LOGIN"Mga anak, itago niyong mabuti ang mga cards na binigay sa inyo ahh. Huwag na huwag niyo ibibigay sa iba. Dahil, importante ang mga bagay na 'yan," maayos na pagpapaliwanag ko sa mga anak ko.
"Opo mommy, kami po ang bahala. Don't worry po," sagot ni Gerald. Ramdam ko ang kanilang pagngiti sa pamamagitan ng narinig kong pagngisi nila. "Give me that Gerald," singit ni John. Akmang magsasalita pa sana ako. Ngunit, bigla ko na lamang na rinig ang pagtunog ng cellphone. "It's ringing!" natutuwang sigaw ni Juliana. Wala na akong magawa kundi ang manahimik at maghintay na lamang na may sumagot sa tawag. Lalo na't iyon na lang din ang paraan para meron kaming matutulugan ngayong gabi. "Hello." Boses sa kabilang linya. Ngunit, hindi ito ang boses na hinihintay kong marinig. Bigla akong nakaramdam ng pagkadismaya na hindi si kuya Jackson ang maririnig ko. Siguro nga ay masyado ko lamang silang na miss kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon. Kalaunan pa, biglang tumahimik. Tila'y natapos na ang kanilang usapan. "Anak, anong balita? Ayos lang ba?" sunod-sunod ko agad na tanong. "Oum mommy, may bahay na po tayo ulit. Sabi po kasi sila na daw po ang bahala na mag-book ng hotel para sa atin po kaya, tayo na po mommy." Kahit paano ay labis pa rin akong natuwa. Wala rin akong choice. Gusto ko lang May magandang matulugan ang mga anak ko. "Yehey! May bahay na tayo ulit!" sabay-sabay nilang sigaw. JEFF POINT OF VIEW Ako ang nahihilo sa ginagawa ni lolo. Kanina pa siya pabalik-balik sa paglalakad niya. Hindi talaga siya mapakali habang hindi pa lumalabas ang result. Hayts, imposible naman na maging anak ko na lang ang kung sino-sinong bata diyan sa labas. Napapraning na talaga 'tong si lolo sa kagustuhan niyang magkaroon ng apo. "Lolo, pwede bang umupo ka naman? Kanina ka pa. Ang lakas pa ng mga tuhod mo ahh," pabirong wika ko. Ngunit, napabuntong hininga lamang siya sa akin. Lumapit sa akin si Dwane. "Bro, sigurado ka bang hindi nagbunga ang isang gabi niyo ng babaeng 'yon? Kasi, parang anak mo talaga ang bata kanina ehh. Sa mukha pa lang hindi na kayo nagkalayo." Napahawak pa si Dwane sa kaniyang baba habang binabanggit ito. Na para bang nag-iisip siya ng maayos. "Tumigil ka nga diyan. Kung nagbunga man 'yon. Dapat hinanap na ako ni Grace. Hindi niya dapat sinolo ang mga anak namin," sabay buntong hininga ko. "Ano ka ba naman. Mag-isip ka nga. Pwede pa rin 'yon gawin ng isang babae lalo na kung iniisip nilang walang kasiguraduhan ang lalaki para sa kanila. Hindi ka naman niya kilala. Tsyaka, ang nalaman lang naman natin sa kaniya ay ang buong pangalan niya. Ang background family niya ay hindi natin nalaman. Malay ba natin kung saang family siya galing, hindi ba? Tyaka malay natin, kung nabuntis si Grace at nalaman ng pamilya niya tapos hindi nila alam kung sino ang ama. Malamang sa malamang, hindi ka nila hahanapin. Kasi iisipin nila na tumakas ka sa responsibilidad bilang isang ama hindi ba?" Sa naiisip ko, tama naman ang mga sinasabi niya. Pero, kahit na ganon. Alam ko na hindi ako naging iresponsable dahil noon pa lang, hinanap ko na si Grace at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin siya. "Pero alam mo bro, kung sakaling may anak nga talaga kayong dalawa. Mapapahanga ako Kay Grace, dahil kaya niyang buhayin ang anak niya ng mag-isa. Ang problema nga lang, hindi ka kilala ng mga anak mo." Bigla na lamang akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Tila ba'y may kung anong malamig na tumutusok sa puso ko. "Ano ka ba. Huwag ka nga masyadong mag-isip nang ganyan. Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko talaga na si Grace ang pakasalanan ko. Dahil siya din naman ang unang babaeng nagalaw ko. Pero isang gabi lang 'yon. Gusto ko man magkaanak sa kaniya. Impossible pa rin sa isang gabi lang." Pilit kong reklamo. Ngunit, nasasaktan talaga ako. Sinabi niya lang naman na hindi ako kilala ng mga anak ko kung sakaling nagkaanak kami ni Grace. "Fine. Tigas mo talaga. Pero dapat tanggapin mo ang bata kung talagang maging anak mo ang batang 'yon. Good news na rin 'yon. Dahil ibigsabihin lang no'n nandito nga si Grace sa lugar na 'to. Ede mas madali mo nang mahahanap ang minamahal mo. Okay?" Kahit paano nagkasaysay din ang sinasabi niya. Tama 'yon. Kaya sana nga anak ko na lang ang bata kahit sa na iisip ko ngayon ay imposible 'yon. Maya-maya pa, sa gitna nang pag-uusap namin. Biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong sinagot. "Where are you anak? Come home, nandito si Lisa, hinihintay ka niya. Galing siya sa ibang bansa kaya dapat nandito ka ngayon. Ikaw ang gusto niyang makita." Ito agad ang naging bungad sa akin ni Daddy. "I'm very busy today. I can't go there. Kayo na bahala sa kaniya, total anak-anakan mo naman siya sa ibang babae mo. Hindi ako interesadong makita siya," walang alinlangan kong sagot. "Bastos! Pumunta ka rito ngayon din. Dito sa Sant Hotel. Huwag na huwag mo akong suwayin, pinapahiya mo ako!" alingawngaw ni Dad. Dahilan na ibaba ko ang tawag. "Bro, mukhang kailangan mo nga talagang harapin. Alam mo naman na hindi sila basta-basta titigil," singit ni Dwane. Nasa isip ko rin naman ito. Dahil kilala ko naman sila. Kahit ayaw ko, kailangan ko pa rin pumunta. Napatayo ako sa pwesto ko. Naka-tatlong hakbang pa lang ako. Tinawag na ako ni lolo. Dahilan na napatigil ako. "Where are you going?" seryosong tanong ni lolo. "I need to go to the Sant Hotel. Lo, may aasikasuhin lang ako saglit," mahinahon na sagot ko. "Mas mahalaga pa ba 'yan kaysa sa malaman ang DNA result?" ramdam ko na naman ang galit sa akin ni lolo. Ngunit, kailangan ko na talagang umalis. "Don't worry lolo, malalaman ko rin naman 'yan. Aalis muna ako, tayo na Dwane," aniya ko pa. Kita ko na pinipigilan lamang ni lolo ang galit niya. Gayunpaman, mabilis na akong umalis sa hospital. Wala rin naman kasiguraduhan na maging anak ko ang bata. Kahit na gustuhin ko pang maging anak ang batang 'yon."Ngayon nakikiusap ka para sa anak mo? Kaso lang masyado niyo ng pinainit ang ulo ko! Kaya naman pasasabugin ko na 'yang mga bungo niyo!" Nanigas na lang ako sa gulat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hanggang sa... "Bhogs!" Isang malakas na tunog ng pagsabog ng baril. Naramdaman ko ang malagkit at mainit na likidong tumama sa katawan ko kasabay ng pagsabog. Nakapikit ako dahil sa takot. Ngunit hindi ko naramdaman na may masakit na tumama sa akin. Kabado kong minulat ang mga mata ko. Hanggang sa malambot ang mga tuhod ko dahil sa tumumbad sa akin. Dahan-dahan na umagos ang mga luha ko. Habang damang-dama ko ang masakit at paulit-ulit na tumutusok sa dibdib ko. "Lisa....." tanging mahinang boses na lumabas sa bibig ko. "Hindi ka pa pwedeng mawala, Grace. Kailangan ka pa ng mga anak mo at ng pamilya mo." Napahagulgol ako ng iyak. Sa kaniya tumama ang bala ng baril na para sa akin. Samantalang napangiti lamang siya at matatag na nakaharap sa akin. "Hindi ko alam na pupunta
"Mommy!" tuwang-tuwa na sigaw ng mga bata matapos ay agad din silang yumakap sa akin. Mula sa kinatataguan ni Gia, lumabas na rin siya at tumakbo papalapit sa amin. "Mommy, salamat po na pumunta po kayo dito. Pero, sana po ayos ka lang po," nanginginig ang labi ni Juliana ng sabihin niya ito. Kita ko sa mga mata ng mga bata na ako pa rin ang kanilang iniisip. Ganito talaga kabait ang mga anak ko. "Pasensya na mga anak ko, natagalan si mommy. Pero ngayong nandito na ako, sabay-sabay na tayong lalabas dito. Wala ng mangyayaring masama sa atin. Basta huwag na huwag kayong lalayo kay mommy, kahit na anong mangyari ah." Sabay-sabay na tumango ang mga anak ko. Hindi na kami pwedeng tumagal pa rito. Kaya naman napatayo na ako nang maayos at nakasunod naman sa likuran ko ang mga bata. Nang papalabas na sana kami. Biglang bumungad sa amin si Lui. Gulat na gulat ako. Samantalang ang mukha niya ay galit na galit sa akin. "Akala mo ba talaga makakaalis kayo dito, Grace? Ang lakas ng loob
"Bitawan mo ang anak ko!" napasigaw na lang ako sabay hampas ko sa lalaki mula sa likuran niya. Pagkabagsak nito sa lupa tinumbad sa akin ang nakakaawang mukha ng anak kong si Gia. Dali-dali akong napayakap sa kaniya. Hindi ko napigilan ang maging emosyonal. "Mabuti naman bunso ligtas ka." Emosyonal ko itong pasasalamat. "Mommy, natatakot po ako dito," umiiyak na wika naman ng anak ko sabay mahigpit na yakap niya sa akin. "Huwag ka matakot anak. Sabihin mo sa akin kung na saan ang iba mo pang mga kapatid. Pupuntahan natin sila doon. Kukunin natin sila at uuwi na tayo sa bahay, okay?" Kahit pilit kong pinapatatag ang loob naming dalawa. Kumikirot pa rin naman ang dibdib ko. "Naghiwalay po kami kanina, Mommy. Tumakas po kasi kami, tapos hinabol po kami ng mga bad guy po. Kaya napalayo po ako sa kanila. Pero, huwag din po kayo mag-alala, Mom. Sure po ako na ligtas po sila. Kasi matatalino naman po sila eh." Ramdam ko sa anak ko na pinapatatag niya rin ang loob naming dalawa.
GRACE POINT OF VIEW "Bogs!" Isang malakas na pagsabog galing sa loob ang kumuha ng atensyon naming lahat. Agad na kumabog ang puso ko. Dahil iniisip ko na nasa loob pa ang mga bata. "The f*ck! What is happening?! Lahat kayo! Pumunta kayo sa loob at tingnan kung ano ang mga nangyayari!" galit na galit na utos ni Lui sa mga tauhan niya. "Tara na!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Lui. Matapos ay sabay-sabay silang tumakbo papunta sa loob. Samantalang naiwan naman si Lui dito sa harapan ko. Halos kumuyom ang kamao niya habang nakatitig sa hide out niya. Kainis, kailangan ko ng kumilos. Baka kung ano pa ang mangyari sa mga anak ko doon sa loob. Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Hanggang sa may nakita kong mabigat na kahoy sa likuran ko. Wala akong ibang maisip kundi ang pulutin ito. Kaya naman, dahan-dahan akong kumilos at sinigurado kong hindi ako makakagawa ng ingay. Nakakainis man isipin na kailangan kong magdahan-dahan. Pero, ito lang sa ngayon ang magagawa ko. Na
"Bakit Jeff? Anong meron? Bakit ka gulat na gulat?" aniya ni Julian."Nakikita ko ngayon ang location ni Grace. Mukhang sinadya niyo itong i-share sa atin. Masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan niya ngayon. Ang tigas ng ulo niya, lumabas siya sa bahay ng hindi man lang pinaalam sa atin."Punong-puno ng pag-aalala ni Jeff."Oh 'di ba? Hindi ako nagkakamali, mali nga ang ibinigay sa atin ni Lui. Kaya ibig sabihin ng shared location ni Grace na 'yan. Gusto niyang sundan natin siya. Kaya, huwag na tayo tumuloy sa lugar na binigay sa atin ni Lui, malamang mapapahamak lang tayo doon," muling wika ni Liam. Agad na pinaatras ni Jayson ang takbo ng sasakyan. "Sige na, Jayson tingnan niyo sa cellphone niyo 'yon ang sundan natin." Seryosong saad ni Jeff. Walang alinlangan naman na sumunod agad si Jayson. Dali-dali nga nilang sinundan ang location kung saan mabilis na umaandar ang sasakyan ni Grace. "Malayo pa si Grace sa atin. Saan ba talaga siya pupunta? Talaga bang pupunta siya kay Lui? Ha
Nang bumalik sa kusina si Lisa, hindi na niya nadatnan pa si Grace. Kaya naman agad siyang nagtaka at napuno ng pag-aalala. Dali-dali si Lisa na tumakbo patungo sa kwarto ni Grace para siguraduhin na nandoon lang si Grace. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi niya nakita si Grace. Napabuntong hininga si Lisa at nilibot ang tingin aa buong kwarto. Mula sa mesa doon niya nakita ang isang papel. Walang alinlangan na kinuha ito ni Lisa at binasa. Bumakat sa mukha ni Lisa ang inis at pag-aalala. "Ano ka ba naman Grace. Bakit ka naman kumilos ng mag-isa. Ang tigas talaga ng ulo mo! Nakakainis! Ayaw ko ng ganito, Grace. Hindi ka man lang nakinig sa sinabi ko kagabi!" inis na wika ni Lisa sa kaniyang sarili. Sa puntong ito, wala ng pagpipilian si Lisa kundi ang sumunod sa lugar na nakasaad sa papel na ito. Dali-dali na kumilos si Lisa. Walang ibang dalawa kundi ang katapangan sa kaniyang sarili. Samantalang, si Grace naman ay seryosong nagmaneho ng sarili niyang kotse na matagal na n
Grace Point of view. "Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nganak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-
GRACE POINT OF VIEW Nahihirapan akong maglakad dahil sa sitwasyon ko. Kahit inaalalayan ako ng dalawang anak ko. Punong-puno ako nang pag-aalala na baka ay tuluyan nang nawala sa akin sina Gerald at Gia. "Juliana, John, nakikita niyo na ba ang mga kambal niyo? Nandiyan na ba sila?" pag-aalalang
JEFF POINT OF VIEW "Ayan ka na naman lolo ehh, pwede bang tumigil ka na diyan," aniya ko kay lolo sabay buntong hininga ko. "Jeff, wala ka bang balak na magkaroon ng tagapagmana sa mga ari-arian mo? Matanda na ako, gusto ko nang magkaroon ng apo. Kaya naman, bigyan mo na ako." Labis ang panggi
"Ilang beses ko nang sinabi na hindi kayo kailan man abala sa akin. Kaya huwag mo 'yan isipin Grace. Ako ang boss mo at mas alam ko ang kalagayan niyong mag-ina. Kaya gusto ko na ako mismo ang maghatid sa inyo ng anak mo." Hindi ko alam kung nagalit ko ba siya. "Ano ka ba Jeff, huwag mo na ipili







