Share

Chapter 30

Sabi nila hindi raw nagsisinungaling ang taong lasing. Does it mean Mateo was telling the truth? Nahuhulog na siya para sa akin.

Pagak ako natawa habang pinagmamasdan siyang walang malay na nakaupo sa shotgun seat ng aking kotse.

Paanong ako pa ang tila naghihintay na mahalin niya? Siya itong unang nagpakita ng motibo ngunit sa bandang huli ay ako itong tila nagmamalimos ng pag-ibig.

Tiningnan ko ang cellphone na ibinigay niya sa akin nang tanungin ko siya kung saan ihahatid. Hindi ko alam kung sino ang tatawagan sa mga numerong naroon dahil bukas na yata siya gigising.

"Saan ba kita ihahatid? Hindi naman pwede sa mansyon." Ano na lang ang iisipin ni Manang Dory kapag nag-uwi ako ng lalaki sa mansyon na pag-aari ng kan'yang alagang si Arman.

"Ayoko rin sa bahay, kasi paniguradong gagapangin ka ni Vivian sa guestroom."

Ano naman ang pakialam ko kung gapangin siya ni Vivian?

Patuloy ko siyang kinausap kahit alam kong hindi talaga siya s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status