Share

Chapter 4

“Gosh! Ano bang iniisip mo?! Look, tumapon na yung coffee." tumitiling pagpuna ni Tony sa ginagawa ni Vernice.

Kanina pa wala sa sarili niya si Vernice. Masyadong malalim ang iniisip niya ngayon. Natalisod pa nga ang paa niya nung tumungo siya sa pantry ng office nila para magtimpla ng coffee.

Narinig kasi ni Vernice ang usapan sa pagitan ni Raffy at kausap nito. Nasa loob ng office ni Raffy ang mga ito. Narinig niya lahat matapos siyang tumayo sa labas ng pinto ng office ni Raffy ng tawagan siya nito upang papuntahin sa office nito dahil mayroong ipinakuha ito sa ibang department.

Rinig niya ang lahat. Napatulala nga siya after niya lumabas upang ikuha naman ng coffee ang mga iyon.

Matagal-tagal na din mula ng hindi na marinig ang bagay na yon sa boss niya. Subalit ngayon naungkat na naman ang usaping iyon. Ngunit hindi sa kanya ipinahayag ng boss. Kundi sa ibang tao muna nito ikinunsulta. Hindi sa kanya na may malaking kinalaman at bahagi sa pinag-uusapan ng kausap ni Raffy.

“Ano ba?! Vernice, mababatukan na talaga kita." muli ay nabulyawan siya ni Tony. Ilang kutsara na pala ng asukal ang nailagay niya sa tasa ng mga kape na kanina pa hinahalo-halo. “Gurl, ang layo mo ahh!"

“Sorry," huminga si Vernice. Tumuon ang mata sa ginagawa ng kanyang kamay. Nakita niya ang naglalawa at makalat na lamesa na tinapunan ng kape.

“Ano bang nangyayari sayo? Bakit ka ganyan? Kanina pa anlalim ng iniisip mo. Malamig na din iyang kape na tinitimpla mo. Ilang minuto mo na iyang hinahalo at yung asukal naubos mo na sa dami ng inilagay mo diyan. Baka naman magkasakit ng diabetes ang iinom niyan. May balak ka bang patayin sila?" iiling-iling ang ulo ni Tony, napabuga din ng hangin.

Hindi nakasagot si Vernice. Pero ang utak niya naiisip pa din ang mga narinig niya.

Gusto niya si Raffy. Nuon pa man ng makita ito. Nabighani na siya dito. Hindi nga lang siya tumuon sa nararamdaman niya sa boss. Dahil mas ibinuhos niya ang atensyon sa kanyang trabaho. Ito ang mas important sa kanya kung bakit sa lahat ng mga taon. Nasubukan niyang malagpasan at wag maisip ang damdamin para sa boss.

Nagawa niya kontrolin ang malalim at mas lumalalim na pagtingin niya kay Raffy. Subalit simula ng mangyari ang tangkaing halikan siya ni Raffy at ayain na pakasalan ito. Nabago ang lahat.

Natibag ang pader sa pagitan ng trabaho lang at damdamin niya.m para sa boss.

Mas nangingibabaw na ngayon ang nararamdaman kesa ang trabaho. Halata naman dahil sa madalas niyang pagkakamali sa trabaho at pagkawala sa atensyon doon.

“Vernice, kailangan mo bang pag-usapan natin iyan? Sa tingin ko, mas kailangan ata na pag-usapan na natin iyan nang matapos na ang madalas mong pagkabalisa. Madalas ka na din pumapalpak sa trabaho. Diyan pa nga lang sa kapeng tinitimpla mo. Palpak ka na!" panunumbat, may halong pamemersonal ni Tony.

“Kayong dalawa ang ingay niyo. Sa labas pa lang naririnig na kayo. Ano bang pinagtatalunan niyo?" napansin agad nito ang nagkalat na kape sa mesa. Ano yan?!" nakita din nito ang lagayan ng asukal na walang laman.

“Ikaw ang humusga!" mataray na wika ni Tony, nakanguso ang bibig. “Look naman, nakikita mo kung anong ginawa ni Vernice. Papatay ata siya ng tao. Pati asukal inubos na niya. Ano pang gagamitin ng mga susunod?"

“Magkakape pa naman sana ako. Kaya nga ako nagtungo dito. And, nakita ko si Sir Raffy paalis ng office. Pinapa-cancel niya yung coffee na inutos raw sayo, Vernice." umangat ang munkha ni Vernice.

Nakahinga din siya.

“Umalis na si Sir Raffy?" nananadya na wikang pag-ulit sa narinig ni Tony. “Buti naman, makakaligtas sila sa huling araw nila ng bisita niya. Pero saan daw ba siya pupunta?"

“Parang nagsasabi yon sa atin!" sagot nito

“May tama ka! Si Vernice nga lang pala ang pinagsasabihan noon ng mga kanyang lakad. Malabo na ipaalam niya sa atin. Suntok na yon sa buwan dahil si Vernice lang ata ang pinagkakatiwalaan niya sa ating lahat. Sayang nga lang yung ganda ni Vernice. Hindi napapansin ni Sir Raffy."

Ang sinabing yon ni Tony, nakahugot kay Vernice upang makawala sa lalim ng pag-iisip muli. “Wag kang magsalita ng ganyan. May makarinig sayo." paalala ni Vernice sa kaibigan.

“Mano, kung may makarinig. Bakit ka ba natatakot sa sasabihin ng iba? Sa totoong maganda ka, matalino, masipag at higit sa lahat buong buhay mo nakatuon sa trabaho. Sa pagsisilbi sa boss nating siraulo." may diin sa huli.

Hindi nagbibiro si Tony, asar lang talaga siya sa ugali ni Raffy. Mahahalata naman yon sa tuwing bubuka ang bibig ni Tony. Sa tuwing kausap si Vernice.

May galit lang? May tampo lang talaga si Tony sa boss nila. Nakalimutan kasi ni Raffy ang pangako nito sa kanyang mga empleyado. Ang dagdag pasahod na matagal na pangako nito. Maging ang promotion ni Tony na hanggang ngayon wala pang binababa na memo.

Dapat kasi ay promoted na si Tony. Nuon pa nung araw na bago pa magkasakit ang ama ni Raffy. Bago mamatay ang ama ni RAffy iyon ang pangako na binitawan nito sa pakiusap ng kanyang ama.

Lahat ng for regular na employee. Natimbin ang kanilang pagiging regular employeesa kumpanya. Dahil pinatigil at tinutulan iyon ni Raffy. Nagtipid ito sa expenses. Maging sa pasahod sa mga employee ay nilagyan niya ng cut. May ilan siyang inalis na employee at ilan naman ay inalisan ng ilang benefits.

Ganung uri ng boss si Raffy. Napakaraming kapalpakan din ito sa kumpanya. Kaya naman ang mga mapang-abuso hindi nawawala. Hindi tumitigil sa mga anumalyang mga ginagawa. Iyon ay dahil bilang ganti sa kanya ng mga nakararami.

“Mauuna na ako," hindi na pinatapos ni Vernice ang mga sinasabi at dinadaldal ni Tony. Mahabang paliwanagan pa kasi iyon kung kikibo at sasakay si Vernice. Alam niya yon. Kaya siya na ang umiwas.

“Gosh, sige mauna ka na..." naiinis na wika at pagtataboy sa kanya. Kinuha lang ni Vernice ang tasa ng kape. Naisip niya inumin. Kaya nga lang paglapat pa lang sa kanyang labi. Halos masuka na siya sa lasa.

Maliban sa pait na nalasahan. Sobrang tamis. Panalo sa asukal. Nagmamadali siyang tumakbo sa banyo at duon masuka-sukang pinilit niya maisuka ang nalagok na kape.

Nagpunas siya ng mukha. Kita niya sa mga mata niya ang kaba at pangamba sa narinig niya. Nanumbalik na naman kasi iyon sa isip ng maisip ang lahat ng narinig.

Raffy wants to marry her. Paano na ngayon? Narinig niya ang pag set ng kasal nila ni Raffy. Kahit wala pa siyang alam sa mga plano nito.

Kahit hindi pa nga siya ulit tinatanong nito. Anong gagawin niya ngayon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status