เข้าสู่ระบบ
Bumagsak ang kamay ni Lyca sa ibabaw ng lamesa. Kumalabog ang mga papeles na hawak niya habang nanlilisik ang mga mata kay Brix.
"Ano ito, Brix? Ano'ng ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses na tanong niya habang itinuturo ang nakahandang bagahe sa gilid. "Huwag mong sabihing… huwag mong sabihing pupuntahan mo siya?" Huminga nang malalim si Brix, pilit na pinapakalma ang sarili bagama't ramdam na niyang wala na talagang pag-asa ang usapan. "Lyca, pakiusap… sana maintindihan mo. Matagal ko na namang pinagbibigyan ang iyong ina at ang iyong ninang. Ilang taon na akong nagtiis at nanatili rito kahit alam nating hindi tama ang lahat. Panahon naman na siguro para makalaya ako," malumanay ngunit matatag na sagot ng lalaki. "Makalaya?" Tumawa nang mapakla si Lyca, tila nababaliw sa narinig. "Teka nga lang, Brix, uulitin ko lang para malinaw sa iyo ang sitwasyon. Asawa mo ako! Kailan ba kita sinakal o tinanggalan ng karapatan para humingi ka ng ganyang kalayaan?" Napatiim-bagang si Brix. Ilang beses na ba nilang pinagtalunan ito? Ilang beses na ba siyang nagpapaliwanag, pero tila pader ang kausap? Alam niyang may pagkukulang din siya dahil noong una ay hindi na niya itinama ang maling akala ng dalaga. Totoo na nagsasama sila sa iisang bubong, magkasama sa bahay, minsan ay magkasama pa sa silid, pero wala silang kasal.Wala siyang dapat ipinangakong pag-ibig o panghabambuhay na pagsasama. Wala sana siyang balak manatili nang ganoon katagal, ngunit naulila si Lyca at ibinilin siya ng kanyang ninang sa kanyang pangangalaga. Akala niya ay magiging maayos ang lahat, hanggang sa dumating ang araw na nakilala niya si Mariel at doon nagbago ang lahat. "Lyca, alam mo ang totoo sa atin noon pa man," pakiusap ni Brix. Lumapit nang kaunti ngunit umatras ang babae. "Pakiusap, huwag naman ganyan ang isipin mo." "Hindi! Hindi ako papayag na umalis ka, Brix!" sigaw ni Lyca habang tumutulo na ang luha. "Noon pa man ako nagtitimpi sa babaeng iyan! Noon pa man ako nababaliw sa kakaisip na baka dumating ang araw na mas piliin mo siya! At ngayon... ngayon nangyayari na nga!" "Huwag mo siyang idamay dito, Lyca!" Tumaas na nang kaunti ang boses ni Brix. "Alam mong wala tayong relasyong tulad ng iniisip mo. Ikaw lang ang nagbuhos ng damdamin. Ikaw lang ang nag-isip nang malalim sa lahat. Wala akong ibinigay na dahilan para isipin mong tayo ay iisa." "Ganoon ba? Ganoon lang pala?" garalgal na sabi ni Lyca habang itinuturo ang sarili. "Pagkatapos kong ibigay ang lahat? Pagkatapos kong alagaan ka, intindihin ka, at gawin ang lahat para sa iyo… ganoon lang pala ang kapalit? Hindi ako papayag na bigla ka na lang bibitaw at kukunin ng babaeng iyan! Yung babaeng makapal ang mukha at maglagay ng kulay sa mukha at magpanggap na inosente! Magkakamatayan tayo, Brix, pero hinding-hindi ako papayag na mawala ka!" Kumuyom ang mga kamao ni Brix sa gilid. Ilang beses na ba itong nangyari? Ilang beses na ba siyang nagpapaliwanag, pero sarado ang isipan ng babae? Nakakapagod na. Napakasakit na makita ang taong akala mo ay nagmamahal sa iyo, na nagiging ganito dahil sa maling akala. Pinili na lang niyang tumalikod. "Bukas na lang tayo mag-usap. Aalis na ako," sabi niya habang naglalakad patungo sa p***o. Nais na lamang niyang iwasan ang lalong paglala ng gulo.Ngunit nang hawakan niya ang seradura at buksan ito… nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Sa tapat ng pintuan, nakatayo si Mariel na namumugto ang mga mata, basang-basa ang pisngi ng luha, at tila kanina pa nakikinig sa lahat ng kanilang pinag-aawayan. "M-Mariel...!! Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na gulat na tanong ni Brix, sabay lingon agad kay Lyca na ngayon ay puno na ng poot ang tingin sa bagong dating.Napatda saglit si Brix. Parang namanhid ang buong katawan niya. Byhos ang takot sa kanyang dibidib. "Ano ang gagawin niya?"Doon lang bumalik sa realidad si Brix. Masyado na nga palang inaksaya ng teacher na ito ang oras niya. At lintek lang ang walang kabit; malamang kulata siya nito pag-uwi. Inabot na siya ng ganitong oras at wala siya kahit singkong duling. Bigla tuloy naisip ni Brix na dapat pala sinunod na lang niya ang solsol ng impaktong bahagi ng isip niya.Kung meron sana siya kahit konting pera sa bulsa, walang problema; ang kaso, butas na nga ang bulsa niya, sakit pa ng puson niya. "Ang kawawang cowboy may baril di makaputok, may manok di makasabong..." kumanta na lamang si Brix, busog naman ang berdi niya. Dapat pala hinayaan niyang makadura man lang ng malapot ang manok ni San Pedro niya kesa ganitong para siyang dinidysmenorrhea sa bitin. Sa pagkakataong iyon ay gumana ang imagination ni Brix.Tumawag si Brix sa telepono ng hotel para i-update ang pina-dry clean nilang damit at mabuti na lang at okay na daw ito, kaya sinabi niyang dalhin na agad sa silid nila. Inilagay ni Brix ang nakaplast
Matapos makipagbunong-braso sa sariling damdamin at makitang maayos na ang babae, kinumutan ito ni Brix. Paalis na sana si Brix nang habulin siya ng mga kamay ng babae at nagsalita ito. Medyo mahina at malabo ang sinasabi nito,pero kahit papaano ay narinig niya. Nakakagulat at hindi niya inaasahan, kaya tinanong ni Brix ang babae."Ano yun, Miss?" Tanong ulit ni Brix, baka kasi mali ang pandinig niya."Ang sabi ko, magkano ka...?" Ulit ni Mariel.Biglang dumagondong sa tenga ni Brix ang salitang iyon, pagkatapos ay nagkaroon ng katahimikan. Naglapit ang mga kilay ni Brix at biglang naging seryoso ang mukha. Lumiit ang tingin niya sa babae na parang naging singliit ng pusa na gusto niyang sakalin sa sobrang yabang. Hindi talaga siya makapaniwalang matapos ang lahat ng ginawa niya at pagpipigil niya ay babalahurain nito ang pagkatao niya. Oo nga at may presyo ang serbisyo ng kahit na sino sa panahon ngayon, pero hindi ka dapat nanghahamak ng tao. Kinakitaan ng malakas na awra si Brix sa
Kasabay ng paninigas ng kalamnan ni Brix ay ang pagdaloy ng kilabot sa kanyang buong katawan. Ang lawak ng puting kama ay parang nang-aakit sa kanya, parang nang-aanyaya.“Umayos ka Brixton, umayos kung ayaw mong magkanda lehe leche ulit ang buhay mo. Problema mo pa nga paano tatakasan ’yon; isa, kukuha ka pa ng sakit ng ulo,” sabi ni Brix sa sarili. Pumasok si Brix sa silid at inilapag ang babaeng tulog na tulog pa rin marahil dahil sa kalasingan. Gusto sana ni Brix na iwan na ito, total naman ay safe na ito doon, pero naisip ni Brix na malaki ang utang ng babae sa kanya. Umupo si Brix sa gilid ng kama at ihinanda na sana ang sarili niyang magbilang ng butiki, pero nakita niya ulit ang hitsura ng babaeng nanlilimahid na sa suka ang mukha at damit. At dahil ilang minuto na, mas tumindi na ang amoy ng suka at nakakabaliktad na sa sikmura. Kumilos si Brix; bahala na. Una, malinis ang intensyon niya; ikalawa, hindi lang talaga kaya ng konsensya niyang pabayaan ito; at ikatlo, hindi kasi
Hindi alam ni Brix kung bakit kakaiba ang naramdaman niyang lamig at kilabot nang makita niya yung puting malapad at malambot na kama. Pagkatapos ay napatitig siya sa babaeng kalong-kalong niya ngayon. Nakalugay ang buhok nito, dumuduyan sa hangin. Nakatingala ito, kaya't kitang-kita niya ang makikinis nitong leeg, at dahil din sa himbing ng tulog nito ay nakaawang ang mga labi nito; mga labing kanina lamang ay nalasap niya ang tamis."Pero napangiwi si Brix nang maalala niyang nalasap pala niya ay hindi tamis kundi pait ng suka."Yuck..Naku lintek talaga 'yung utak ko ata naging sabaw na nga. Naku, Miss, ang bigat mo."Mabilis na naglakad si Brix papasok at inilapag ang babae sa kama. Yun nga lamang, parang nagising ito dahil sa medyo pabagsak na paglapag niya. Agad nitong ikinalawit na naman ang kamay sa batok niya kaya napasobsob si Brix sa babae at sakto sa Chocolate Hill naman talaga. Agad naramdaman ni Brix na titilaok ang manok ni San Pedro kaya medyo nanikip ang pantalon niya.
Natigalgal si Brix nang dumilat ang babae matapos dumampi ang mga labi nila.“Oh, Sh*t,” napalakas pa nga ang pagkakasabi niya.Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa babae. Parang naghiwalay ang ulo at leeg niya sa lakas ng kamay nito.“Sheet, bakal ba ang kamay niya? Amazon ba ito sa past life niya o angkan ni Hercules? Grabe, woah,” sambit ni Brix na kinapa-kapa ang nasaktang pisngi bago muling humarap sa babae para mag-sorry.“Miss, pasen… what?” Laking gulat ni Brix nang sumalubong sa kanya ang bibig ng babae, saka ito naman ang humalik sa kanya."Oh mamamia." Nanlaki na lamang ang mga mata ni Brix at for the first time ngayon lang siya nanigas sa halik ng babae.Napakarami ng babaeng nagpipiyesta sa labi niya at lahat 'yon natural pinagbibigyan niya. Aba, sino bang tatanggi, g*go ba siya? Pero anong meron ang babaeng ito at nanigas pati kalamnan niya.Si Brix din ang tumapos ng halik dahil aba nawiwili na ito. Unang-una, hindi free ang halik niya at ikalawa, baka siya
“Ay, sus naman, Miss, bulilyaso na nga ang raket ko; magiging bangenge sitter pa ata ako, ah,” sabi ni Brix. “Paano ba ito, anong gagawin ko dito? Saan ko ba dadalhin ang teacher na 'to?” Nalilito na ang binata at natutukso na ngang kalkalin ang maliit na body bag na dala nito. Ang kaso lang, may hiya pa naman nang konti si Brix, bukod pa sa baka makasuhan pa siya. Hindi niya alam ang pangil ng babae at kung sino ba ito. “Hay, Brixton, tinamaan ka ng kidlat ng kamalasan ngayong araw na ito. Siguraduhin mong magtirik ka ng kandila sa simbahan sa linggo nang mabasbasan ka at ipagdasal mo ang mga semilya mong ipinutok mo sa kumot sa loob ng mahabang panahon,” sabi ni Brix na kumamot sa ulo na akala mo ay inaatake ng Clash of Clans ng mga kuto. Iiling-iling man ay dahan-dahang inilapag ni Brix ang babae pahiga sa likod ng driver's seat saka muling bumalik ang binata sa manibela. Humugot ng malalim na hininga ang binata at binuksan ang makina, saka pinaandar ang sasakyan at sa iisang luga







