LOGINJEFF POINT OF VIEW
"Ayan ka na naman lolo ehh, pwede bang tumigil ka na diyan," aniya ko kay lolo sabay buntong hininga ko. "Jeff, wala ka bang balak na magkaroon ng tagapagmana sa mga ari-arian mo? Matanda na ako, gusto ko ng magkaroon ng apo. Kaya naman, bigyan mo na ako." Labis ang panggigigil ni lolo. Napapakamot na lang ako sa batok ko. Kanina pa kami nag-uusap ni lolo habang patuloy kaming naglalakad. May roon din kaming kasama na mga tauhan. At ang aking matalik na kaibigan na personal assistant ko. Ngunit, nanatili lamang silang sumusunod sa likuran. "Lolo naman, paano kita mabibigyan kung wala naman akong minamahal..." Hayts, hindi ko na alam kung paano magpaliwanag kay lolo. "Paano nga ba? Kung patuloy mo pa rin hinihintay ang isang babae noong 6 na taon nang nakalipas?" Mas lalo pang nanggigil si Lolo. Samantalang nanlaki na lang ang mata ko sa gulat ko. "Huh????" Halos napatigil kaming lahat sa paglalakad. Isa pa, sino nga ba ang hindi magugulat? Paano ba naman kasi? Kami lang ng assistant ko ang nakaka-alam sa bagay na 'to. Tapos ngayon bigla ko na lang maririnig sa labi ni lolo? Lutang akong napatingin sa assistant ko. Nang tumama ang paningin ko sa kaniya, ngumiti lamang siya at sunod na napayuko. Ah! Gets ko na! Kaya alam ni lolo, dahil sinabi ng assistant ko? "Lolo, alam mo ba ang salitang "love at first night?" Ganun 'yon Lolo, kaya hindi ko makakalimutan ang napakagandang babae na 'yon," labis ang ngiti na lumabas sa labi ko. Tama, lagi akong napapangiti kapag naiisip ko ang nangyari noong isang gabi. At maganda siyang babae. Pero, bigla na lamang siya nawala at hindi ko na mahanap pa. Nakakalungkot na hindi ko siya makita ulit. Gayunpaman, maghihintay pa ako ng ilang taon na makita siya. Dahil siya ang gusto kong pakasalanan. "Aray!" Bigla na lamang akong napasigaw. "Lolo naman, bakit ka nang babatok?" reklamo ko pa. Sturbo ehh, iniimagine ko pa nga ang babaeng 'yon. Kung paano kami naghalikan, nagyakapan. Grabe, ang damdamin ko! Lumiliyab! "Baliw ka talagang bata ka! Love at first night? Akala mo ba makakabuo ng bata ang isang gabi lang? Isa pa, sige nga, nasaan na ba ang babae na 'yan?" Inis na inis niyang aniya. "Dahil ngayon pa lang mismo, maghahanda ako ng engrandeng kasal para sa inyong dalawa. At bigyan niyo rin ako ng maraming apo," sabay ngiti ni lolo. Grabeng mood swing ni lolo ahh. Kanina lang gigil at na iinis, ngayon bigla na lang ngingiti? Kung sa bagay, kapag binabanggit ang apo bigla na lang siya matutuwa. "Ahmm, kaya nga lolo. Bigyan mo pa ako ng oras, dahil ramdam ko na malapit na kaming magkita," sabay kindat ko. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nga, may nangyayaring hindi maganda sa babaeng labis kong minamahal. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ngunit, bigla na lamang may dalawang bata ang bumangga sa binti ko at sa binti ni lolo. "Bakit familiar ang mga batang ito sa akin?" pagtatakang tanong ko sa isipan ko. "Aba! Jeff! Tingnan mo! Ang aking apo!" Labis ang tuwa sa mukha ni lolo habang sinisigaw ito. Gwapo naman ang batang lalaking ito. "Lolo, ayan ka na naman," sambit ko. Pero bakit? Bakit parang pakiramdam ko malapit sa akin ang mga dugo ng mga batang 'to. "Tama ka diyan Lolo. Bro, tingnan mo magkamukhang-magkamukha kayo ng maliit ka pa," singit ng assistant ko matapos itong nakangiting lumapit sa bata. Hindi ko alam kung nahawaan na ba siya ni lolo. "Hindi ko makakalimutan ang mukha mo ng mga bata pa tayo bro. Dahil palagi tayong magkasama. Tingnan mo kasing mabuti, magkamukhang-magkamukha nga kayong dalawa," dagdag pa niya. "Apo, ano ang pangalan mo?" napaluhod si Lolo ng tinanong ang batang lalaki. "Gerald po ang pangalan ko." Ang lamig ng boses ng bata. Hindi naman kaya natatakot siya sa amin? "Jeff, siya daw si Gerald. Nahanap ko na ang apo ko," sabay lingon sa akin ni lolo. Nakita kong may kung anong binulong ang batang babae kay Gerald. Magkahawig din silang dalawa. Hindi naman kaya ay kambal ang dalawang bata? "Apo, ano ang apelyedo mo?" dagdag na tanong ni lolo. "Santiago po." Agad na nanlaki ang paningin ko. Santiago? Matapos ang isang gabi ko noon sa babaeng 'yon. Pina-imbistiga ko kung sino siya. At nalaman kong Santiago ang apelyedo niya. Ang buong pangalan ng babaeng 'yon ay Grace Santiago. Pero matagal ko na siyang hindi mahanap sa lugar na 'to. "Sabihin mo sa akin, ano ang buong pangalan ng mommy niyo?" deretsahang tanong ko. Biglang napayakap kay Gerald ang batang babae. Dahilan na mapatayo si Lolo at lumapit sa akin. "Huwag mo nga takutin ang mga apo ko," sabay batok ni lolo sa akin. "Hindi ko naman tinatakot Lolo, nagtatanong lang naman ako," reklamo ko pa. "Nagrereklamo ka pa talaga." "Bro, ang mga bata!" biglang sigaw ng assistant ko. "Ang aking mga apo!" mangiyak-ngiyak na sigaw ni lolo matapos namin makitang tumakbo ang mga ito. "Kasalanan mo 'to Jeff, dahil tinakot mo ang mga apo ko." Nasisi pa talaga ako. "Mga tauhan! Sundan niyo ang mga apo ko. Huwag niyong tatakutin, maliwanag?" seryosong utos ni lolo. Agad naman na sumunod ang mga tauhan. "Bro, Lolo, tingnan niyo 'to." Sabay kaming napatingin muli sa assistant kong si Dwane. "Buhok ni Gerald!" Tuwang-tuwa na sigaw ni lolo. Tumango naman si Dwane. "Halika Jeff, magpa-DNA ka," sabay hawak ni lolo sa kamay ko. Mukha akong bata na binibitbit niya. "Sandali lang lolo, kaya ko naman maglakad. Huwag mo na ako hawakan sa kamay ginagawa mo akong bata," patuloy kong reklamo. "Bilisan natin, excited na akong magkaroon ng maraming apo." Hayts, talagang iniisip nito puro na lang apo. Habang naiinis ako kita ko ang napapangiting labi ni Dwane. "Matuwa ka na lang bro, imbis na mag-ingay ka diyan o magreklamo. Intindihin mo na lang si lolo, excited na siyang magka-apo," singit pa ni Dwane habang natatawa ito. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala. Hindi bale na nga. Gusto ko rin naman malaman kung anak ko ang mga batang 'yon.Masaya akong marinig ang magandang balita na buntis si Lisa kay Dwane. Tuluyan na rin muna silang nagpaalam dahil marami pa silang gagawin. Kaso nga lang ang nakakalungkot ay wala pang alam ang mga pamilya nila sa pagbubuntis ni Lisa. Gayunpaman, nandito lang kami ni Jeff para suportahan silang dalawa. "Mahal, sa tingin mo ba matatanggap ng pamilya mo at pamilya ni Lisa ang anak nila ni Dwane? Nag-aalala kasi ako eh," mahinang wika ko kay Jeff.Nandito pala kami ngayon sa balcony at dalawa lang kami ni Jeff."May tiwala ako, gusto ni Dad ang magka-apo lalo na si lolo." Kahit paano medyo nabawasan na ang pag aalala ako. Pero hindi naman totally. "Alam mo Grace, nakita ka na rin ni lolo at ng ang mga anak natin. Masayang-masaya si lolo na makilala niya kayo. Kaso lang hindi niya nagawang nakapalit at makahawak sa inyo dahil pareho pa kaming natakot noon na baka ilayo mo sa amin ang mga bata. Pero, I'm sure na pagbalik ni Lolo, hindi niya hahayaan na mawala ang mga apo niya." Nakakatab
Sa mga napag-usapan namin. Dito na ako napaisip na muling nagtiwala kay Lisa. Dahil hindi lang siya ang nagpapatunay nito kundi si Jeff na rin at Dwane. Maya-maya pa, saktong dumating na ang mga bata. Kaya naman agad kaming napatigil sa mga naging drama namin. "Biniyayaan talaga kayo ng mababait na anghel," nakangiting tugon ni Lisa. Subalit hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Dahil sa lalim ng tingin na ibinigay nila kay Lisa. "Hmmm, bakit po ang bait niyo po ngayon auntie? Sinasabi niyo lang po ba 'yan para maging mabuti sa harap ng Dad namin. Para pakasalan ka niya ulit?" galit na aniya ni Gia. "Anak, huwag magsalita ng ganyan,"pagpipigil ko. Napayuko ang batang 'to. Subalit kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Mom, totoo naman po ang sinabi ni bunso eh. Tyaka, ikaw naman Auntie Lisa. Hindi mo na makukuha ulit sa amin ang Daddy namin. Dahil sa susunod sila na ni mommy ang ikakasal sa isa't isa. Hindi po kayo ni Dad hmmp!" galit din na dagdag ni Juliana. Napailing na lan
Narito pa rin kami sa sala. Masyadong humahaba ang pag-uusap namin hanggang sa may natanong si Jeff kay Dwane. Pero, hindi ko inaasahan ang tanong na binitawan niya."Totoo ba talaga ang buntis si Lisa?" ikinagulat ko ito. Subalit, matamis na ngiti ang ibinigay ni Dwane. Kasabay nito ang paghawak ng mabait niya sa kamay ni Lisa. Sa nakikita ko. Tila'y maganda ang relasyon nilang dalawa. Ngunit, paano nangyari? Ilang weeks lang naman kaming nawala. "Yes, she's pregnant with me. I'm very happy na sa wakas ay isa na akong ama sa babaeng matagal ko ng mahal." Wala akong nakitang pagsisisi sa mga mukha nila. Dahil ang nakikita ko ay ang matamis nilang ngiti."Totoo na buntis ka Lisa? Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin kanina habang nag-uusap tayong dalawa?" pagtataka ko na may halong pag-aalala ko rin. "Ang mahalaga ngayon ay alam mo na. Tama, buntis ako at si Dwane ang ama. Wala naman akong balak magpabuntis sa ibang lalaki," sabay ngiti niya. Gulong-gulo pa rin ang laman ng utak ko
"Pinagsasabi mo Lisa? Huwag ako ang utuin mo ulit. Ginawa ko na ang lahat para ibigay sa 'yo ang tiwala ko. Kaya huwag na huwag mo na akong uutuin pa ulit dahil wala kang mapapala sa akin!" imbis na maniwala ako sa mga sinasabi niya. Ngayon ako natutong komontra. "I know, hindi mo talaga ako basta-basta mapapatawad. Pero totoo ang mga sinasabi ko sa 'yo. Tinuri kitang tunay kong kaibigan. Ginawa ko ang lahat para protektahan ka. Nagsinungaling ako at nagpanggap para mailigtas ka!" Kitang-kita ko ang panginginig ng labi niya. Umiiyak at nagmamakaawa sa akin. Ngunit, hindi ko pa rin alam kung magtitiwala pa ako sa kaniya."Protektahan? Tinuring tunay na kaibigan? Kung gano'n bakit mo hinayaan na muntik akong gahasain ng kuya Lui mo? Bakit mo hinayaan na saktan niya ako? Higit sa lahat bakit niyo nilagyan ng kakaibang gamot ang ininom ko? Tapos sasabihin mong pinoprotektahan? Sa tingin mo ba madali lang ako maniniwala sa mga walang kwenta mong mga salita?" Pareho na kaming dalawa ang n
Sa gitna ng kainan naging tahimik lamang kaming lahat. Tanging ang mga kutsara, tinidor, plato, baso lang ang gumagawa ng ingay--- mga gamit sa pagkain namin. Ewan ko ba, wala akong ganang makipag-usap ngayon. Nakatuon lamang ang tingin ko sa kinakain ko. Tysaka na siguro ako magsasalita kapag may ma una na.Lumipas ang ilang minuto, wala pa rin pagbabago sa nangyayari. Tahimik pa rin kami. Hanggang sa..."Mommy, pwede po ba kami maglaro mamaya sa bakuran?" Pagbagsak ni Gerald sa katahimikan. Napatingin ako sa mga bata. Nagpapa-cute silang nakatingin sa akin."Ahm, sige mga anak ko. Maglaro lang kayo. Basta huwag lumabas ng bahay ah. Huwag kayong lalayo, okay?" nakangiting sagot ko sa kanila."Yes po mommy. Maraming salamat po," sagot ni Gerald. Saglit ay muling tumahimik ulit. Ngunit, kalaunan lang ay nagsalita ulit ang mga anak ko."Mommy, tapos na po kami. Maglalaro na po kami ah..." nakangiting singit ni John."Magpahinga muna kayo saglit. Tapos maglaro na kayo." Sabay-sabay silan
"Mommy, kailan po kaya uuwi si lolo? Malayo kaya ang pupuntahan niya?" tanong ni Juliana. Habang sabay-sabay namin pinagmamasdan si Dad pagsakay sa sasakyan niya. "Hindi rin alam ni Mommy. Hindi sinabi ng lolo niyo. Pero uuwi naman siya," sabay ngiti kong sagot. Gayunpaman, nakaramdam ako ng lungkot. Dahil kung kailan kami ayos na ni Dad at tanggap kami niya kami ni Jeff. Tyaka naman siya aalis. "Ahm, mahal, mga anak. May darating pala tayong bisita mamaya," singit ni Jeff. Napatingin ako sa kaniya. "Sino?" tipid kong tanong. "Sina Dwane at Lisa." Ayos lang sana kung si Dwane lang. Pero bakit kasama pa si Lisa? Anong meron? "Gano'n ba? Sige, magluluto ako ulit para may makain sila dito." Mapait akong napangiti. Kasi naman, magkikita na naman kami ni Lisa. Malungkot ako dahil hindi kami maayos. "Si Auntie Lisa po Daddy? Bakit po? Masungit po siya at sinasaktan si mommy. Bakit naman po siya pupunta po dito? Magpapakasal ka po ba sa kaniya Dad?" malungkot na tanong ni John. "Ba
"Ilang beses ko nang sinabi na hindi kayo kailan man abala sa akin. Kaya huwag mo 'yan isipin Grace. Ako ang boss mo at mas alam ko ang kalagayan niyong mag-ina. Kaya gusto ko na ako mismo ang maghatid sa inyo ng anak mo." Hindi ko alam kung nagalit ko ba siya. "Ano ka ba Jeff, huwag mo na ipili
"Mga anak, itago niyong mabuti ang mga cards na binigay sa inyo ahh. Huwag na huwag niyo ibibigay sa iba. Dahil, importante ang mga bagay na 'yan," maayos na pagpapaliwanag ko sa mga anak ko. "Opo mommy, kami po ang bahala. Don't worry po," sagot ni Gerald. Ramdam ko ang kanilang pagngiti sa pama
GRACE POINT OF VIEW Nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ko. Kahit inaalalayan ako ng dalawang anak ko. Punong-puno ako nang pag-aalala na baka ay tuluyan nang nawala sa akin sina Gerald at Gia. "Juliana, John, nakikita niyo na ba ang mga kambal niyo? Nandiyan na ba sila?" pag-aalalang
Grace Point of view. "Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nganak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-







