로그인Ang malamig na simoy ng hangin sa Pier 4 ay may halong amoy ng kalawang at krudo. Sa ilalim ng madilim na kalangitan, ang pantalan ay tila isang malaking sementeryo ng mga bakal. Walang tigil ang ugong ng mga barko sa malayo, habang ang mga higanteng cranes ay tila mga halimaw na nakatayo sa dilim.
Itinago ni Ally ang Ducati sa likod ng isang abandonadong bodega. Mula roon, naglakad sila ni Spencer nang nakayuko, sumisingit sa pagitan ng mga naglalakihang shipping containers na kulay asul at pula. Ang bawat hakbang nila ay maingat, iniiwasan ang anumang kaluskos na maaaring umalingawngaw sa tahimik na paligid.
"Dito tayo," bulong ni Ally sabay hila kay Spencer patungo sa isang makipot na siwang sa pagitan ng dalawang container na nakaharap sa mismong pantalan.
Mula sa kanilang pinagtataguan, kitang-kita nila ang isang malawak na espasyo na naiilawan ng dalawang malalaking spotlight. May isang itim na cargo truck na nakaparada doon. Sa paligid nito ay nagkalat ang may sampung armadong lalaki, at sa gitna nila ay nakatayo si Raul Mendoza, naninigarilyo habang tinitingnan ang kaniyang relo.
Nakaramdam si Spencer ng pag-init ng kaniyang dugo nang makita ang mga tauhan. Ngunit mas naramdaman niya ang panginginig ng babaeng katabi niya. Nakahawak si Ally sa malamig na bakal ng container, ang mga mata nito ay nanlilisik at namumuo ang luha sa galit.
"Ma'am," mahinang tawag ni Spencer. "Ano po bang ginagawa natin dito? Mga masasamang tao po iyan. Baka mapahamak po kayo."
Lumingon si Ally kay Spencer. Sa liwanag na nagmumula sa pantalan, nakita ni Spencer ang isang emosyon na hindi pa niya nakikita sa dalaga—isang matinding desperasyon na may halong tapang.
"Hindi ito ang unang beses na pumunta ako rito, Josep," pag-amin ni Ally. "Sa tuwing may malaking operasyon ang tatay ko, palagi akong tumatakas para mag-imbestiga. Lahat sila, ang buong bansa, iniisip na ang ama ko ang pinakamataas na tao sa Orion Syndicate. Pero kilala ko si Dad. Oo, corrupt siya, oo, marami siyang ginagawang mali. Pero duwag siya. Walang kakayahan ang ama ko na magpatakbo ng ganito kalaking sindikato nang mag-isa. Mayroong mastermind... mayroong Big Boss na nagkokontrol sa kanya. At nandito ako para hanapin ang pruwebang iyon."
Natigilan si Spencer. Ang lahat ng teorya niya bilang lead strategist ay biglang nayanig at biglang tumaas ang respeto niya sa babaeng nasa harap niya.
"Pero bakit ngayon po? Bakit hatinggabi at masyadong delikado?" tanong ni Spencer.
Humigpit ang hawak ni Ally sa kaniyang jacket. "Kagabi... noong narinig kong may kausap si Raul sa telepono. Ibang klaseng shipment ito, Josep. Hindi ito baril o droga." Itinuro ni Ally ang nakaparadang truck. "Mga bata. Mga inosenteng bata na ipapadala nila sa mga dayuhan sa kabilang ibayo para ibenta. Hindi ko na kaya... hindi pwedeng mangyari ito. Gagawin ko ang lahat, ililigtas ko sila." desperadong sagot ni Ally.
Isang malamig na kilabot ang gumapang sa batok ni Spencer. Dahil ang Child trafficking ay walang kapatawaran dahil mga inosenteng bata ang nadadamay. At tama si Ally, kailangan nilang mailigtas ang mga bata.
"Kailangan ko ng tulong mo, Josep," seryosong pakiusap ni Ally, hawak ang braso ni Spencer. "Hindi natin kayang harapin ang sampung armadong lalaki. Gusto kong lumabas ka sa pantalan. Pumunta ka sa kanto o sa mga squatter's area diyan sa labas. Maghanap ka ng mga tambay, mga basag-ulero. Bayaran mo sila, heto ang pera ko." Inilabas ni Ally ang isang makapal na bundle ng pera mula sa kaniyang bulsa. "Papuntahin mo sila rito at magsimula kayo ng gulo. Isang malaking rambol. Kapag nakuha nila ang atensyon ni Raul, papasok ako sa truck at itatakas ko ang mga bata. Ako na ang bahala mag-drive."
"Pero Ma'am! Paano kung mabaril kayo? Paano kung—"
"Wala nang paano-paano, Josep! Buhay ng mga inosenteng bata ang pinag-uusapan natin dito!" putol ni Ally.
Ang mga mata niya ay nagmamakaawa ngunit puno ng awtoridad.
"Gawin mo na. At pakiusap... mag-ingat ka."
Tumango si Spencer nang mabagal, kinakagat ang kaniyang labi para magmukhang natatakot pero sa loob loob niya ay naeexcite siya at muling nabuhayan ng dugo.
"Opo, Ma'am. Para sa mga bata. Dito lang po kayo, babalik po ako agad."
Tumalikod si Spencer at naglakad palayo pabalik sa madilim na bahagi ng mga container. Ngunit nang makasiguro siyang malayo na siya sa paningin ni Ally, nagbago ang kaniyang anyo. Nawala ang pagiging kuba, tumuwid ang kaniyang tindig, at nanlisik ang kaniyang mga mata dahil sa galit.
Inabot niya ang earpiece na nakatago sa ilalim ng kaniyang buhok.
"Vince. Naririnig mo ba ako?" malamig at madiin na utos ni Spencer.
"Sir? Akala ko ba aborted na ang—"
"Change of plans. This is a Code Red. Child trafficking operation, I repeat, may mga bata sa loob ng cargo truck sa gitna ng Pier 4. Deploy the strike team now. But… i have a plan…" Huminto si Spencer habang tinitingnan ang orasan niya. "...Ayokong magmukhang military raid ito. Palitan niyo ang gear niyo. Magsuot kayo ng mga pang-tambay, jacket, bonnets, at gumamit kayo ng mga baseball bats, tubo, at handgun. I want a staged gang war. Gusto kong guluhin niyo ang tauhan ni Raul sa pinaka-magulong paraan na kaya niyo."
"Copy that, Sir. Switching to civilian tactical. Two minutes out," mabilis na sagot ni Vince, halatang na-alarma rin sa impormasyon tungkol sa mga bata.
"At Vince... andito ang anak ni Valderama. Siya ang magliligtas sa mga bata. Pumasok siya sa gitna ng operasyon bilang isang vigilante," dagdag ni Spencer.
Narinig niya ang pag-mura ni Vince mula sa kabilang linya. "Ano?! Ang anak ng target, siya ang may plano ng pag ligtas sa mga bata?"
"Exactly. Kaya makinig ka. Ang priority niyo ay kunin ang atensyon ng lahat ng armadong tauhan. Walang lalapit sa truck. I-cover niyo si Ally mula sa malayo. At kung may makalusot mang tauhan ni Raul..."
Dinukot ni Spencer ang kaniyang silenced pistol mula sa loob ng kaniyang pantalon at kinasa ito sa dilim. "...Ako na ang bahala rito. Out."
Bumalik si Spencer sa malapit, ngunit hindi na siya lumapit kay Ally. Nagtago siya sa itaas ng isang container, sakop ng mga anino, kung saan kitang-kita niya ang buong paligid pati na ang posisyon ng dalaga.
Hindi nagtagal, umalingawngaw ang tunog ng mga nagkikiskisang gulong ng mga lumang van at motor na biglang pumasok sa entrance ng Pier 4. Mahigit dalawampung tauhan ni Spencer—na ngayon ay nagkukunwaring mga galit na miyembro ng isang lokal na gang ang sumugod sa pwesto nila Raul.
"Hoy! Lugar namin 'to!" sigaw ng isa sa mga tao ni Spencer bago naghagis ng isang bote na sumabog malapit sa mga armadong tao.
Nagsimula ang gulo. Nagkagulo ang mga tauhan ni Raul. May mga nagpaputok ng baril sa hangin, may mga nagpalitan ng suntok at hataw ng tubo. Ang buong pantalan ay naging isang madugong entablado.
"Mga siraulo! Ubusin niyo 'yan!" sigaw ni Raul habang bumubunot ng sarili niyang baril.
Sa likod ng isang container, nakita ni Spencer kung paano huminga nang malalim si Ally. Nakita niya ang panginginig ng mga tuhod ng dalaga, pero gayunpaman, tumakbo ito palabas ng kaniyang pinagtataguan. Parang isang mailap na pusa ang dalaga, gumapang at tumakbo si Ally papunta sa likuran ng cargo truck habang lahat ng bantay ay nakikipagbakbakan sa unahan.
Ngunit habang binubuksan ni Ally ang malaking kandado ng truck gamit ang isang bolt cutter na nakita niya sa lapag, may isang tauhan ni Raul na humiwalay sa gulo. Nakita nito si Ally at dahan-dahang itinaas ang kaniyang rifle, handang iputok ito sa likod ng dalaga.
Mula sa itaas ng container, hindi nag-atubili si Spencer. Itinaas niya ang kaniyang silenced pistol at mabilis na kinalabit ang gatilyo.
Isang mahinang tunog ang umalingawngaw. Bumagsak ang lalaki sa lupa, tinamaan nang eksakto sa balikat upang mawalan ng malay bago pa man ito makapagkalabit ng gatilyo. Hindi man lang ito napansin ni Ally dahil sa ingay ng gulo sa paligid.
Nabuksan ni Ally ang pinto ng truck. Sa loob, tumambad sa kaniya ang dose-dosenang mga batang nakakulong sa mga hawla, umiiyak at nakayapos sa isa't isa. Agad na tumulo ang luha ni Ally.
"Shh... huwag na kayong umiyak. Ate's here. I'll get you all out of here," umiiyak ngunit matapang na sabi ni Ally habang mabilis na sinisira ang mga kandado ng mga hawla.
Mula sa kaniyang pinagtataguan, pinanood ni Spencer ang dalaga. Ang dating masungit na prinsesa na nagpabitbit sa kaniya ng mga shopping bags ay naroon ngayon, isinusugal ang sariling buhay para sa mga batang hindi naman niya kaano-ano.
Habang patuloy siyang nagbabantay, inaasinta ang sinumang magtatangkang lumapit kay Ally, naramdaman ni Spencer na may isang bagay sa kaniyang plano ang tuluyang nasira. Ang puso niya ay hindi na lang sumusunod sa misyon, nagsisimula na rin itong pumrotekta sa babaeng unti-unti niyang nakikilala sa likod ng mga maskara nito.
Hello po! thank you for always, supporting po! ^^
Maagang nagising si Ally at lumabas ng kuwarto. Hind na muna niya inistorbo angpagtulog ni Spencer dahil alam niyang masama pa rin ang pakiramdam nito dahil sa mga tinamo nitong sugat, idagdag pa ang ginawa nila kagabi.Naabutan niya sa sala si Vince at ang ama niya na si Cong Valderama. Masayang nagkaakpe, pero ng makita siya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Cong valderama.“San ka natulog?” tanong ni Cong kay Ally.“S-sa kuwarto po, dad”“Katabi mo si Jo–Spencer?” tanong ng matanda at tumango naman si Ally.“May relasyon ba kayo? Anong relasyon niyong dalawa?” sunod sunod na tanong nito kaya napalabi na lang si Ally.“Dad… kung ano mang meoron samin ni Spencer please. Alam ko ang pinapasok ko.” sagot naman ni Ally kaya nangunot ang noo ni Valderama.“He lied to us—”“But he save us. He risk his life to save us Dad.” putol ni Ally sa ama. Kaya nanahimik na lang si Valderama habang si Vince ay tahimik lang sa gilid, pero hindi maikubli ang nagngingiti niyang labi.“Ano bang ngini-ngi
Papasok si Ally sa master bedroom, dahan-dahan ang pagbukas ng pinto. Hawak niya ang malaking first-aid kit na nakita niya sa kabinet kanina. Si Spencer naman ay nakaupo na sa gilid ng malaking kama, hubad ang pang-itaas, at may dugo pa rin ang tumutulo sa gilid ng kanyang braso. Mukha siyang pagod pero matalim pa rin ang titig niya."Spencer, huwag kang aalis dyan," sabi ni Ally habang nilalapitan siya. "Kailangan ko munang linisan 'yan bago pa lumala."Umupo siya sa tabi nito at binuksan ang kit. Kinuha niya ang cotton balls, antiseptic, at gauze. Nanginginig nang bahagya ang mga kamay niya habang tinatanggal ang dugo sa balat ng binata. Mainit ang balat ni Spencer, at ramdam na ramdam niya ang matinding titig nito sa kanyang mukha."Ally..." bulong ni Spencer, mababa at paos na boses nito"Hmm?" sagot niya nang hindi tumitingin, naka-focus sa sugat. Dahan-dahan niyang pinahid ang antiseptic. Napadaing si Spencer pero hindi siya gumalaw. Sa tuwing humihinga siya, ramdam ni Ally ang
Ang katahimikan sa labas ng bahay ay tila naging isang mabigat na pader na humahadlang sa kanilang paghinga. Pagkatapos ng tanong ng Congressman, walang sumagot. Si Spencer ay hindi lumingon; dire-diretso lang ang kaniyang tingin sa pintong kahoy na kinakalawang na ang mga bisagra. Ang tanging sagot niya ay ang tunog ng susi na bahagyang kumalansing nang pasukin niya ang awang ng pinto.Sa bawat hakbang nila papasok, ang bawat kahoy na sahig ay naglalabas ng tunog na tila nagrereklamo sa bigat ng mga taong dumadaan. Ang loob ng bahay ay eksaktong hitsura ng inaasahan: payak at halos walang laman. Isang hapag-kainang kahoy na may apat na upuan na tila kakalas na ang mga paa, isang lumang kalan sa kusina na may bahid ng kalawang, at isang maliit na cabinet na halos wala nang kalaman-laman.Si Vince ay huminto sa gitna ng sala, inikot ang paningin. "Sir... ito lang? Sigurado ka bang ito ang safe house? Masyadong lantad at masyadong... simple."Si Ally ay nanatiling tahimik, ang kaniyang
Ang hangin sa loob ng truck ay puno ng amoy ng lupa at mga sariwang gulay. Ang matandang tsuper ay hindi nagsalita simula pa nang isakay niya ang dalawa. Tanging ang ugong ng makina ng lumang truck ang nagsisilbing musika sa kanilang paglalakbay.Si Spencer ay nakasandal sa gilid ng truck, ang kaniyang mga mata ay bahagyang nakapikit ngunit ang kaniyang pandinig ay nakatutok sa bawat kaluskos sa labas. Ang matandang tsuper, sa kabila ng kaniyang edad, ay nagmamaneho nang may kakaibang bilis at ingat. Alam niya ang bawat liku-liko ng mga liblib na kalsada na hindi alam ng mga patrol cars ng NISA."Salamat," mahinang sabi ni Ally nang huminto sila sa isang madilim na bahagi ng kalsada malapit sa hangganan ng Laguna.Ang matandang tsuper ay hindi lumingon. Bahagya lang siyang tumango, ang kaniyang mga mata ay nakapako pa rin sa kalsada na tila hindi interesado sa kung ano ang ginagawa ng dalawa. "Huwag kayong magpasalamat. Ang ginagawa niyo ay para sa hustisya. Matagal na kaming naghihin
Ang gubat ay hindi lang mga puno, ito ay isang maze ng mga ugat, masukal na damuhan, at mga bangin na nakatago sa ilalim ng makapal na fog. Alas-sais ng umaga. Ang liwanag ay nagsisimula nang tumagos sa mga dahon, ngunit para kina Spencer at Ally, ang liwanag ay kaaway—ito ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga thermal drones ng Orion na makita sila."Dito," bulong ni Spencer.Pinilipit niya ang kaniyang katawan patungo sa ilalim ng isang malaking balete tree. Ang kaniyang paghinga ay mababaw at maputol-putol. Ang bawat hakbang niya ay parang pagpukpok ng martilyo sa kaniyang balikat."Spencer, tumigil na tayo," pakiusap ni Ally. Kinuha niya ang tactical backpack mula sa balikat ni Spencer at ibinaba ito sa lupa. "Tingnan mo ang sarili mo. Namumutla ka na. Kung hindi natin itatahi 'yan nang maayos, mauubusan ka ng dugo bago pa tayo makarating ng kalsada.""Wala tayong oras," sagot ni Spencer, kahit na ang kaniyang paningin ay nagsisimula nang maging malabo."May oras tayo kung gagamit ta
Sa loob ng monitor room, ang mga screen na kanina ay nagpapakita ng payapang hallway ay unti-unting namamatay. Isang glitch na hindi dulot ng kuryente, kundi ng isang sopistikadong electronic warfare."Sir, may nag-inject ng virus sa system natin," sigaw ni Vince, ang kaniyang mga daliri ay mabilis na tumitipa sa keyboard. "Hindi ito NISA. Ang encryption protocol na gamit nila… ito ang lagda ng Orion."Si Spencer, na kasalukuyan pang inaayos ang kaniyang tactical vest, ay agad na napapikit. Ang sugat sa balikat niya ay kumikirot, ngunit mas matindi ang kaba sa kaniyang dibdib. "I-lockdown ang lahat ng exits. Vince, ihanda mo ang sasakyan sa likod. Ally, lumabas ka na dyan!"Bumukas ang pinto. Pumasok si Ally, ang kaniyang mukha ay puno ng matinding kaba ngunit ang kaniyang mga mata ay determinadong nakatingin kay Spencer. "Narinig ko ang alarm. Ano ang nangyayari?""Orion," tipid na sagot ni Spencer habang kinakasa ang kaniyang HK416. "Hindi tayo pwedeng manatili rito. Vince, kung hin







