Again, the more comments, the more updates. Malapit ko na talaga iuntog si Azrael, wait lang kayo hahaha ako na ang mag uuntog sa kanya.
Chapter 126“Hindi kayo magtatanong?” tanong ni Cheska, bakas sa tinig niya ang paghahamon kahit bahagyang may lungkot. Nasa bar na sila ngayon—maingay, puno ng ilaw na kumikislap, mga taong nagsasayawan, naghahalikan, at nagtatawanan na tila walang problema sa mundo.Pero para kay Cheska, para siyang nasa loob ng salamin—napapaligiran ng ingay pero wala siyang marinig kundi ang mga iniwang tanong sa dibdib niya.Walang sumagot.Hindi tuloy maiwasan ni Cheska ang mapatingin sa sahig habang dahan-dahang nilalaro ang baso sa harap niya. Napakagat siya sa labi. Naalala na naman niya... noong una silang nagkita ni Azrael.Sobrang tagal na no’n. Pero para sa kanya, parang kahapon lang.Isang simpleng gabi. Kailangan niya ng pera at nang makilala niya si Azrael, nagbago lahat. Natuto siyang magmahal, natuto siya sa maraming bagay.Napasinghap siya nang maramdaman ang biglang hapdi sa lalamunan—at na-realize niyang hawak na niya ang baso. Wala pa ring nagsasalita sa mga kasama niya. Tahimik
Tahimik pa rin ang loob ng van. Halos marinig nila ang bawat paghikbi ni Cheska, bawat paghabol niya ng hininga, habang pilit niyang pinipigilan ang mas malalakas na hagulgol.Walang kumikibo. Hindi dahil sa wala silang pakialam. Kundi dahil hindi nila alam kung paano hahawakan ang ganoong emosyon—lalo na galing sa taong inaasahan nilang palaging buo. Palaging malakas. Palaging matatag.“Ihatid niyo na lang ako sa headquarter, nandoon ang kotse ko kaya doon na lang,” mahina ngunit malinaw na sambit ni Cheska habang nakatingin sa labas at pinapanood ang mga nadaraanan nilang bahay. Ilang sandaling pag-iyak aynagingkalmado na si Cheska.“Hindi pwede. Magdadrive ka ng ganyan ang lagay?” sambit naman ni Dylan, may bahid ng pag-aalala sa tono.Oo, at minsan hindi talaga nila maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip ni Cheska—pero hindi iyon dahilan para hindi nila alagaan ito. Malaki ang malasakit ng lahat sa kanya.Una, dahil babae siya at tinuturing siyang prinsesa ng grupo. Pangalaw
Chapter 124Edi iyang fiancée mo na iyong maganda! sigaw ng isip ni Cheska habang mariing pumikit dahil alam naman niya at nakita niya sa letrato na maganda ang fiance niya kaya bakit kailangan pa niyang sabihin?“Wala naman kasing patutunguhan itong pag-uusap na ito! Dahil kahit anong sabihin mo, hindi ko tatanggapin!” bulyaw na ni Cheska, malakas, malinaw, at walang alinlangan.Napaturo si Azrael sa sarili niya, halatang hindi makapaniwala. “Sinisigawan mo ako?” gulat at may halong inis ang tanong nito.“Hindi, binubulungan kita,” sarkastikong sambit ni Cheska habang nakangising mapanghamon, pilit ikinukubli ang panginginig ng damdamin sa likod ng matigas na mukha."Ano bang klaseng babae ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Azrael.Parang sinabuyan ng malamig na tubig ang buong kwarto. Ang mga kasamahan ni Cheska ay hindi makagalaw, hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Hindi nila alam kung bakit nagkakaganito ang lead agent nila na dati'y sobrang kalkulado ang bawat galaw—pero ngayon
Hindi sumakit ang ulo ni Azrael. Kinagat ni Cheska ang labi habang iniisip iyon. Nakita siya nito at hindi sumakit ang ulo niya… anong ibig sabihin non? Maraming tanong agad ang sumiklab sa utak ni Cheska.“Aalis na ako. Kung gusto niyong ipagpatuloy ito, maiwan kayo. Pero ako, hindi magbabago ang isip ko na huwag itong tanggapin,” mariing ani ni Cheska. Tumalikod siya, buo ang loob na lumabas, pero bago pa man siya tuluyang makalagpas ay naramdaman na niya ang mariing hawak ni Azrael sa braso niya.Napapikit si Cheska. Mainit ang hawak. Mahigpit pero hindi nananakit. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila, parang kuryenteng gumagapang sa balat niya.“Bitawan mo ako—” mariing bulong niya.“You climbed into my room through a window, fell on me, called me gago, and now you’re acting like this?” matigas ang tono ni Azrael, pero ramdam ni Cheska na pilit nitong kinokontrol ang sarili.Inis na tinignan ni Cheska si Azrael, nangingilid ang luha pero hindi niya papayagang makita iyon ng kah
“Bakit hindi ka pa nagpapalit? Hindi ka pwedeng pumunta ng ganyan. Party in disguise iyon, kaya kailangan mo ring makibagay sa suot ng mga bisita,” ani Dylan, may bahid na irita sa boses habang tinignan ang combat gear ni Cheska—itim, tactical, at halatang out of place para sa isang social event.Binaba ni Cheska ang baril nang marinig ito, bagaman hindi pa rin ipinapakita kung susunod ba siya o hindi. Nakatingin lang siya sa mga tama ng bala sa target sheet sa harap niya, malamig ang ekspresyon, parang walang pakialam."Ano ba, Agent Carrido. Bakit ba ganyan inaasta mo ngayon?" Si Garry na lumapit na kay Cheska.“Tingin niyo ba talagang dadaan ako sa entrance?” matalim ang tono niya habang nilalagay ang kamay sa bulsa. “Kung gusto niyo, dumaan kayo roon. Hindi ko kayo pakikialaman. Saka makikipag-usap lang naman—bakit kailangan kong makibagay? At kapag sa entrance pa dumaan, mas matatagalan pa dahil sa bisita at security kaya kung gusto niyo don, sige, kayo bahala."Tahimik ang palig
Chapter 121“Bakit ba hindi mo gustong tanggapin?” Hindi pinansin ni Cheska ang tanong ni Garry kahit na rinig kung gaano ito kaseryoso.She just started shooting the target center—each shot precise, each movement mechanical, as if ignoring the rising tension behind her.“Agent Carrido, bilang isang team, hindi naman pwedeng ikaw lang ang magdesisyon nito,” seryosong sambit ni Haze, lumapit pa ng kaunti para ipakita ang determinasyon.Muli, hindi pinansin ni Cheska iyon. Niload lang niya ang baril para sa panibagong putok, pero bago pa niya makalabit ang gatilyo ay hinawakan na ito ni Dylan at ibinaba.“Kinakausap ka namin. Sabihin na nating ayaw mo talaga, pero baka naman may explanation ka tungkol dito. Hindi porket ikaw ang lead agent at mas magaling ka sa amin ay mawawalan kami ng karapatan para magdesisyon sa grupong ito,” seryoso ring sambit ni Dylan, na ikinapikit ni Cheska ng mariin—na para bang tinitiis niya ang tunog ng boses nito at bigat ng sitwasyon.Binaba niya ng tuluya
“Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo, Agent Carrido?!”Mariin lang na tumingin si Cheska sa lamesa. Tahimik. Walang reaksyon sa mukha, pero sa loob niya ay parang may unos. Kinabukasan pa lang ay agad siyang pinatawag pagkarating niya sa building—at alam na niyang ito ang kahihinatnan.Hindi na siya nagulat. Hinanda na niya ang sarili na mapagalitan.“That is so unprofessional. Nakakahiya!” Galit at bigong pigilan ni Commander Fred ang tono ng boses nito. “Sinabi ko na, inaanak ko iyon. Isang beses lang humingi ng pabor sa akin ang batang iyon kaya bakit kailangan mong gawin iyon?!”Napapikit si Cheska. Sa loob ng ilang segundo, para bang lahat ng panangga niya ay gustong bumigay. Hindi niya kayang idahilan ang totoo. Hindi niya kayang sabihin kung bakit. Hindi niya kayang banggitin ang pangalan ni Azrael sa harap ng Commander—lalo na’t may personal na koneksyon ito sa pamilya nito.“Ibigay niyo na lang sa iba, Commander. Hindi ko talaga tatanggapin ang misyong ito.” Buong pasya. Mabili
Chapter 119“Alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag,” simulang wika ng Commander habang tinatanggal ang gloves niya. “Another mission. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang basta VVIP. Mismo ang client ang pupunta rito para personal na kausapin kayo. They’re already on their way, kaya ihanda niyo na ang sarili niyo. This one’s highly sensitive.”Nagkatinginan ang lahat. Si Haze ay napakunot ng noo habang si Dylan ay bahagyang nagsimulang magtype sa tablet niya. Si Garry, tulad ng nakagawian, ang unang naglabas ng tanong.“May mas VVIP pa ba sa anak ng Presidente?” sarkastikong sambit niya, pero halata ang pagtataka sa tono. “Hindi mapakali si Commander, eh. Parang personal ito.”Bago pa makasagot ang commander, agad nang bumukas ang pinto.Nag-angat ng tingin ang lahat—maliban kay Cheska. Nanatili siyang nakatitig sa harap niya, sa basong may lamang tubig. Pero sa sandaling narinig niya ang boses, parang biglang naglaho ang ingay ng buong paligid. Tumigil ang oras.“Are we late? I’m
Chapter 118“Ngumiti ka naman, kaya kinakatakutan grupo natin dahil sayo, eh.” Biro ni Garry habang inaakbayan si Cheska, pero hindi pa man umaabot ang ngiti niya sa labi ay mabilis na tinanggal ni Cheska ang kamay niya sa balikat nito.“Subukan mong ilapit sa akin ang kamay mo, puputulin ko yan,” seryosong ani ni Cheska, malamig ang boses at matalim ang tingin.Napasinghab si Garry at bahagyang umatras, sabay taas ng dalawang kamay na waring sumusuko. “Okay, okay! Chill ka lang, boss.”Habang si Dylan ay napailing at abalang may inaayos sa tablet niya, sabay sabing, “Hindi mo pa rin talaga matuto, Garry. Ilang beses ka nang napahiya, hindi ka pa nadadala.”Si Haze naman ay nagbuntong-hininga at pinagmasdan si Cheska na tumayo na may matikas na tindig, hawak ang customized rifle na may mahigpit na pagkakabit sa sling. “Kung ako sayo, Garry, huwag mo na talagang subukan. Si Cheska lang ang kilala kong nakakatakot kahit walang sinasabi.”“Hindi ka pa nasasanay?” Si Dylan habang umiiling