Share

Chapter 20 - Stupid

Penulis: Midnight Ghost
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-26 18:59:05

Chapter 20

Grabe ang ginawang pag-aasikaso ng mga doctor at nurse sa kapatid ni Cheska, na talaga namang pakiramdam ni Cheska ay biglang VIP na sila. Lahat ng test ay ginawa nila para masuri ng maayos ang kalagayan ng kapatid ni Cheska and all of that ay dahil sa utos ni Azrael, inulit pa nila para makasigurado until in 4 days na pag stay nila sa hospital ay napag-alaman ni Cheska na Tita naman pala ni Azrael ang may ari ng hospital.

“Nasagawa na namin ang iba’t ibang test na kailangan para sa pasyente and we are going to do the surgery next month dahil medyo hindi pa maayos ang katawan ng pasyente. Bago kasi maoperahan ang pasyente ay dapat masigurado na nasa tama at maayos ang kundisyon ng katawan at kalusugan nito para walang komplikasyon na maganap, but we are promise that we are going to do our best to have surgery successful, Miss Franchesca.” Tuloy tuloy na ani ng doctor ni Nero.

“Ganoon po ba? Ayos lang naman kung medyo matagalan ang surgery? Kasi po sa hospital kung saan ko p
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Karen Hazel Fantonial
salamat Ms A 🫶
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 138 - If I was here

    Chapter 138 (Expanded)“Kuya!” Hinihingal na tawag ni Aiden nang malapitan ang kapatid niya. He received that text from Cheska kaya naman agad siyang pinuntahan ang kapatid.Pero natigilan siya nang makitang tulala ang kapatid niya. Hindi gumagalaw. Para bang nawawala sa ulirat si Azrael, habang nakatayo lang sa gilid ng gusali na tila bang may mabigat na bumabalot sa kanyang dibdib.“Kuya—”“B-Bakit ba siya palaging umiiyak? W-Why does it feel like I was the one who is making her cry like that?”Natigilan si Aiden at napatitig sa kapatid. Kitang-kita niya ang mariing pagpikit ng mata ni Azrael at saka huminga ng malalim. Hindi lang pagkalito ang nakita niya rito, kundi pati ang pagkapunit ng damdamin—isang uri ng sakit na hindi mo alam kung saan nanggaling.Aiden wanted to talk, pero walang lumalabas sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyari, pero base sa sinabi nito, umiyak si Cheska. Huminga siya ng malalim, sinusubukang magpakatatag, pero napasinghab siya sa sunod na sinabi ni

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 137 - Do you know me?

    “M-May fiancé ka, Mr. Buenavista. Babae rin ako at mali ito.” Mariing ani ni Cheska at saka agad nang lumayo. Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit sa loob ay parang gusto na niyang sumigaw, umiyak, at bumalik sa mga halik nito.“Agent—”“Talagang papanindigan mo ang pagiging gago at gagawin mo pa akong kabit?!” Galit na ang umosbong kay Cheska sa kabila ng sakit. Tinignan niya ng seryoso si Azrael at kitang kita naman niya ang pagpungay ng mata nito.Napasinghab si Cheska dahil pati ang mga matang iyon, namimiss na niya ng subra.“Hindi naman sa ganoon—” Muli hindi niya pinatapos ang sasabihin nito.“At kung ako ang nasa pwesto ng fiancé mo, kahit kailan, hindi ko iyon magugustuhan.” Deretsong ani ni Cheska dito.Tuluyang natahimik si Azrael. Parang may binasag na kung ano sa loob nito. Tahimik na nakatingin lang sa kanya, para bang hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Nakabukas ang bibig pero walang lumalabas na salita, tila ba dinudurog siya ng isang katotohanang hindi niy

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 136 - Tumigil ka na

    Pagkalabas nila ng convenience store, hindi pa rin makapagsalita si Cheska. Paulit-ulit itong kumurap kurap habang nakatitig kay Azrael. Halos hindi maregistro sa isip niya ang ginawa nito—ang halik na iyon. Parang tumigil ang mundo niya, at kahit ang simpleng paghinga ay naging mahirap.Pinanood nito na binuksan ang gatas at binigay na sa kanya, pero nakatitig pa rin si Cheska dito. Parang natulala siya. Parang binura ng halik na iyon ang lahat ng logic at kontrol na meron siya sa sarili.“H-Hinalikan mo ako?” utal na tanong ni Cheska, hindi pa rin talaga makapaniwala.Ngumisi si Azrael at saka tumango. “Because you said you want to know what you did that night.”Napasinghap si Cheska. Napatras pa siya ng bahagya. “K-Kailan ko iyon ginawa? I mean… wala akong maalala na ginawa ko iyon! Gago ka ba?!”Napasigaw na si Cheska at napasulyap ang ibang tao na nandoon. May ilang tumigil pa nga para silipin kung may gulo ba, pero agad ring tumalikod.Nanlaki naman ang mata ni Azrael at napasul

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chaptere 135 - No Alcohol

    “Oh!” Agad kinuha ni Cheska ang inaabot ni Aiden na beer sa kanya, binuksan at lumagok.“Iyang kuya mo, maghahanap na nga lang ng babaeng ipapalit sa akin, parang may sira pa sa utak!” Hindi na mapigilan ni Cheska ang pagsabog ng sama ng loob sa mga salitang iyon. Sa unang lagok palang ng beer, sumambulat na ang matagal na niyang pinipigilang mga salita.Nasa labas sila ng convenience store, nakaupo sa may sementadong gilid ng paradahan. Maliwanag mula sa streetlights, pero malamig ang ihip ng hangin sa gabi. Kaunting katahimikan lang ang bumabalot, bukod sa tunog ng mga gumugulong na sasakyan sa highway.“Ilang araw lang akong nawala, mukhang ang dami ng nangyare, ah. Akala ko ba hindi mo tatanggapin iyong misyon?” ani Aiden habang tinitikman din ang kanyang beer.“Eh, baliw nga kasi ‘yung babaeng papakasalan ng papa ng anak ko kaya—” Halos mapamura si Cheska habang umiikot ang mga mata sa inis.“Ang sabihin mo, hindi mo lang matiis si Kuya. Miss mo na? Tutal naman hindi na sumasakit

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 134 - Akin

    “Do you need anything, Mr. Buenavista?” Sa halip na patulan ang sinabi nito, iyon na lang ang tanong ni Cheska.Kumunot ang noo ni Azrael sa hindi nito pagpansin sa sinabi niya. Napasulyap lang si Cheska sa basong hawak nito nang lagukin niya iyon.“Well, you are spacing out while you’re working, Agent Carrido. Nakikipagtext pa. Sa tingin mo ba mababantayan mo ang fiancée ko kung iba ang iniisip mo at ginagawa mo? You’ve been working for almost four days, and yet every time I look at you, you seem distracted. What is it? Your boyfriend?”Iritang sambit ni Azrael.Kumunot din ang noo ni Cheska.Tingin mo ba may oras pa akong makipag-boyfriend?! Ang anak natin ang iniisip ko, gago!Sigaw ng isip niya, galit na galit. Kung puwede niya lang iyong ibulyaw, ginawa na niya. Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili at pinipigilan ang sarili na maibulalas iyon.Tinitigan niya si Azrael, hinahanap ang dahilan kung bakit ito galit. Kahit may iniisip siya, hindi naman siya nagpapab

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 133 - Trabaho

    Chapter 132Hindi pa rin maalis sa isip ni Cheska ang pag-uusap nila ng anak niyang si Thali. Hindi niya akalain o naisip man lang na masasabi nito ang bagay na iyon. Alam naman niya na darating ang araw na babanggitin nito ang salitang papa, pero ang marinig iyon, at sabihing galit ito, ay parang hirap si Cheska na tanggapin.Hindi niya gusto na ganoon ang maging tingin ni Thali sa kanyang ama—lalo na’t hindi naman sila iniwan, o ginusto man ni Azrael na wala sila sa tabi nito. Kaya naman parang puputok na ang ugat sa batok niya habang iniisip iyon.“Ang boring naman ng misyon na ‘to. Wala man lang bakbakan. Wala din akong nakikitang kahina-hinala sa paligid ng Bianca na iyon,” reklamo ni Garry matapos ang isang araw na pagbabantay ng grupo nila.Nasa headquarters na sila. Inaayos na lang ni Cheska ang mga gamit at uuwi na sana siya. Hindi niya nagawang sunduin ang anak dahil sa pagbabantay kay Bianca.“Alam mo, nagtataka ako. Ang sabi, nakita ang death threat sa condo ni Bianca, per

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 132 - Papa

    “Pvtang ina.” Mura ng mga kasamahan ni Cheska.Wala na siyang choice kung hindi ang sabihin iyon lalo na at nalaman na niyang nagpa-background check na ito at may isang letrato itong nakita na kuha noon kung saan, nandoon siya kasama ang mga Buenavista at hindi na siya nagulat sa naging reaction nila. Nasa kwarto sila kung saan, grupo lang nila ang pwedeng pumasok. Ramdam ni Cheska ang tensyon, pero hindi siya nagpakita ng kahit anong pag-aalinlangan. Pinanindigan niya ang lahat, lalo na ang desisyon niya iyon.“K-Kung ganoon hindi ka niya maalala tapos si Thali…? Anak ninyo?” si Garry na halos takpan ang labi sa sobrang gulat. Para bang hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Nakatingin siya kay Cheska na tila ba may hinihintay na kumpirmasyon."Grabe ito, ah. Anong buhay ang meron ka? Pwede na itong ipasa sa TV,." Pagbibiro pa ni Garry.“Pero bakit mo tinanggap iyong misyon? Okay na nga sa amin na hindi mo iyon tanggapin kaya—” Si Haze“Gusto niya raw akong bilhin,” simpleng ani

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 131 - Kabaliktaran

    “Maupo ka—”“Kilala mo ako?” Mabilis na tanong ni Cheska, at kasunod nito ay napangisi siya. “Malamang oo, dahil hindi mo naman sila papaalisin kung hindi mo ako kilala.” Sarkastikong natawa pa si Cheska, halatang hindi impressed sa presensya ng kaharap.Tinignan niya ng seryoso si Bianca. Kitang-kita niya ang unti-unting pagkawala ng ngiti sa labi nito—parang isang maskarang unti-unting natutuklap.“I am his fiancé—”“Oo, alam ko. Kakasabi mo lang kanina. Wala ka na bang ibang masabi?” Iritadong tugon ni Cheska, ramdam ang inis sa paulit-ulit na sinasabi ng babae.“Franchesca Carrido. Oo, kilala kita. Alam ko lahat ng nangyari limang taon na ang nakakalipas,” mariing sabi ni Bianca, at napailing si Cheska habang pinapanood ang pagbabago sa ekspresyon ng babae. Sa itsura nito ngayon, malinaw sa kaniya na nagkamali siya ng akala. Akala niya ay mabait ito gaya ng unang tingin niya rito, pero ngayon, kita na niya ang tunay na kulay.“Alam ko rin kung gaano kasama ang mama mo. Ikaw ang da

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 130 - Bianca

    Chapter 130 “Wala akong maalala kagabi, may ginawa ba ako?” Seryosong tanong ni Cheska sa mga kasamahan habang pinupunasan ang baril. Ramdam ang bigat sa boses niya, tila may bahid ng kaba at pagkalito, habang paulit-ulit ang pagpunas sa baril nito.“Mukhang wala naman,” sagot ni Haze habang nakatitig sa target. “Hinayaan ka na namin noong nakainom ka, dahil alam naman namin na kaya mo ang sarili mo.” Simpleng ani ni Haze na ramdam pa rin ang sakit sa ulo dahil sa naparami ang inom niya ng anak.“Nakauwi ka nga ng matiwasay, ‘di ba? Ibang klase ka talaga,” si Garry naman ang sumingit, may halong biro at iwas sa seryosong usapan. “Kapag lasing ako, hindi ko na alam kung saan ako pumupunta, pero ikaw, kahit ilang alak ang ininom mo, kaya mo pa ring umuwi. Nakakalimot nga lang,” natatawang ani ni Garry habang inaayos ang baril na hawak niya. Pero nang makita ang seryosong tingin ni Cheska sa kanya, unti-unting nawala ang ngiti niya at napitikom ang labi.Natigilan si Cheska. Paggising n

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status