Share

Chapter 3

Lisa POV

Nagtataka man at patuloy sa pagtatanong ang nanay sa sinabi ko, inaya ko na siyang kumain. Kung tama ako baka ngayon siya darating. Gusto kong sumama sa doctor ni nanay para kumpirmahin ang lahat. Kung ano man ang desisyon ni Sir Fier o ni Fier, isasama ko ang nanay at doon ko siya ipapagamot sa Maynila. Kahit nakakahiya man, ito ang una kong hihilingin sa kanya. Ang tulungan kaming mag-ina. Lalo na ang nanay ko. 

Siya na lang ang pag-asa namin.

Ilang pilit pa ang ginawa ko kay nanay bago siya mapapayag na magpa-check-up kami. Sasabihin na lang daw niya ang lahat sa akin pagkatapos. Mas gusto ko pa rin na manggaling ito sa doctor, para malaman ko ang lahat ng dapat kong gawin at itatanong ko na rin kung saan ang mas magandang ospital sa Maynila para sa condition ni nanay.

Pag-uwi namin sa bahay, hapon na. Sa bayan na rin kami kumain sa isang fast food chain na mabibilang lang sa kamay kung ilang beses kami nakapasok dito. Mabuti na lang binigay nila ang huling sahod ko kaya naman nagawa ko ang mga ito at na i-pasyal na rin si nanay dito sa bayan. Bumili rin kami ng mga iba’t-ibang prutas at grocery para sa bahay.

Kanina habang nasa clinic kami, tumawag si Fier at sinabing bukas na lang daw ito ng hapon pupunta sa bahay. Na ayos na raw niya ang ilang dokumentong kailangan ko para sa pagpapakasal namin. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mga iyon, eh. Bahala na siya doon, ang mahalaga sa akin ngayon ang nanay ko.

Gabi na ng may marinig kaming mga katok mula sa labas, kasalukuyan kaming kumakain ng pumasok si Marie sa loob ng bahay namin. Masaya niyang inilapag ang dalang transparent na lalagyan sa lamesa.

“Naku, friend. Long time no see!” matinis na boses niyang bati sa akin. Hindi na ako tumayo sa upuan ko para salubungin siya. Kahit naman ipagtabuyan ko ito, papasok at papasok pa rin siya.

“Napadalaw ka Marie?” tanong ni nanay nang mag-blessed ito sa kanya at inabot ang isa pang-plastic na dala-dala.

“May dala po akong ulam. Kakauwi lang din po namin galing sa probinsya ng tatay ko. Ayan nga po may pasalubong ako sa inyong longganisa at ilang delicacies doon. Masarap po ‘yan! Gawa pa po ng lola ko iyan doon. Nagtitinda po sila sa palengke ng karne at ayan– gumagawa rin sila ng sariling recipe ng longganisa.” Maingay na pagkukwento niya. 

Umupo siya sa tabi ko at naki-kurot sa fried chicken na plato ko. Nang matikman niya iyon . . .akmang kukunin na ang buo nang paluin ko ang kamay niya. Sinimangutan niya ako at inirapan.

“Damot mo naman, my friendship! May pasalubong ako sa’yo pero bukas na pag ‘di ka na madamot d’yan sa akin.” Irap niyang tinalikuran ako.

“Nasa kahon pa kasi, hindi pa binubuksan. Wow! Taray! Mala-balikbayan box lang sis ang peg ko. Uy! Alam mo ba may mga bago akong damit at sapatos. Madami rin akong chocolate at may palaman pa. Bigay ng tita ko ‘yon galing sa Korea.” May pa-heart pa ang loka sa kanyang kamay. 

“Naku, mabuti na lang talaga nag-arkila si tatay ng jeep papunta doon at pa-uwi kaya ayon, na dala namin lahat-lahat ng pasalubong namin. Noong nakaraan kasi iniwan na lang din namin doon. Sabi ni tatay babalikan na lang daw hanggang sa ayon, hindi na nabalikan pa. ‘Yong sapatos ko at mga damit maliliit na. Dalawang taon ba naman na hindi namin na puntahan, eh. Syempre, sexy pa ako noon, ngayon mas lalong sume-sexy kaya hindi ko na kasya. Pinamigay na lang namin sa mga pinsan ko doon na mas bata sa akin.”

Tuloy-tuloy na pagku-kwento niya. Napapailing na lang ako. Ganoon din si nanay na hindi makasingit sa mga itatanong niya dahil na sabi na niya agad ang sagot. 

Talagang ganyan ang kaibigan kong ito. Walang preno. Parang manok na putak nang putak.

“Ito pa, sis! Matutuwa ka! Next school year sa Manila na kami titira. Ipapamana kasi kay tatay ang isang bahay doon ng malapit nang mamatay na tito kong binata. Pero ang sabi, pinapaupahan daw iyon at luma na rin kaya luluwas si tatay para tingnan iyon.” patuloy niyang pagkukwento.

Napahinto ako sa pag-inom ng tubig nang marinig ko ang tungkol sa Maynila. Hindi pala kami magkakalayo kung ganoon. Mabuti naman kahit papaano ay may kakilala na ‘ko doon. Sana malapit lang din sa kung saan ako dadalhin ni Sir Fier.

Paano na kaya kami nito? Paano kami a-arte na super in love sa isa’t isa at na buo ang pag-iibigan namin dahil sa pagtitinda ko ng isda.

At ang kasal? Ang sabi niya mag-iisip siya ng ibang paraan para mas kapani-paniwala. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin niyang sabihin na lang namin na nabuntis niya ako kaya ito magpapakasal kami agad bago lumobo ang tiyan ko. Agad akong tumanggi sa gusto niya. Hindi pwede iyon, basta hindi!

Aba, Ginoong Marya-marya! Birhen na nabuntis. Saan pumasok at nabuo iyon?

Kaya ayon, love at first sight na lang daw. Nasarapan siya sa isdang binebenta ko dahil sariwa ito at malaman kaya– ayon. Sana patukin ng kung sino man, sana paniwalaan nila dahil talaga naman sariwa ang mga binebenta kong isda.

Parang walang balak na umuwi ang babaitang ito. Hanggang dito sa kwarto ko sumunod siya sa akin. Inaayos ko na ang higaan ko nang umupo siya doon at patuloy sa pagku-kuwento. Na i-kwento na niya yata ang buong angkan nila. Hindi ko na nga matandaan ang mga bina-banggit niyang mga pangalan dahil sa sobrang dami ng mga ito.

“Kung ako sa ’yo bawasan mo iyang kadaldalan mo baka na tutuliling na sa’yo ang lalaking iyon kahit na sa text lang naman.” 

Payo ko sa kanya nang i-kwento nito ang bago niyang textmate na nakilala niya sa isang clan. Uso iyon dito sa amin lalo na sa mga high school. Wala naman ako pang load kaya hindi ako sumasali sa mga ganoon at wala din akong time.

Hindi gaya nitong kaibigan ko na laging cellphone din ang hawak.

“Ah, sus! Nagsalita ang may lovelife” bulong niyang saad at nahiga na sa kama ko. Inirapan ko naman siya.

“Basta,” Kinuha ko ang isang unan at hinagis iyon sa mukha niya. Napa-aray ito at gumanti sa akin.

“No, no, no boyfriend ka nga since past life mo.” pagrereklamo niya. 

Aba, talagang . . .

“Kahit na. Eh, ikaw?” balik tanong at hampas ko sa kanya. 

Si Marie kasi ang tipong sige lang nang sige sa text at tawag. Hindi ko na nga mabilang kung naka-ilang boyfriend ito sa text lang. Hindi naman huma-hantong sa pagkikita. Basta sa text lang na puro bulahan at pasahan ng bola. Tsk!

“Ay, alam mo ba, girl?” Tumayo ito sa pagkakahiga at umupo sa kama ko. Inilagay niya ang unan sa kanyang kadungan bago inalis ang kulay pink niyang bra na inilagay sa ilalim ng unan ko.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. “Hoy! Dito ka ba matutulog?” tanong ko na obvious naman ang sagot. Hindi ito ang unang beses na dito matutulog si Marie. Madalas niyang gawin ito kahit noong nasa high school pa lamang kami.

“May chika ako sa’yo!” pagpapatuloy niya hindi pinansin ang tanong ko.

“Umuwi ka na nga! Tutuluan mo na naman ng laway mo itong bagong palit kong unan. Alis!” Pinalo ko sa kanya ang hawak na kumot at humiga sa pwesto ko.

Sumimangot siya. Iniyakap sa sarili niya sa unan na hawak. “Sama mo!” Tumalikod siya ng higa sa akin at kunwari umiiyak. Hindi ko siya pinansin at inilalagay ko na ang kumot ko sa paa ko nang magulat ako sa biglaang pagharap niya sa akin.

“So, ayun na nga, my friend! May mga gwapo daw dito sa bayan na’tin. Tsika lang naman sa akin ni baklang Marcus. Pinakita pa nga niya sa akin mga litrato nila. Naku, ang gu-gwapo at ang ma-matcho!” Kilig na kilig niyang saad habang niyakap at isang kamay ko. Pinanggigilan niya itong tumitili pa na ‘kala mo’y kinikiliti ang kanyang singit.

“Hoy! Ang ingay mo tulog na si nanay.” pagbabawal ko dito na hindi man lang nahiya, umupo pa siya sa tabi ko. Kinuha ang nilagay kong tubig sa maliit na lamesa dito sa kwarto. Ininom niya iyon sa isang lagukan. Naiiling ako, natuyuan na nga ng laway kakadaldal.

“Nakatira daw sila doon sa rest house sa pinakamalaking bahay. Naku, sis! Kung makita mo lang ‘yong picture, ay naku!” tulala siyang nagku-kwento. Tinampal niya ang kanyang noo at napapikit dahil sa naramdamang sakit sa ginawa.

Natawa ako dahil doon. Kung alam mo lang, my friend.

Antok na antok na antok na ako pero itong kasama ko walang tigil sa kakasalita.

Nadulas tuloy akong pupunta sila dito sa amin bukas at bibisitahin ako. Noong una, ayaw niya pang maniwala, ngunit ng sabihin ko ang mga pangalan nila at kung saan sila galing, nagtitili ito. Napapadyak sa higaan ko kaya naman lumalangitngit ang kawayan kong higaan.

Para na nga itong bibigay sa ginagawa niya. Sinampal ko ng bahagya ang bibig niya sa sobrang ingay. Plywood lang kasi ang pagitan ng kwarto namin ni nanay at sigurado ako na naririnig niya kami kung hindi pa ito tulog.

“Swerte mo naman sis!” Niyugyog niya ang braso ko. Nakapikit na nakanguso ito. “Mabuti na lang pala dito ako matutulog ngayon, kung hindi– hindi ko pa malalaman na may mga poging pupunta dito bukas. Kailan ka ba ulit magta-trabaho doon? Pasok mo nga ako! Kahit taga-laba lang ng brief nila. Opps! Sowrry!” hinging paumanhin nito.

Kinurot ko ang tagiliran niya, kung ano-ano kasi ang sinasabi. Hindi nga siya  marunong maglaba. Kahit anong gawaing bahay hindi niya alam. Lagi kasi ang ate niya ang gumagawa ng mga gawaing bahay, at siya naman taga-bantay lang ng munti nilang tindahan.

“Pero wait– at bakit pala sila pupunta dito? Bakit ka nila bibisitahin? At anong . . .O-M-G!?” dagdag niya. Agad napatakip ng kanyang bibig sa naisip na kung ano. Pumikit na lang ako at sinubukang matulog. Hinayaan ang isip niyang may pagka-Marites.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status