Home / Romance / My Playboy Boss / Kabanata 1242

Share

Kabanata 1242

Author: Miss A.
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-27 10:20:10

Hello, mga minamahal kong mambabasa!

Gusto ko lang pong sabihin na nababasa ko po ang inyong mga hinaing at komento.

Una sa lahat, humihingi ako ng pasensya sa inyo. Alam kong nadismaya kayo sa takbo ng kwento, at hindi ito umaayon sa inaasahan ninyong mangyari. Nauunawaan ko po ang inyong mga saloobin at tinatanggap ko ang mga ito bilang mabuting payo.

Lahat tayo ay malayang magbahagi ng komento tungkol sa ating nararamdaman sa binabasa. Gayunpaman, hindi rin maiwasan na makaramdam ng lungkot at bigat ang inyong may-akda habang binabasa ang mga ito — dahil tao rin po ako na may damdamin. Ang hiling ko lang sana ay hayaan ninyo akong magsulat sa paraang sa tingin ko ay makapagpapaganda ng daloy ng kwento, ayon sa aking sariling pananaw.

Naniniwala po ako na hindi ko po mapi-please ang lahat na magustohan ang takbo ng kwento — at ayos lang po iyon. Ang hangad ko lang ay maipahayag ko nang malaya ang aking imahinasyon sa paraang alam ko. Sana po ay maintindihan ninyo.

Alam ko rin po na alam ng marami sa inyo na may sakit sa puso ang inyong may-akda, si Miss A. Alam kong ito ay personal na bagay at hindi ko na dapat ibahagi, ngunit nais ko lamang na maunawaan ninyo kung bakit may mga panahong hindi ako nakakapag-update agad. Mabilis po kasi akong mapagod at kailangang mag-ingat sa aking kalusugan.

Hindi rin po madali ang pagsusulat. Kailangang ibuhos ng manunulat ang kanyang damdamin upang maiparating sa inyo ang tunay na pakiramdam ng mga tauhan sa kwento. Kung ano ang nararamdaman ninyo habang nagbabasa, ganoon din ang nararamdaman ko habang nagsusulat. Bilang manunulat, ang aking gawa ay nakabatay sa aking sariling damdamin. Mahirap pong sumulat kapag may mga personal na pinagdaraanan. Kahit gaano ko pa kagustuhang makapaglabas ng maraming kabanata, may mga pagkakataong napapagod ako mentally at physically, na nakakaapekto sa aking pagsusulat.

Nauunawaan ko po kung bakit kayo nalulungkot o nawawalan ng gana kapag madalang ang mga update. Humihingi po ako ng inyong paumanhin at kaunting pang-unawa.

Matatapos din po ni Miss A ang My Playboy Boss. Hehe… 😊

Dalawa na lang po ang natitirang kwento. Pagkatapos ng Dark Angel, susunod naman ang kwento ni Daniela, at pagkatapos noon ay tatapusin ko na ang My Playboy Boss.

Gusto ko rin pong magpasalamat sa inyo sa patuloy na pagsubaybay hanggang sa kasalukuyan. Humahanga ako sa inyong walang sawang suporta, pagpapahalaga, at pagmamahal sa mga tauhan ng kwento.

Sobrang nagpapasalamat po ako sa inyong lahat. Mahal ko kayo, mga minamahal kong mambabasa!

Maraming-maraming salamat po! 😊

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (46)
goodnovel comment avatar
Jusi RB
Gustong gusto ko po ang story nyo!. Na eexcite ako pag may bagong character.. ...️...️ at napapaisip ano kaya connection ng taong yun..
goodnovel comment avatar
Imelda Amlos Fangi
update naman sa love team
goodnovel comment avatar
Imelda Amlos Fangi
update saan c dark angel at jamaicha love team
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Playboy Boss   Kabanata 1354

    “Ikaw naman Jamaicah Jimenez, tinatanggap mo ba si Dark Angel Oxford bilang asawa mo? Ipinapangako mo bang mananatili ka sa kanya sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, mamahalin mo siya at igagalang sa lahat ng araw ng iyong buhay?” Gaya niya ay humarap din ako sa kaniya at maluha-luhang ngu

  • My Playboy Boss   Kabanata 1353

    [A Month Later…] JAMAICAH’S POV Nanlalamig ang aking mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa puting bouquet ng mga rosas, dahan-dahan akong naglalakad sa pulang karpet papalapit sa Altar kung saan matyagang naghihintay sa akin si Dark Angel, kasama ang best man niyang si Vio. He’s wearing a

  • My Playboy Boss   Kabanata 1352

    “Okay. Ipapahanda ko na agad sa Chef namin.” anito saka bumaling sa isang waiter. “Kyle, bigyan mo sila ng VIP table.” utos niya dito. “Yes po, Madam!” yukod nito saka sila sinamahan sa bakanteng VIP table sa bandang dulo. Ilang sandali lang ay dinala na ng dalawang waiter ang Hot pot & broth

  • My Playboy Boss   Kabanata 1351

    3RD PERSON'S POV “Ako naman si Marites. You can call me Tes.” lahad din nito ng kamay sa kaniya. “Girlfriend ka ng CEO?” usisa agad ni Jaja sa kaniya. Nahihiya man ay tumango siya. “Ang swerte mo naman... Sana all!” saad ni Marites sa kaniya. Tipid siyang ngumiti. “Tama ka. Sobrang swerte

  • My Playboy Boss   Kabanata 1350

    “Talaga?” masayang tanong ni Vio. “Oo, kaya lang kasama daw si Tito James...” biro pa ni Dark Angel na ikinaasim ng mukha ni Vio. “Kung ako sainyo, umamin na kasi kayo... Mababalasa ka talaga ni Tito James pag nalaman ang totoo...” ani Dr. Alden. “Pano 'ko aamin eh, ang labo naman ni Shai?! Ma

  • My Playboy Boss   Kabanata 1349

    3RD PERSON'S POV “Ate Aicah, ikaw na ba yan?” nasasabik na lumapit sina Claire, Moira at Jessie sa kaniya nang makita siya ng tatlo na papasok sa Airlines. Silang tatlo ay ganap na Flight Attendant na ngayon. “Oo, ako nga.” tango niya. Ngumiti si Jamaicah sa kanila nang sabay-sabay siyang y

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status