Share

Chapter 6

“Bakit mo ginawa yon? Bakit mo sinabi yon sa kanya? Alam mo ba ang maaari na mangyari?" tanong ni Vernice

“Alam ko. Ngunit hindi ka din naman niya titigilan kung sakali na hindi ko iyon sinabi sa kanya. Sa itsura ng lalaking yon. Maaari ka niya masaktan pa nang higit sa nakita ko kanina."

“Pero sana hinayaan mo nalang," tugon ulit ni Vernice.

“Kaya ka ba hindi pumapasok ilang araw na? Dahil sa taong yon?" nagtanong muli si Raffy, tumayo ito after igala ang mga mata sa palibot ng bahay ni Vernice.

“Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" napaisip si Vernice at nagtaka. Walang ibang nakakaalam sa lugar kung saan siya lumipat. Wala siya ibang pinagsabihan.

May isa pala nakakaalam at nakapunta na. Si Tony

“Si Tony ba ang nagturo sayo?" agad na tinanong niya si Raffy. Pabalik na ito. May talang tissue na nakita niya sa ibabaw ng isang lamesita.

Hindi nga siya nagkakamali. Sure niya na maaaring si Tony ang nagturo ng bahay niya kay Raffy. “Oo, she told me. Nagtanong kasi ako sa kanya kanina. Mali, kahapon pa pala. Ngunit ayaw niya sabihin sa akin. Kanina ko lang siya pinilit. Napilitan siyang sabihin sa akin ng sabihin ko nag-aalala ako sayo. Sinabi ko din ang plan ko na magtapat sayo at ayain kang pakasal sa akin." nagkipit ng kanyang mga balikat si Raffy.

“Biro lang pero kung sisiryosohin mo. Gaya ng sinabi ko sa kapatid mo at narinig mo kanina. Pwede naman nating totohanin. Pakasalan mo ako, Vernice." hindi naman nagulat na si Vernice sa narinig. Dahil narinig na din naman niya iyon kay Raffy at sa kausap nito noon bago siya hindi pumasok sa kanyang trabaho.

Sa totoo lang ay natakot siya. Hindi siya pinatulog ng araw na yon. Kaya nga kinabukasan napagdesisyunan niya ang hindi na muna pumasok. Hanggang sa nasundan pa yon ng ilang araw. Tinamad siya pumasok at nagkulong lang siya sa loob ng ilang araw na yon sa bahay niya. Hindi man lang nga siya lumalabas. Buti nalang mayroon siyang mga ilang stock na pagkain sa kanyang bahay. Kaya ayun, nakaraos siya sa ilang araw na yon na pagkukulong.

Malaki din pasasalamat niya dahil nakapag-isip siyang maigi. Ngayon ready na siyang harapin si Raffy. Sinabi niya sa sarili na hindi siya maiilang once na magkaharap na ulit sila. Tulad ngayon na nakakausap, nakapagtatanong siya dito at natitignan sa mga mata. Sa mukha.

Huminga ng malalim si Vernice. “Ikaw ba? Hindi ka na natatakot sa sasabihin ng iba? Kung sakali may makaalam sa mga kasama kong empleyado sa kumpanya... Kung sakali pag-usapan tayong dalawa. Hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba mahihiya na ikakasal ka sa isang sekretarya mo lang?"

“Bakit ako mahihiya? May dapat ba akong ikahiya? Wala naman di ba? Pakakasalan lang naman kita." diretso at walang liko o hindi na nagpaligoy-ligoy si Raffy sa pagsasabi kay Vernice ng pakay niya sa pagpunta niya. “Vernice, marry me. At sa bahay ka na tumira. Duon ka na tumuloy habang naghihintay tayo ng kasal nating dalawa. And, para hindi ka na din guluhin ng lalaking yon. Sa bahay ko mas safe ka at hindi ka niya mapupuntahan pa."

Pumayag na din si Vernice. Pinag-impake siya ni Raffy. Lahat lang ng mga kailangan niya ang dinala niya at iniwan na ang ilang mga gamit na hindi naman ganun ka important sa kanya. Sa madaling salita hindi niya kailangan.

Kinabukasan maaga pumasok si Raffy. Naiwan si Vernice sa bahay nito. Nagising siya na may kumakatok sa pinto ng kwarto kung saan siya pinatutuloy ni Raffy. “Ma'am, breakfast na po."

“Susunod nalang ako, mamaya na ako bababa. Medyo busog pa ako," sagot niya sa nasa labas.

Pinaikot ni Vernice ang kanyang mata sa buong paligid ng kwarto na yon. Maganda ang kwarto. Malaki din at mabango. Malinis at maayos tulad ng inaasahan niya sa pagdating niya sa bahay ni Raffy. Hindi siya nagkamali.

Isang oras pa nang maisipan niya ang bumaba sa kusina. Pero bago pa siya makarating ng kusina sinalubong agad siya ng katulong. Katiwala ni Raffy sa madaling salita. Mayordoma sa bahay ni Raffy ang sumalubong at bumati sa kanya.

“Good morning din po, si Raffy po?" tanong niya dito.

Raffy, dahil iyon ang nais nito na itawag niya dito.

Raffy, para wala raw sila ilangan sa isa't-isa. Kung baga sanayin na nila ang kanilang mga sarili sa mismong name ng bawat isa ang gagawin nila tawagan. Bilang paghahanda na din sa nalalapit nilang pagpapakasal.

“Umalis na kanina pa, hinabilin ka lang niya sa akin bago siya umalis. Nagugutom ka na? Ipinagluto kita. Si Raffy kasi ay hindi kumakain sa umaga. Nakagawian na niya ang bagay na iyon at sanay na siya sa hindi pagkain bago pumasok sa office." pagpapaliwanag ni Manang Awra.

Si Manang Awra ay matagal na nagsisilbi sa pamilya ni Raffy. Bata pa lang si Raffy nandoon na si Manang Awra. Dito na siya lumaki at ito din ang nag-alaga at nagpalaki kay Raffy.

“Sige po, salamat po," hindi na nagtanong o nag-ungkat si Vernice sa hindi pagkain sa umaga ni Raffy. Sa tingin niya mas makabubuti iyon. Mas makatutulong sa kanya ang hindi makialam sa life style ni Raffy. Dahil baka sakali na maging dahilan pa yon ng hindi nila pagkakaunawaan ngayon na mag-uumpisa pa lang sila sa kanilang pagpaplano ng kanilang pagsasama.

Kumain na nga si Vernice. Sa pag-uumpisa pa lang ng pagkain niya nagustuhan agad niya ang hinain sa kanya na pagkain. Dahil iisa-isa lang siya sa buhay. Never siya nakatikim ng mga ganung pagkain.

Hindi rin siya marunong magluto. Lalo na hindi din siya nasanay sa pagluluto. Konti ay may alam siya tulad ng pagprito ng itlog, tocino at hotdog. Iyon kasi ang madalas niya kinakain o kaya ay instant noodles. Madalas ay bumibili din siya ng pagkain sa labas. Sa pag-uwi niya madalas dumadaan siya sa mga canteen na maliliit na nadadaanan niya sa pag-uwi niya sa bahay.

“Masarap po ito, nagustuhan ko." walang halong biro na sinabi niya kay Manang Awra. Natuwa naman ito sa kanya sa pagiging totoo niya sa mga sinabi niya.

“Kumain ka lang, kung gusto mo pa ipagluluto kita." sabi ni Manang Awara.

“Salamat po, masarap po talaga lahat. Napakasarap. Ngayon lang po ako nakatikim ng ganito kasarap na mga pagkain. Nasanay po kasi ako sa mga prito at noodles lang sa araw-araw."

“Kaya naman pala ganyan ang kulay ng balat mo. Maputla at tila walang vitamins o kasustansya ang lahat ng mga kinakain mo. Tama ba ako?"

Sa unang pagkakataon nakita ni Vernice na ngumiti si Manang Awra. Mabait ito para sa kanya. Nakikita niya na madali niya ito makakasundo at makakagaanan ng loob. Hindi nga naman siya nagkamali dahil talagang kapansin-pansin sa matanda ang pagiging magiliw at maasikaso nito sa kanya habang kumakain siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status