Home / Romance / My Stepbrother's "BIG" Secret / Chapter 9 : First Lunch

Share

Chapter 9 : First Lunch

Author: BelleNocturne
last update publish date: 2026-10-23 07:24:53

"Mukhang mahaba-habang adjustment ang kailangan ko rito."

Tanghali sa A.M. International University at tumunog na ang bell para sa lunch break. Nag-unahan ang mga estudyante ng Civil Engineering palabas ng Room 201, may dalang mga drafting tube at calculator. Si Celine ay nanatili sa upuan niya sa Row 3 para ayusin ang mga gamit na nagkalat sa mesa. Pinagpag niya ang pambura ng lapis at inayos ang ruler.

Wala pa rin siyang permanenteng grupo. Lahat ay may kasama nang kumain at siya lang ang n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 19 : Library Encounter

    "Mali ang load distribution mo."Napatigil si Celine Rivera sa pagsusulat nang marinig ang boses sa likod niya. Nasa loob siya ng A.M. University Library at halos isang oras na siyang nakayuko sa notebook para ayusin ang Structural Analysis computation na hindi niya maintindihan.Lumingon siya at nakita si Allister Dela Rosa na nakatayo sa tabi ng mesa niya. May hawak itong dalawang makakapal na business books at nakasuot ng itim na polo shirt."Anong mali?" tanong ni Celine at tinitigan ang papel.Kinuha ni Allister ang lapis na nasa mesa at sumulat ng dalawang linya sa gilid ng notebook ni Celine. Hindi siya umupo at nanatili lang nakatayo."Baliktad ang ginamit mong value sa formula. Dapat dead load muna bago live load," sabi ni Allister habang itinuro ang sinulat.Tiningnan ni Celine nang maigi at nanlaki ang mata. "Ay oo nga, baliktad. Kaya pala hindi nagtutugma ang sagot ko kanina pa."Balik tayo kaninang tanghali.Tahimik ang buong A.M. University Library nang sumapit ang lunch

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 18 : Chapter's Office

    "Paano ka nakapasok sa fifth floor?"Napatigil si Celine sa paglalagay ng helmet nang marinig ang tanong ni Allister Dela Rosa. Nasa parking lot sila ng A.M. International University at katatapos lang ng klase.Tumango si Celine at medyo nagulat. "Sa elevator. Bakit? Bawal ba?"Tumingin si Allister sa kanya nang seryoso. "Private floor iyon. Hindi basta estudyante ang umaakyat doon.""Iyon nga ang sabi ng kaklase ko," sagot ni Celine. "Nakita ko lang kasi sa directory na Chairman's Office. Akala ko pwede silipin kasi wala naman si Tito Jayson. Nasa Europe."Hindi agad sumagot si Allister at isinuot ang helmet."Anong nakita mo doon?" tanong ni Allister habang inaayos ang salamin ng motor."Opisina lang na malaki. May conference table at bookshelf," sagot ni Celine. "Pero may napansin akong panel sa dingding na parang pinto. Hindi ko lang masyadong nakita kasi sumara agad."Balik tayo kaninang umaga.Maagang natapos ang unang subject ng Civil Engineering na Structural Theory. Hindi pa

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 17 : Europe

    "Kasama niya si Allister." Nasa loob ng maliit na café sa tabi ng Lake Geneva si Martha Rivera. Hawak niya ang tasa ng cappuccino at nakatingin sa labas kung saan kitang-kita ang lawa na kulay asul na parang salamin at ang bundok na may niyebe sa tuktok. Nakasuot siya ng makapal na wool coat na kulay cream at scarf na pula at halatang magaan ang pakiramdam kumpara sa mga nakaraang buwan sa Pilipinas. Kaharap niya si Jayson Villafuerte na nakasuot ng dark gray coat. Nakangiti ito habang pinapanood si Martha na tuwang-tuwa sa tanawin. "Parang hindi naman sila magkasundo, hindi ba?" tanong ni Martha habang hinahalo ang kape gamit ang maliit na kutsara. "Noong huling tawag ko kay Celine, sabi niya masungit daw si Allister at hindi daw masyadong nagsasalita." "Sa umpisa lang iyon," sagot ni Jayson at sumandal sa upuan na gawa sa kahoy. "Ganyan talaga si Allister Dela Rosa. Hindi siya pala-kwento at hindi sanay makihalubilo. Pero kapag sinabi mong bantayan si Celine, gagawin niya nang

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 16 : Engineering Plate

    "Bagsak ang bahay ninyo kapag tinayo ito." Natigilan ang buong klase nang ituro ni Engr. Santos ang blueprint na nasa ibabaw ng drafting table. Ang boses niya hindi galit, pero sapat para mapahiya ang may gawa. Nakatayo sina Celine at Raymond sa harap habang nakapalibot ang ibang grupo. Lahat nakatingin sa pulang bilog na ginuhit ni Sir sa may kitchen area. "Sir, pwede po bang i-explain?" tanong ni Celine. Hawak niya ang calculator at ang kamay niya medyo nanginginig dahil sa kaba. Itinapat ni Engr. Santos ang scale sa drawing. "Tingnan ninyo itong dimension. Nagdag kayo ng dalawang metro sa span nang hindi ninyo binago ang beam size. Ano mangyayari sa load? Babagsak sa gitna. Hindi ito simpleng drafting error, delikado ito sa actual." Napatingin si Raymond kay Celine at marahang kinuha ang scratch paper para mag-compute ulit. "Sir, chineck namin ito kanina. Tugma ang computation namin sa umaga." "Chineck ninyo? Sigurado kayo?" balik ni Engr. Santos at tinanggal ang salamin. "Ka

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 15 : The Burned File

    Madilim na nang bumalik si Allister sa Hacienda Villafuerte kasama si Celine. Patay na ang ilaw sa veranda maliban sa maliit na ilaw sa may kusina kung saan abala si Yaya Maming sa paghuhugas ng plato. Katatapos lang nilang magsalo ni Celine sa hapunan. Tahimik ang kain at wala na namang naging mahabang usapan katulad ng nakasanayan nitong mga nakaraang araw. "Good night," sabi ni Celine habang paakyat sa hagdan. "Good night," sagot ni Allister na nasa may sala pa. Iyon lang ang usapan. Pero sapat na iyon para mapansin ni Yaya Maming ang unti-unting pagbabago sa dalawa. Hindi na sila nag-aaway tulad ng dati. Hindi pa sila magkaibigan na close. Pero hindi na rin sila estranghero na hindi nagpapansinan. Alas-onse ng gabi at tahimik ang buong Hacienda. Sa ikalawang palapag, mahimbing nang natutulog si Celine matapos ang nakakapagod na araw sa Engineering Department at sa byahe na inabot ng ulan sa tubuhan. Hindi niya alam na may isang lalaking muling aalis nang hindi nagpapaalam. Ta

  • My Stepbrother's "BIG" Secret   Chapter 14 : Closer

    Alas singko ng hapon sa A.M. International University at katatapos lang ng huling klase ni Celine sa Engineering Building. Mabigat ang ulap sa kalangitan at kulay abo ang buong paligid ng Moncada. Mahangin at amoy ulan na ang hangin na galing sa bundok. Maraming estudyante ang nagmamadali na lumabas ng building habang may dalang payong at kapote dahil alam nilang malapit nang bumuhos ang ulan. Habang palabas si Celine ng Engineering Building dala ang backpack na puno ng libro at drafting tube, nakita na naman niya ang Ducati ni Allister sa parking lot malapit sa gate. Kahit maraming motor ang nakaparada sa parking, madaling makita ang Ducati dahil itim at malaki at nakatayo sa gitna. Kahit umuulan na ng mahina, nandoon pa rin si Allister. Nakasandal lang si Allister sa motor at nakatingin sa malayo na parang naghihintay lang na matapos ang klase. Walang bati na nangyari pagkalabas ni Celine at inabot lang nito ang extra helmet na hawak niya kanina pa. "Uulan," sabi ni Allister ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status