Share

Episode 7

Author: Katie Alcos
last update publish date: 2026-10-21 12:53:52

Alas-siyete pa lang ng umaga ay gising na si Arya.

Pagkatapos maligo at magbihis, agad niyang chineck ang cellphone niya. May message si Nick na ipinadala kagabi.

NICK: Good morning, crazy girl! Coffee tayo before you leave Tokyo? My treat!

Napangiti si Arya.

Hindi niya inaasahang makikita pa niya ang dating nobyo sa isang business trip, lalo na sa ibang bansa. Ilang taon na rin silang hindi nagkikita. Kahit matagal nang tapos ang relasyon nila, maayos naman silang naghiwalay. Walang matinding away, walang sumbatan. Nagkataon lang na magkaiba sila ng gustong tahakin sa buhay.

Nag-reply siya.

ARYA: Good morning! Sure. Meet tayo sa coffee shop near the hotel?

Mabilis ang sagot ni Nick.

NICK: Deal. See you at 9!

Napatingin si Arya sa oras.

May dalawang oras pa bago ang napagkasunduang meeting nila ni Nick. Hindi naman siya nagmamadali dahil alas-onse pa ang alis nila papuntang airport.

At least, iyon ang pagkakaalam niya.

Dahil sa totoo lang, may plano si Matthew Imperial na hindi pa niya alam.

---

Samantala, sa kabilang bahagi ng hotel, maagang bumaba si Matthew sa lobby.

Naka-dark gray polo shirt siya at itim na pantalon. Walang suit, walang necktie, at walang dalang laptop bag. Sa unang tingin, mukhang isang normal na business executive lang na gustong mag-enjoy bago umuwi.

Pero kung kilala mo siya, malalaman mong may kakaiba sa umagang iyon.

“Good morning, Sir,” bati ng hotel staff.

“Good morning.”

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang oras.

Alas-otso y medya.

May sapat pa silang oras para sa breakfast buffet na nakita niya sa isang hotel restaurant malapit sa kanilang tinutuluyan. Naisip niyang isama si Arya bago sila umalis papuntang airport.

Hindi niya alam kung bakit iyon ang unang pumasok sa isip niya pagkagising.

Siguro dahil kahapon ay naging maayos ang araw nila.

Siguro dahil matagal na siyang hindi naglalaan ng oras para maglibot nang walang iniisip na trabaho.

O baka dahil gusto niyang makabawi sa pagiging masungit niya kagabi.

It's just breakfast, paalala niya sa sarili.

Nothing personal.

Tinawagan niya si Arya.

Walang sumagot.

Makalipas ang ilang segundo, muli siyang tumawag.

Wala pa rin.

Napakunot-noo siya.

“She's probably getting ready.”

Nag-message siya.

MATTHEW: Good morning. Meet me at the lobby at 9:15. We're having breakfast outside.

Walang reply.

Tumingin siya sa cellphone at naghintay.

Isang minuto.

Dalawang minuto.

Limang minuto.

Wala.

Napabuntong-hininga siya.

“Unbelievable.”

Hindi pa rin niya alam na sa oras na iyon, nasa coffee shop na si Arya kasama si Nick.

At lalong hindi niya alam na tuluyan nang namatay ang cellphone ng kanyang sekretarya.

---

“Grabe, Arya! Ikaw pa rin talaga!”

Napatawa si Arya habang nakaupo sa tapat ni Nick sa isang cozy coffee shop malapit sa hotel.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Same laugh. Same attitude. Same mukha kapag gusto mong manakal ng tao.”

“Excuse me! Hindi ako nananakal.”

“Talaga? Naalala mo noong college, muntik mo akong ihagis sa hagdan dahil kinain ko 'yong sandwich mo?”

“Hindi ko kasalanan na gutom ako!”

“Tatlong sandwich ang dala mo!”

“Eh, bakit mo kinain?”

Pareho silang nagtawanan.

Matagal na rin mula nang huli silang nagkaroon ng ganitong klaseng usapan. Noong college, halos araw-araw silang magkasama. Si Nick ang unang lalaking nagparamdam kay Arya kung paano ang kiligin sa simpleng message, sa paghahatid pauwi, at sa pag-aalok ng pagkain kapag gutom siya.

Pero matagal na iyon.

Ngayon, pareho na silang may sariling buhay.

“So, how's life?” tanong ni Nick habang humihigop ng kape.

“Busy. Work, work, work. Minsan, gusto ko nang mag-resign.”

“Wow. That's new. Ikaw pa naman 'yong taong kayang makipag-away sa professor kapag mali ang computation ng grades mo.”

“Hindi naman kasi ako papayag na mali ang grades ko!”

“Exactly. Kaya nagtataka ako kung paano ka nakakatiis sa boss mo.”

Napangiwi si Arya.

“Don't even start.”

“Why? Masungit ba?”

“Nick, kung may Olympic medal sa pagiging masungit, gold medalist na ang boss ko.”

Tumawa si Nick.

“Sounds familiar. Remember our professor in accounting?”

“Hoy! Huwag mo ngang ipaalala sa akin 'yon!”

“Baka kamag-anak niya ang boss mo.”

“Mas malala pa. At least, 'yong professor natin, puwedeng takasan pagkatapos ng klase. Ito, pati cellphone ko, parang gusto niyang kontrolin!”

Napahinto siya sa pagsasalita.

Dahil sa pagbanggit niya sa cellphone, naalala niyang hindi niya pa pala ito chine-check.

Kinuha niya iyon mula sa bag.

Black screen.

Pinindot niya ang power button.

Wala.

“Seriously?” bulong niya.

“What happened?”

“Lowbat.”

“Charge mo muna.”

“Wala akong dalang power bank. Akala ko, saglit lang naman tayo.”

“It's okay. We can stay a little longer.”

Nagkibit-balikat si Arya at ibinalik ang cellphone sa bag.

Hindi niya alam na sa loob ng hotel, isang CEO na ang halos makabasag ng cellphone sa kakatawag sa kanya.

---

Alas-nuwebe y medya.

Nakatayo si Matthew sa lobby habang hawak ang cellphone. Ilang beses na niyang tinawagan si Arya, pero walang sumasagot.

Binasa niya ulit ang message na ipinadala niya.

Meet me at the lobby at 9:15. We're having breakfast outside.

Walang reply.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang magalit o mag-alala.

“Sir, would you like us to prepare a car?” tanong ng hotel staff.

“No. Not yet.”

Tumingin siya sa elevator.

Baka bumaba na si Arya anumang oras.

Alas-nuwebe kuwarenta.

Wala pa rin.

Tumawag siya ulit.

Hindi pa rin sumagot.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.

Where the hell is she?

May bigla siyang naisip.

Baka may nangyari.

Baka naligaw.

Baka—

Napailing siya.

Hindi naman bata si Arya.

Kaya nitong alagaan ang sarili niya.

Pero bakit hindi man lang ito makapagpadala ng simpleng message?

Tumawag siya sa kuwarto nito gamit ang hotel phone.

Walang sumagot.

“Great.”

Ibinaba niya ang telepono at naglakad pabalik-balik sa lobby.

Ang plano niya sana ay isama si Arya sa isang buffet restaurant. Hindi basta-bastang restaurant, kundi isang lugar na matagal na niyang gustong subukan. May iba't ibang Japanese dishes, fresh seafood, desserts, at malawak na view ng lungsod.

Kahapon pa niya naisip na baka magustuhan iyon ni Arya.

At ngayon, siya lang ang nakatayo roon na parang tanga.

Why do I even care?

Napabuntong-hininga siya.

“It's just breakfast,” bulong niya sa sarili.

Pero kahit ilang beses niyang sabihin iyon, hindi nawawala ang inis niya.

Lalo na kapag naaalala niya ang ngiti ni Arya kay Nick kagabi.

Of course. Maybe she's with him again.

Napahinto siya.

“Damn it.”

Hindi niya dapat iniisip iyon.

Wala siyang karapatan.

Pero ang utak niya, parang may sariling buhay.

---

Alas-diyes y medya nang tuluyang makabalik si Arya sa hotel.

“Thank you, Nick! Message kita kapag nasa Manila na ako!”

“Sure! Ingat ka, crazy girl!”

Nagyakapan sila bago naghiwalay sa harap ng coffee shop.

Masaya si Arya habang naglalakad pabalik sa hotel. Marami silang napag-usapan ni Nick, mula sa college memories hanggang sa mga bagong nangyayari sa buhay nila.

Pagpasok niya sa lobby, agad siyang dumiretso sa elevator.

Pagdating sa kuwarto, inilapag niya ang bag sa kama at hinanap ang charger.

“Nasaan ka na ba?”

Nang makita niya iyon, agad niyang isinaksak ang cellphone sa charger.

Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang screen.

At halos tumalon siya sa gulat.

12 MISSED CALLS — MATTHEW IMPERIAL

Nanlaki ang mga mata niya.

“WHAT?!”

Sunod-sunod ang notifications.

May mga tawag mula kay Matthew.

May isang message.

At may isa pang tawag habang binabasa niya ang mga nauna.

Mabilis niyang sinagot iyon.

“Hello, Sir?”

“WHERE ARE YOU?”

Napaatras si Arya sa lakas ng boses nito.

“Sir?!”

“Do you have any idea what time it is?”

“Alas-diyes y medya po?”

“I'm aware of the time, Arya Aragon!”

Napakurap siya.

Aragon? Buong pangalan ko na talaga? Patay.

“I'm sorry, Sir! Nalowbat po kasi ang phone ko.”

“And you couldn't inform me before it died?”

“Hindi ko po kasi inaasahang—”

“Of course you didn't.”

Napakunot-noo si Arya.

“Sir, may nangyari po ba?”

“Yes. I wasted an hour waiting for you.”

“Waiting? For me?”

“Who else?”

Napakagat-labi siya.

“I'm sorry po. Hindi ko po nakita ang message ninyo.”

“Clearly.”

“Sir, I can explain—”

“Don't bother. We have less than thirty minutes before we need to leave for the airport. Be downstairs in ten.”

“Ten minutes?! Sir, hindi pa po ako—”

The call ended.

Napatitig si Arya sa cellphone.

“Wow.”

Napahawak siya sa noo.

“Galit na galit. Akala mo naman, pinagtaksilan ko siya.”

Bigla siyang natigilan.

Wait.

Bakit parang may kakaibang diin ang boses nito?

At bakit parang hindi lang simpleng pagka-late ang ikinagagalit nito?

Napatingin siya sa sarili sa salamin.

“Wala kang ginawang masama, Arya. Nakipagkita ka lang sa kaibigan mo.”

Pero habang nagmamadali siyang magpalit ng damit at mag-ayos ng mga gamit, hindi mawala sa isip niya ang labindalawang missed calls.

Labindalawa.

Hindi isa.

Hindi dalawa.

Labindalawa!

“Grabe ka naman, Sir. May emergency ba sa kumpanya?”

Wala siyang ideya na ang emergency ni Matthew ay hindi tungkol sa kumpanya.

Kundi sa isang babaeng hindi niya ma-contact.

---

Eksaktong sampung minuto ang lumipas nang bumaba si Arya sa lobby.

Nandoon si Matthew, nakatayo sa tabi ng luggage nila, suot na ulit ang kaniyang dark suit. Maayos ang buhok, tuwid ang tindig, at nakatikom ang labi.

Sa madaling salita, mukhang handa siyang magtanggal ng empleyado.

“Sir,” bati ni Arya. “I'm here.”

Tiningnan siya ni Matthew mula ulo hanggang paa.

“You're late.”

“Ten minutes po ang sinabi ninyo. Ten minutes din po ang ginugol ko.”

“Don't argue with me.”

“Hindi po ako nakikipagtalo. Nagbibigay lang po ako ng factual information.”

Napapikit si Matthew.

Lord, give me patience.

“Let's go.”

Pero bago pa sila tuluyang makalabas, may naalala si Arya.

“Sir, saan po pala tayo magbe-breakfast?”

Huminto si Matthew.

Dahan-dahan siyang humarap sa kanya.

“Breakfast?”

“Opo. Sabi n'yo po sa message, we're having breakfast outside.”

Saglit siyang natahimik.

“Forget it.”

“Ha? Bakit po?”

“Because it's too late.”

“Pero hindi pa po ako nag-aalmusal.”

“Then you should have thought about that before disappearing.”

Napanganga si Arya.

“Disappearing? Sir, hindi naman po ako multo!”

“Really? Because I couldn't find you anywhere.”

“Hindi ko naman po alam na hahanapin n'yo ako!”

“That's the problem, Ms. Aragon. You never seem to think about anyone but yourself.”

Nawala ang ngiti ni Arya.

Masakit ang sinabi nito, lalo na dahil alam niyang hindi naman niya sinadyang hindi sumagot. Hindi niya alam na may plano pala ito.

“Sir, I said I'm sorry.”

“And I heard you.”

“Then what else do you want me to do?”

Hindi agad sumagot si Matthew.

Dahil ang gusto niyang sabihin ay: I wanted to spend time with you.

Gusto niyang sabihin na kahapon ay naging masaya siya kasama si Arya, at naisip niyang gusto niya pang maulit iyon kahit sandali lang bago sila bumalik sa Manila.

Pero paano niya sasabihin iyon?

Paano niya aaminin na naiinis siya dahil mas pinili nitong makipagkita sa ex-boyfriend kaysa maglaan ng oras sa kanya?

Wala siyang karapatang magselos.

Wala.

Kaya ang lumabas sa bibig niya ay—

“Next time, keep your phone charged.”

Napakunot-noo si Arya.

“I will, Sir.”

“And inform me if you're going somewhere.”

“Sir, secretary n'yo po ako, hindi po prisoner.”

Mabilis na napatingin si Matthew sa kanya.

“Excuse me?”

“I'm sorry, Sir, but I can't report every single thing I do outside working hours. I have a life, too.”

Napatahimik siya.

Dahil tama si Arya.

At iyon ang mas lalong nakakainis.

“I'm aware of that,” malamig niyang sagot.

“Then please don't treat me as if I committed a crime.”

“I'm not treating you like a criminal.”

“Then why are you acting like I betrayed you?”

Napatigil ang lahat.

Maging si Arya ay nagulat sa sarili niyang sinabi.

Samantalang si Matthew, tuluyang natahimik.

Betrayed me.

Dalawang salitang tumama sa kanya nang mas malakas kaysa sa inaasahan niya.

Dahil sa isang iglap, naisip niyang baka iyon nga ang naramdaman niya kagabi.

Hindi dahil may ginawa si Arya na mali.

Kundi dahil hindi niya nagustuhang makita itong masayang kasama ang ibang lalaki.

Lalo na ang ex-boyfriend nito.

“Don't be ridiculous, Ms. Aragon,” sa wakas ay sabi niya. “You are my secretary. Nothing more.”

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ni Arya.

Pero ngumiti siya.

Isang maliit, pilit na ngiti.

“Of course, Sir. Nothing more.”

Tumango si Matthew at humarap sa labasan.

“Let's go.”

Tahimik na sumunod si Arya.

Walang nagsalita habang papunta sila sa sasakyan.

Pero nang buksan ni Matthew ang p***o para sa kanya, napatingin siya rito.

“Sir?”

“What now?”

“Thank you po.”

Napakunot-noo siya.

“For what?”

“For planning breakfast. Kahit hindi natuloy.”

Napatigil si Matthew.

Hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin nito.

At lalong hindi niya inaasahang makokonsensya siya.

“Get in, Ms. Aragon.”

“Opo.”

Pagkaupo ni Arya, isinara ni Matthew ang p***o at umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan.

Habang nakatingin siya sa bintana, hindi niya napigilang mapangiti nang bahagya.

Pinlano niya talaga akong isama sa buffet.

Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang saya sa kaalamang iyon.

Samantala, sa kabilang upuan, tahimik na nakatingin si Matthew sa labas.

She has a life. I know that.

She's allowed to see her friends.

She's allowed to see her ex-boyfriend.

And I'm allowed to not care.

Pero nang mapansin niyang may bagong message sa cellphone ni Arya at ngumiti ito habang binabasa iyon, muling sumikip ang panga niya.

“Who's that?” tanong niya bago pa niya mapigilan ang sarili.

Napalingon si Arya.

“Ha?”

“The person messaging you.”

Tiningnan niya ang screen.

“Ah. Si Nick po.”

Naramdaman ni Matthew ang pag-init ng ulo.

“Of course.”

Napataas ang kilay ni Arya.

“Sir?”

“Nothing.”

Ngumiti si Arya, parang may biglang naisip.

“Sir, nagseselos po ba kayo?”

Biglang napalingon si Matthew sa kanya.

“WHAT?”

Napatawa si Arya.

“Joke lang po!”

“That's not funny.”

“Pero namumula po kayo.”

“It's hot in here.”

“Malakas naman po ang air-conditioning.”

“Ms. Aragon.”

“Yes, Sir?”

“One more word and I'll make you review all the contracts again.”

Agad na tumahimik si Arya.

Pero ilang segundo lang ang lumipas, bahagya siyang yumuko para itago ang ngiti.

Jealous ka talaga.

At kahit pilit na pinanindigan ni Matthew ang malamig niyang ekspresyon, hindi niya maitatangging may isang bagay na nagbago sa pagitan nila.

Hindi pa iyon pag-amin.

Hindi pa iyon pag-ibig.

Pero sa unang pagkakataon, nagseselos ang isang lalaking sanay na kontrolado ang lahat.

At ang mas masaklap?

Hindi niya alam kung paano ito ititigil.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secretary is a Gambler   Episode 35

    Maagang nagising si Arya Aragon sa bahay ng kaniyang ama. Ilang araw na siyang nananatili roon, malayo sa condo niyang posibleng binabantayan ng mga tauhan ni Damian Carriego.Tahimik ang paligid, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay payapa na ang buhay niya.Sa bawat paggising niya, naaalala niya ang mga taong nanakit sa kaniya, ang utang na matagal niyang pinagsikapang bayaran, at ang lalaking nag-akala na maaari siyang kontrolin habambuhay.Pero ngayong wala na siya sa ilalim ng direktang kapangyarihan ni Damian, may pagkakataon na siyang kumilos.Hindi na siya magtatago habang buhay.Kailangan niyang tapusin ang lahat.Paglabas niya ng kuwarto, nadatnan niya ang kaniyang ama sa maliit nitong opisina. Nakalatag sa mesa ang mga dokumento at ilang lumang litrato. May hawak itong cellphone habang may binabasang mensahe.“Good morning, Dad.”Nag-angat ito ng tingin. “Maaga ka.”“Hindi ako makatulog.”“Dahil kay Damian o dahil kay Matthew?”Napahinto si Arya.“Dad naman. Kailangan ba tala

  • My Secretary is a Gambler   Episode 34

    Hindi makatulog si Matthew Imperial.Alas-dos na ng madaling-araw, ngunit nakaupo pa rin siya sa kaniyang opisina, hawak ang resignation letter ni Arya Aragon.Paulit-ulit niyang binabasa ang maikling liham na para bang may makikita siyang ibang kahulugan sa bawat salita.Walang paliwanag.Walang mahabang pamamaalam.Walang kahit isang pang-aasar na karaniwang ginagawa ni Arya kapag gusto nitong inisin siya.Isang simpleng resignation letter lamang.At isang bakanteng mesa.“Sir, hindi pa po ba kayo uuwi?” tanong ni Anton, na bumalik sa opisina upang kunin ang naiwan nitong cellphone.Matthew didn't look up.“Do you know where she went?”“Hindi po. Tinawagan ko siya kanina, pero hindi sumasagot.”“Call her again.”“Sir, pang-ilang tawag na po natin ito.”Matthew finally looked at him.“Then call her one more time.”Tumango si Anton at inilabas ang cellphone. Ilang segundo silang nakinig sa ringing tone bago naputol ang tawag.“Still no answer.”Matthew clenched his jaw.“Find her addr

  • My Secretary is a Gambler   Episode 33

    Nagsimula ang lahat sa isang tawag na natanggap ni Matthew Imperial alas-siyete ng umaga.Nasa loob siya ng kaniyang opisina sa Imperial Defense Systems nang biglang pumasok si Anton Reyes, hawak ang laptop at may seryosong ekspresyon sa mukha.“Sir, we have a problem.”Hindi nag-angat ng tingin si Matthew mula sa dokumentong binabasa niya.“What kind of problem?”“Someone leaked confidential information about the new defense equipment project.”Agad na ibinaba ni Matthew ang dokumento.“What?”“May lumabas na internal specifications, proposed pricing, at bahagi ng delivery schedule sa isang industry forum. Mayroon ding kopya ang isang competitor natin.”Tumayo si Matthew at lumapit sa laptop ni Anton.Ipinakita nito ang mga screenshot ng impormasyong kumakalat online. Hindi pa kumpleto ang lahat ng detalye, pero sapat na ang inilabas upang maapektuhan ang negosasyon nila sa isang malaking kliyente.“Who has access to these files?” malamig na tanong ni Matthew.“Limited lang, Sir. You

  • My Secretary is a Gambler   Episode 32

    Dalawang linggo ang lumipas mula nang ma-discharge si Arya Aragon sa ospital. Unti-unti nang bumabalik ang lakas niya, at bagama't kailangan pa rin niyang mag-ingat, hindi na niya kayang manatili sa bahay buong araw.Masaya siyang nakakapagpahinga, pero nami-miss na rin niya ang trabaho, ang mga kasamahan niya, at maging ang lalaking palaging dahilan ng pagkayamot niya.Matthew Imperial.Ang CEO na kayang magpatigil ng buong conference room sa isang tingin, pero hindi kayang pigilan ang sariling magtanong kung kumain na ba siya.Hindi naman iyon nangangahulugang may espesyal na nararamdaman si Arya para sa lalaki.Siguro.“Mamsh, huwag mo nang sabihing pagod ka. Hindi pa nga tayo umaalis, pagod ka na agad!”Napatingin si Arya sa cellphone habang kausap si Barbara.“Hindi ako pagod. Nag-iisip lang ako kung bakit kailangan nating lumabas.”“Dahil dalawang linggo ka nang hindi nakikipag-socialize! At dahil gusto kitang makitang nakangiti, hindi iyong nakatingin ka lang sa kisame habang n

  • My Secretary is a Gambler   Episode 31

    Isang linggo matapos ang gabing muntik nang maging huli sa buhay ni Arya Aragon, sa wakas ay pinayagan na siyang makalabas ng ospital.Hindi pa tuluyang nawawala ang mga pasa sa kaniyang katawan, at sumasakit pa rin ang kaniyang tagiliran kapag napapasobra ang galaw. Ngunit para sa kaniya, sapat na ang isang linggong pagkakakulong sa ospital.Gusto na niyang bumalik sa buhay niya.O, mas tamang sabihin, gusto na niyang bawiin ang buhay na muntik nang agawin sa kaniya.“Remember, Miss Aragon,” paalala ng doktor, “you still need sufficient rest. Iwasan muna ang mabibigat na gawain at strenuous exercise. Huwag mong piliting bumalik agad sa normal ang katawan mo.”“Opo, Doc. Behave na po ako.”Sa tabi niya, napailing si Matthew Imperial.“That's the least believable promise I've heard in my entire life.”Napalingon si Arya.“Excuse me? May pinagdaanan po akong trauma. Hindi ba puwedeng maging supportive ka naman?”“I'm supporting the doctor's instructions.”“Napakasipsip.”“Thank you.”“H

  • My Secretary is a Gambler   Episode 30

    Hindi mapakali si Matthew Imperial mula nang maospital si Arya Aragon.Kahit abala siya sa pagpapatakbo ng Imperial Defense Systems, palagi niyang tinitingnan ang cellphone, umaasang may bagong mensahe mula sa kaniyang sekretarya.Samantala, si Anton ay may natuklasang hindi niya inaasahan.Nagsimula ang lahat sa paghahanap niya ng isang lumang meeting schedule sa computer ni Arya.Dahil wala ang sekretarya, humingi siya ng tulong sa IT department upang mahanap ang nawawalang file sa mga awtorisadong company records. Sa halip na schedule, may nakita silang mga email na naka-flag bilang posibleng security concern.“Sir Anton, may kailangan po kayong makita,” sabi ng IT specialist.Lumapit si Anton sa monitor.Sunod-sunod na email ang nakalista. Ang mga subject ay tungkol sa meetings, contracts, at business proposals ng IDS. May mga attachment ding ipinadala sa isang external email address na hindi matukoy ang tunay na may-ari.“Buksan natin ang mga file at ikumpara sa official records,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status