Share

Chapter 11

Lisa POV

Nag-iwas ako nang tingin sa kanya. Ano ba kasi pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon? Masama na naman tuloy mga titig niya sa akin.

Namayani ang katahimikan sa buong biyahe namin, nagpatugtog siya ng music mula sa speaker ng kanyang mamahaling kotse. Awit ito ng isang banda sa ibang bansa. Ito pala mga gusto niyang mga uri ng musika. Ibang-iba sa lagi kong naririnig na pinapatugtog nila sa probinsya na mga ma-iingay at masasakit sa tengang tugtog. Ni wala nga ako maintindihan sa mga sinasabi sa mga kinakanta doon. Bukod sa ma-ingay, puro pa-sigaw. Rock music yata ang tawag nila doon.

“Every pure intention ends when the good times start,

Fallin ‘over everything to reach the first time’s spark,”

Alam ko ang kantang ito, kanta ito ni Ed Sheeran! Kung ‘di ako nagkakamali . . . Bad Habits ang title nito. Pero ‘di gaya sa original version, ito ay acoustic. Ang sarap pakinggan, damang-dama ang bawat salitang sinasabi. So slow and relaxing kasabay ang pagtugtog ng gitara.

Narinig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status