Share

CHAPTER 38

Ceslete

Nauna na akong pumasok sa bahay, naiwan naman sa sasakyan si Atticus. Hindi pwedeng makitang magkasabay kaming muli umuwi, baka magtaka na si Mommy.

"Bakit hapon kana nakauwi anak?" Tanong ni Mommy.

"Marami lang pong dapat gawin sa school mom."

"Sige, ipaghahanda kitang miryenda, ano ba ang gusto mo anak."

"Kahit ano po Mom, akyat po muna ako." Ani ko.

Nang makarating ako sa kwarto ay agad kong binaba ang aking bag.

"Malandi ka!" Sakto pagharap ko ay siyang pagdampi ng malakas na sampal sa aking mukha.

"Aah—" Hindi pa ako nakakatayo ng malakas pa niyang hinila ang aking na siyanh ikinatili ko sa sobrang sakit, pakiramdam ko napupunit ang aking anit.

"Ta-Tama na!" Pakiusap ko, nakakaramdam narin ako ng hilo.

"Napakalandi mo! Ang kapal mo para makipagrelasyon kay Atticus! Hindi kana nahiya, nakakadiri ka!" Sabay sampal niyang muli sa akin. Pero hindi ako nakaramdam ng sakit dahil sa pagkagulat.

'Paanong... Paano niya nalaman.' Binalot ako ng kaba, dahil may nakaalam muli sa amin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status