Share

My Paper Wife
My Paper Wife
Author: IamNellah

Chapter 1

Lisa POV

Sa hindi ko malaman na dahilan, kinakabahan ako. Ang kaba ko ngayon, hanggang langit na yata!

Nakatitig siya sa akin. Tinitignan ako. Sinusuri ako. Mas lalo akong kinabahan sa ginagawa niya. May puting folder sa ilalim ng kanyang mga kamay na magkasalikop sa ibabaw ng lamesa.

“So, Lisa gusto kong sabihin sa iyo na may business proposal ako for you.” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hindi ko agad naintindihan iyon.

Kaya ba niya ako pinatawag dito sa kwarto niya?

“A-ano po? Pero wala po akong business,” nalilitong tanong ko. Hindi ko maintindihan talaga ang gusto niyang i-punto.

Tumawa siyang nakataas ang dalawang kilay sa harap ko. “Hindi. Ako ang may io-offer na job sa iyo. Okay! Okay! Rephrase na ‘tin. . . Lisa, may offer akong job sa iyo na sigurado akong magugustuhan mo.” 

Umayos siya ng upo sa kanyang upuan. Tumingin sa paligid namin. Nandito kami sa balcony ng kanyang kwarto. Dito niya ako pinapunta kanina nang pagbuksan niya ako ng pinto. Ang akala ko may iuutos lang siya sa akin gaya ng madalas niyang gawin. Ilang sandali pa muna niya akong pinaghintay dito, bago niya ako samahan sa pag-upo.

“Aah! Okay po!” Natatawang hinawakan ko ang buhok kong inililipad ng hangin.

“This is not an ordinary job, Lisa.” Mula sa pagkakasandal sa upuan, lumapit ito sa akin at binuksan ang folder na hawak.

“Katulong po ba? Taga-laba? Kayang-kaya ko po ‘yan!” magiliw kong agad na sagot. Nginitian ko siya kahit hindi niya naman ito nakikita dahil nasa papel na hawak nakatuon ang kanyang atensyon.

“No. Dito sa offer ko na ito, hindi mo kailangan maglaba, magluto o ano pa man. Lahat ng mga pangangailangan mo kaya kong ibigay. Lahat! Basta gawin mo lang nang mabuti ang pag-uusapan na’tin ngayon. And the rest– it’s all mine.” Tinaas niya ang dalawang kamay niya habang sinasabi ang huli. Pinatunog ang nangawit na leeg.

Anong trabaho ba iyon? Wala daw ako gagawin? 

Gusto niya bang maging estatwa lang ako!?

Hindi makapaniwalang tiningnan ang seryoso niyang mukha. Walang ang itsura niyang palabiro at maloko. Para siyang nasa isang mahalagang meeting o business deal.

“A-ano po ba ang work na offer niyo sa akin?” curious na tanong ko.

Oh, Em! Hindi kaya illegal? Baka gusto niya akong maging drug dealer!!

Hintatakot kong sigaw sa utak ko.

“Be my wife, Lisa.”

Ibinaba nito ang tingin sa akin at Inusog niya sa akin ang hawak na folder. Tumitig ako doon. Kunot ang noo. Nang tingnan ko siyang muli . . . may nakita akong kaba sa kanya. Napakurapkurap pa siya nang balingan ko. 

Nagulat pa nga yata!

“W-wife? Asawa? Bakit mo ako inaayang maging asawa mo!?” tanong ko sa malakas na boses. Nahihibang na ba siya?

“Prank na naman po ba ito? Marami pa po ako kailangang gawin, sir.” Tumayo ako, naiinis dahil sa pagkaantala ng mga gawain ko dahil sa prank na ito. Hays!

“If you accept my offer, Lisa. Lahat ng pangangailangan mo ako na ang bahala. Lahat.”

Pinagsalikop niyang muli ang kamay sa ibabaw ng lamesa. “Lahat naman nang pag-uusapan na ‘tin ngayon ay documented and recorded. Just sign it and you can live like a dream. Money. A dream house. Cars. Expensive things. I can give you all of that. Kahit ano! Kung gusto mo mag-aral abroad. . . then go! Kung gusto mo ng sariling school after you graduated, then I give you! Papatayuan pa kita!” Itinabingi niya ang ulo.

“Be my wife, Lisa. Ang asawa ko sa papel.” Tumitig siya sa mga mata ko. Buong lakas ng loob niya itong sinabi sa akin na parang ang dali lang nang inaalok niyang trabaho. 

Pero– bakit hindi? Ang ganda ng magiging kapalit. Pero . . . 

Hindi ako kumibo. Nakatitig lang sa papel na siya na ang naglabas mula sa folder. Binasa ko ito. Isa itong Marriage contract. A marriage contract na may pirma na niya, ngayong araw lang din!

“Just pretend, act and do what I say. After a few months or a year– let’s file an annulment. Depende kung kailan ko makukuha ang mana ko. Lahat ng mga sinabi ko, ibibigay ko sa’yo. Kung may gusto ka, sabihin mo lang sa akin. Akong bahala sa ‘yo at sa nanay mo.” pagpapatuloy niya.

“Ahm, so kailangan na ’tin . . .ah, mag-ano. . .” 

Hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko. Nahihiya akong sabihin sa kanya. Narinig ko ang mga tawa niyang napa-iling-iling na agad kong ikinayuko. Kinagat ang labi.

Yee! Kahiya!

“Mag-sex?” pagpapatuloy niya sa gusto kong tanungin. Tumango-tango ako habang nakayuko.

“Pwede na ‘tin pag-usapan ‘yan. Gusto mo ba?” 

Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakangisi siya sa akin. Bahagyang nakatagilid ang ulo niya na parang wiling-wili sa reaksyon ko.

Narinig kong muli ang mga tawa niya. “You’re so cute. You’re blushing like a teenage girl. I like that.” Napayuko akong muli sa sinabi niya. Walang masabi sa ibinulalas niya.

“Kung gusto mo naman– wala ka dapat alalahanin. Tuturuan pa kita kung gusto mo. Willing akong– paligayahin ka. Halata naman na– you’re still a virgin. Am I right, Lisa?” 

Napamulahan ako sa tanong niyang iyon. Dumoble ang nararamdaman kong hiya. Alam ko naman na hindi ako kagaya ng mga kaibigan niya. Malayong-malayo. Sa ganda. Sa katawan. Sa Yaman at sa estado ng buhay. Malayong-malayo!

Nakita ko noon kung paano sila mag-halikan ni Sabby sa may pool. Hindi ko lubos maisip na ganoon pala humalik. May dila at may kagatan pala!

Ilang araw ko din hindi maalis iyon sa isip ko. My virgin eyes! My mind and soul! My goodness!

Paano nila nagagawa iyon? Para silang mga gutom na gutom na pitbull na alaga ni sir John. Maging ang isang iyon— kasama si Mam Kat. Silang magkakaibigan sa swimming pool. Sabay-sabay na naghahalikan. Walang pakialam sa mga kasamahan na meron ding ginagawang kababalaghan. O, sa amin na mga katulong na baka makita sila.

Ayaw ko man isipin pero itong isip ko . . .  Ang laswa! Ginagaya ko pa nga minsan sa unan. Sinubukan ko itong halikan. Iginagalaw ko ang mga labi ko na parang sa ginagawa nila habang yakap ko ito sa aking dibdib. Nasa ibabaw ko ito at ini-imagine na hina-halikan ako.

Baliw na ba ako? Manyak na ba ako kapag ganoon?

“Okay! Kung ayaw mo okay lang din naman. Hindi kita pipilitin. Maraming akong pwedeng i-kama just so you know.” Tumawa siyang muli ng hindi ako umimik. Proud na proud sa kanyang sinabi.

“Hindi naman po sa ganoon, Sir.” mahinang sagot ko. Hindi makatingin sa kanya. Alam kong naka-tingin lang din siya sa akin. Naririnig ko ang mga mapaglarong-ngisi niya sa harap ko.

“Alright. I give you a day to decide. Alam ko naman masyadong marami kang dapat i-take in.” Ngumiti siya sa akin. “Sa ‘yo na muna ‘yang kontrata. Read it. Nand’yan na lahat ng mga list na pwede mong makuha at mga privileges mo habang mag-asawa tayo. Kung may gusto kang itanong or ano, lapitan mo lang ako. Pero– this deal is confidential, Lisa. Wala dapat makakaalam nito kahit sino. Sa ating dalawa lang ito. Naiintindihan mo ba?” pahabol niya. Tumingin ako sa gwapo niyang mukha. Sa mga mata niyang mapupungay na may malalabong na mga pilik-mata.

Tumango ako nang dahan-dahan na ikinangiti niya sa akin. Inilabas niya ang kanyang mapuputi at mga pantay-pantay na mga ipin.

“May rules po ba sa deal na ito?” tanong ko na nagpakunot ng kanyang noo.

“Yes. Isa lang naman.” tumango siya ng isang beses at sumandal sa kanyang upuan.

“Wow! Isa lang pero ang dami kong makukuha.” Manghang saad ko na inisa-isa ang mga papel na hawak. Meron na ditong nakalagay na bank account application forms sa mga iba’t-ibang mga bangko. May Passport application din at isang cheke na may pangalan na niya at pirma ngunit walang amount na nakalagay dito.

“Oo, isa lang. Sana magawa mo.” Walang sabi-sabing saad niya. Tumango lang ako bilang sagot. Patuloy akong tumitingin sa mga papeles. Mangha sa mga ito. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong klaseng papeles kaya naman gusto ko silang lahat basahin.

“Ano po iyon?” nagtaas ako ng tingin sa kanya na prenteng nakaupo pa rin habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

“Don’t fall in love with me.”

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya. Halatang walang biro iyon.

Pero bakit nga ba? Wala akong dahilan para ma-in-love sa kanya, no! At mas lalong siya din sa akin.

Natawa ako. Kumunot ang noo niya sa pagtawa ko. “Okay! Deal!” sagot ko na nagpataas ng kanyang kilay.

“Pumapayag ka na?” Hindi makapaniwalang tanong niya, napatuwid pa siya ng upo sa harapan ko.

Tumango lang ako at hinarap ang marriage contract sa pinakaharap ng mga papeles na hawak ko.

“Opo! In one condition.” 

Ako naman ang nag-seryoso. Sinipat ko rin ang mukha niya gaya nang ginawa niya sa akin kanina. Nakita kong namangha siya sa ginawa ko. Ngumuso siya ng kaunti at agad din ngumiti bago tumango sa akin. Itinaas nito ang kanyang kamay, inudyukan akong magsalita.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
avelyn1424
interesting...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status