“Cut!” sigaw ng director, halatang naiinis na matapos ang ikalimang take ng bed scene namin.
Huminga ako nang malalim at agad na bumangon mula sa kama kung saan kami nakahiga ng leading man ko. Ramdam ko ang malagkit na pawis sa aking balat dahil sa mainit na ilaw ng set, ngunit hindi iyon ang laman ng isip ko. Kanina pa nagri-ring ang cellphone ko, at nang magkaroon ng pagkakataon, dali-dali kong kinuha ito mula sa gilid ng kama. Nang makita ang pangalan ni Maica sa screen, agad kong sinagot ang tawag. “Maya! Naaksidente si Papa! Kritikal ang kondisyon niya!” Tumigil ang mundo ko. Parang biglang lumamig ang buong katawan ko, kahit pa kanina lang ay tila binubuhusan ako ng apoy ng mga ilaw ng set. "Ano?" Halos hindi lumabas ang boses ko. Nanginginig ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa cellphone. "Nasa ospital na siya ngayon! Ang daming dugo! Maya, hindi ko alam ang gagawin!" Hysterical na si Maica. Pinilit kong kontrolin ang nanginginig kong boses. "Anong ospital? Papunta na ako!" "St. Luke’s! Ate, bilisan mo!" Hindi ko na hinintay pang matapos ang usapan. Mabilis akong tumayo, hindi alintana ang suot kong manipis na silk robe. Agad kong hinanap ang assistant ko. "Kim!" sigaw ko. "Kailangan kong umalis ngayon din!" Nagtatakang lumapit siya. "Maya, may next scene pa tayo—" "Cancel it," madiin kong sabi. "Mas importante ang pamilya ko." Mabilis akong lumabas ng set, ni hindi na nagpaalam. Ang tanging iniisip ko lang ay kung aabutan ko pa siyang buhay. ***. Pagkarating ko sa ospital, agad kong nakita si Maica sa labas ng emergency room, ang maliit niyang katawan na hindi matanggap ang sitwasyon. Niyakap ang sarili, nakaluhod sa harap ng mga pader ng ospital, habang umiiyak nang malakas. "Ate Maya..." tawag niya sa akin. "Si Papa?" tanong ko, ang mga salitang iyon lumabas na parang wala akong lakas. Nakita ko si Maica na humagulhol, mabilis na tumayo at niyakap ako ng mahigpit. "Wala na si Papa, Ate. Hindi niya kinaya." Umiling-iling ako, ang panginginig ng katawan ko ay lalong tumindi. "Hindi. Buhay pa siya. Hindi ito magandang biro, Maica. Hindi pwedeng mawala si Papa." Ngunit bago ko pa man tuluyang magpumiglas sa sakit na ito, lumabas ang doktor. Ang kanyang mukha ay seryoso at hindi ko kayang basahin ang ekspresyon niya. Dumiretso siya sa akin at ang mga mata ko ay hindi makapaniwala sa nangyari. "Condolence, Miss Ramirez," sabi ng doktor, at ang mga salitang iyon ay parang patalim na tumusok sa aking puso. "Hindi namin naisalba ang Papa mo." Hindi ko na kayang pigilan pa ang pagbagsak ng aking katawan. Pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa isang bangungot na hindi ko magising. Para akong nakatayo sa gitna ng isang malakas na bagyo, walang kalaban-laban, at walang masandalan. Agad akong pumasok sa loob ng emergency room upang puntahan si Papa. Halos matalisod ako sa pagmamadali, hindi alintana ang malamig na sahig ng ospital o ang mga mata ng mga doktor at nars na nakatingin sa akin. “Papa! Papa, gising! Papa, please! Gumising ka, Papa!” Paulit-ulit kong binibigkas ang pangalan niya, nagbabakasakaling sumagot siya, na kahit papaano ay marinig ko ulit ang tinig niya. Ngunit nanatiling tahimik ang silid. Walang kahit anong senyales na may natitira pang buhay sa kanyang katawan. Niyakap ko siya, pinilit damhin ang init ng kanyang balat, ngunit malamig na ito—isang malamig na reyalidad na ayaw kong tanggapin. Hindi ko matanggap na ang lalaking nagpalaki sa akin, na naging sandigan ko sa lahat ng hirap at sakit sa buhay, ay wala na. Napalingon ako kay Maica nang bigla na lang siyang nawalan ng malay. “Maica!” sigaw ko, ngunit bago ko pa siya masalo, bumagsak na siya sa sahig. Biglang nagkagulo sa loob. Agad siyang nilapitan ng mga nurse, isinakay sa isang stretcher, at mabilis na dinala sa isang kwarto. Hinayaan ko silang asikasuhin ang kapatid ko. Nanatili lang akong nakayakap kay Papa, kahit wala nang buhay ang kanyang katawan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nasa ganoong posisyon—umiiyak, sumisigaw, umaasang magising mula sa bangungot na ito. Halos hindi ko na makilala ang mukha niya. Marami siyang sugat, at kitang-kita ang mga pasa at gasgas sa kanyang balat. Ang kanyang noo ay may malaking hiwa, at alam kong ito ang dahilan ng kanyang pagkamatay—isang malakas na pagkakabagok sa matigas na bagay. Nang bumukas ang pinto, nakita ko ang isang nurse at doktor na kasama si Maica. “Miss Ramirez,” maingat na sabi ng doktor habang inaabot sa akin ang isang papel. “Ito ang medical report ng kapatid mo.” Mabilis kong hinablot ang papel at binasa ito. Sa una, hindi ko agad naintindihan ang nakasulat, ngunit nang umabot ang mata ko sa isang linya, natigil ang paghinga ko. "Dalawang buwan nang buntis ang kapatid mo, Miss Ramirez," saad ng doktor. Parang may pumunit sa dibdib ko. Nabitawan ko ang hawak kong papel. Dahan-dahan akong lumingon kay Maica, na ngayon ay nakatayo sa harapan ko, namumutla at hindi makatingin nang diretso sa akin. “B-Buntis?” nanginginig kong tanong. “Ate Maya…” Huminga siya nang malalim bago biglang lumuhod sa harapan ko. Puno ng luha ang kanyang mga mata. “Buntis ako, Ate. Si Kuya Arnold ang ama.” Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Maica. "Si Arnold?" Halos hindi lumabas ang boses ko. Pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko, parang may sumabog sa loob ng dibdib ko. Si Arnold ay ang boyfriend ko. Hindi ko aakalaing siya ang ama ng batang dinadala ng kapatid ko. Napaatras ako, nanginginig, at hindi makapaniwala. “Ang boyfriend ko ang ama ng batang dinadala mo?” mahina ngunit matalim kong tanong. Hindi siya sumagot. Tumango lang siya—isang simpleng kilos na tuluyang nagpabagsak sa akin. "I'm so sorry, Ate Maya," mahinang saad ni Maica. Nanginginig ang boses niya, punong-puno ng pagsisisi. Pero para sa akin, walang saysay ang paghingi niya ng tawad. Ang sakit ay para bang isang kutsilyong paulit-ulit na itinutusok sa puso ko, pinapalalim ang sugat sa bawat sandaling lumilipas. "Hindi totoo 'yan. Hindi puwede!" sigaw ko, at sa isang iglap, umalingawngaw ang boses ko sa loob ng ospital. Ang ibang pasyente at nurse ay napatingin sa amin, ngunit wala akong pakialam. Wala akong pakialam sa mga matang nanonood, sa mga bulung-bulungan sa paligid. Ang tanging nararamdaman ko ay galit—galit na unti-unting sumasakop sa pagkatao ko. Napapailing akong umatras. Hindi ko kayang tanggapin ang mga salitang iyon mula sa kanya. Pakiramdam ko, niloloko ako. "Ang bata-bata mo pa, Maica. Pinag-aral kita dahil gusto kong makapagtapos ka ng pag-aaral at hindi matulad sa akin na hindi nakapagtapos." Napalunok ako, pinipigilan ang luhang namumuo sa gilid ng aking mga mata. "Gusto kong mabigyan ka ng magandang kinabukasan, Maica. Gusto kong hindi mo maranasan ang hirap na dinanas ko! Kaya ko ginawa ang lahat para sa 'yo!" Tumulo ang luha niya, halatang hindi niya kayang salubungin ang galit kong tingin. Lumapit siya, pilit akong inaabot, ngunit agad kong inilayo ang sarili ko. "Pinag-aral kita, Maica," ulit ko, mas madiin, mas matigas. "Hindi kita pinag-aral para agawin ang boyfriend ko!" Ramdam ko ang pangangalog ng boses ko, ang pait sa lalamunan ko habang binibigkas ko ang mga salitang iyon. Hindi ko akalain na darating ang araw na masasabi ko ito sa kanya. Nanginginig ang kamay ko nang dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Nabigla siya at napapikit sa ginawa ko, ngunit hindi siya nagsalita. Hindi siya nagreklamo. Dama ko ang hapdi sa sariling palad, pero hindi iyon kasing sakit ng nararamdaman ko sa loob. Napabuntong-hininga ako, pilit hinahabol ang sariling paghinga. "Ano'ng ginawa mo, Maica? Paano mo nagawang lokohin ako ng ganito?" Hindi siya sumagot. Mas lalo lang siyang humagulhol, tila gustong lumubog sa sahig. Pero wala akong pakialam. Hindi ko alam kung may natitira pang pagmamahal sa puso ko para sa kanya. Sa isang iglap, parang hindi na siya ang kapatid na kinalakihan ko.Napamura ako nang sampalin ako ni Elira pagkapasok pa lang namin sa silid ko. Malakas ang tunog ng palad niya at ramdam ko ang init sa pisngi ko. Tumitig siya sa akin na parang sasabog, tapos umupo siya sa gilid ng kama at sabay hilamos sa mukha niya. Halatang galit na galit."You're my lawyer! Hustisya ang kailangan ko, hindi asawa!" sigaw niya. Tumataginting ang boses niya sa loob ng kuwarto.Huminga ako nang malalim. Hindi ko rin masisi kung bakit siya galit. "Babayaran naman kita," tanging nasabi ko.Napatingin siya sa akin, halos manginig ang labi sa inis. "Babayaran mo ako? Inangkin mo na nga ang katawan ko. Tapos pinakilala mo pa akong girlfriend sa pamilya mo? Tapos ngayon, magiging asawa mo pa ako?""Calm down, Elira," sabi ko, pinipilit maging mahinahon. "Hindi naman kita papakasalan. It’s just for a show. Katawan mo lang ang habol ko. At ’yan naman ang ginawa mong pambayad sa akin para makuha ang hustisya ng pamilya mo."Napahalakhak siya. “So gagawin mo akong prop? Pagkata
Napahawak ako sa ulo ko nang marinig ko si Conrad na nagsabi sa parents namin na si Elira ang tumulong sa kaniya years ago. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa kapatid ko. Mas lalo lang akong kinabahan kasi kita ko sa mga mata nina Mommy at Daddy na mukhang gusto na agad nila si Elira.Nakatingin ako kay Elira na halatang naguguluhan din. Hindi niya siguro alam kung paano magrereact. Ako mismo hindi ko alam kung paano itatama ang mga nasabi na ni Conrad.“Kuya,” sabi ni Conrad na walang kaalam-alam sa tensyon, “sinabi ko na kay Mom at Dad. Sila na mismo nagsabi na thankful sila kay Ate Elira kasi kung hindi dahil sa kaniya, baka wala na ako.”“Conrad…” mariin kong sabi, pinipigilan ang sarili kong huwag magalit.“What? It’s true, Kuya. She saved me,” sagot niya. “They should know.”Tumingin ako kay Elira. Tahimik lang siya, pero halata ko sa mga mata niya ang mga tanong.“Cassian,” bulong niya habang nakatingin sa akin, “ano ba ‘to?”Bago ako makasagot, nagsalita si Daddy. “C
Cassian’s POVMasaya kong pinagmasdan si Elira habang kausap niya si Conrad, ang nakababatang kapatid ko. Kaka-graduate lang nito sa senior high at halata sa mukha niya ang tuwa. Parang walang ilangan sa pagitan nila. Kung titingnan, para bang matagal na silang magkakilala kahit ngayon lang sila nagharap.“Kuya, ang bait pala ni Ate Elira,” ani Conrad, sabay tingin sa akin at ngumisi. “Mas masarap pa siyang kausap kaysa sa mga kaklase ko.”Ngumiti lang ako habang sinisindihan ang sigarilyo ko. Hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Wala pa ring kaalam-alam si Elira na ang batang kaharap niya ngayon—ang kapatid kong si Conrad—ay ang batang iniligtas niya noon mula sa nasusunog na paaralan.Tahimik akong nakatingin sa kanila. Kung alam lang niya, matagal ko na siyang pinapahanap. Gusto ko sanang magpasalamat noon pa. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko siya tinulungan sa kaso niya. Gusto kong makabawi.“Kuya,” tawag ulit ni Conrad. “Totoo ba na girlfriend mo si Ate Elira?”Napatingin
Masakit ang buong katawan ko nang magising ako kinabukasan. Parang lahat ng kalamnan ko ay pagod, pero ang pinakaramdam ko ay ang sobrang pamamanhid ng gitna ko. Hindi ko halos maigalaw ang mga binti ko. Ilang beses akong pinasukan kagabi, paulit-ulit, hanggang mawalan na ako ng lakas.Napalingon ako sa tabi ko. Nandoon pa rin si Cassian, mahimbing na natutulog. Halata sa mukha niya ang pagod pero kahit natutulog, hindi nawawala ang karisma niya. Tahimik ko siyang pinagmasdan. Hindi ko mapigilang humanga. Ang kinis ng balat niya, ang tulis ng ilong niya, at ang labi niya na kanina lang ay walang tigil na humahalik sa akin.Biglang pumasok sa isip ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan—ang magkaroon ng anak sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero habang tinitingnan ko siya, bigla kong inisip na kung sakali, siguradong maganda ang lahi ng magiging anak namin.Napailing ako. “Ano bang iniisip ko?” bulong ko sa sarili ko.Biglang gumalaw si Cassian. Dumilat ang mata niya at napatingin
Napalakas ang ungol ko nang maramdaman ko ang pagpasok ni Cassian sa akin. Napahawak ako sa dibdib niya nang idiin niya pa lalo. Halos hindi ko alam kung paano ko kokontrolin ang sarili ko.“Cassian…” tawag ko, pero hindi ko alam kung gusto ko ba siyang pigilan o lalo pa siyang hikayatin.“Say it again,” bulong niya, halos nakadikit ang labi sa tainga ko.“Cassian…” mas malakas na ngayon, puno ng init at paghahanap.Ngumisi siya, ramdam ko iyon kahit hindi ko siya nakikita nang buo. “Good. I like hearing you say my name.”Napapikit ako, pero biglang bumalik sa isip ko ang mga videos na nakita ko sa CD. Iyong paraan ng pakikipagtalik niya kay Ashley. Iyong lakas, bilis, at kung paano siya nakipaglaro sa babae.Napalunok ako, hindi ko alam kung bakit parang gusto kong maranasan iyon mismo.“Cassian…” bulong ko, nanginginig ang boses.“What is it?” tanong niya, pero hindi siya tumigil sa ginagawa niya.“Do it like… like what you did with her.”Natigilan siya. Huminto ang galaw niya at bi
Pag-upo ko sa hapagkainan, pilit kong iniiwas ang tingin ko kay Cassian. Nakatutok lang ako sa plato, pero hindi ako makapag-concentrate sa pagkain. Nagulat ako nang maramdaman kong may mainit na kamay na biglang humawak sa hita ko sa ilalim ng mesa. Napapitlag ako at napatingin sa kanya. Kalmado lang siya habang kumakain, parang walang ginagawa. Pero naramdaman kong dahan-dahan niyang pinisil ang hita ko. “Cassian, bitawan mo ako,” mahina kong bulong. Lumapit siya, halos madikit ang labi niya sa tainga ko. “Kumain ka ng maayos. Kakainin pa kita mamaya,” bilyong sabi niya. Parang kinuryente ako sa narinig. Agad kong iniwas ang tingin ko at halos hindi ko maituloy ang subo ko. “Baliw ka ba?” pabulong kong sagot. Ngumisi siya. “Hindi. Totoo lang.” Pinilit kong alisin ang kamay niya pero mas lalo niyang diniin. “Stop it, Cassian. May maid dito.” “Let her see,” malamig niyang sagot, pero halatang nang-aasar. Napatingin ako sa maid na abala lang sa kusina. Hindi niya kami pinapans