Share

My Twin sister's Groom (Filipino)
My Twin sister's Groom (Filipino)
Author: Kitty Meyaw

Chapter 1

SABRINA'S POV

"Hi Sab" bati ng boses ng lalaki sakin kaya na palingon ako sa bumati sakin at nakilala ko naman ito si Luke sabay ngiti ko.

"Oh hi Luke" balik na pagbati ko sakanya habang nilapag ko ang bitbit kung isang eco bag na pinamili sa grocery.

"Kumusta? Long time no see" sabi ni luke

"Okey naman" tipid kung sagot.

"San punta mo? uuwi kan? Hatid na kita? tanong nya habang inaabot ang bag na nilapag ko.

"No, thanks nalang, papunta ako sa coffeeshop ng cousin ko" tanggi ko kay Luke at ang totoo isa sya mga taong iniiwasan ko noon dahil dati isa sya sa mga nanligaw sakin at nabasted ko dahil sa masyadong mahangin noon lalo ng hindi ko type. "Sige mauna na ko Luke " paalam ko sakanya

Naging seryoso mukha ni Luke "Hanggang ngayon ba iniiwasan mo pa rin ako Sab?" tanong ni Luke 

"Ano? Hindi ah grabe ka naman" kebit balikat ko sabay hawi ng buhok ko papunta sa likod.

"Alam ko kasi na offend kita non" malungkot na pag pahayag nya habang seryosong nakatingin sakin. tumayo ako ng tuwid at hinarap ko sya at tinitigan.

"Hayaan mo na yon, kinalimutan ko na, past is past, naiintindihan ko side mo at hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sayo o kanino pa man" pahayag ko sa kanya, nakita ko na napangiti sya sa sinabi ko kaya para di na humaba pa ang usapan namin ay nagpasya na ako magpa alam,inabot at binuhat ko na ang bag na nilapag ko kanina pero bago pa ako umalis ay humingi sya ng contact number ko na kung sakali raw jam kami one of this day ng mga dating batchmates namin eh yon binigay ko nman at umalis na ko doon.

Nag taxi nalang ako patungo sa coffee shop. Pagdating ko konti lang customer kaya napag desisyonan ko sa loob na muna ako ng opisina mamalagi kaya naman ng tatlo staff ang nandito ngayon.

Habang naka upo ako bigla ko na alala yong mga kwento sakin nang nag-aaral pa ako at sa pagkakaroon ko raw ng crush nong 12 years old palang ako at sa palagay nila basi sa mga kwento nila magkasing taon lang sila ng kuya sandro nong ultimate crush ko raw. Hindi ko alam kung bakit naiisip ko yong crush ko na yon. Wala akong maalala sa mukha niya. Naitanong ko sa sarili ko kung ano ba pala yong name ng crush ko? Mamaya itatanong ko nalang kay Sarah.

Dahil sa dinami rami ng humahanga sa akin at nanligaw pero hindi ko ito pinagtuunan pansin, Kaya no boyfriend since birth ako hindi tulad ng twin sister ko na ang dami ng naging nobyo kaya sya ang kabaliktaran ko. 

Tatlo kami magkakapatid, si kuya Sandro Sabria at ako, itunuturing ko na syang ate dahil mas na una siyang lumabas ng 2 minuto sa akin ng ipinanganak kami.

Mas malapit si Sabria kay mama kaysa sakin dahil nag simula ito nong 16th birthday namin ni Sabria, hindi ako naka uwi  para sa birthday celebration namin at ipapakilala sana ako sa mga ka susyo nila sa negosyo pero wala ako, kaya galit na galit si mama sakin.

Simula noon hindi ako pinapansin ni mama, hindi raw ako nakikinig sa mga sinasabi nya at suwail raw akong anak at wag nya na raw ako tatawaging mommy kaya sabi ko mama nalang kung ayaw ng mommy doon ako kauna unahan nasampal ni mama, pilosopo na raw ako at ang dami natutunan kalokohan sa mga pagsama sama ko sa mga kaibigan ko, hindi raw ako tumulad sa twin sister ko na masunurin sakanya at malambing.

Sweet naman ako dati sa magulang ko lalo na kay mama pero di ko alam kung bakit nagka ganun, tapos nagkataon na naging busy sila sa negosyo nila at sa pag uwi nila galing kung saan bansa.

Hindi ako nila nadatnan sa bahay dahil nong time na yon mas naging malapit ako saking lolo at lola, magulang ni mama pero wala na sila ngayon. 

Saamin ni Sabria mas pinupuri sya kaysa sakin yong pinaparinggan pa talaga sakin kahit sa school nakapasa lang sa isang subject masyado ng pinupuri ni mama, kompara sa mga achievements ko na mas mataas pa nga kaysa kay Sabria.

Yong lagi positive yong sinasabi pero pag dating sa akin baliwala na ako.

At one time may pumuntang manliligaw si Sabria at ako yong nadatnan sa bahay, napagkamalan na ako si Sabria dahil sa magkamukha kami at magkasing katawan, nagkataon na hindi ko kilala yong gay, napahiya ako sa harap ng gay dahil sinabihan ako ni mama ng mang aagaw raw ako at nilalandi ko yong gay na manliligaw ni Ria.

Mula non inisip ko na may something na hindi ko alam sa aking ina kung bakit sya galit sa akin.

Kasalukuyan ako nandito sa coffee shop namin ni Sarah.

Sarah Sanchez ay first cousin ko anak ng kapatid ni daddy and she's my best friend since elementary until college. Actually, we're taking the same course. Same vibes. After graduation sabay namin itinayo itong coffee shop after one year may dalawang branches na kami na ang pangalan nito ay Sararina Coffee shop. 

Ito ang aking tambayan mag mula ng itinayo ito, tumutulong ako mag serve, mag bake at magkahera. Actually this is my first time job experience.

Dito na rin ako natutulog kapag ayaw kung umuwi sa bahay, bihira na ako umuwi dahil hindi kami magkasundo ng mother ko dahil suwail daw akong anak kumpara sa kambal ko na malambing at masunurin sa kanya sa lahat na sinasabi ng aking ina, Feeling ko nga hindi na ako belong sa family Sanchez kung di ko lang siguro kamukha si Ria iisipin ko na ampon ako.

"Besh, balita ko may niririto sila tita kay ria?" pukaw na tanong sakin ni Sarah.

"hmm di ko alam, bakit sino may sabi sayo?" tanong ko

"narinig ko kagabi kila dad habang nag uusap sila mommy."

"Ah hayaan mo sila" pagsasawalang bahala ko rito.

"Anong hayaan, narinig ko kaya pangalan mo, naisip ko nga baka sayo ipakilala dahil tungkol ito sa negosyo nyo raw, 

di ba tapos ka business ad. at sabi pa baka raw doon kana pag trabahuhin sa companya nyo at ikaw na ang papalit sa pag ka CEO ng daddy mo!" 

"CEO!? Si Ria muna ang pipiliin nila mama maging CEO bago ako ano!"

"Hindi naman siguro, alam mo pansin ko nag iba ka na talaga masyado ka ng matampuhin, hindi ka naman ganyan sa kambal mo ah! pero teka bakit may narinig ako na marriage proposal, may boyfriend ba ngayon si Ria at may kasalan ng magaganap?" turan ni sarah.

Napa iling nalang ako, nagtatampo ba ako tanong ko sa sarili ko. hmm hindi naman. Hays ano ba dapat isipin ko tungkol sa marriage proposal na yan.

Pinagpatuloy ko ang mga ginagawa ko sa coffee shop, at biglang may pumasok na customer lahat kami napatingin sa nagbukas na transparent na pinto ng shop at sabay sabay nila binati ang pumasok ng customer, pag angat ko ng tingin sa pumasok ang dalawang lalaki

wearing tshirt with sport jackets and pants. And the other guy long sleeves collared button-downs and dark wash jeans. 

Mukhang may sinabi 'gwapo sila' pero parang may kahawig yong isa, parang nakita ko na sya di ko lang alam kung saan, tapos tumapat sya kay Tintin at we-nilcome nya uli ang dalawa at yong isang kasama ay umupo na sa bakanteng mesa at yong isa umorder na kay Tintin tinanong naman ni tin kung ano mga order nila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status