Share

My Tiring Life (Tagalog)
My Tiring Life (Tagalog)
Author: Firedragon0315

Chapter 1

“Sir, may pinabibigay po si Mr. Valdez na documents. Ilalapag ko nalang po ba dito sa table?"

“Yes, please, may kausap pa ako. Later ko nalang iyan titingnan."

“Okay po, ilagay ko nalang po dito at iiwan ko na po sa table niyo." sagot ko. Hindi ko alam at hindi ko napansin na may kausap pala siya sa phone. Tahimik lang kasi siya at tila ba malalim lang ang kanyang iniisip. Hindi ko din napansin ang isang bagay na nakakabit sa kanyang tenga.

“Lalabas na po ako," tuluyan na akong lumabas sa office niya.

Siya si Sir Raffy, boss sa company na pinapasukan ko. Isang dekada na din ako dito nagtatrabaho mula pa nung si Sir Ronald ang namamahala sa kumpanya.

Si Sir Ronald, ang ama ni Sir Raffy. Hindi sila magkasundo at never sila nagkaayos o nagkaroon ng pagsang-ayon sa isa't-isa sa tuwing mayroon silang dapat pagdesisyunan.

Nung nabubuhay pa si Sir Ronald. Napakatahimik ng kumpanya. Maayos pa ang pamamalakad at walang kahit anong anumalya ang pumapalibot sa pamamahala nito sa buong termino ng kanyang pamamahala. Subalit, kabaligtaran sa kanyang anak.

“Vernice, bakit tila ba problemado ang itsura mo?"

“Ikaw pala, anong kailangan mo? Kanina ka pa ba diyan?"

“Hindi, kanina pa ako naghihintay sa pagbabalik mo. Kaya lang umalis ako." pabalang at mapagbiro pa rin itong sumagot sa tanong ko. “Bakit ba ang tagal mo?"

“Baliw! Kanina ka pa nga dito. Bakit ba ang taray mo? Ano bang kailangan mo?"

“Yung pinasa ko sayo? Nasaan na?"

“Ahh, yun lang ba?" may kinuha ako sa ibabaw ng table ko. Napapatungan kasi ito ng ilang folder pa, kaya naman hindi niya iyon nakita. “Heto, dapat hinanap mo nalang dito. Hindi naman mawawala yon dito sa ibabaw ng table ko."

Bumuntong hininga siya. Malalim saka siya suminghal ng tingin sa akin na para bang nais pa akong tanungin sa lalim at naglalaro sa isip nito. Kaya inunahan ko na siyang itaboy. Busy ako. Madami pa akong tatapusin. “Tony, kung wala ka nang kakailanganin sa akin. Busy ako, maaari ka na umalis at bumalik sa table mo at baka makita pa tayo dito ni Sir Raffy."

“Well, may tama ka din diyan. Later nalang tayo mag-usap. Magkita tayo mamaya sa lunch. Sabay na tayo kumain."

“May lunch meeting si Sir Raffy, kasama ako. Baka doon nalang din ako kumain habang naghihintay sa kanila ng ka-meeting niyang investor."

“Again? Investor? Ilang beses na ba siya humarap sa ilang tao na hindi naman natutuloy sa pag-invest sa kumpanya? Kung bakit kasi..." tinakpan ko ang bibig ni Tony, baka mapalakas at marinig mula sa loob 'ang lakas ng pagsasalita niya. Maging ang matalas niyang bibig na walang ka-kwenta kwenta naman ang lumalabas.

Kahit kailan talaga si Tony! Napailing nalang din ako at malalim na napabuntong hininga. Napasulyap din sa pintong nakasarado. Baka kasi nga lumabas bigla si Sir Raffy, makita kaming ganito.

“Tumahimik ka nga! Kung ayaw mong marinig niya lahat at masisante ka nang hindi mo matatanggap dahil kailangan mo ang trabaho mo. Lalo na ngayon may mga pamilya kang umaasa sayo. Baka mamaya magmakaawa ka pa sa kanya at magpasalamat kung tatanggapin niya ang paghingi mo nang tawad." mariin ang pagkakabigkas ko upang maunawaan niya at intindihin ang lahat ng mga winika ko sa kanya bilang pagpapaalala.

Huminga siya at hinabaan ako ng kanyang nguso. Bwisit talaga itong si Tony, kahit minsan mahirap suwayin.

“Natatakot ka ba sa kanya? Iyon naman ang totoo di ba? Kung dadating man ang time na yon. Eh, 'di magresign. Uunahan ko pa siya. I'll file my resignation." mayabang na sagot at nangatwiran pa. Inirapan pa nga niya ako. Bwisit talaga!

Umismid ako, napaka talaga ni Tony, tariray siya masyado. Minsan may pagkamayabang din. Hindi nag-iisip sa mga sinasagot, sa kanyang mga desisyon. Ganun din si Tony. Napailing nalang muli ako at bahagyang sinimangutan siya na naikagat ko pa ang ibabang labi ko na may kasamang paghugot ng malalim ulit.

*****

“You," turo ni Sir Raffy sa akin. Nagulat pa ako habang dinuro niya sa akin ang daliri niya. “Malas ka talaga sa kumpanya ko. Alam mo ba yon?" nakakatakot ang mga tingin nito.

Mabilis din nakalapit sa akin si Sir Raffy. Puma-atras naman ang mga paa ko sa takot.

“Sir," nangangatal ang bibig ko. Napasandal na din ang binti ko sa table. Hindi ko alam ang sinasabi niya at tinutukoy sa ilang panininghal niya sa akin.

Napalunok ako at pakiramdam ay mauubusan ako ng hininga. Maging ang mukha niya. Sobrang napakalapit na sa mukha ko. Naaamoy ko na din ang kanyang hininga.

Napakabango, amoy alak nga lang sa bandang huli habang nasisinghap ko. Subalit kay bango nuon habang nasisinghap ng ilong ko. Habang napapabuntong hininga ako ng malalim.

“I am sorry, Sir..." naikurap ko ang aking mata. Nangangamba sa uri ng titig niya.

Ano bang nasa isip niya? Bakit ganun siya magsalita at ganun siya magtanong na may panininghal at paninisi. May nagawa ba akong pagkakamali? May kasalanan ba akong nagawa sa kanya nang hindi ko alam?

“Ano po bang ibig niyong sabihin o nais niyong tukuyin sa sinasabi niyo? Hindi ko po kayo maintindihan." pagtatanong ko ng may kaba at takot.

Makikita sa mga mata ko ang lahat ng kaba na nararamdaman ko ay naipon sa pagtitig ko sa mga mata niya kung saan ay bahagya ang pamumula at talim nuon na nakatingin sa mukha ko. Bumuntong hininga ako kasabay niya na may kasabay na pagbuga ng hangin.

“Marry me," malakas at mapaninghal na nag-uutos.

Totoo ba 'toh?

“Marry me?" pagkakaulit ko sa sinabi niya. Mahina

“Yes, marry me," sagot niya. Napalunok ako

Nagkakamali ba ako nang naririnig? Marry me?

Ano bang pinagsasabi ni Sir Raffy? Bakit ko siya pakakasalan? Bakit ganun siya? Tila ba ang dating nuon sa akin ay isang utos na hindi ko maaaring tanggihan.

Hindi kasi pakiusap ang pagkakabigkas niya. Kundi para siyang inuutusan ako. “Pakasalan mo ako," nakatitig siya sa mukha ko. Matapos ay bumaba iyon sa katawan ko at nung bumalik ang mata niya sa mukha ko. Sa labi ko iyon nakatuon.

Parang nababasa ko na ang susunod na mangyayari. Kinilabutan na ako. Ang mga balat ko nagsitaasan ang mga balahibo.

Hinalikan ako ni Sir Raffy. Pilit ko sana iiwasan. Subalit, bigla niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi ng umangat ang kanyang kamay.

Mariin ang halik niya.

Mapangahas. Nakakagat niya ang labi ko. Pakiwari ko ay namumula na din ang ibabang labi ko ng s******n niya iyon at mariin na nakagat ng kanyang nag-ngingitngit niyang ngipin.

Nalalasahan ko na ngayon ang lasang dugo buhat sa labi ko na makailang beses niya nakagat. Nagdugo na yon. Medyo mahapdi subalit tinitiis ko.

“Sir," mahinang ungol ko

“Hindi ba... Ito ang nais mong mangyari? Nuon pa man nahahalata ko na ito ang gusto mo. Ngayon, marry me at sisiguruhin kong... Ang nais mo makukuha mo, at ako makukuha ko ang gusto ko."

Hindi ko maintindihan. Kaya mahina, kahit pabulong naitanong ko bago pa maglandas ang mga palad niya at maglibot sa katawan ko. “Ano po bang ibig niyong sabihin? Hindi ko talaga kayo maintindihan. Nagkakamali po ata kayo. Kung ano man po yon. Nagkakamali po kayo sa nasa isip ko. Na sinasabi niyo at iniisip niyo sa akin ngayon. Please, tigilan niyo na po ito. Tama na po, tama na..." nasasaktan na ako.

Hinawakan niya ang katawan ko nang may bigat. Napaitlag ako. Ngunit nagawa pa din niya ako hilahin papalapit sa kanya. Upang magkadikit ang katawan ko sa katawan niya.

Bumulong siya. Ngunit may diin. Sa tenga ko. “Listen, kung magpapakasal ka sa akin..." umangat ang mukha niya at hinarap ako.

Pagkalakas ng talaga ng appeal niya na nakakadurog sa pader na hinaharang ko between us. Super lakas na din ng kabog sa dibdib ko daan upang makaramdam ako ng pamamaso.

Hinawi niya ang mga nagkalaglagan na nakabagsak na buhok sa mukha ko. Tinitigan niya ulit ako ng maigi, at ang titig na yon labis na kinapapaso ko, para akong sinisilaban sa mga titig niya na nag-aapoy.

Sa naiisip at naglalaro sa utak ko sa maaaring gawin sa akin ni Sir Raffy. Baka tuluyan na akong mahulog.

Pinaglalaruan niya ba ako?

Baka naman sinusubukan niya lang ako?

Ito ba ang paraan niya sa mga babaeng madalas dumidikit at nais dumikit sa kanya?

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Para akong tinutulak ng kalooban ko na sundin at ayunan ang gusto niya na mangyari sa amin ngayon. Sa mangyayari na pinangungunahan agad ng utak ko kahit mukhang malabo.

“Pwede po bang tigilan niyo na ito Sir Raffy?" sabi ko, mahina.

“Itigil? Ang alin?" para pa siya nagbibiro sa kanyang sagot. May pagkapilosopo itong mas idinikit ang sarili sa akin. Pangingilabot at panghihina ng mga tuhod ang sumunod na bumalot sa buo kong katawan. Hindi ako makahinga ng maayos at pangangapos ng hininga ang patuloy at hindi mawala sa akin.

“Hindi ko po alam ang gusto niyong ipabatid. Hindi ko kayo maintindihan talaga..." akmang lalapat ulit ang labi niya sa aking labi. Iniwasan ko iyon. Kahit inaasahan naman iyon ng isip ko.

Asang-asa ako, subalit ang diwa ko parang nililinlang ako. Kumukontra.

Ayaw sumang-ayon sa sinisigaw ng puso ko.

“Hindi ba malinaw? Gusto mo bang ipaliwanag ko pa sayo?"

“Hindi sa ganun, Sir Raffy pero hindi ko talaga kayo maintindihan. Kung pwede po, bitiwan niyo na po ako at itigil niyo na po ito. Kung ayaw niyong may makakita pa sa atin."

Saktong tumunog ang pinto. Mayroong biglang kumatok. Sabay pa kaming napalingon sa pinto na akmang bubukas na nung tumunog ang doorknob ng pihitin yon.

Binitiwan niya 'nga ako. Subalit may kirot sa puso ko ang naramdaman ko. Nang hindi matuloy ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

Umasa ang nararamdaman ng damdamin ko ng mga oras na yon. Ngunit, nakahinga din ako ng maluwag ng mabitiwan niya na ako. Kabang-kaba din kasi ang dibdib ko sa pangamba na makita kami ng kumatok sa pinto.

Nalalabuan din ako sa biglang ikinikilos ni Sir Raffy. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya 'kung bakit tila para bang mas stress siya ngayon. Kesa sa mga nakikita ko sa kanya nitong mga lumipas na mga araw.

Hindi kaya dahil sa deal na hindi niya makuha? Na hindi matuloy-tuloy dahil sa isang bagay na hinihiling ng mga ito sa kanya?

Hindi ako nagtatanong. Pero iyon ang narinig ko. Ang naglalaro din sa isip ko habang nakatuon ang mata ko sa kanya at kausap ang taong pumasok at sumilip sa bumukas na pinto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status