Compartilhar

Kabanata 2

Autor: Ensi
last update Data de publicação: 2026-09-10 10:24:15

Napatingin ako sa folder, saka sa orasang pader. “Ngayon po?”

“Yes. Before you leave.”

Napabuntong-hininga ako. Of course. Sa kanya pa rin ang bagsak ko.

Tumayo ako at kinuha ang folder. Pagdating ko sa executive floor, napakatahimik na ng paligid. Kumatok ako sa pint0 ng opisina ni Duke.

“Come in.” Boses pa lang, parang gusto ko nang magtatatakbo.

Tinulak ko ang pint0 nang dahan-dahan. “Sir, these documents were requested by—”

“Put them there,” putol niya sa akin habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang laptop. Itinuro niya ang maliit na mesa sa gilid.

“Opo.” Inilapag ko ang folder doon.

Habang dahan-dahan akong tumatalikod upang lumabas, narinig ko muli ang kanyang boses.

“Ms. Santos.”

Lumingon ako. Maririnig na yata ang tib0k ng puso ko sa sobrang kaba ko. “Yes, Sir?”

Nanlamig ako nang matanto kong nakatingin pala siya sa akin, tila nagmamasid.

“Natatae ka ba? Bakit ganyan ka makatayo? Here, kunin mo 'to.” Napatulala ako nang iabot niya sa akin ang paper bag.

Tumango ako nang mabilis at nagmamadaling kinuha 'yon. “Thank you, Sir.”

Kumunot ang noo niya. “Basura 'yan, hindi pagkain. Itapon mo sa labas.”

Bwisit! Akala ko bumait na, halimaw pa rin pala.

Paglabas ko ng gusali, hindi ko maipaliwanag ang ginhawang naramdaman ko. Itatapon ko na sana ang paper bag nang matanto kung may laman 'yon.

Sandwich at juice? Akala ko basura, bakit parang hindi? Tiningnan ko ang loob niyon, may sandwich nga at juice. Ang linis. Walang kalat.

Napalingon ako sa office ni Duke, para sa akin ba 'to? Baka hindi niya kinain. Sige, akin na lang! Sayang kong itatapon ko 'to.

Pag-uwi ko sa apartment kung saan nakatira si Erika, halos gumapang na ako sa pagod papunta sa kanyang unit. Pagbukas ko ng pint0 gamit ang duplicate key na nasa loob ng sapatos, agad kong nakita ang maleta kong maayos na nakatabi sa sulok ng sala.

Nakahinga ako nang maluwag. At least, ligtas ako rito ngayong gabi. Hindi man akin ang apartment na ito, at least may matutuluyan ako nang libre habang nag-iipon pa. Utang ko ang buhay ko kay Erika. Kung wala siya, baka sa kalsada na ako natulog ngayong gabi.

Dahil sa matinding pagod, mabilis akong nagpalit ng pambahay na damit at dumiretso sa kama. Hindi ko na halos napansin kung anong oras ako tuluyang nakatulog sa lambot nitong higaan.

Click.

Napadilat ako nang mabilis nang marinig ang isang matalîm na tunog mula sa p***o. Madilim ang buong apartment. Kinuha ko ang aking cellphone sa gilid ng unan para tingnan ang oras.

12:47 a.m.

Ano 'yon?

Tahimik at dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Mula sa labas ng kuwarto, muli kong narinig ang tunog.

Click.

May nagbubukas ng pangunahing pint0. Nanlamig ang buo kong katawan. May magnanakaw ba? O si Erika? Pero sabi niya sa text, hindi muna siya uuwi dito.

Sinuyod ng aking mga mata ang madilim na silid at kinuha ang tanging bagay na pwedeng gawing sandata sa tabi ng cabinet, isang tupi-tuping payong. 

Napakagat-labi ako. Sapat na ba itong panlaban sa magnanakaw? Pero wala na akong oras para mag-isip pa nang ano.

May mga mabibigat na yabag na papasok sa loob ng apartment. Dahan-dahan kaya mas lalo akong kinabahan.

Humigpit ang hawak ko sa payong habang palabas ng kuwarto. Madilim ang buong sala, ngunit sa may pint0 ay may isang matangkad at malapad ang balikat na anino ng isang lalaki. Napatakip ako sa aking bibig upang pigilin ang napipintong sigaw.

Magnanakaw talaga!

Humakbang ang anino palapit sa kinaroroonan ko. Napaatras ako nang kaunti, itinaas ang payong bilang panangga.

“S-Sino ka?” banta ko sa nanginginig na boses.

Hindi siya sumagot. Mas lalo lamang akong kinabahan sa kanyang pananahimik.

“Lumayas ka rito! Tatawagin ko ang guard!”

Bigla siyang humarap sa akin. At nang tumama ang kaunting liwanag ng gabi mula sa bintana papunta sa kanyang mukha, halos mapanganga ako sa gulat.

His cold, sharp eyes were familiar. So were his strong jawline and commanding presence. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko ngayon.

“Why are you in my apartment?” tanong niya gamit ang mababa at mayamut na boses.

Nanigas ang buo kong katawan. Biglang nalaglag mula sa aking kamay ang hawak kong payong at lumikha ng ingay sa sahig.

“Y-you...” Hindi ako makapagsalita nang maayos.

Duke Revamonte.

Ang boss ko. Ang CEO na kanina lamang ay walang habas na nagsabing hindi ako nababagay sa kumpanya niya. At ngayon... nakatayo siya sa gitna ng apartment na akala ko ay pagmamay-ari ng kaibigan ko.

“Why are you here?” Bahagyang kumunot ang kanyang noo bago lumipat ang kanyang tingin sa maleta ko na nasa likod ko. “That's what I should be asking you.”

Humakbang siya palapit sa akin kaya mabilis din akong napaatras hanggang sa sumadsad ang likod ko sa dingding.

“Sir... this is my friend's apartment.”

“Your friend's?” Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay.

“Opo.”

“What's her name?”

“Erika po.”

Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay unti-unting nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha, parang may biglang naalaala.

“Erika.”

Mabilis akong tumango. “Opo! Siya po ang nakatira rito!”

Muli siyang tumingin sa paligid ng silid bago sinabi ang mga salitang tuluyang nagpalamig sa aking katawan at nagpawala sa natitira ko pang antok.

“Then your friend failed to tell you one very important thing.”

Napakurap ako, ramdam ang matinding kaba. “Ano po?”

Lumapit siya nang mas malapit hanggang sa ilang pulgada na lamang ang distansya namin sa isa't isa. Naamoy ko pa ang kakaibang amoy ng kanyang mamahaling pabango. Nakakalunod.

“This apartment was sold today.”

Nanlaki ang aking mga mata. “Sold?”

“Yes.” Huminto siya nang tuluyan sa aking harap at yumuko nang bahagya para pantayan ang aking tingin. “And I'm the new owner.”

Pakiramdam ko tuluyang huminto ang ikot ng mundo ko. Hindi maaari. Paanong...

“Then...” Hindi ko na maituloy ang aking sasabihin sa sobrang taranta.

Nakatitig siya nang diretso sa aking mga mata, walang kukurap-kurap. “And you're living here.”

Hindi iyon isang tanong. Isang pinal na pahayag iyon mula sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking damit habang nanginginig ang aking mga labi.

“Sir...”

His eyes narrowed in dangerous contemplation. “Which means, Ms. Santos...” Tumigil siya sandali, hinahayaan akong malunod sa matinding tensyon sa pagitan naming dalawa. “...we have another problem. Ayoko ng kasama.”

At ako 'yon. 

Palalayasin niya rin ba ako?

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 4

    Napanganga ako. Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa kondisyon niya o matutuwa dahil kahit papaano ay may matutuluyan ako.“And there's more,” he continued.“A-Ano po 'yon, Sir?”“You'll continue working for the company.”“Opo.”“Which means your regular office work doesn't change. Still under probation.”Tumango ako nang mabilis. “Naintindihan ko po.”“After office hours, you can continue whatever work needs to be done here.”Napatingin ako sa malawak na paligid ng apartment. “So... kapag may overtime po ako sa opisina...”“You'll do it. At pag-uwi mo rito, gagawin mo pa rin ang mga gawaing-bahay.”“At iyong bahay po?”“You'll handle it.”Napabuntong-hininga ako. Mabigat iyon, sobrang bigat para sa isang taong nagtatrabaho na nang higit walo hanggang sampung oras sa opisina. Pero mas mabigat at mas nakatatakot ang matulog sa kalsada. Saka malabong pagka-interesan ako ng boss ko.“Okay po.”“You agree?” Nakataas ang kilay niyang tanong.“Opo.”“Then we have an arrangement.”Tumango ak

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 3

    Palalayasin niya rin ba ako?Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit at mas nakatatakot, ang mawalan ng trabaho sa mismong unang araw ko, o ang matapon sa kalsada at mawalan ng matutuluyan.“Sir...” nilunok ko ang kaba, pilit na hinahabol ang aking hininga. “Pwede po ba nating pag-usapan?”“There's nothing to discuss,” diretso at walang alinlangan niyang sagot, kasing lamig ng hanging nanggagaling sa aircon.Tumalikod siya at naglakad patungo sa malambot na sofa na nasa kabilang bahagi ng sala. Umupo siya roon nang may labis na kaswalidad at inilapag ang isang itim na bag sa tabi niya, para bang isa lamang akong langaw na nakasagabal sa kanyang gabi.“Pack your things.”Nanigas ako sa aking kinaroroonan. “Po?”“You heard me, Ms. Santos.”“S-Sir, please...” pagmamakaawa ko, nanginginig ang boses.Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin. “You can't stay here.”Nataranta ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa. Kailangan kong tawagan si Erika. Kailangan ko siyang

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 2

    Napatingin ako sa folder, saka sa orasang pader. “Ngayon po?”“Yes. Before you leave.”Napabuntong-hininga ako. Of course. Sa kanya pa rin ang bagsak ko.Tumayo ako at kinuha ang folder. Pagdating ko sa executive floor, napakatahimik na ng paligid. Kumatok ako sa pint0 ng opisina ni Duke.“Come in.” Boses pa lang, parang gusto ko nang magtatatakbo.Tinulak ko ang pint0 nang dahan-dahan. “Sir, these documents were requested by—”“Put them there,” putol niya sa akin habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang laptop. Itinuro niya ang maliit na mesa sa gilid.“Opo.” Inilapag ko ang folder doon.Habang dahan-dahan akong tumatalikod upang lumabas, narinig ko muli ang kanyang boses.“Ms. Santos.”Lumingon ako. Maririnig na yata ang tib0k ng puso ko sa sobrang kaba ko. “Yes, Sir?”Nanlamig ako nang matanto kong nakatingin pala siya sa akin, tila nagmamasid.“Natatae ka ba? Bakit ganyan ka makatayo? Here, kunin mo 'to.” Napatulala ako nang iabot niya sa akin ang paper bag.Tumango ako nang

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 1

    Nang magsara ang pint0 matapos lumabas ang ibang mga bagong empleyado, agad na bumalot sa akin ang matinding kaba.Gigisain ba niya ako ng tanong? Another interview sa suplado kong boss? Akala ko pa naman tapos na, may pahabol pa pala.Tahimik ang buong silid. Napakalawak ng opisina niya, halos sakop ang kalahati ng buong palapag. Sa likod ng kanyang malaking desk ay ang matataas na glass walls kung saan kitang-kita ang nagtataasang gusali sa ibaba. Simple lang ang mga kagamitan, pero bawat piraso ay halatang mamahalin at nagsusumigaw sa karangyaan.Samantalang ako, nakatayo sa gitna ng silid na parang isang estudyanteng pinatawag sa office ng principal para parusahan.Nakakapanliit dumito. Nakakasak4l ang hangin.“Come here,” malamig niyang utos.Napakurap ako. “Po?”Hindi siya sumagot. Sa halip, itinuro lamang niya ang bakanteng upuan sa tapat ng kanyang desk. Umupo ako nang maingat, pilit na pinatitigil ang panginginig ng aking mga binti. Kinuha niya ang isang kulay kayumangging f

  • My Strict Boss Is My Lover   Simula

    Eula's POV“Ano? Pinalayas ka ng tita mo?!” bungad ni Erika, ang best friend ko, pagkatapos sagutin ang tawag ko. “Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita. Napakasama talaga ng tita mo! Matapos kang gawing kasambahay, papalayasin ka na lang!” Rinig ko ang pagshinghap niya ng marahás. “Nakakagigil!”“Nasa terminal ako ng mga bus. Kakababa ko lang,” sagot ko. “Nasaan ka?”“Sige. Ibibigay ko sa'yo ang address ng apartment ng tito ko tapos doon mo 'ko hintayin. Ttry kong magpaalam sa amo ko para puntahan ka.”Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Sige. Hihintayin kita.”Sumakay agad ako ng taxi at sinabi agad sa driver ang address. Pagdating ko doon dala ang isang maleta ko at bag, may nakasalubong akong lalaki. Guard siguro siya? Imposibleng tito ni Erika, nakasuot ng pang-guard eh.Bahagya akong yumuko bilang pagbati. “Good morning po, Sir.”Tumigil siya sandali. Ramdam ko ang matalîm at malamig niyang tingin. “And you are?” walang kabuhay-buhay niyang tanong.Nag-angat ako ng tingin sa kan

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status