LOGIN
Grace Point of view.
"Walang hiyang bulag! Umalis ka rito! Nagiging malas na ang bahay namin dahil sa 'yo! Ni kahit piso ay wala ka manlang maibigay? Tapos nganak ka pa talaga ng apat na batang papalalamunin! Aba! Bakit hindi mo gawin' hanapin ang ama ng mga batang 'yan at doon ka tumira!" tuloy-tuloy na sigaw sa akin ni Tita. Hindi ko man makita ang kanilang mga reaksyon, ramdam na ramdam ko naman ito. "Ano ka ba naman ma, malay ba natin kung saan nang galing ang mga batang pinanganak niya? Tsk! Baka mga sa mga random na lalaki niya 'yan nabuo! Kaya dapat lang palayasin na 'yan dito. Baka mamaya may malubhang sakit na siya. Baka mahawaan pa tayo dito," pangigigil ni Anie, ang anak ni Tita. Ito ang naging almusal ko ngayong umaga. Sigaw at mga panglalait nila. "Pwede ba Anie, huwag ka magsalita nang ganyan. Hindi totoo 'yan." Pinanatili kong kalmado ang boses ko. "Ano? Sumasagot ka pa talaga no? Bakit, sino ba ang ama ng mga batang 'yan, huh? Kasi kung talagang may ama yung mga bata, malamang nandoon na kayo sa puder niya. Hindi dito, nagiging pabigat lang kayong lima!" Puno nang panglalait ang kaniyang tinig. "Hindi po kami pabigat. Lahat naman ng pera ni mommy, kinuha niyo na. Tapos ngayong wala ng pera si mommy, pinapalayas niyo na kami. Mga masasama kayo, pera lang ang habol niyo kay mommy." Agad akong napahawak sa balikat ng anak ko na nasa tabi ko. Hindi ko man ito makita, ngunit sigurado akong si Juliana ito. "Mommy, gusto ko lang po kayo ipagtanggol," wika pa nito kahit wala pa akong sinasabi. Natutuwa naman ako dahil may anak akong handa akong ipagtanggol. Ngunit, natatakot ako na baka saktan lamang sila ng mga walang hiyang tao rito. "Aba! Rinig mo 'yan anak mo?! Bata pa sumasagot na! Baka naman ganyan ang ugali ng ama! Bastos!" sigaw muli ni Tita. Naririndi na ako sa mga salitang binibitawan nila. "Tita, hindi ganyan ang anak ko mas lalo na ang ama ng mga anak ko." Pinipilit ko pa rin pakalmahin ang aking tinig at ang sarili ko. Dahil alam kong hindi ako makakalaban dahil sa pagiging bulag ko. Hindi ko makikita kung ano ang pwedeng gawin nila sa mga anak ko. "Tita? Hoy babae! Hindi mo na ako Tita sa ngayon! Dahil pinapalayas ko na kayong mag-ina!" galit na galit nito. Naramdaman ko ang paghagis ng mga bagay malapit sa amin. Saan na kami pupunta nito? Kapag palayasin kami, wala kaming bahay na mapupuntahan. Naisip kong bumalik sa pamilya ko. Ngunit, hindi maaari, hindi pwedeng malaman ni Daddy na naging ganito ang buhay ko, mula nang umalis ako sa bahay. Pagkat, alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin. Baka mamaya, hindi lang isang buhay ang mawala sa lugar na 'to. "Kahit ngayon' araw na lang. Pakiusap, hayaan niyo pa kaming matulog dito mamayang gabi. Maghahanap ako ngayon ng matutuluyan namin bukas." Wala akong magawa kundi ang magmakaawa para sa mga anak ko. "Mommy, no po. Magiging maayos po kami kapag nasa maayos ka rin po," singit ni John, ang panganay sa apat kong mga anak. "Opo mommy, nandito lang po kami at maayos kapag kayo po ang kasama namin," dagdag pa ni Juliana. Habang naririnig ko sila, hawak hawak nila ang kamay ko. Subalit, naramdaman ko na wala rito ang dalawang kambal ko. "Asan ang dalawang kapatid niyo?" labis kong pag-aalala. Napatahimik silang dalawa. "Ayan baka naman nilayasan ka na ng dalawa, dahil masyado ka nang pabigat na ina! Sino ba naman ang mananatili sa piling ng isang bulag! Kahit nga kami rito ay hindi ka na kayang tiisin pa!" muling sigaw na naman ni Tita. Kumirot ang puso ko. Ngunit, alam ko na hindi 'yon magagawa ng mga anak ko. Akmang magsasalita pa sana ako. Ngunit, bigla akong inunahan ng mga anak ko. "Kilala namin ang mga kambal namin. Hindi nila kami basta-basta iiwan. Mahal na mahal nila kami," tugon ni John. "Opo, hindi nila kami iiwanan," dagdag pa ni Juliana. "Ah talaga ba? Bakit? Nakakasiguro ba kayo? Tsk! Palamunin lang naman ang mommy niyo! Kaya, kung ako sa inyo, iwanan niyo na lang 'yan. Wala naman magagawa ang babaeng 'yan, kasi nga bulag! Mahihirapan lang kayong magkambal!" Ramdam na ramdam ko ang pang gigil ni Tita. Kaya naman, takot akong napahawak sa mga kamay ng mga anak ko. Hindi ko kakayanin na mawala sa akin ang mga anak ko. "O hindi naman kaya, mamili kayo. Sumama sa bulag niyong ina? O manatili na lang dito? Ako ang bahala makipag-usap kay mama. Pero syempre, kayong magkambal ay magtratrabaho para sa amin." Mas lalo akong kinakalibutan sa sinabi ni Anie. "Kahit na kailan ay hindi namin iiwanan si mommy!" sabay na sigaw ni Juliana at John. Dahil dito, kahit paano ay napangiti ako. Kalaunan, bigla na lamang tumahimik ang paligid saglit. Mukhang, wala nang masabi sina Tita. Sa puntong ito, tila'y hindi na talaga mapakiki-usapan sila Tita. Kailangan na namin umalis ng mga anak ko. Kailangan kong mahanap ang dalawang anak ko. Dahil, hindi ako papayag na may mawala sa apat."Sir Gelo, bakit po? Bakit niyo po ako sinampal?" gulat na gulat na tanong nito. "Huwag mong ubusin ang pasensya ko. Ngayon, gusto kong kunin ang piano na ibenenta mo. Ang piano na pagmamay-ari ng ina ng mga bata. Kung hindi mo 'yon ibibigay ngayon sa akin. Hindi ako magdadalawang isip na ibenta ang bahay na 'to at paalisin kayo sa lugar na 'to. Kaya ibigay mo sa akin ang sinasabi ko. Huwag na huwag mo na akong galitin pa," nanlilisik ang mga mata ko habang sinasabi ito. Samantalang takot na takot siya sa akin. "Opo, tatawagan ko na ang bumili ng piano. Ipapadala ko agad rito," takot na takot niyang sabi. Dali-dali siyang may kinuha sa bulsa niya. Cellphone niya ito at tumawag.Nang mapansin ko muli ang mga bata. Pinigilan ko ang sarili ko sa galit. Pinakalma ko ang aking sarili. Humarap ako sa mga bata at ngumiti. Kita ko sa kanilang itsura ang takot. "Huwag kayo mag-alala. Huwag kayo matakot kay Uncle. Ginawa lang 'yon ni uncle para ibigay sa atin ang piano. Mamaya lang makukuha
JOHN POINT OF VIEW "Maayos na ba si mommy? Nakatulog na ba siya?" Tanong ko sa mga kapatid ko. Narito kaming apat sa sala. Malawak kasi ang room namin, parang isang bahay na. "Oum, nakatulog si mommy. Napagod yata si mommy sa paglalakad." Ito naman ang naging sagot ni Juliana. "Malungkot si mommy. Kasi nawala sa kaniya ang piano niya. Kailangan humanap tayo ng paraan para ibalik sa kaniya ang piano niya. Kaso lang hindi natin alam kung saan natin hahanapin." Ito naman ang seryosong suggestion ni Gerald. "Ang sungit naman kasi ni lola ehh. Ang sama niya kay mommy ehh," nakasimangot na wika ni Gia. "Gia, kahit na ganun si lola. Sinabi pa rin sa atin ni mommy na hindi tayo magtatanim nang sama ng loob. Dahil, masama 'yon," paliwanag ni Gerald dahilan ng pagkunot noo ni Gia. Ano ba ang gagawin namin para kay mommy? Mga cute na babies lang naman kami ehh. Pero, ayaw din namin na masaktan na lang palagi si mommy. Kasi palagi na lang din siya magiging malungkot. "Ano ba
GRACE POINT OF VIEW Matapos ang lahat kanina, narito na kami muli sa labas ng bahay ni Tita. Upang kunin ang piano ko. Ngunit sa hindi inaasahan, agad na nagalit sa amin si Tita. "Kukunin ko lang po ang piano at aalis po agad kami dito. Pakiusap naman po tita, kahit ang piano lang po. Kailangan ko po 'yon," pakiki-usap ko. Gagawin ko ang lahat upang makuha iyon. "Hmm! Ano akala mo sa akin tanga? Ang dami-dami mong nakuha dito sa bahay tapos 'yong piano babawiin mo pa? Aba! masyado na talagang makapal ang mukha mo! Hindi ka pa rin nadadala no!?" galit na galit na boses ni Tita. Hindi naman siguro magiging ganito si Tita kung hindi siya binayaran ni Lisa. "Sige na po tita. Kahit 'yong piano lang po. Hahayaan ko na ang ibang gamit ko diyan. Basta ibalik niyo lang po sa akin ang piano. Dahil mahalaga 'yon sa akin," pakiki-usap ko pa rin. Kailangan ko 'yon, kaya dapat lang na makuha namin. "Pwede ba Grace, umalis ka na! Hindi ko na maibibigay ang piano na hinihiling mo! Sira na 'y
GRACE POINT OF VIEW Nagising na naman ako na maramdaman kong wala akong katabi. Saan na naman kaya nagpunta ang mga anak ko? Ngunit, imbis na mangamba. Bigla na lang akong napangiti. May na aamoy akong masarap na pagkain. Tiyak akong ang apat na mga bata ang naghanda ng mga pagkain. Kaya naman pala wala sila dito sa tabi ko. Rinig ko ang yapak papalapit sa akin. "Good morning po Mommy, gising na po kayo. Nakahanda na po ang pagkain. Inihanda na po namin," tinig ni Juliana. "Sige anak, pupunta na si mommy. Sabay-sabay na tayong kumain," sabay ngiti ko. "Opo mommy." Hinawakan niya ang aking kamay. Inalalayan niya akong lumakad. Ma-swerte talaga akong nagkaroon ako ng mga anak na tulad nila. Hindi nila ako pinababayaan. Kaya naman sa araw na ito. Sa panibagong araw na 'to. Napapangiti pa rin ako."Mommy! Good morning mommy!" Ramdam ko ang masasayang umaga ng mga anak ko. Binigyan ko sila nang matamis kong ngiti. Inalalayan nila akong umupo sa upuan. Langhap na langhap ko ang mga pa
GRACE SANTIAGO POINT OF VIEW Hindi ko maramdaman ang presensya ng mga anak ko. Wala rin akong masyadong marinig na ingay. Ibig sabihin, mag-isa lang ako dito sa kwarto. Pasaway talagang mga bata. Palagi na lang akong pinag-aalala. Hindi nakikinig sa mga sinabi kong bawal lumabas. Ang kulit na mga bata. Sinubukan kong tumayo mula sa kama. Pero, bigla lang akong natumba. Wala akong magagamit bilang mata, kaya saan ako magsisimulang humakbang? Labis na akong nag-aalala sa mga anak ko. Sana ay bumalik na sila at hindi na maging pasaway ulit. "Sino 'yan?" agad kong tanong nang marinig kong may nagbukas ng pintuan. "Mommy!" sabay-sabay na sigaw ng mga anak ko. Nakahinga ako nang maluwag ng marinig ko ang kanilang boses. "Mga anak..." pag-aalalang tawag ko. Agad silang yumakap sa akin. "Mga anak, saan ba kayo nagpunta? Bakit bigla na lang kayong nawala sa tabi ko. Sinabi ko naman sa inyo na huwag kayo basta-basta lumabas hindi ba? Nag-aalala si mommy baka kung ano ang man
JEFF STILL POINT OF VIEW "Bro, sigurado ka ba sa desisyon mo?" pagtatakang tanong ni Dwane. Nakalabas na rin kami ng kwarto. "Huwag ka mag-alala, marami akong ginagawa sa buhay. Sigurado akong mapapagod din si Lisa kakabuntot sa akin. Sa huli, siya rin ang lalayo. Kaya hayaan mo na lang muna," seryosong wika ko. "Pero bro, limang buwan lang naman babalik ang Dad mo at ang Tita mo. Pagkatapos no'n itutuloy niyo na ang kasal. Ano balak mo? Papayag ka ba sa kasal?" Sunod-sunod niyang tanong na may tarantang boses. Mukhang siya pa talaga ang may ayaw na ikasal ako. "Nagseselos ka ba, huh?" pang-aasar ko sa kaniya sabay tawa ko. Binigyan niya naman ako nang masamang tingin. "Of course not. Bakit naman ako magseselos. Nababaliw ka na ba? Pati ba naman ako pagsasabihan mo nang ganyan. Mukha ka na talagang baliw." Inis na inis niyang pagdiin sa akin. "Kasi naman bro, ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo? Na wala akong balak magpakasal kay Lisa. Paulit-ulit na lang tayo ehh. Alam ko


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




