka at hinayaan mong makita ng buong bansa.” Tinitigan niya ako. “Salamat sa asawa mo, siya ang gumagawa ng paraan para malinis ang pangalan natin.”
Pinilit kong patamisin ang ngiting mapakla sa aking mukha. Hindi ko alam kung papuri ba iyon o sumbat.
Sumabat si Doña Lourdes, mas malambot ang tono. “Mga anak, tumatanda na kami ng Papa ninyo. Dalawang taon na kayong kasal. Kailan namin makikita ang mga apo?”
Tumigil sa pagkain si Dante.
The room went cold.
I mustered every bit of courage, at sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, ibinaba ko ang kubyertos at tumingin nang diretso sa biyenan ko.
“Mama, Papa,” mahinahon kong pagsisimula, “walang magiging apo.”
“Ha?” Napakunot-noo si Doña Lourdes. “Anong ibig mong sabihin, hija?”
“Dahil magpa-file na po ako ng divorce kay Dante.”
Sumabog ang katahimikan.
Nalaglag ang tinidor ni Doña Lourdes. Tumayo si Don Armando, namumula ang mukha. At si Dante...
Si Dante ay natulala. Wala nang kulay ang mukha.
“Anong sabi mo?”
“Excuse me po,” I said. My body moved on its own. Tumayo ako, magalang na tumango sa mga biyenan ko, at naglakad palabas.
Halos wala ako sa sarili at muntik ko nang hindi marinig ang upuang tumama sa sahig. Ang mabibilis na yapak ni Dante sa likod ko.
“Selene!”
Hindi ako lumingon.
“Selene Alcantara!” Hinatak ni Dante ang braso ko pagdating namin sa foyer. Mabigat ang hininga nito. “Ano’ng pinagsasabi mo sa loob? Divorce? Nagbibiro ka ba?”
Nilingon ko siya. Malamig ang gabi, pero mas malamig ang tingin niya.
“Mukha ba akong nagbibiro, Dante?”
“Bakit?” Mas malakas ang boses nito, halos paos. “Bakit mo gagawin ’to? Hindi ba kita pinabayaan? Hindi ba binibigay ko ang lahat? Bahay, pera, pangalan...”
Malakas ang tawa na lumabas mula sa mga labi ko. Mahaba at mapait na tawa, at nang maubos ito, huminga ako nang malalim. And yet he called me by my maiden name.
“Gusto mong malaman kung bakit?”
Tumango si Dante, nakakunot ang noo.
“Sige. Sasabihin ko.” Humakbang ako palapit. “Dahil sa loob ng dalawang taon, wala pang limang beses kang umuwi nang hindi lasing. Binilang ko ’yon, Dante. Binilang ko lahat.”
“Sel...”
“Dahil nakikita ko ang mga mensahe ng mga babae mo sa phone mong iniiwan mong nakabukas sa mesa. Dahil ako ang nagbura ng siyam na video ngayong taon, siyam, habang ikaw, nakahiga sa kama ng iba.”
Namutla si Dante.
“Dahil sa anibersaryo natin, nag-iisa akong kumain ng cake. Dahil noong nagkasakit ako, ang tumawag lang sa akin ay si Rico, hindi ikaw. Dahil hindi mo man lang naaalala na hydrangea ang paborito kong bulaklak.” Tumulo ang luha ako, pero wala na akong pake. “Dahil tuwing may bago kang scandal, ang sinasabi ng buong mundo sayo, kawawa ka naman kasi pinilit ka lang naman sa kasal na ito. Sinasabi nila sa akin, intindihin kita kasi napilitan ka lang naman. Pero I have to remind you, hindi ako ang humiling ng kasalang ito, Dante. Yes, minahal kita, naging tanga ako, pero I never forced myself on you. I never wanted na maging bilangguan ang kasal na ito para sa iyo.”
Napaatras si Dante, parang sinampal.
“Minahal kita since I was thirteen,” I whispered. “Pero ngayon, gusto ko nang huminto. I have to stop. Suko na ako, Dante. You’ve made your point. So, it’s a win for you.”
Nagbago ang tingin ni Dante. May gusto itong sabihin, pero walang lumabas.
“Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit?” huling sabi ko sa kanya, habang umakyat ang isang hindi kilalang sasakyan sa driveway. “Sa dami ng taon na pinagsamahan natin, kahit minsan, hindi mo ako nakita bilang babae. Ang nakikita mo lang ay ang batang sinabihan mong huwag umiyak.”
Tinalikuran ko siya at lumapit sa BMW na tumigil sa tapat nilang dalawa.
“Hindi ka aalis,” sigaw ni Dante sa likod niya, nanginginig ang boses. “Hindi kita pakakawalan, Selene!”
Hindi siya lumingon.
“Watch me,” I told him, my heart full of conviction.
At bago umalis ang sasakyan, nakita ko sa salamin si Dante, nakatayo pa rin siya doon, mukhang isang lalaking ngayon lang natalo sa larong hindi niya alam na nilalaro pala niya.
Selene’s POVMaaga pa lang nang pumasok ako sa lobby ng isang glass building sa Bonifacio Global City.Walang nakakapansin sa kanya. Naka-simpleng puting blusa, itim na slacks, at buhok na nakatali. Ordinaryong babae sa karamihan. Pero pagdating niya sa elevator, tinapat niya ang isang itim na card sa sensor, at awtomatikong umilaw ang butones ng ika-58 palapag.Private floor. Para lamang sa iisang tao.Huminga siya nang malalim habang umaakyat ang elevator.Kaninang umaga, nakuha na niya ang kopya ng pinirmahang petisyon mula sa abogado niya, si Atty. Reyes. Nakita niya ang pirma ni Dante sa bawat pahina: malaki, magaspang, mayabang. Iyon ang pirma ng lalaking sigurado siyang hindi aalis ang asawa niya.Tumawa siya nang tahimik.“Sigurado kang ruse lang ’to, Dante?” bulong niya sa sarili. “Ayos. This is the most beautiful gift that you’ve ever given me.”Bumukas ang pinto ng elevator.Isang malawak na opisina, puting dingding, malalaking bintana, at sa gitna ng bulwagan, isang glass
Dante’s POVDumating ang mga papeles sa umaga ng ikaapat na araw mula nung umalis si Selene sa mansion.Akala ko, isa lang itong ordinaryong courier. Pero nang makita ko ang logo ng law firm sa sobre, na may nakaukit na Reyes, Sarmiento & Associates, at ang pangalan sa itaas, Alcantara-Montenegro, Selene, huminto ang kamay ko sa ere.“Sir,” mahinang sabi ni Rico, “mula po kay Ma’am Selene.”Hindi ako sumagot. Dahan-dahan kong binuksan ang sobre.PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE.Nakasulat sa itaas, malalaking letra.Tumawa ako.Hindi ko alam kung bakit ako tumawa. Siguro dahil hindi ako makapaniwala. Siguro dahil mas madaling tumawa kaysa sa iba pang gusto kong gawin.“Sir...”“Joke ba ’to?” tanong ko kay Rico. “Pinagloloko ba ako ng asawa ko?”“Hindi po, Sir.” Mababa ang boses niya. “Seryoso po si Ma’am.”Nagbasa ako. Bawat pahina, bawat talata. Lahat ng dahilan ay nakalista nang maayos: psychological incapacity, repeated infidelity, abandonment of marital obligations.
Dante’s POVTatlong gabi na akong hindi nakakatulog nang maayos.Nakaupo ako ngayon sa opisina ko sa ika-40 palapag ng Montenegro Tower, nakatingin sa Maynila na kumikinang sa ilalim, pero wala akong nakikita. Ang laman ng isip ko ay dalawang bagay lang: ang babaeng nasa Room 8, at ang mukha ni Selene noong gabing iyon.Parehong hindi ko maalis.The first one, hindi ko maintindihan. Hindi na bago sa akin ang mga babae. Marami na akong nakasama, at lahat sila, nakakalimutan ko na pagkatapos ng ilang oras. Walang pangalan, walang mukha. And that’s the point: hindi ako natatandaan, at hindi ko sila natatandaan.Pero ang babaeng iyon...Madilim ang kuwarto, ni hindi ko nakita ang mukha niya. Pero natatandaan ko ang amoy niya, jasmine na may halong kaunting alak. Natatandaan ko ang paraan ng paghinga niya sa tainga ko. Ang nanginginig niyang kamay sa balikat ko, na parang unang beses niyang gawin iyon. At nang tawagin niya akong “asawa niya,” na parang biro...Hindi ko alam kung bakit nani
Selene’s POV Pagdating ko sa bahay, dere-derecho ako sa banyo at binuksan ang shower. The coldest it could possibly get.Tanga. Tanga. Tanga.Sa pitong bilyong tao sa mundo, kay Dante mo pa talaga binigay ang virginity ko? Sa asawang dalawang taon nang hindi ako hinahawakan kahit sa kamay? Sa lalaking mas inuuna pa ang mga babaeng walang pangalan kaysa sa akin?Napasandal na lang ako sa malamig na tile. Gusto kong matawa. Gusto kong umiyak. Gusto kong burahin ang buong gabing iyon sa alaala, pero ang masama, hindi iyong posible. Naaalala ng katawan ko ang bawat haplos.Naiwan sa isip ko ang boses ni Dante, mababa at mainit. Para kang asawa ko.Hindi nito alam na ako ‘yon. Kung alam lang nito...“Wala na ’yon,” my tears threatening to fall. “Isang pagkakamali. Wala ka nang pakialam, remember?”Pero kumikirot ang dibdib ko, at pinipilit ko itong hindi pansinin.Hapon na nang bumaba ako para maghanda sa para sa dinner kasama ang pamilya ni Dante. Linggo ngayon, at tuwing Linggo ay dapat
Selene’s POVSa ikasiyam na pagkakataon ngayong taon, nag-viral na naman ang asawa ko.Halos manikip ang dibdib ko habang nakaupo dito sa kama sa loob ng master’s bedroom namin, hawak-hawak ang cellphone, habang naka-loop ang video. Madilim ang kuha, pero hindi ako pwedeng magkamali. Kabisadong-kabisado ko ang mukha ni Dante Javier Montenegro – ang asawa ko -- nakahiga ito sa gitna ng kama ng isang five-star hotel, nakangisi, at may dalawang babaeng nakayakap sa kanya. Sa caption: “CEO ng Montenegro Hospitality, huli sa akto!”May isang milyong views na.Mahinahon kong pinindot ang numero ni Rico, ang assistant ni Dante.“Ma’am Selene,” sagot ni Rico, halatang kanina pa naghihintay ng tawag niya. “Nakita ko na po. Sinimulan ko nang i-report sa platforms, pero...”“Pero?”“Ma’am, this is the ninth time na po ito ngayong taon. Hindi na po tayo makakasabay. Nasa Twitter na, nasa TikTok na, may nag-screen record pa.”Tumingin na lang ako sa kisame at bumuntong hininga. Napakaganda ng chan







