CHAPTER 27Hindi alam ni Belinda kung paano niya na-survive ang oras na iyon. Nagpalipas ng halos 10 minutes pa si Belinda bago tuluyang bumalik. After they ate, the team went back to the site para ipagpatuloy ang trabaho.Laking pasalamat na lang ni Belinda na walang nakapansin sa ginawa nila ni Van; even Lia didn't notice it kaya nakahinga ito ng maluwag. Hindi alam ni Belinda ang gagawin o iisipin kung sakaling may nakapansin doon sa ginawa ni Van sa habang nakaupo sila sa lamesa at ang ginawa nila sa loob ng Comfort room ng mga babae.Sa site, ginawa naman ang lahat ni Belinda na huwag mapalapit kay Manager Xian, lalo na at napapansin nito ang ilang beses na tingin ni Van sa kanya.And after their work, nagpasya na silang umuwi. Because no one knows that Belinda and Van are married, hindi magawang sumakay ni Belinda sa sasakyan ng asawa. Saka naisip din naman ni Belinda na maiiwan sa company car si Lia kapag palihim na siyang sumakay sa kotse ng asawa.Van: Uwi sa bahay.That was
CHAPTER 28Walang gana si Belinda nang tuluyang umalis papuntang abroad si Van. Even in her work, na dapat naman ay hindi niya hinahayaan maapektuhan, ay naaapektuhan.“Belinda!” Napabalik sa sarili si Belinda nang may tumapik sa kanya. She looked behind her at halos tarantang napatayo nang makita si Manager Xian.“Manager Xian?” Takang tanong nito. “May kailangan ka po ba?” dugtong na tanong pa ni Belinda.“Nothing. Nag-iikot-ikot lang ako, but then I saw you spacing out. Are you okay? Kung masama ang pakiramdam mo, umuwi ka na.” Nakarinig si Belinda ng ilang singhap mula sa mga malapit na empleyado.Naramdaman nga rin ni Belinda ang tingin ni Lia sa kanila. Belinda still hadn't told Lia about the flower, pero alam ni Belinda na kapag nalaman iyon ni Lia, tiyak magugulat siya at kung ano-ano na naman ang sasabihin nito.“Ayos lang po ako, Manager Xian,” tanging sambit ni Belinda, pero tinanong ulit siya ni Manager Xian at sinagot niya ulit ng parehong sagot.During their lunch break,
Chapter 29Ilang oras pagkatapos ng nangyari sa cafeteria ay pinatawag silang tatlo ni Manager Xian, na hindi naman ikinagulat nina Lia at Belinda dahil maraming nakakita sa insidente.“So, what was that? I already warned all of you the last time na nagkasagutan kayo, but now? You all did something again at mas malala pa? Sobrang daming nakakita and for god's sake! You all are professionals here, pero nagsabuyan kayo ng tubig na parang bata?” Sa kabila ng mga sinabi ni Manager Xian ay walang nagsalita sa kanila.“Walang magsasalita?” Manager Xian seriously asked.Pinanindigan ni Belinda at Lia na huwag magsalita, pero napatingin silang dalawa kay Crizel nang siya'y magsalita.“Sila naman ang nauna, Manager Xian.” “Really? And now you have the courage to talk? What the hell?” Natatawang sabi ni Lia at umirap pa.Belinda immediately held Lia to stop her. Belinda knows that the three of them have faults kaya mas maigi na manahimik na lang, pero napasinghap na lang siya nang lumapit sa
“Po?” Gulat na tanong ni Belinda.Manager Xian smiles and stops the car.“We're here.” Sambit nito kaya napasulyap si Belinda sa labas.“Paano niyo po nalaman?” Dapat ay lumabas na agad si Belinda, pero hindi nito mapigilan ang itanong iyon gayong talagang nagulat siya na alam nito ang nangyari sa kasal niya.“I just know, Belinda. Puntahan mo na ang lola mo.”Gustong malaman ni Belinda ang sagot sa tanong niya, kung paano nito nalaman, pero sa huli ay tumango na lang siya at tuluyan nang umalis para puntahan ang lola niya.“Nagiging mabuti naman na ang lagay ng lola mo. Sana magtuloy-tuloy at makalabas na siya.”Napangiti si Belinda sa narinig mula sa doktor.“Salamat po, Doc. Kung may mga kailangan pa para kay lola, imessage o itawag niyo lang po sa akin.”Walang pakialam si Belinda kung maubos ang perang inipon niya. Ang pinaka gusto niya sa lahat ay ang makitang malakas ang lola niya, na siyang kaisa-isang taong nagpalaki at nagparamdam sa kanya ng pagmamahal.Ang lola Sylvia niya
Chapter 31Sigurado si Belinda na si Van iyon. Kung bakit nandito na siya kahit limang araw ang sinabi nito na pamamalagi niya sa abroad, ay talagang hindi alam ni Belinda.Nakita niya. And Belinda is also sure about that kasi nakabukas ang bintana. Halos sumikip ang dibdib niya sa pag-aalala. Alam niyang hindi naman tulad ng ibang mag-asawa ang kasal nila, pero kahit balik-baliktarin ang sitwasyon, asawa niya si Van at maling magpahalik siya sa ibang lalaki.“Belinda, I'm sorry!” Manager Xian said pagkalabas sa kotse.Hindi siya pinansin ni Belinda at agad na tumingin sa daan. Belinda sighed when she saw a taxi coming. Agad niya iyong pinara kahit ilang beses siyang tinawag ni Manager Xian.Belinda immediately said the address of Van's house. Halos hindi na talaga mapakali si Belinda. She tried to call Van, pero hindi nito sinasagot. She even texted him, but no answer.Belinda: Van, it's not what you think.Belinda: Let's talk, please.Ni isa ay wala siyang reply.“Nandito na po—” Mab
**Chapter 32** “Hey, you have work. Wake up.” Kanina pa gising si Belinda, pero hindi niya gustong bumangon. “Malalate ka na kung hindi ka pa babangon ngayon.” Sambit pa ni Van habang pinaglalaruan ang buhok ng asawa. Imbes na bumangon si Belinda ay niyakap niya lang ang asawa ng mas mahigpit habang hinahayaan ni Belinda ang sariling amuyin kung gaano kabango ang asawa. Van chuckled dahil alam din niya na kanina pa gising ang asawa. Pagod na pagod ang asawa niya kagabi at nakatulugan nito ang posisyon kagabi. “Baby, you have work,” bulong pa nito, pero hindi pa rin iyon pinansin ni Belinda. “Belinda.” This time, naging seryoso ang boses ni Van. Belinda looked at him. “Ayokong pumasok. Huwag na tayong pumasok.” This is the first time that Belinda said that word, na ayaw niyang pumasok. Belinda is a workaholic. Kung hindi niya kasama ang lola ay talagang sobra itong nakatutok sa trabaho, pero ngayon, after what happened, pagkatapos niyang makaramdam ng sobrang takot na baka makipa
Chapter 33Naubos ang oras ni Belinda at Van sa loob ng kanilang kwarto. They spent the time together and neither of them got bored. Sa sumunod na araw ay bumalik sa trabaho si Belinda at napagdesisyonan na kausapin ng masinsinan si Manager Xian, pero bago niya tuluyang madesisyonan iyon, sinabi niya muna kay Van ang plano at pumayag naman siya.“Belinda, about last night—”“Manager Xian, I have so much respect for you. Magaling kang manager ng department, but what you suddenly did is not really that good. May asawa akong tao, Manager Xian,” mabilis na sambit ni Belinda.Hindi gaanong pumapatol si Belinda lalo na tuwing may away at sagutan, but Belinda knows when to talk.“And kissing me even though you know that I am a married person is really making me disrespectful,” Belinda seriously said.Hindi na niya hinayaan si Manager Xian na magsalita at agad na siyang lumabas. She shouldn't be like that kasi baka ito pa ang rason baka mawalan siya ng trabaho, pero hindi hahayaan ni Belinda
Chapter 34Mag-iisang oras pa lang ay halos malasing na ang lahat. Even Lia is also drunk at pasayaw-sayaw na rin.Si Belinda lang ang kaisa-isang nakaupo at walang inom sa lahat.Ang pinagpasalamat lang ni Belinda ay nang sabihin ni Crizel na hindi sasama si Manager Xian sa kanila. Ang huling usap kasi ni Belinda at Manager Xian ay tungkol doon sa nangyari pa, at sa mga sumunod na araw nga ay hindi na kailanman pinatawag ni Manager Xian sa opisina si Belinda kahit na tungkol sa trabaho.“Belinda, bakit ba ang killjoy mo? Look at Lia, game na game, oh. Nag-eenjoy pa, eh ikaw? Anong balak mo, girl?” Crizel suddenly sat beside her.Nakainom na si Crizel, pero mukhang hindi naman ganoong kalasing gaya ng iba pa.“Hindi lang talaga ako sanay sa mga ganito,” sambit na lang ni Belinda na agad namang inirapan ni Crizel.“Ang boring mo. Here, try this one. Isa lang.” Mabilis na umiling si Belinda nang kunin ni Crizel ang isang basong may alak na nasa lamesa.“No. Hindi ako umiinom—”Inis na n
Chapter 79“Bakit mo pinaalis? Mukha namang nag-eenjoy kang kasama siya,” mariing ani ni Cheska, hindi maitago ang lalim ng hinanakit sa boses niya. Hindi niya sinubukang pagandahin pa ang tono. Para saan pa?Hindi lang makapaniwala si Cheska nang makita ang pagngiti nito na animo’y may nakakatawa.“Anong nakakatawa—”“So you are jealous? Hmm?” May mapaglaro sa boses nito kaya hindi maiwasan ni Cheska ang ikunot ang noo habang hindi makapaniwalang tumingin dito.“Bakit ako magseselos! Idi maglaplapan pa kayo kung iyon ang gusto mo!” Iritang ani ni Cheska. Obvious naman kasing nagseselos siya tapos tatangunin pa? Mas lalo lang humanpas sa irita ang nararamdaman niya, lalo na at nakikitaan pa ito ng pagngiti.“Talaga? You want to see me kissing her?” Mahina na tanong nito na siyang nagpasinghab kay Cheska.“Gago!” Bulyaw ni Cheska at tatalikod na sana, pero agad na siyang hinawakan ni Azrael."Hey! I'm just kidding," natatawang ani pa nito.“Ano ba!” Sinubukan ni Cheska na tanggalin ang
Napailing siya nang biglang may dumalo na babaeng nasa lobby kanina—mukhang isang receptionist.“Good evening, Ma’am Veronica.”“Good evening. Tapos na ba ang meeting? Late na, but I want Azrael to see this blueprint. Nalaman ko na he is still here, reason why I came here immediately,” rinig ni Cheska na ani ni Veronica, habang hinahawakan ang isang cylinder tube na halatang may lamang plano o drawing."Tapos na po ang meeting at kasalukuyan na mag-isa na po si Sir sa taas. Mag-isa na po talaga siya doon lalo na at pinauwi na ni Sir ang secretary niya." Rinig pa ni Cheska iyon na ikinasinghab nito.“Umalis ka na lang po para wala nang gulo,” ani pa ng guard kay Cheska. Halatang gusto lang nitong makabawi sa kayabangan kanina sa pamamagitan ng pagpabor sa mas may impluwensya.Huminga ng malalim si Cheska at tatalikod na sana, pilit na kinakalma ang sarili kahit gusto na niyang batuhin ng sapatos ang mga taong iyon, pero nagulat siya nang makita kung sino ang nakasandal sa pader sa gili
Chapter 77“Oh!” Inis na ani ni Cheska at binigay ang tubig kay Aiden.“Hindi ba sinabi kong umalis ka na? Bakit ba nandito ka pa?” Inis na ani din ni Aiden.Napasinghab si Cheska sa inasta nito. Nasa convenient store na sila pagkatapos ng nangyare, pero imbes na magpasalamat ito ay iyon pa ang ginawa kaya hindi tuloy niya maiwasang mainis.“Pwede bang magpasalamat ka na lang? Tignan mo nga yang sarili mo? Puro sugat na yang mukha mo. Paano na lang kung hindi ako napadaan don, ha!” Wala nang pakealam si Cheska kung kapatid ito ng Azrael, basta naiinis lang siya sa inaasta nito ngayon.“Ikaw! Alam ba ni Kuya na amazona ka?” Biglang kuryusong tanong ni Aiden sa kanya. Binigay pa nga ang lahat ng attention dito kaya hindi mapigilan ni Cheska ang kamay na batukan ito. Kung pwede lang sabihin na alam ng kapatid niya dahil bodyguard suiya nito, pero shempre hindi naman niya kailangang sabihin iyon.“Aray! Problema mo!” Inis na ani nito.“Tinulungan na kita sa mga kaaway mo. Ngayon, dalhin m
Chapter 76Nalaglag ang balikat ni Cheska nang walang madatnan sa bahay nila. Tahimik ang buong paligid, masyadong tahimik. Parang sinadya ng bahay na ipamukha sa kanya ang kawalan. Wala pa rin ang kanyang ina, at mukhang hindi pa ito umuuwi simula noong umalis sila. Ang mga kurtina'y nanatiling nakabukas gaya ng iniwan niya, at ang maliit na kalendaryong nakasabit sa pader ay hindi pa rin naitama ang petsa.“Ano pa bang inaakala ko?” sarkastikong ani ni Cheska, pilit pinapatawa ang sarili sa gitna ng sakit. Umiling siya nang mapait, at saka marahang lumapit sa luma at halos nawawasak nang aparador.Binuksan niya ito at agad siyang sinalubong ng amoy ng lumang kahoy, pinaghalong alikabok at lumipas na alaala. Isa-isa niyang pinulot ang ilang malilinis pang damit—ilang pirasong pambahay at isang jacket ni Nero na baka sakaling gusto nitong suotin. Hindi na siya nagtagal. Ayaw na niyang manatili sa loob ng bahay na para bang iniwan na rin siya.Paglabas niya, dama niya agad ang malamig
Chapter 75Azrael: I have an emergency meeting today. Hindi ako makakapunta.Napatitig si Cheska sa mensahe. Kanina pa siya naghihintay kay Azrael, nakatayo sa may bintana habang paulit-ulit na sinusulyapan ang kanyang cellphone. Nang mabasa ang text, tila may mabigat na batong nalaglag sa kanyang balikat. Ang saya at pananabik na kanina’y pumupuno sa dibdib niya ay biglang napalitan ng lungkot at dismaya dahil talagang kanina pa siya naghihintay dito tapos hindi naman pala matutuloy.“May sinabi na kaya si Aiden?” mahina niyang bulong, halos hindi marinig sa sariling tinig. Mariin niyang kinagat ang kanyang labi.Hindi niya maiwasang balikan ang sandaling nadatnan siya ni Azrael sa hindi kaaya-ayang posisyon kasama si Cris. Hindi naman nila sinasadya na naging ganoon ang posisyon nila, pero alam niyang hindi iyon maganda sa paningin ng sinuman—lalo na kay Azrael. Kitang-kita niya noon ang biglang lamig ng tingin nito.Naalala ni Cheska kung paano siya hindi pinansin nito. Noon ay na
“Chesa?” gulat na ani ni Aiden nang magtama ang tingin nilang dalawa. Pumasok siya at nang makapsok ay agad namang sumara ang elevator.“Cheska, hindi Chesa,” mariing sagot ni Cheska, tinatma ang tawag nito sa kanya habang napapako ang tingin sa pasa sa mukha ng binata. “Whatever,” maikli pero mapait na tugon ni Aiden habang napangiwi sa sakit ng panga niya. Napahawak pa siya sa pisngi dahil sa pagsakit non at may kasama iyong mahihinang mura.Si Cris naman ay kunot-noo, palipat-lipat ang tingin sa dalawa. Ramdam ang tensyon, pero pinili na lang na manahimik. Halata sa mga mata niya ang pag-uusisa—at pag-aalala para kay Cheska.“Anong nangyari diyan?” tanong ni Cheska, di na mapigilan ang pag-aalala. Alam niyang hindi siya dapat manghimasok, pero hindi niya mapigilan ang sariling magtanong. Hindi lang basta pasa—marami. At hindi lang basta galos sa mukha—may basag sa tingin.“May nakaaway lang ako, pero wala ito. Huwag mo na lang sasabihin kay Kuya, ah. Papagalitan nanaman ako non n
Azrael:I want to come tonight, but I still have a meeting. Pupunta ako diyan bukas mag-uusap tayo and I want to hear your asnwer about us. Goodnight. I love you.Nahigit ni Cheska ang paghinga habang nakatitig sa natanggap niyang mensahe mula kay Azrael. Gabi na, at hindi na nga siya umaasang magte-text ito lalo na at alam niyang abala ito sa sunod-sunod na meetings—isang bagay na napapakinggan na rin niya sa mga usapan ng pamilya nila. Pero heto’t nag-message pa rin ito sa kanya. Hindi lang basta mensahe… kundi mensaheng may laman—may damdamin."Haist, Azrael." Wala sa sariling ani ni Cheska habang nakangiti.Kinagat ni Cheska ang labi habang nakatitig sa tatlong salitang nasa huli ng mensahe. "I love you." She still couldn’t believe it. Ilang ulit na niyang binasa ang mga salitang iyon, pero parang bawat ulit ay may bago itong dulot sa puso niya. Tumitibok ito nang sobrang lakas, para bang hindi na niya kayang pigilan ang ngiti sa kanyang mga labi.Subrang lumulundag ang puso niya
Wala sa tono nito ang alinlangan. “Is that enough for you to hear and not think of any questions about it? O gusto mo pang ipaliwanag ko iyong mga nararamdaman ko na… sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan kung paano bigla ko na lang naramdaman?"“Minsan ko lang ito sasabihin kaya makinig ka.” Huminga pa si Azrael ng malalim, animo’y nag-iipon ng lakas ng loob. Inayos pa niya ang upo, para bang gustong tumindig at ipagsigawan ang nararamdaman.Napalunok si Cheska at hindi alam ang sasabihin o kung kailangan ba niyang magsalita. Hindi niya alam. Bago lang naman kasi sa kanya ang ganitong mga bagay. Lumaki siya na ang nasa isip ay makakuha ng pera para sa kapatid niya, para sa pamilya niya, hindi niya inisip na magkakaroon ng ganitong pangyayari sa buhay niya, na magkakagusto siya sa taong hindi niya kalevel at biglang aamin sa kanya.Masyado siyang nasanay sa bardagulan nilang dalawa ni Azrael kaya hindi niya alam ang sasabihin o gagawin.“I feel safe every time I am with you. I feel
Chapter 72Tinignan ni Cheska ang kamay niya, hawak pa rin iyon ni Azrael. Mahigpit, pero may ingat ang paghawak nito ng mariin.“Umayos ka nga sa pagdadrive.” Si Cheska at sinubukang kunin ang kamay niyang hawak ni Azrael, para mahawakan niya ng maayos ang manobela, pero hinigpitan lang iyon ni Azrael, hindi hinayaang mabitawan iyon. Nabigla pa siya nang halikan ni Azrael ang likod ng palad nito, marahan, para bang pinipirmi ang presensya niya sa kanyang mundo.“Azrael—”“Sinong mas gwapo sa amin?” Umawang ang labi ni Cheska sa biglang tanong niya. Tinignan ni Cheska si Aiden na ngayon ay nakapikit na at tulog. Kinagat niya ang labi at naoanguso dahil wala naman kasi talaga itong sinabi na gwapo si Aiden at gusto niya ito, hindi niya lang alam kung anong trip ng kapatid ni Azrael at sinabi niya iyon.“At talagang kailangang tignan mo muna siya bago sumagot?” Biglang sarkastikong ani ni Azrael, umigting ang panga at parang nagtatampo. "Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang na mas gwapo a