Kinagabihan din ng araw na iyon ay umuwi ako sa bahay kasama si Skylen upang kumustahin si Mommy. Naisipan kong dito muna ako matutulog dahil wala naman akong part-time job buong linggo dahil nag-file muna ako ng temporary leave para sa Finals week namin starting next week.
Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan at tinanggal ang aking seatbelt pagka-park ko sa aming garahe. Nakita kong balisa pa rin sa kanyang kinauupuan ang kapatid ko. "Hindi pa rin ba sinasagot ni Mommy, Skylen?" Bakas ang kaba at pag-aalala sa kanyang habang hinihintay pa rin ang pagsagot ni Mommy sa kanyang tawag gamit ang cellphone ko. Kanina ay sinubukan niya na rin itong tawagan gamit ang kanyang cellphone pero hindi rin ito sinagot kaya naisip namin na baka ayaw niya lang talagang sagutin iyon dahil numero iyon ni Skylen.
Nagmamadali kaming bumaba mula sa sasakyan at pumasok na sa bahay. Lumapit ako sa isa sa mga kasambahay. "Manang, nasaan po si Mommy?" mahinahong tanong ko sa kanya upang h
Days passed by so fast at ngayon ay first day na ng final exam week namin. I've spent the whole week studying for the finals. Wala rin akong naging distractions dahil hindi na muling nagparamdam pa si Daddy sa amin ni Skylen at hindi na rin ako nilalapitan pa ng 'half sister' ko dito sa school. I also haven't heard anything about Caleb these past few days. Hindi ko na siya muling nakita at nakasalubong pa dito sa school pagkatapos noong naging huli naming pag-uusap sa may parking lot. It's not like I'm looking for him or waiting for him, though. It's actually a good thing for me. Diretso uwi na lang ako pagkatapos ng klase at wala ring nagte-text sa akin para mangulit at magtanong kung kumain na ba ako o kung gusto ko ba si Messi. My life has been very peaceful since then and I'm honestly very thankful for it. "Gella!" Napatigil ako sa paglalakad upang lingunin ang tumawag sa akin. I immediately raised a brow when I saw Tatiana rushing towards me. May hawak siyang is
Ngayong araw ay ang first day ni Skylen bilang intern sa kumpanya namin. We told Mom about it last night and as expected, she immediately approved it. Hindi namin in-expect na sasama pa siya ngayon papuntang A&G Engineering & Construction Services, Inc. para samahan ang anak niya sa kumpanyang 'mamanahin niya balang araw'. Napalingon kaming dalawa ng kapatid ko nang bumaba mula sa hagdan ang aming ina. The sophisticated Gabriella Carvajal is wearing an elegant dark green off-shoulder bodycon dress paired with gold stilettos. Her usual French braided updo was slightly loose to look naturally messy. Nakasuot din siya ng malaking sunglasses na itinaas niya muna sa kanyang ulo dahil nasa loob pa naman kami ng bahay. Ihahatid ko lang naman si Skylen sa kumpanya at saglit na maglilibot doon bago aalis na. I understand that Monmy's working there but... bakit pakiramdam ko ay may iba siyang dahilan sa kanyang magarbong bihis? I dramatically sighed. "Mom, you
Buong biyahe akong tulala at nagsisisi sa pagiging impulsive ko sa pagdedesisyon kanina. I should've rejected his offer like I usually do! Bakit bigla ko itong tinanggap ngayon? Teka nga… eh, ano naman kung tinanggap ko, 'di ba? Hindi naman siya estranghero sa akin at saka wala namang malisya 'to! We're just friends and we've already known each other for months! "Gella..." Halos mapatalon ako sa aking kinauupuan dahil sa gulat nang biglang magsalita si Caleb. Huminga muna ako nang malalim at umayos nang pagkakaupo. “A-ano?" "Nandito na tayo..." mahinahong sabi niya. Kung wala lang siya sa harapan ko ngayon ay paniguradong nasapo ko na ang aking noo dahil sa kahihiyan. Hindi ko man lang namalayan at naramdaman na dumating na pala kami dito! Ano na, Georgianna Isabella? Lutang na lutang? "O-okay... Thanks for the ride," halos pabulong na sabi ko. Sinulyapan ko siya at napansin ang pagtataka sa kanyang mata. Nang makitang nakatingin ako sa kanya
Naging ganoon ang eksena namin sa mga sumunod pang araw. Hindi kami madalas nag-uusap habang nagta-trabaho ako sa café at hindi rin naman siya umaalis doon hanggang sa matapos ang shift ko. Sa minsang pag-uusap namin, I found out that he graduated from his degree last week at nagbabalak nang magpalista at mag-enroll sa military academy ngayong taon. Madalas ay doon na rin siya sa café kumakain ng tanghalian at hapunan. He would just sit at his favorite spot at the corner beside the glass window and make himself busy all day. Minsan ay may mga dala siyang papeles at abala sa pagtitipa sa kanyang laptop ng kung anu-ano. Madalas din siyang may katawagan at minsan ay doon na nauubos ang kanyang oras sa pakikipag-usap sa iba't ibang tao. I'd like to think that maybe he just liked the ambiance of this café or the food and drinks we serve... o baka naman wala lang talaga siyang ibang magawa at mapuntahan ngayong bakasyon. Pero may ibang sinasabing dahilan ang isipan ko at hindi ko
Habang naglalakad sa pathway papalabas ng university ay para akong naglalakad sa mga ulap at nakalutang sa ere. Kung hindi siguro importante ang tawag na sinagot ni Caleb kanina ay paniguradong magkasama pa rin kami hanggang ngayon. For some reason, my heart is still booming in my chest yet my mind seems to be finally at peace after what he said. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan 'yong inamin niya, pero ang katotohanang sinabi niya iyon sa akin para malinawan ako ay nagpakalma sa isipan ko kahit papaano. I don't even care now if it's true or not... basta ang mahalaga ay nasagot na ang matagal na bumabagabag sa aking isipan. "Hoy, gaga! Lagpas ka na!" Napabalik ang isip ko sa realidad nang hawakan ni Ivory ang pala-pulsuhan ko. "Bakit tulala ka? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tati pagkaupo ko. Marahas akong humugot ng hininga bago saglit na ipinikit ang aking mga mata. Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng mga nag-aala
"Gella?" tawag muli sa akin ni Archi nang mapansin ang pagkatulala ko. I cleared my throat and forced a smile. "Tinawagan ka raw ni Tati?" tanong ko sa kanya. He slowly nodded but his curious eyes remained watching me. "Hindi ko nga naintindihan masyado ang mga sinabi niya habang sumusuka siya, eh. Naintindihan ko lang 'yong part na pinapapapunta niya ako dito para sunduin ka dahil lasing na lasing ka na..." he trailed off and his brows furrowed. "But you don't look wasted to me." Nilipat ko ang tingin kay Tati na mapayapa nang natutulog sa couch ngayon. "Naparami lang ang inom ko pero hulas na ako kanina pa," sabi ko bago sumulyap sa tatlong kaibigan. "Itong mga 'to ang hindi na yata makakauwi nang mag-isa. Doon ko na lang siguro sila patutulugin sa condo ko." Sumulyap siya kay Rafael at Ivory na magkatabi sa couch at parehong tulog habang magkayakap. "I'm sorry kung naistorbo ka namin, Archi... I didn't know Tati would call you. Kaya ko naman silang
"Gella, feeling ko talaga may third eye na ako..." bulong sa akin ni Ivory na agad naki-usyoso sa amin nang makita niya si Caleb na lumapit kanina. Sinimangutan ko siya bago ibinalik ang tingin kay Caleb na ngayon ay nag-aayos ng mga monoblock chair sa tapat ng stage kung saan gaganapin ang seminar. I paused for a second to get a better look at him. His dark hair is now in a clean cut again and it's a bit shorter than usual. Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. His body looks more lean and muscular now. I also noticed that he's wearing the same uniform when I first met him at the blood-letting activity. Pinasadahan ko rin ng tingin ang mga kasamahan niyang sa pagkakatanda ko ay alumni rin ng university at ka-batch niya sa BS Criminology dahil pareho sila ng suot na uniporme. Napansin kong nandoon din ang propesor namin sa NSTP at may kasama siyang iba pang officer ng mga hinahandle niyang sections ngayong school year. Muling bumalik kay Caleb ang tingin k
Kinabukasan, nang matapos ang klase namin sa Clinical Chemistry ay dumiretso ako sa locker room upang kunin ang paper bag kung saan nakalagay ang PE uniform at sapatos na suot ko kaninang umaga para sa PE class namin. Nagtext na lang ako kina Rafael na mauuna na akong umuwi dahil magre-review pa ako para sa mga quiz naming bukas. Habang bumababa sa hagdan ay narinig ko ang biglaang pagbuhos ng ulan sa labas. Suminghap ako at agad na nilagay sa harap ang aking bag. Hinalughog ko ito at agad na napasimangot nang mapansing hindi ko nadala ang payong ko. Habang naglalakad sa ground floor palabas ng aming building ay namataan ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod at nakatayo sa may dulo ng hallway na daraanan ko. Marahas akong bumunot ng hininga at sinadyang bagalan ang aking paglalakad. Bahagya siyang tumagilid bago tumingala sa kalangitan. Inangat niya ang kanyang kamay upang saluhin ang ilang patak ng ulan. I stood there in awe of his almost perfect si