LOGINPalalayasin niya rin ba ako?
Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit at mas nakatatakot, ang mawalan ng trabaho sa mismong unang araw ko, o ang matapon sa kalsada at mawalan ng matutuluyan.
“Sir...” nilunok ko ang kaba, pilit na hinahabol ang aking hininga. “Pwede po ba nating pag-usapan?”
“There's nothing to discuss,” diretso at walang alinlangan niyang sagot, kasing lamig ng hanging nanggagaling sa aircon.
Tumalikod siya at naglakad patungo sa malambot na sofa na nasa kabilang bahagi ng sala. Umupo siya roon nang may labis na kaswalidad at inilapag ang isang itim na bag sa tabi niya, para bang isa lamang akong langaw na nakasagabal sa kanyang gabi.
“Pack your things.”
Nanigas ako sa aking kinaroroonan. “Po?”
“You heard me, Ms. Santos.”
“S-Sir, please...” pagmamakaawa ko, nanginginig ang boses.
Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin. “You can't stay here.”
Nataranta ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa. Kailangan kong tawagan si Erika. Kailangan ko siyang makausap. Baka may alam siyang ibang apartment, o baka may kakilala siyang pwedeng magpatuloy sa akin kahit ngayong gabi lang.
Pinindot ko ang pangalan niya at mabilis na itinapat ang cellphone sa aking tainga.
Ring lang 'yon nang ring.
Walang sumasagot. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Muli kong tinawagan ang kanyang numero.
Ring.
Wala pa rin.
“Please, Erika... sumagot ka naman...” bulong ko sa sarili habang mariing nakapikit.
Muling tumunog ang phone ngunit sa huli, naputol lang din ang tawag.
Nang ilagay ko ang phone sa tabi ko, napatingin ako kay Duke na tahimik at walang pakialam na nakaupo sa sofa.
“Sir, please. Kaibigan ko po ang nagbigay sa akin ng lugar na ito. Pumasok po ako rito nang malinis ang intensyon... hindi ko po talaga alam na naibenta na pala ito.”
“That's not my concern.”
“Alam ko po...” Huminga ako nang malalim upang pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. “Pero wala po talaga akong ibang matutuluyan ngayong gabi.”
Nanatili siyang tahimik. Muli kong sinubukan tawagan si Erika sa huling pagkakataon, ngunit puro ring lang ang sumasalubong sa akin.
“Maybe she's asleep,” bulong ko sa aking sarili.
“Then wake her up,” malamig niyang wika, narinig yata ako.
“Hindi po siya sumasagot...”
“That's unfortunate.” Walang kabuhay-buhay niyang sabi. “Pack your things, Ms. Santos. Sinasayang mo ang oras ko.”
Napayuko ako, ramdam ang labis na kawalan ng pag-asa. “Sir, please...”
“Ms. Santos,” malamig at nagbabanta ang kanyang boses. “I don't repeat myself.”
Napakagat ako sa aking labi hanggang sa halos lumasa na ang dugo rito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ako pwedeng bumalik sa tita ko matapos niya akong itapon na parang basahan. Wala akong sapat na pera para magbayad ng hotel. At kahit may kaunti man akong naitabing barya, kailangan kong magtipid dahil kakasimula ko pa lang sa trabaho at malayo pa ang sweldo. Hindi ko kayang mawalan ng matutuluyan ngayon.
“Sir...”
Walang sagot mula sa kanya.
“Please...”
Unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng gilid ng aking mga mata. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong makita ng taong pilit na nagpapabagsak sa akin na mahina ako. Pero pagod na pagod na ako. Pagod na akong lumaban nang mag-isa sa mundong tila walang gustong tumanggap sa akin.
“Wala po talaga akong pupuntahan...”
Naramdaman kong tuluyan nang tumulo ang unang mainit na luha sa aking pisngi. Mabilis ko iyon pinunasan gamit ang aking braso.
“Baka bukas po, makahanap na ako ng ibang lugar. Pero ngayong gabi lang po sana... kahit sa sahig lang po ako.”
“You should have thought about that before moving in.”
“Hindi ko po alam!” Napataas ang boses ko sa sobrang frustration.
Agad din akong natahimik at napahawak sa aking bibig nang ma-realize ko kung kanino ako sumigaw. Nakatitig na sa akin si Duke, mas matalîm at mas peligroso ang tingin kaysa kanina.
“Sorry po...” muling pumatak ang luha ko. “Hindi ko naman po alam na sa inyo pala itong apartment.”
Tumayo siya mula sa sofa. Akala ko ay lalapit siya sa akin upang saktan ako o hilahin ako palabas, pero sa halip ay kinuha lamang niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang slacks.
“Fine.”
Napaangat ang tingin ko sa kanya. “Fine?”
“I'll have security escort you out.”
Nanlaki ang mga mata ko sa matinding takot. “No!” Mabilis akong lumapit sa kanya, nawalan na ng anumang natitirang pride sa aking katawan. “Please, Sir!”
“Enough.”
“Please, Sir! Maawa po kayo!”
“Ms. Santos, leave.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nanghina ang aking mga binti at tuluyan akong bumagsak sa aking mga tuhod sa kanyang harapan.
“Please...”
Natigil siya sa pagpindot sa kanyang phone. Humagulgol ako nang tuluyan habang nakayuko sa kanyang harapan, halos humalik na ang aking noo sa malamig na sahig.
“Wala po talaga akong matutuluyan...” Humigpit ang pagkakahawak ko sa tela ng aking damit sa may dibdib dahil sa sobrang sikip niyon. “Hindi po ako nanghihingi ng libre. Maghahanap po ako ng paraan para makabayad sa inyo. Kahit sa kusina na ako matulog... pero huwag niyo po akong palayasin ngayong gabi. Pakiusap po.”
Nanatili siyang tahimik.
“Please, Sir...” Pumatak nang pumatak ang mga luha ko sa sahig. “First day ko pa lang po sa trabaho. Ayoko pong mawalan ng trabaho dahil lang wala akong matutuluyan. P-Pagod na pagod po ako.”
Hindi siya umimik, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang titig sa akin.
“Pwede po akong matulog sa sofa. Hindi po ako manggugulo. Hindi niyo po ako mapapansin. I promise.” Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko, basang-basa ng luha at namumula ang mga mata. “Please...”
Matagal niya akong tinitigan. Hindi ko mabasa ang emosyon sa kanyang mukha, kung naawa ba siya, nainis, o nairita. Hanggang sa tuluyan niyang ibinaba ang kanyang cellphone at ibinalik ito sa bulsa.
“Get up.”
Hindi ako agad gumalaw, tila hindi makapaniwala. “Sir?”
“I said get up.”
Mabagal akong tumayo habang nanginginig pa ang mga tuhod ko. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang likod ng aking kamay. “Payag na po kayo?”
“Under one condition.”
Napakurap ako. “Ano po iyon?”
Tumalikod siya at naglakad patungo sa kusina. “You'll earn your stay.”
“Paano po?”
Huminto siya at tumingin sa akin gamit ang malamig niyang mga mata. “You'll clean the entire house.”
Napakurap ako. “Po?”
“Clean. Cook. Laundry. Organize. Everything. Ayoko ng burara na kasama. Gusto ko malinis lahat.”
Nanlaki ang mga mata ko habang pinuproseso ng utak ko ang kanyang sinabi. “Parang...”
“Like a housekeeper,” patuloy niya.
H-Housekeeper?
Napanganga ako. Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa kondisyon niya o matutuwa dahil kahit papaano ay may matutuluyan ako.“And there's more,” he continued.“A-Ano po 'yon, Sir?”“You'll continue working for the company.”“Opo.”“Which means your regular office work doesn't change. Still under probation.”Tumango ako nang mabilis. “Naintindihan ko po.”“After office hours, you can continue whatever work needs to be done here.”Napatingin ako sa malawak na paligid ng apartment. “So... kapag may overtime po ako sa opisina...”“You'll do it. At pag-uwi mo rito, gagawin mo pa rin ang mga gawaing-bahay.”“At iyong bahay po?”“You'll handle it.”Napabuntong-hininga ako. Mabigat iyon, sobrang bigat para sa isang taong nagtatrabaho na nang higit walo hanggang sampung oras sa opisina. Pero mas mabigat at mas nakatatakot ang matulog sa kalsada. Saka malabong pagka-interesan ako ng boss ko.“Okay po.”“You agree?” Nakataas ang kilay niyang tanong.“Opo.”“Then we have an arrangement.”Tumango ak
Palalayasin niya rin ba ako?Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit at mas nakatatakot, ang mawalan ng trabaho sa mismong unang araw ko, o ang matapon sa kalsada at mawalan ng matutuluyan.“Sir...” nilunok ko ang kaba, pilit na hinahabol ang aking hininga. “Pwede po ba nating pag-usapan?”“There's nothing to discuss,” diretso at walang alinlangan niyang sagot, kasing lamig ng hanging nanggagaling sa aircon.Tumalikod siya at naglakad patungo sa malambot na sofa na nasa kabilang bahagi ng sala. Umupo siya roon nang may labis na kaswalidad at inilapag ang isang itim na bag sa tabi niya, para bang isa lamang akong langaw na nakasagabal sa kanyang gabi.“Pack your things.”Nanigas ako sa aking kinaroroonan. “Po?”“You heard me, Ms. Santos.”“S-Sir, please...” pagmamakaawa ko, nanginginig ang boses.Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin. “You can't stay here.”Nataranta ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa. Kailangan kong tawagan si Erika. Kailangan ko siyang
Napatingin ako sa folder, saka sa orasang pader. “Ngayon po?”“Yes. Before you leave.”Napabuntong-hininga ako. Of course. Sa kanya pa rin ang bagsak ko.Tumayo ako at kinuha ang folder. Pagdating ko sa executive floor, napakatahimik na ng paligid. Kumatok ako sa pint0 ng opisina ni Duke.“Come in.” Boses pa lang, parang gusto ko nang magtatatakbo.Tinulak ko ang pint0 nang dahan-dahan. “Sir, these documents were requested by—”“Put them there,” putol niya sa akin habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang laptop. Itinuro niya ang maliit na mesa sa gilid.“Opo.” Inilapag ko ang folder doon.Habang dahan-dahan akong tumatalikod upang lumabas, narinig ko muli ang kanyang boses.“Ms. Santos.”Lumingon ako. Maririnig na yata ang tib0k ng puso ko sa sobrang kaba ko. “Yes, Sir?”Nanlamig ako nang matanto kong nakatingin pala siya sa akin, tila nagmamasid.“Natatae ka ba? Bakit ganyan ka makatayo? Here, kunin mo 'to.” Napatulala ako nang iabot niya sa akin ang paper bag.Tumango ako nang
Nang magsara ang pint0 matapos lumabas ang ibang mga bagong empleyado, agad na bumalot sa akin ang matinding kaba.Gigisain ba niya ako ng tanong? Another interview sa suplado kong boss? Akala ko pa naman tapos na, may pahabol pa pala.Tahimik ang buong silid. Napakalawak ng opisina niya, halos sakop ang kalahati ng buong palapag. Sa likod ng kanyang malaking desk ay ang matataas na glass walls kung saan kitang-kita ang nagtataasang gusali sa ibaba. Simple lang ang mga kagamitan, pero bawat piraso ay halatang mamahalin at nagsusumigaw sa karangyaan.Samantalang ako, nakatayo sa gitna ng silid na parang isang estudyanteng pinatawag sa office ng principal para parusahan.Nakakapanliit dumito. Nakakasak4l ang hangin.“Come here,” malamig niyang utos.Napakurap ako. “Po?”Hindi siya sumagot. Sa halip, itinuro lamang niya ang bakanteng upuan sa tapat ng kanyang desk. Umupo ako nang maingat, pilit na pinatitigil ang panginginig ng aking mga binti. Kinuha niya ang isang kulay kayumangging f
Eula's POV“Ano? Pinalayas ka ng tita mo?!” bungad ni Erika, ang best friend ko, pagkatapos sagutin ang tawag ko. “Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita. Napakasama talaga ng tita mo! Matapos kang gawing kasambahay, papalayasin ka na lang!” Rinig ko ang pagshinghap niya ng marahás. “Nakakagigil!”“Nasa terminal ako ng mga bus. Kakababa ko lang,” sagot ko. “Nasaan ka?”“Sige. Ibibigay ko sa'yo ang address ng apartment ng tito ko tapos doon mo 'ko hintayin. Ttry kong magpaalam sa amo ko para puntahan ka.”Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Sige. Hihintayin kita.”Sumakay agad ako ng taxi at sinabi agad sa driver ang address. Pagdating ko doon dala ang isang maleta ko at bag, may nakasalubong akong lalaki. Guard siguro siya? Imposibleng tito ni Erika, nakasuot ng pang-guard eh.Bahagya akong yumuko bilang pagbati. “Good morning po, Sir.”Tumigil siya sandali. Ramdam ko ang matalîm at malamig niyang tingin. “And you are?” walang kabuhay-buhay niyang tanong.Nag-angat ako ng tingin sa kan







