Share

Kabanata 5

"D'yan lang ako sa kanto. " Turo ko sa kanya na agad namang nagpreno.

I was about to open the door but it was locked. So, I turned my frown face to him and shot him a glare.

"Open the door," madiin kong sinabi.

Pero nanatili lamang itong nakahawak sa manubela.

"Kung pwede buksan mo ang pinto para makababa na ako," malinaw kong sinabi.

Narinig ko ang buntong hininga nito sa'kin bago humarap. Napalunok ako dahilan para ako naman ang mag-iwas ng tingin dito. 

"Nasundan nila tayo, " saad nito na sumulyap sa rear view mirror kaya mabilis akong lumingon sa likod.

"Damn! Ano bang problema nila?" tila ubos na ang pasensya kong sinabi.

"They want the truth, " he said. At muling pinaandar ang sasakyan.

"Wait... Saan mo ako dadalhin?" Dala nang pagkabigla ay humawak ako sa braso nito.

He glance down at my hand and then he smirked.

"Oh, I'm sorry." Napapasong bumitiw ako dito.

"Sa Pad ko tayo, maraming security doon. Hindi ka nila gugulohin para tanongin ng kung anu-ano." prente nito sinabi.

"What?!" Umangat ang likod ko sa car chair dahil sa kaniyang sinabi.

"Yeah." He nodded.

"No! Hindi ako sasama sa Pad mo noh!" Sunod-sunod na iling kong sinabi.

"Gusto mong matapos na ito diba? I will tell them the truth," he calmly said.

"Anong pinagsasabi mo?!" mataas na tono kong sinabi.

"Just trust me... " He glance back at me darkly.

Natigilan ako sa klase ng tingin niyang iyon. Agad naman akong napa-iwas ng tingin dito. Damn! Ganyan ba talaga siya tumingin? Bakit may ibang dating ang titig niya?

I could feel my sweat runs through my forehead kahit pa malakas ang aircon ng kaniyang kotse ay ramdam ko ang paglabas nito sa noo ko.

Buong byahe ay pinili ko na lang na manahimik. Ayoko na rin magbukas pa ng topic dito dahil umiiwas akong mapatingin sa mata niya.

Hanggang sa marating namin ang building kung saan naroon ang sinasabi niyang Pad niya.

"Follow me... " His voice has an authority kaya ako napahakbang pasunod dito and I hate it more.

Pahalukipkip akong sumandal sa loob ng elevator nang makapasok kami. Kami lang dalawa ang nasa loob kaya rinig ko ang pagbitiw nito ng mabigat na paghinga sa tabi ko. 

Kaya hindi ko maiwasang sumulyapan ito. Mataman lamang itong nakatayo at nakatago ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalong suot.

Masasabi kong maganda ang hubog ng katawan nito. Halata rin sa lapad ng kaniyang balikat ang tikas nito. Ano kaya ang itsura nito 'pag-half naked? Agad kong naitikom ang labi ko nang makita ang repleksyon nito sa wall na nakatitig sa akin.

"Are you done checking on me?" He looked at me over his shoulder. 

Agad umakyat ang pamumula sa dalawang pisngi ko at humalukipkip ng tayo bago sumagot.

"I don't know what you're talking about..." I trailed off and looked away.

He smirked and lean on to the wall na katabi ko mismo.

"Kaya pala kulang na lang hubaran mo ako habang nakatalikod saiyo?" He smirked again.

"What?!" Umangat ang likod ko sa pagkakasandal at hinarap siya.

He nodded while his lips turned up wide.

"It's fine babe, girls couldn't resist my existence. Hindi na bago sa'kin iyon, " he said in a husky voice. 

Lalong nagsalubong ang kilay ko sa kayabangan ng isang ito. I must admit na gwapo nga siya at may ibubuga pero ang kailangan ba talaga niyang sabihin iyon?

Para hindi na madagdagan ang hangin nito sa katawan ay inirapan ko na lang ito at nanahimik.

Bumukas ang elevator at nauna itong lumabas na agad ko naman sinundan. Mabilis namin narating ang Pad na sinasabi niya dahil ilang pinto lamang ito mula doon.

"Pasok ka." Niluwagan nito ang bukas ng pinto at nauna na sa loob.

Atubile naman akong sumunod matapos kong lumingon sa pasilyo.

Sandali kong nilibot ang mata buhat ng makapasok. Malaki ang Pad na ito para sa Isang tao. Masasabi kong isa na ito sa magandang bahay na napasukan ko sa tanang buhay ko. 

Kumpleto sa gamit at moderno ang pagkakagawa na binagayan nang pastel cream, grey and white color.  Kumibot ang labi ko sa laki ng flat screen TV sa aking harapan maging ang mini bar na tanaw ko mula dito sa kinatatayuan ko ay hindi biro ang kaledad ng pagkakagawa.

"Maupo ka..." Lumabas ito mula sa Isang pinto na wala nang suot na Jacket. Nadepina ang pagtayo ko dahil sa nipis ng white shirt nitong suot.

Oh hell! Anong sinabi ng T-shirt nitong suot sa six pack abs niyang bakat na bakat na tila sadyang hinulma para lang dito.

Dinukot nito ang cell phone sa kaniyang bulsa at may tinawagan bago tumalikod sa'kin. Doon ko naramdaman ang panlalambot ng aking dalawang tuhod kaya ako napa-upo.

"You can't do this kuya!" Muntik na akong mapatalon nang marinig ko ang mataas na boses nito. He glance at me first before he continue.

"Then how about Lara?" He lean his back to the close door at humawak sa kaniyang sentido.

Ilang beses kong nakitang umigting ang panga nito habang nakikinag sa kausap. But it wasn't lessen his sexiness. Mas lalo pa nga itong naging atraktibo dahil sa paulit-ulit na paggalaw ng kaniyang perpektong panga.

"Okay," aniya, matapos ay ibinaba na ang tawag.

Pumasok itong muli sa kaniyang kwarto at ilang sandali pa ay nakabihis na itong muli. He's now wearing his black leather jacket with grey T-shirt underneath and the same pants and shoes he wore earlier.

Tangka na sana itong lalabas ng mapansin nito ang presensya ko kaya ito pumihit paharap.

"I'll be back in a minute... Just feel at home." Matapos noon ay tumalikod na ito sa'kin para lumabas.

"Wait..." Habol kong sigaw dito pero tuluyan na itong nakalabas ng pinto.

Napabuntong hininga na lang akong bumalik sa pagkakaupo at matamang naghintay. Pero lumipas ang isang oras na walang Rexon na dumating.

Kaya nagpasya na akong tumayo para tungohin ang kusina at hanapin ang refrigerator. Kanina pa kasi nanunuyo ang lalamunan ko sa uhaw. 

Bumalik ako sa sala na bitbit ang baso na may lamang malamig na tubig. Pero hindi ko maiwasang sulyapan ang mga agaw pansin nitong litrato na nakasabit sa iba't ibang sulok ng dingding.

Tumigil ang mga paa ko isang portrait nito. Bakit hindi ko maiwasang titigan ang kaniyang mga mata? Tila may enerhiyang humihila sa'kin para manatili pa ang titig dito. At sa huli ay hindi ko nararamdamang nagsasawa ako.

Wala rin sa loob na hinaplos ko ang litrato niyang nakaupo sa isang bench habang nakadipa ang dalawang braso sa sandalan. Iyon na naman ang pirmeng leather jacket niyang suot na tila trade mark na niya bilang isang singer.

I slowly slid my finger to his lips. My heart thumping so hard against my chest as I my fingers further more. I slowly close my eyes and Imagining him kissing me soft and tender. 

Doon biglang bumukas ang pinto kaya napatalon ako sa gulat nang bumuhos sa damit ko ang laman ng baso na hawak ko.

"Oh shit!" bulalas kong sambit nang malingonan itong papasok habang titig na titig sa'kin.

"What are you doing?" Kunot noo nitong tanong habang palapit.

"Ah! Nothing. I–I just went to your kitchen and grabbed some... Water!" I stuttering. Napalunok ako dahil bumaba ang mata nito sa ngayo'y basa kong damit.

"And you pour it over your shirt gano'n ba?" Humalukipkip ito matapos ay hinaplos ang labi sa aking harapan na tila nagpipigil ng ngiting hindi ko mawari.

"No! Ano kasi..." Sumulyap ako sa litrato nito bago muling ibaling dito ang tingin na ngayo'y nakangisi na sa'kin.

"Nagulat ba kita?" Tuluyan na itong tumawa sa harapan ko kaya napa-awang ang labi ko habang pinonood ito.

Oh Lord! Why are he so incredibly sexy? Those pearly teeth. Those piercing and his brown but not so dark eyes. Gosh! He's so damn perfect!

Pero mabilis kong pinilig ang ulo at tinaasan lang ito ng kilay. "Bakit kasi hindi ka kumatok muna?" Pinagpag ko ang basa kong damit at tangkang tatalikod nang matigilan sa kaniyang sinabi.

"Why would I do that? This is my house anyway. Hindi ko kasalanan kung pinagpapantasyahan mo ang litrato ko at nagulat ka nangpumasok ako sa sarili kong bahay." 

Pumihit ako paharap dito. And shut him with my squinted eyes. "What did you say?"

"I just telling the truth, I saw you." He tugged up his lips then he shrugged bago ako talikuran.

Agad na uminit ang dalawang pisngi ko sa pagkapahiya. Shit! Nakita pala niyang hawak ko ang litrato nito. Sapo ang ulong sunod-sunod akong umiling.

Napakislot ako ng lumabas itong muli na may dalang T-shirt na puti.

"Here, change your clothes baka magkasakit ka 'pag hindi ka nagpalit." Inabot nito ang T-shirt sa akin at inagaw ang walang lamang baso mula sa'kin.

"Doon ang CR. Just turn right to your left," aniya.

"Salamat." mahina kong bigkas bago ito talikuran at pumasok sa sinasabi niyang CR.

Inamoy ko muna ang T-shirt nito bago ko suotin. In fairness sa mokong na iyon mabango ang damit na pinahiram sa'kin. Wala sa loob na muli ko iyon inamoy bago suotin. I curved my lips dahil umabot iyon sa hita ko dahil sa malakapre nitong katawan.

Lumabas ako at naabutan ko itong nakaupo sa sofa habang nakapikit. Ilang beses muna akong nag-atubile bago ako tumikhim na siya nitong ikinamulat ng mata. 

"Want some autograph on that?" Umpisa niya na sumilay ang banyagang ngiti.

"No thanks," sarkastiko kong sabi.

"Ikaw ang bahala," aniya matapos ay nagkibit balikat sa'kin bago tumayo.

"Sa kabilang silid ka muna matulog ako na lang ang maghahatid saiyo bukas." 

"Hindi na, uuwi na ako. Mukhang wala na ang mga sumusunod sa atin," sagot ko.

Sandali pa muna itong tumitig sa mga mata ko bago sa huli ay ngumiti.

"Iniisip mo bang may gagawin akong masama saiyo?" His lips curve a bit. Humakbang na ito palapit sa akin.

"I've never said that," taas noo kong sambit ko pero deep inside ay nanginginig na ang kalamnan ko sa kaba.

"Hmm... Pero hindi iyan ang sinasabi ng mga mata mo?" Humakbang pa itong muli ng isa. He's too close that I could feel his scorching body on mine.

I stood still without my unblinking eyes. My heart raced and my knees starts melting. Damn! Bakit ba ganito ang epekto niya sa'kin?!

His hand reach up and slowly caressed the strands of my hair. Marahan niya itong hinawi at isinampay sa likod ng aking tenga.

Wala akong nagawa kundi ang pumikit sa pag-aakalang may gagawin pa siya. Pero ilang saglit pa ang lumipas ay walang nangyari. 

Mabilis akong dumilat at ang naglalarong ngiti sa mga labi nito ang bumungad sa'kin. 

"See?" he said while arms crossed against his chest.

My cheek turned redder as I cleared my throat. Sandali pa akong umayos ng tayo para binalik ang postura.

"Anong palagay mo sa akin easy to get? 'Tsaka hindi kita type no!" I said sarcastically.

"Relax, hindi rin naman ikaw ang type kong babae," buwelta niya at ngumising muli sa akin.

I just rolled up my eyes to hide my disappointments. Pero ang totoo ay mabilis nitong tinamaan ang ego ko.

"Ihahatid na kita pauwi." 

Wala na akong nasabi pa ng tumalikod na ito sa'kin. Naiwan naman akong nakatanga lang sa pintong nilabasan niya.

Comments (9)
goodnovel comment avatar
Mae Melegrito
Ganda po pa unlock po
goodnovel comment avatar
Nelson Castolo Palanas
nice story ,paki unlock po
goodnovel comment avatar
Jenny Rose Violen
ganda sana
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status