LOGIN"Itinakda na siyang ikasal. Kaya wala ka ng magagawa pa. Ang ama na niya ang nagdesisyon at wala kang laban doon. Jeff, gusto man kita tulungan ay wala rin akong magagawa. Si Grace ang nawawalang bunsong anak ni Mr. Sison Santiago. Nakikita mo naman sa mga litrato at walang bahid na kasinungalingan 'yan. Kailangan mong tanggapin ang desisyon na 'yon. Layuan mo si Grace habang hindi pa si Mr. Sison ang nag-uutos sa 'yo. Ang totoo nga si Jackson mismo ang nag-utos sa akin na sabihin ito sa 'yo." Hindi pa rin ako makapaniwala. Paano nangyari 'to. Akala ko ay nasa simpleng pamilya lang si Grace. Pero hindi ko pala siya kayang abutin. "Kung ganun ang nagpakilalang Jack sa akin ay si Jackson?" Tanging tango naman ang isinagot niya. "Gelo, salamat sa mga sinabi mo. Salamat dahil pinaalam mo sa akin. Pero kahit na anong mangyari, hindi ako papayag na ikasal si Grace sa iba. Dahil sa akin siya ikakasal kahit na ano ang mangyari." Wala akong pakealam kung ano ang magiging kahihinatnan ko k
• • • • • • • • • • Nakangiting lumabas si Lisa sa bahay ni Jeff. "Nang marinig ko ang sinabi ni Jeff. Halos maging masaya ako. Dahil sa wakas ay nagtagumpay din ako. 'Yon lang pala ang magiging sagot para tuluyan siyang mawala dito sa bahay ni Jeff. Hayts, salamat naman sa magaling kong pag-iisip." Ito ang naging saad niya sa isipan niya habang naglalakad siya. "Oii, ang tapang tapang mo talaga. Pinahanga mo na naman ako Lisa. Sino ba ang makakapagtahimik ng bibig mo, huh?" biglang pagsulpot ni Dwane. Natatawa siyang inaasar si Lisa. "Bwesit ka talaga! Anong ginagawa mo huh? Sinusundan mo ba ako huh?" inis na inis na aniya ni Lisa sabay ayos ng buhok niya. Ngunit, tawa lang binigay sa kaniya ni Dwane. "Ano ba? May nakakatawa ba? Ako, hindi ako natatawa, okay?" pagtataray niya. "Alam mo, ikaw ang taray mo. Hindi lang 'yon ah, dahil ang OA mo rin. Alam mo naman na ito ang daan papunta sa labas. Tapos sasabihin mong sinusundan kita? Tsk! Aminin mo na kasi sa akin Lisa. Crush
Dinala ako ni Dwane sa bar. Napa-sapo ako sa noo ko, anong gagawin namin dito? Tanghaling tapat dito pa niya inisip na dalhin ako? "Walang hiya ka talaga! Umuwi na lang tayo imbis na mag-inom ng ganitong oras. Wala ako sa mood ah para makipagbiruan sa 'yo." Agad kong reklamo sa kaniya subalit tinawanan lang ako. "Para ma-relax ka, ayaw mo ba? Matuwa ka na lang kaya, kasi dinala pa kita dito," pagtatanggol pa niya sa sarili niya. "Baliw ka ba? Iinom talaga tayo ng ganitong oras? Iuwi mo na ako, wala akong oras para diyan. Bwesit ka talaga Dwane. " Napasandal na lang ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata. "Sige na, larga na. Ihatid mo ako sa bahay, gusto ko magpahinga," sabay singhap ko. "Sige na nga. Parang nagbibiro lang naman," sabay tawa niya. "Ang ganda ng biro mo, ang sarap mong sapakin," walang ganang aniya ko ngunit tumawa pa rin siya. Naramdaman ko na Lamangan na umaandar na ulit ang kotse. Hanggang sa hindi ko namamalayan na unti-unti na akong nakakatulog.
JEFF CRUZ POINT OF VIEW Wala ako sa sariling pumasok sa kompanya ko. Kasama ko dito si Dwane. Wala man lang akong salita na masabi. "Tama na nga 'yan bro. Kagabi ka pa nagmumokmok. Alam mo ba pupunta dito mamaya ang lolo mo. Kailangan mo umayos. Masyado kang malungkot at wala sa sarili. Ano na lang ang isipin ng lolo mo sa 'yo? Gusto mo bang isipin niya na mahina ka pa rin? Tsk! Kahit na anong mangyari. Ipakita mo sa kaniya na kaya mo. Babalik pa rin naman sa 'yo si Grace. Kailngan niya lang magpahinga nang maayos at tama ang desisyon ng kuya niya. Mas mabuti pa nga 'yon para sigurado talaga ang kaligtasan niya," mahabang sanaysanay ni Dwane. "Pati ba naman ikaw bro, iniisip mo na nagiging masama lang ang lagay ni Grace sa akin? Kapahamakan lang ba ako sa kaniya?" walang ganang tanong ko. Habang nasa malayo pa rin ang tingin ko. Hindi nga ako maka-upo nang maayos. Mukha akong tanga dito na naghihintay ng kung ano ang darating. Pero si Grace lang talaga ang nasa isip ko pati na ri
P A N I B A G O N G A R A W Sabay-sabay na bumaba ang mga bata patungo sa dining area. Hinihintay sila ng kanilang lolo at mga uncle. Nang malapit na ang mga bata sa dining area. Tuwang-tuwa ang kanilang lolo at mga uncle nang makita sila. "Oii, masaya silang lahat. Dapat tayo rin. Ngumiti tayong lahat. Para maging masaya ang buong pamilya," aniya ni John kahit na meron pa siyang dinadamdam na kalungkutan. "Sige," sabay-sabay na sagot ng mga kambal niya kahit mga malungkot rin ang mga ito. Deretsahan na silang nagtungo sa dining area. Nakangiti at masayang masaya. "Good morning po lolo at mga uncle namin!" sabay-sabay na sigaw ng mga bata sabay ngiti nila. "Ang bait naman. Good morning mga apo. Dito na kayo umupo." Inasikaso ng mga uncle nila ang upuan nilang apat. Magkakatabi sila. Maayos at masaya rin silang umupo. "Wow ang bango naman po ng mga food po dito. Gusto ko po ng fried chicken!" natutuwang sigaw ni Gia habang natutuwa ito. Dahilan na mas lalong umingay ang
JACKSON POINT OF VIEW Nakarating na kami sa bahay namin. Maayos na rin ang lagay ni Grace sa silid niya habang naka-upo si Jayson sa tabi ni Grace at sinusuri na rin ang lagay ni bunso. "Ang mga bata?" seryosong tanong ko habang nakatuon ang tingin ko kay Grace. "Ahm tulog na sila bro," sagot naman ni Julian. "Jayson, kunin mo na itong pagkakataon upang maoperahan ang mata ng kapatid natin. Hindi na natin siya hihintayin pang magising ng ilang araw. Maayos na rin naman ang lagay niya." Wala akong oras ngayon para hindi magseryoso. Hindi ko gusto na makitang ganito ang bunsong kapatid namin. "Are you sure? Pero kailangan ng ilang araw." Tumayo si Jayson. Seryosong tumingin sa akin. "Patunayan mo na magaling kang doctor. Huwag mo sabihin na hindi mo gagawin? Ikaw na ang nagsabi na pagbalik dito ng bunso natin ay gagamutin mo agad siya. Kaya tumupad ka sa sinabi mo. Gawin mo ang lahat nang sa ganun paggising ni Grace may paningin na siya." Hindi ko batid kung bakit bigla na lang
Inalalayan ako ni Jeff papunta sa dining area na sinasabi niya. Pagkarating namin doon mas lalo pang rinig ko ang boses ng mga anak ko. "Hello po mommy, good morning po...." Bungad agad nila sa akin. Parehong masaya Sina Gerald at Gia base sa mga boses nila. Tumakbo sila papalapit sa akin at niyak
Hinihintay ko pa rin si Jeff. Excited akong makain ang luto niya. --- Ilang saglit ang nakalipas. Amoy ko ang sobrang sarap na sabaw. Nilaga ang naamoy ko. Sa amoy pa lang nito ay nabubusog na ako. Mas lalo tuloy akong napapatakam. Sa sa amoy pa lang mabango na. Sure ako na masarap nga ang timpl
GRACE POINT OF VIEW Ibubuka ko pa lang mata ko ramdam ko na ang sakit sa ulo ko. Medyo mahina pa ang katawan ko. Igagalaw ko na sana ang kamay ko pero naramdaman kong may nakahawak. Hindi ito kamay ng mga anak ko dahil maliit lang naman ang kamay nila. Hindi kagaya nito malaki at tila'y lalaki.
"Diyan, gusto mo ba 'yan?" malambing na tanong ni Jeff kay Gia. Tila'y may tinuturo siya sa anak ko. "Opo, ang ganda po ang dami pong butterflies at bulaklak po. Tapos ang bago pa po ng hangin...." masayang sagot ni Gia. Kahit ako ay nalalanghap ko ang mababangong halaman. Pero, tila'y hindi it







