Share

Chapter 2

Kapag may ginawa sa'yong kabutihan ang isang tao ay nararapat lamang na ipagpasalamat mo ito. Subalit hindi iyon ang aking naramdaman bagkus ay pagkainis.

Hindi man ligtas ang trabahong ito para sa katulad ko ay hindi ko gugustuhin na mawala sa akin ang bagay na bumubuhay sa amin ni nanay.

"Salamat po pero sana hindi na lang po kayo nakialam." Hindi ko na napigilan pa'ng ibulalas ang nararamdaman sa lalaking tumulong sa akin. Sa wari ko'y ilang taon din ang tanda niya sa akin. Propesyonal siyang tingnan sa suot na longsleeve polo na nakabukas pa ang unang tatlong butones at base sa pang-amoy ko ay nakainom siya.

"Why? He was clearly forcing you into doing something you didn't want to do." Panay ang pagsasalita niya ng english pero mukha naman siyang Pilipino sa aking paningin.

Umirap at tatalikod na sana ako upang bumalik sa club subalit pinigilan ako ng lalaki sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking siko. Iwinasiwas ko iyon upang matanggal ang kan'yang pagkakahawak.

Itinaas niya ang parehong kamay at humingi ng paumanhin.

"Look I am sorry. But based on what I see, menor de edad ka pa para magtrabaho sa lugar na ito. You should be sleeping at home instead of working at this hour. Nasaan ba ang magulang mo?"

Nahihimigan ko ang pag-aalala sa kan'yang pananalita pero nanatiling tikom ang aking mga labi. Wala akong balak na sagutin ang kan'yang tanong. Ang tanging nais ko ngayon ay makabalik sa loob ng club at makahingi ng tawad kay Mama Violet. 

Tinalikuran ko siya at mabilis na pumasok sa loob ng club. Kaliwa't kanan na ang nagsasayawan na babae sa harap ng kanilang mga customer. Hindi ko gusto ang lugar na ito ngunit wala akong magagawa.

Iginala ko ang mga mata at hinanap si Mama Violet subalit wala siya doon. Pumanhik ako sa dressing area namin subalit bago pa man ako makapasok ay hinarangan na ako ni Ate Daisy, isa sa mga beteranong entertainer sa club na ito.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin

"Kakausapin ko lang po si Mama Violet." Tiningan ko siya gamit ang mga matang nagmamakaawa. Humihiling na sana'y matulungan niya ako kahit hindi ko pa nasasabi ang aking problema.

"Mamaya na. Na-highblood siya sa'yo. Kausapin mo kapag malamig na ang ulo. Doon ka muna sa tabi." Itinuro niya ang isang bakanteng single sofa sa pinakasulok ng bar.

"Hintayin mo na akong matapos dahil ihahatid kita pauwi." Si Ate Daisy ang natatanging kasundo ko sa club na ito. Palagi niya akong isinasabay pauwi dahil marami raw ang nais na maikama ako kaya hindi ligtas para sa akin ang umuwi mag-isa lalo na sa gabi.

Umupo ako sa sofa na sinabi niya. Pinagmasdan ko ang mga kalalakihan na nagsisiyahan kalong ang mga babaeng binayaran nila para sa gabing ito. Halos lahat ay lango na sa alak.

Tama ang lalaki kanina dapat ay nasa bahay ako at natutulog, ngunit hindi ko masisisi ang aking ina. Nais niya man na ibigay ang magandang buhay para sa akin ay alam kong hindi niya kakayanin lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Wala siyang ibang aasahan kun'di ako.

Pinahid ko ang luhang pumatak sa aking pisngi. Wala pala akong ibang pagpipilian kun'di ibigay ang aking sarili sa kahit sinuman sa mga lalaking dadayo sa club na ito. Humindi man ako ngayon, alam kong sa oras na pagbigyan akong muli ni Mama Violet na bumalik sa trabaho ay doon rin ako patungo.

Isinandal ko ang likod ng aking ulo sa headrest ng sofa at pinikit ang aking mga mata. 

Isang himala na nakatulog ako kaagad sa kabila ng malakas na musika at hiyaw ng mga tao. Ganito siguro talaga kapag sanay ka na sa klase ng paligid na ginagalawan mo.

At higit sa lahat kapag gusto mo ng katahimikan, ang pagtulog ang natatanging pagtakas mo sa ingay ng reyalidad. 

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatulog pero wala na akong naririnig na ingay. Maliban sa maliliit na boses ng mga lalaki hindi kalayuan sa akin.

Hinihila pa ako ng antok kung kaya't hindi ko magawang imulat ang aking mga mata hanggang sa isang malambot na bagay ang dumampi sa aking mga labi.

Nagkasalubong ang aking dalawang kilay sa pagpupumilit na mabuksan ang aking mata. Gusto kong malaman ang bagay na nasa ibabaw ng aking labi ngayon.

Matapos ang limang segundo ay naimulat ko ang aking mga mata kasabay ng paglayo ng isang lalaki sa tapat ng aking mukha.

Katulad ko'y nanlaki din ang kan'yang mga mata. Kitang-kita ko ang pagtingin niya sa aking labi kanina at ang paglipat nito sa aking mga mata.

Tumingin ako sa labi niyang namumula.

Hinalikan niya ba ako?

Tumayo ako dahilan upang mapaatras siya. Saka ko lamang napagtanto ang dalawang pang lalaki sa kan'yang likod.

"Hinalikan mo ba ako?"

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Wala ng ibang tao sa parteng iyon ng club maliban sa aming apat.

Sa tingin ko'y hindi nagkalalayo ang mga edad namin. Kadalasan na nagtutungo sa club na ito ay mga matatanda na at hindi ang katulad nilang mga bata pa.

Natatakot na umiling ang lalaki. Nakasuot siya ng bilugang reading glass at naka-tuck-in pa ang poloshirt sa maong na pantalon. Napakapormal ng kan'yang suot tila hindi magagawang pumasok sa mga club na katulad nito.

Napakainosente niyang tingnan para nga halikan ako pero hindi ang dalawang lalaki sa kan'yang likod na mukhang mga gangster. 

Presko pa nila akong tiningnan bago mabilis na tumalikod at tumakbo palabas.Tila naman nataranta ang lalaking nakasuot ng eyeglass at muntik pa itong madapa sa may pintuan makahabol lamang sa dalawa niyang kasama.

Susundan ko sana sila kaso lang ay narinig ko na ang boses ni Mama Violet sa aking likod. 

Walang pag-aalinlangan akong lumapit sa kan'ya.

"Mama Violet, please po ibalik n'yo na po ako dito sa club. Hindi na po ako tatanggi na sumama sa mga parokyano." Wala akong pagpipilian kun'di ito.

Marahas siyang bumuntong hininga bago iniabot sa akin ang isang piraso ng papel.

"Puntahan mo si Kapitan mamayang gabi d'yan sa motel na 'yan. Kapag nagawa mo iyon ay saka ka lamang makakabalik sa trabaho at makukuha ang pera mo."

Laman ng papel ang room ng number sa motel na pupuntahan ko.

Hindi ako nakapagpahinga ng maayos sa kondisyon na ibinigay niya. Katawan ko kapalit ng perang magpapahaba sa buhay ni nanay.

Katawan lang naman ito 'di ba? Matikman man ng iba't-ibang lalaki ay sa akin pa rin ang katawang ito. 

Mawawalan ako ng puri at dignidad dahil ganoon ang tingin ng lipunan sa mga babaeng nakikiapid sa mga lalaki kapalit ng pera, ngunit ang mahalaga ay maipapagamot ko na si nanay.

Kinagabihan ay dumiretso na ako sa tapat ng motel na sinabi ni Mama Violet

Alam kong sa oras na pumasok ako sa loob ay unti-unti na akong mawawalan ng halaga.

Buong lakas ng loob akong tumawid ng daan patungo sa motel. Subalit bago pa man ako makarating sa kabila ay isang sasakyan na ang bumangga sa aking tabi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status