LOGIN
Bea's POV
Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako para magsaing. Maaga na naman kasing tutulak sina Lola at Lolo sa bukid para magtanim kasabay ng pinsan kong lalaki na nagpapalay kaya kailangan kong maghatid ng pagkain sa kanila. Maigi na rin iyong maaga dahil natatapos ko agad ang gawaing bahay, nakakapagfocus pa ako sa paghahanap ng trabaho sa online. Habang hinihintay maluto ang sinaing, nagwalis muna ako sa harap ng bahay, nagdilig ng mga halaman at binuksan ang maliit na tindahan na kahit papaano ay may kinikita para sa gamutan nila Lola at Lolo. Sabi nila sanggol pa lang daw ako no'ng iwan ako ng nanay ko sa kanila at hanggang ngayon wala pa ring balita sa kanya maski sa tatay ko. Pero masaya na ako kung anong meron ako ngayon. Hindi ko na sila ganun iniisip. Punong-puno naman ako ng pagmamahal dahil sa Lola at Lolo ko. Walang kapantay na pagmamahal ang binigay nila sa akin. Bandang alas sais ng umaga, nagtimpla na ako ng kape nila, bumili na rin ng tinapay sa kalapit na bakery. Dahil dito nagkakape ang pinsan ko, dinamihan ko na rin ang binili ko. "Magandang umaga, apo," bungad ni Lola mula sa loob. Dito sila madalas mag-almusal sa labas. May ginawa kasing shed dito si Lolo na napapalibutan ng bulaklak na ginawa naming tambayan. "Wala pa si Jun? Maaga 'yon pumupunta rito, ah." "Baka hindi pa po gising?" sagot ko habang namimitas ng bulaklak. "May kape na po dyan saka pandesal. Mainit pa. Si Lolo po?" baling ko sa kanya. "Naligo na agad?" "Kilala mo naman ang Lolo mo, ligo agad pagkagising. Ginamit na yata niya 'yong ininit mong tubig," ani Lola. "Sige lang 'La, ipag-iinit ko na lang po kayo kung sakaling maubos niya," sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa. "Kamusta naman ang pag-aapply mo sa trabaho? Wala pa rin bang tumatawag sa'yo?" tanong nito na nagpatigil sa akin. "Huwag kang mapressure, apo. Huwag mo kaming alalahanin ng Lolo mo. Kung gusto mong pumunta ng Maynila, hindi ka namin pipigilan." "Nag-aapply po ako sa online. Naghihintay lang po ng tawag. Ayoko po mo nang umalis," rason ko kahit ang totoo, ayokong iwan sila rito. Wala silang kasama dito. Wala ring mag-aalaga sa kanila. Kahit pa sabihin nilang malakas pa sila, hindi ako makampante. Gusto ko silang isama sa Maynila. May savings naman ako para sa uupahan namin doon pero alam ko, ayaw nila. Mas gusto nila dito. Mas tahimik. Mas payapa. Panatag ang loob nila rito. Narinig ko na lang itong bumuntong hininga at hindi na nagsalita pa. Alam niya kasing iniiwasan ko ang topic na 'yon dahil naiiyak ako. Ayoko talagang umalis na hindi sila kasama pero alam kong iniisip din nila ang future ko. Ayaw nilang matali ako rito sa probinsya. Lumipas ang ilang minutong katahimikan, dumating na rin si Jun pero ang pinagtaka ko may kasama siyang lalaki na may dalang maleta. Sino naman kaya 'to? Barkada niya? Balak patirahin dito? Tumayo ako, pilit kinikilala ang lalaking kasama niya pero hindi pamilyar sa akin. Ngayon ko lang nakita pero gwapo na moreno. "La! Lo! Si Kuya Radleigh!" sigaw ni Jun habang binubuksan ang gawa sa kahoy na gate. "Nandito na ho siya!" "Naku, Radleigh, hijo! Bumalik ka!" si Lola na sa sobrang tuwa halos matapilok na sa pagmamadaling salubungin ang lalaki. Tumabi na lang ako at napasunod ng tingin kay Lolo nang dumalo rin sa kanila. Sa nangyayari, para ako na lang iyong naiwang gulong-gulo rito. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o mananatili na lang dito. "Bea! Bakit nakatayo ka dyan? Mag-mano ka sa ninong mo!" sigaw ni Lola kaya sa taranta ko, nagmadali akong pumunta sa kanila at muntik nang sumubsob, buti na lang at nasambot ako ng lalaki. Nakakahiya. "Bata ka. Mag-ingat ka." Napayuko ako. "Pasensya na po." Kinuha ko agad ang kamay ng lalaki at nagmano. Nanatili akong nakayuko paglayo ko. Hindi ko yata kayang tingnan ang lalaki o sabihin nating ninong ko. "Pasensya ka na, hijo, mahiyain talaga 'yan. O siya at tumuloy ka na sa loob nang makapagpahinga ka," imbita ni Lola sa lalaki. "Bea, ayos lang ba kung doon muna siya sa kwarto mo magpahinga? Ipapaayos ko muna iyong attic kay Jun para doon ka muna." "Huwag na ho, 'La. Ako na lang sa attic. Kami na lang po ni Jun ang mag-aayos doon. Hindi naman po ako pagod," giit ng lalaki. "Besides, babae po siya." Pumintig ang tenga ko sa sinabi niya. Anong meron kung babae ako? "Ikaw talagang bata ka, napaka-strikto mo pa rin sa babae. O siya sige na, doon ka na sa attic kung 'yon ang gusto mo," wika ni Lola. "Bea, ipagtimpla mo muna ang ninong mo ng kape. Pampalakas niya 'yan, eh." Nagtawanan sila pero ako nakayuko pa rin at tumango na lang. "Opo, 'La. Pasok na po ako sa loob." Tinalikuran ko sila ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ng bahay, narinig ko ang sinabi ng lalaki na nagpabagal ng lakad ko. "Siya na ba 'yon?" tanong nito. "Oo, iyong iniwan sa amin," rinig kong sabi ni Lola. "Salamat sa pagpapadala mo sa amin ng pera at nakaya naming buhayin siya at paaralin." Napalunok ako. Siya ba 'yong sinasabi sa akin ni Lola noon na nagpapaaral sa akin simula highschool hanggang college? Hindi na ako nakinig sa usapan nila at dumiretso na ng kusina. Nagpainit ako ng tubig at dinamihan na dahil ipanliligo pa ni Lola. Pagkatapos, nagtimpla ako ng kape para sa lalaki at kay Jun saka lumabas na rin, pero hindi ko sila nadatnan doon, si Lola lang at Lolo. "Nasa taas sila, apo," wika ni Lolo. "Inaayos ang attic." "Ah, sige po." Bumalik ako sa loob, umakyat sa taas at dumiretso na sa attic. Pagdating, yumuko ako ulit nang makita ko ang lalaki. Hindi ko alam ba't nahihiya ako. Hindi ko siya matingnan. "Bea! Dito!" sigaw ni Jun kaya dali-dali akong pumunta sa kinaroroonan nila. "Sa wakas, may kape na. May pandesal dito Kuya Rad. Pampalakas." Mahina itong tumawa at saka humigop ng kape. "Tapusin ko lang 'to. Mabilis lang," saad ng lalaki na hanggang ngayon hindi ko pa rin matawag na ninong. "Hindi pa naman siguro lalamig 'yan, Bea?" Napatingin ako sa kanya, mata sa mata. "P-Po? Ah, opo, hindi po." Nginitian niya ako. "Nahihiya ka pa rin ba sa ninong mo?” Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi naman po," mahinang sagot ko, ramdam ang pag-init ng mukha ko. Panandaliang katahimikan ang namayani habang patuloy na nagpupukpok si n-ninong. “Bea?” biglang tawag niya kaya napa-angat ako ng tingin. “P-Po?” “May boyfriend ka na ba?”"R-Ryu?" hindi makapaniwalang bulalas ko. "Anong ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa basket ng mangga na nilapag niya sa sahig."Delivery," tipid niyang sagot. He ignored me. Sinilip niya kung may tao sa loob. "Ang lolo mo?""Sa a—""Hijo, nandyan ka na pala!" bungad ni Lola na nasa tabi ko na agad. "Naku, mukhang marami-marami ang maibebenta ko niyan. Pasok ka, hijo."Nilipat ni Ryu ang tingin sa akin. "Are you going to stand there? Ipapasok ko 'to."Nakaramdam ako ng hiya. Tumabi agad ako at halos hindi huminga ng pumasok siya. Naamoy ko iyong amoy niya at masasabi kong naligo na siya. He smells so fresh, habang ako... baka amoy isda, or should I say, amoy talagang isda.Huminto siya sandali sa tapat ko bago tuluyang pumasok. "You smell..." Pinasadahan niya ako ng tingin at hindi na itinuloy ang sasabihin saka ako nilampasan.What... was that? Sinasabi ba niyang mabaho ako?Ugh! Nakakahiya, Bea! Dapat naligo na ako kanina pa eh! Hindi ko naman kasi alam na pupunta siya rito para mag
Naramdaman kong nanigas si Ryu nang hawakan ko siya sa pulsuhan. Pinadaosdos ko ang kamay ko sa palad niya hanggang sa tuluyan kong mahawakan ang kamay niya at isinabit sa darili niya ang paper ba.Kumabog ng mabilis ang puso ko sa intereaction na 'yon, pero pinili ko pa ring bumitaw."I know you're tired and haven't eaten yet, please accept it," halos pabulong kong sabi sa kanya, tinutukoy iyong pagkain na in-offer ko sa kanya kanina. "M-Mag-iingat ka, Ryu." Na para bang isang kasalanan na banggitin ko ang pangalan.Nahagip ng mata kong tinanggal niya ang kanyang mask, pero naka-sideview lang siya. Hindi na ako nag-abalang pagtuunan ng pansin ang mukha niya at tumalikod na.Alam kong ayaw niyang ipakita ang mukha niya ninuman, pero hindi nakaligtas sa akin iyong peklat niya sa ilalim ng mata.Bago ako tuluyang umalis, tumayo ako sa pampang at kumaway habang siya, papaalis na. Nakita ko rin ang mga kasama niya na nakasunod sa kanya, na kumaway sa akin pabalik.Pagbalik ko sa palengke,
"You..." pabulong na sabi niya, ang boses niya ay mas lalong lumalim.I felt like I was hypnotized."B-Bakit hindi mo tanggalin ang mask mo?" basag ko sa katahimikan, bagama't nanginginig ang boses ko. "Masyadong mainit dito sa palengke. Hindi ka ba nasasakal? Tanggalin mo 'yan para makahinga ka nang maayos."Tinitigan niya ako nang ilang segundo, tila kinikilatis ang bawat parte ng mukha ko. Bahagyang gumalaw ang panga niya, ngunit bago ko pa mahulaan ang iniisip niya, bigla siyang umatras nang isang hakbang at iniwas ang kanyang tingin."No need," matigas at maikli niyang sagot habang inaayos ang kanyang bonnet, saka pinunasan ang pawis sa noo. "I'm used to this."Ipinagpatuloy niya ang pagtanggal ng tinik sa isda, pero napansin ko na mas mabilis na ang galaw niya ngayon, tila ba nagmamadali siyang matapos ang ginagawa niya. Hindi na siya nagsalita pa muli, at ako naman nanatiling nakatayo sa tabi niya, tahimik na nanonood.Matapos ang ilang minuto, malinis na ang tatlong malalaking
Bea's POVBinalot kami ng katahimikan habang naglalakad pabalik sa pwesto nina Lola. Mabilis niyang binitawan ang pulsuhan ko nang marealize niyang hawak-hawak niya ako, at kahit nakamaskara siya, ramdam ko ang biglang pagkailang sa pagitan naming dalawa.Normal lang siguro na mailang kasi ngayon lang kami nagkita? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng tib0k ng puso ko?Mahina akong umiling. Dapat nagpacheck-up ako sa puso bago tumulak dito, pero ngayon lang naman nangyari 'to. Ano ba 'yan!"Dito ba?" malamig niyang tanong nang makarating kami sa lamesa kung saan nakakalat ang mga bangus at tuna."O-Oo, dito," sagot ko, pilit na pinapakalma ang sarili ko.May sira na yata ang puso ko. Kanina no'ng hawakan din niya ako, pakiramdam ko nakuryente ako.Sinuot ko ang apron ko habang si Ryu naman kumuha ng isang malaking bangus. Pumuwesto ako sa tabi niya, as in sobrang lapit. Masyadong maingay ang palengke, may sumisigaw ng presyo ng gulay at isda, may nagtatagistisan n
Bahagyang natigilan ang lalaki sa pangalang binanggit ni Bea. Kumunot ang noo nito, bakas ang kalituhan sa kanyang mga mata sa likod ng mask."I'm sorry, what did you call me?" tanong muli ng lalaki, sa parehong baritonong boses na limang taong gabi-gabing naririnig ni Bea sa kanyang mga panaginip. "My name is Ryu, Miss. Are you alright? You look like you've seen a ghost."Napahawak si Bea sa kanyang dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso niya—iyong pamilyar na kaba, iyong sakit, at iyong pag-asa na pilit niyang ibinaon, lahat iyon bumalik sa isang iglap. Hindi siya pwedeng magkamali. Kahit nakamask ito, kahit balot ang ulo, ang boses na iyon... ang mga matang iyon..."Rad... is that really you?" nanghihinang tanong ni Bea, nagsisimula nang manlabo ang paningin dahil sa luhang nagbabadyang pumatak.Tumingin lang ang lalaki sa kaniya, bakas sa mga mata na hindi siya nito kilala. "I'm afraid you have the wrong person, Miss. Excuse me, I have work to finish."Tumalikod ang lalaki at binuhat
THIRD PERSON POVMaraming taon ang lumipas, ngunit bawat sulok ng mansyon ng mga Anaji ay tila nakaukit pa rin sa alaala ng isang lalaking hindi na muling natagpuan. Gayunpaman, sa gitna ng malawak na hardin kung saan dati may isang puting kabayong naglalakad kasama ang alaala ni Radleigh, isang bagong buhay ang nagbigay ng kulay sa bawat umaga."Mama! Look! I caught a butterfly!" sigaw ng isang maliit na bata, puno ng sigla ang boses nito habang tumatakbo patungo kay Bea.Si Rion. Limang taong gulang, may mga matang singkit at mapupungay, at panga na tila ipininta mula sa mukha ni Radleigh. Siya ang buhay na imahe ng lalaking nawala sa dagat, ang consolation prize na tinawag ni Chia noon, na ngayon ay siyang sentro ng mundo ng buong pamilya Anaji.Napangiti si Bea, isang ngiti na bagama't may bahid pa rin ng nakaraan na puno ng pag-asa. Lumuhod siya para pantayan ang anak at pinunasan ang pawis nito sa noo. "Ang galing naman ng baby ko. But you have to let it go, Rion. Butterflies b







