LOGINJasmine’s PovWarning: The following scene contains a bedscene.“Kung hindi ako umalis, ako dapat yun eh. Kung naglakas loob lang ako na umamin sa ‘yo noon…siguro ako ang naging asawa mo at hindi ang manlolokong si Rogelio.” Nagtagis ang bagang na saad ni Aston. Ramdam ko ang bigat sa tinig niya kaya mabilis na hinawakan ko ang mukha niya. Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. “Huwag ka na magalit. Hiniwalayan ko na siya. Bukas na bukas din ay magpa-file ako ng divorce. Sa America kami ikinasal kaya madali na lang yun.” Napatingin siyang muli sa akin, may ngiti na sa kaniyang labi.“Ibigsabihin…puwede na?” nangungusap ang mga matang tanong niya.Alam ko kung ano ang tinutukoy niya pero nagkunwari akong hindi alam kung ano ang gusto niya.“Puwede ang alin?” tanong ko sabay tayo ngunit hinila ako paupo sa hita niya. Nakaharap mismo sa kaniya. Bumalandra ang maputi kong mga hita dahil night dress ang suot ko.“Aston…” singhap ko.“Puwede na kitang ligawan?” Tumibok nang malalakas ang puso
Jasmine’s Pov“I love you. Matagal na.”Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi ni Aston. Pinaghalong lito, pagtataka, at saya ang nararamdaman ko. Nalilito ako kung totoo ba ang sinabi niya. Nagtataka ako kung papaanong matagal na niya akong mahal eh kakakilala lang namin. As well as masaya ako dahil sa confession niya.Na umamin siya. Nandito kami ngayon sa sala, timapos muma namin ang pagkain kanina bago nag-usap.“Mahal mo ako? Matagal na?” Tumango siya. “Alam kong nalilito at naguguluhan ka sa sinabi ko pero totoo na mahal kita.” Halos mangusap na ang kaniyang mga mata na paniwalaan ko ang sinabi niya. Pero ang hirap paniwalaan.“Pero paano? Paanong matagal na? Wala pang isang linggo mula ng magkakilala tayo.” Naguhuluhang saad ko sa kaniya.Masuyong hinawakan niya ang mga kamay ko. “Naalala mo yung tanong ko sa ‘yo? Yung magagalit ka ba kapag sinabi ko na alam ko lahat ng tungkol sa ‘yo?” Kumunot ang noo ko at tumango.Naalala ko ngang sinabi niya iyon. Noong nasa America kami
Jasmine’s Pov.“Aston, nasaan ka na?” Nakangiting tanong ko sa kausap ko sa cellphone habang nakaharap sa hinahanda kong mga pagkain para sa hapunan namin ni Aston. Kakatapos ko lang magluto at pasado alas-syete na ng gabi.“Pauwi na ako, Mine. Kakatapos lang ng trabaho. Why? Miss mo na ba ako?” Natawa ako sa tanong niya at the same time ay uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay namumula ang mukha ko sa simpleng banat niya.“Ah, eh…oo. HIHIHI.” Sagot ko na lang kaysa naman sabihin kong pinaglutuan ko siya.Nakarinig ako na parang may nauntog sa kabilang linya kaya natauhan ako sa iniisip ko.“Boss, ayos ka lang?” rinig kong tanong ni Larry.“Shít. It hurts.”“Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo, Boss. Para kang ewan sa ginagawa mo. Pambihira, kinilig lang nagiging tánga na,” “Damn you, Larry! Huwag ka ng maraming satsat d’yan! Bilisan mo dahil miss niya na ako!” “Uy! Ayos ka lang, Aston?” nag-aalalang tanong ko sa kabilang linya.“Yes, Mine. Ayos lang
Jasmine’s Pov“I’m not a mistress!” Halos maputol ang litid sa leeg na sigaw ni Yasmine. Nagtatago na ito sa likod ni Rogelio dahil sunod-sunod ang naging flash ng camera. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya pero hindi ko pinigilan si Hannah. Alam ko rin namang hindi siya magpapapigil sa akin ngayon.“Ah, talaga? Hindi ka kabit? Gusto mo ba marinig mismo ang sarili? Ipaparinig ko sa ‘yo kun gano ang sinabi mo kahapon sa kaibigan ko. Wala akong paki kung ano masira dahil pareho tayong public figure.” Matapang at naningkit ang mga matang hamon ni Hannah.Anong ibig niyang sabihin? Paanong––naalala kong hiniram niya ang cellphone ko kanina. Natampal ko na lang ang noo ko. Mukhang nakita niya kanina sa phone ko ang recorded ko kahapon.Sari-saring mga bulungan at komento ang naririnig ko sa paligid. This is a scandal. “Besh, tama na ‘yan.”“No. Kabit lang ‘yan, eh. Dapat lumugar, hindi yung umaakto na para bang siya yung asawa.” Inis na sabi ni Hannah kaya natahimik ako.“Bakit
Jasmine’s Pov“Kyahhh! Nagseselos siya, Beshicakes! Sabi na, eh…may gusto siya sa ‘yo!” Mabilis na tinakpan mo ang bibig ni Hannah dahil sa pagtili niya. Habang kumakain kasi ay nagkukuwentuhan kami at nabanghit ko sa kaniya ang nangyari kanina sa call.“Besh, huwag kang maingay! Pinagtitinginan na tayo oh!” sita ko sa kaniya pero tumawa lang siya.“Duh! Déadma! Kinikilig ako sa inyong dalawa ni Aston, ang cute pala magselos ang isang Aston Cowell!” daig pa’ng butiki na naputulan ng buntot kung kiligin siya.Napainom na lang ako ng tubig. Sa totoo lang, nakaramdaman ako ng saya. Pero iniisip ko kung totoo bang gusto ako ni Aston.Wala pa ngang isang linggo mula nang magkakilala kami. Papaanong nagustuhan ako ng lalaking iyon?“Alam mo, Besh? Feeling ko, sadyang maalalahanin at maalaga lang siguro si Aston kaya ganiyan siya sa akin.” Ibinaba ko ng hawak kong kutsara nang matapos akong kumain.“Gága! Hindi ganun yun. Sa trato pa lang niya sa ‘yo, sa pagiging caring at pagpapahalaga niy
Jasmine’s Pov“Aston, pwede ko ba mahingi ang number ni Larry?” Napangiti ako matapos i-send ang message ko kay Aston. Gusto kong itanong kay Larry kung ano ba ang mga paboritong pagkain ng amo niya.Ayaw ko kasing malaman ni Aston na ipagluto ko pala siya. Gusto ko siya i-surprise mamaya.Hinintay ko nang ilang minuto ang reply niya pero walang reply. Instead, tumawag siya na agad kong sinagot. Kakarating lang kasi namin ngayon sa mall. Nandito kami sa isang restaurant para mag-lunch muna bago kami mamili ni Hannah.“Bakit mo gustong kunin ang number ni Larry?” bakas sa tuno niya ang lungkot.Napatingin ako sa kaniya mula sa screen. Nakauwas siya ng tingin sa akin. Umigting pa ang panga niya na para bang may iniisip siya na nagpaginis sa kaniya.“Gusto ko siya––” “G-gusto mo siya?” parang gumuho ang mundong tanong niya.Takang tumango ako sa kaniya. Oo. Gusto kong makausap si Larry para itanong ang mga pabiroto niyang pagkain.“B-bakit si Larry pa?” mahinag tanong niya, tila nasas


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




