LOGINAlas-nwebe na ng gabi. Nag hahanda na si Spencer para sa misyon nila ngayong gabi. Inaayos na niya ang isusuot niya pati na ang mga iilang gamit niya.
"Sir, the strike team is ready for Pier 4. We are just waiting for your signal. Naka-posisyon na ang mga snipers at assault units natin," ulat ni Vince. Ang tensyon sa boses nito ay halata. Ang shipment ng Orion Syndicate ngayong gabi ay isa sa pinakamalaking ebidensya na kailangan nila para maidiin si Congressman Valderama.
Ngunit bago pa man makasagot si Spencer, narinig niya ang boses ni Ally mula sa intercom ng kaniyang kwarto.
"Josep. Come up to the second-floor lounge. Now. I want to watch a movie and I need someone to hold the popcorn."
Napabuntong-hininga si Spencer at kinusot ang kaniyang mukha. Kanina pa siya hindi pinapakawalan ng dalaga. Mula nang makauwi sila galing sa country club, ginawa na siyang personal na taga-abot, taga-timpla ng kape, at kung anu-ano pang dahilan para lang manatili siya sa paningin nito. Para bang sinasadya ni Ally na huwag siyang bigyan ng sariling oras.
"Vince," mahinang bulong ni Spencer sa kaniyang mic, ang boses ay puno ng frustration. "Abort the mission. Stand down ang lahat ng units. I can't make it to the Pier."
"Sir? Pero ito na ang pinakamagandang pagkakataon natin! Kung papalampasin natin ito—"
"I said stand down, Vince. The target's daughter is watching me like a hawk. Hindi ako makakalabas ng mansyon nang hindi niya nalalaman. Kapag nahuli ako, masisira ang buong infiltration natin. I-monitor niyo na lang ang galaw sa Pier 4 gamit ang drones. Out."
Pinatay ni Spencer ang linya. Isang malaking pader ang bumagsak sa kaniyang plano. Akala niya ay naplano na niya ang lahat, pero hindi niya inaasahan na ang pinakamalaking hadlang sa kaniyang misyon ay ang pagka-clingy at kasungitan ng isang spoiled brat na anak ng target nila.
Pumunta si Spencer sa second floor at nanatiling nakatayo sa likod ni Ally habang nanonood ito ng isang boring na romantic movie hanggang alas-diyes ng gabi.
“Hmm, Josep? Anong oras ka natutulog?” biglang tanong ni Ally kay Spencer na ipinagtaka nito.
“Po? Bakit niyo naman po natanong madam?” tanong pabalik ni Spencer kay Ally.
“W-wala naman… sige na bumalik ka na sa kuwrto mo” saad ni Ally kay Spencer habang si Spencer naman ay umalis na lang at nagtataka sa biglaang tanong na iyon ni Ally.
Hanggang sa pumatak na ang alas onse ng gabi, walang kahit na anong ingay o kaluskos na naririnig si Spencer. Wala rin siyang ideya kung ano na ang nangyayari sa pier 4, ang tanging nagawa na lamang niya ay mainis at mag isip ng pwedeng susunod na hakbang.
Habang abala siya sa pag iisip ay narinig niya ang dahan dahan at mahinang pag click ng seradura ng pinto niya.
Agad na gumising ang kaniyang combat instincts. Tahimik niyang inabot ang patalim na nakatago sa ilalim ng kaniyang unan. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Isang anino ang pumasok.
Sanay ang mga mata ni Spencer sa dilim, at bago pa siya makalundag para atakihin ang intruder, napansin niya ang pamilyar na amoy ng rosas na pabango.
"Josep," isang mahinang bulong ang umalingawngaw sa dilim.
Kumunot ang noo ni Spencer. Mabilis niyang binitawan ang patalim at nagkunwaring naalimpungatan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at umupo.
"Ma'am Ally? Kayo po ba 'yan?" mahinang tanong ni Spencer, ibinabalik ang puntong Batangas. "Bakit po kayo nandito sa kwarto ko? Madilim po ah, baka madapa kayo."
Lumingon ang bulto at suminag ang liwanag mula sa bintana. Muntik nang hindi makilala ni Spencer ang dalaga. Wala na ang mga mamahaling silk pajamas at alahas. Nakasuot si Ally ng isang itim na hoodie na nakataas ang hood, itim na pantalon, at itim na sneakers at aakalaing magnanakaw ito.
"Sshhh! Wag kang maingay," saway ni Ally, inilalagay ang hintuturo sa kaniyang mga labi. Lumapit siya kay Spencer, at ang kaniyang mga mata ay puno ng determinasyon.
"Bumangon ka diyan. Tumahimik ka lang at sumunod ka sa akin."
"Po? Saan po tayo pupunta? Ala eh, bawal pong lumabas ng hatinggabi, baka pagalitan tayo ni Congressman—"
"I said shut up, Josep," madiing bulong ni Ally, sabay hila sa braso ni Spencer. "Tatakas tayo”
Wala nang nagawa si Spencer kundi ang sumunod. Pinapanatiling hindi makagawa ng ingay ang kaniyang mga hakbang habang naglalakad sila sa madilim na hallway, pero sa loob-loob niya.
Namangha siya kung paano kabisado ni Ally ang bawat blind spot ng mga CCTV cameras sa mansyon. Alam nito kung kailan lilingon ang guwardiya at kung aling bahagi ng pasilyo ang walang ilaw.
“Sanay siyang tumakas. Hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito.” Saad ni Spencer sa isip niya habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng dalaga.
Dinala siya ni Ally sa likurang bahagi ng mansyon, papunta sa matataas na pader na naghihiwalay sa compound at sa isang bakanteng lote sa labas ng subdivision. Huminto sila sa isang madilim na sulok kung saan may makapal na baging na nakadikit sa pader, tsaka hinawi ni Ally ang mga baging at itinuro ang isang maliit na butas kung saan tinanggal ang ilang hollow blocks, sapat lang para makagapang ang isang tao.
"Mauna ka," utos ni Ally.
Gumapang si Spencer palabas at sinalubong siya ng malamig na hangin at matataas na talahib ng bakanteng lote. Sumunod si Ally, pinapagpag ang dumi sa kaniyang pantalon. Dinala niya si Spencer sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga, kung saan may isang bagay na natatakpan ng malaking canvas na tolda.
Hinila ni Ally ang tolda. Nanlaki ang mga mata ni Spencer—hindi sa pagpapanggap, kundi sa tunay na gulat.
Isang makintab at modipikadong Ducati Scrambler ang nakatago roon. Kulay itim, walang plaka, at halatang inalagaan nang mabuti.
"Wow," tanging nasabi ni Spencer. "Sa inyo po ito, Ma'am?"
"This is my only freedom," malamig na sagot ni Ally habang kinukuha ang dalawang helmet mula sa isang kahon sa tabi. Inabot niya ang isa kay Spencer. "Marunong ka bang mag-drive nito? My regular driver for this quit, at ayokong ako ang magmaneho ngayon. Medyo nanginginig ang mga kamay ko."
Tiningnan ni Spencer ang motor at pasimpleng napangiti sa loob. Sanay siyang magmaneho ng ganito sa matitinding combat chases.
"Opo, Ma'am. Nakapag-drive na po ako ng habal-habal sa Batangas. Parang tricycle lang po ito na walang sidecar, 'di ba?"
Napasapo naman sa noo si Ally dahil sa isip isip niya ay ubod ng tanga ang kasama niya. "Diyos ko, sana hindi tayo mamatay. Itulak na muna natin banda doon." utos ni Ally at agad naman sumunod si Spencer.
Nang maitulak na niya at medyo nakalayo na sila sa pader ay sumakay si Spencer sa motor. Nang paandarin niya ito, umugong ang malakas na makina ngunit alam niyang may silencer ang tambutso nito kaya hindi ito masyadong rinig sa kabilang pader. Sumakay si Ally sa likuran niya. Naramdaman ni Spencer ang pagdampi ng katawan ng dalaga sa kaniyang likod at ang mahigpit na pagpulupot ng mga braso nito sa kaniyang baywang.
Isang kakaibang kaba ang naramdaman ni Spencer—hindi kaba ng isang agent bago ang misyon, kundi isang kaba na hindi niya maipaliwanag ng maramdaman niya ang kamay ng dalaga sa baywang niya.
"Kapit lang po kayo nang mahigpit, Ma'am," sabi ni Spencer, pilit na itinatago ang panginginig ng sariling boses. "Saan po ba tayo pupunta? May gusto po ba kayong kainin?" tanong pa ni Spencer
Isinuot ni Ally ang kaniyang helmet at inilapit ang kaniyang bibig sa tainga ni Spencer upang marinig siya sa kabila ng ugong ng makina.
"We're not getting food, Josep. Drive straight to the expressway," utos ni Ally.
"Saan po sa expressway, Ma'am?" sigaw ni Spencer habang unti-unting pinapaabante ang motor sa madilim na eskinita ng bakanteng lote.
"Sa Pier 4. Just drive fast." sagot ni Ally dahilan para biglang pumreno si Spencer.
Ang kaniyang puso ay nagsimulang tumibok nang mabilis, ang kaniyang isip ay nagkukumahog na maghanap ng sagot. Bakit sa Pier 4? Ngayong gabi ang malaking operasyon ng Orion Syndicate at ang mismong ama ni Ally ang pinaghihinalaang nagpapatakbo nito.
May kinalaman ba siya rito? Bahagi ba si Ally ng sindikato kaya gusto nitong pumunta doon ng patago? O may nalaman siyang lihim ng kaniyang ama at gusto niya itong kumpirmahin?
"Bakit huminto ka?! I said let's go!" sigaw ni Ally mula sa likuran.
Lumunok si Spencer at muling piniga ang silinyador. Habang binabagtas nila ang madilim na kalsada patungo sa pantalan, isang nakakatakot na katotohanan ang bumalot kay Spencer. Ang misyong akala niya ay kanselado na, ay mangyayari pa rin. Ngunit sa pagkakataong ito, papasok siya sa pugad ng sindikato hindi kasama ang kaniyang mga elite agents, kundi kasama ang mismong anak ng kalaban.
At hindi niya alam kung kakampi ba niya ang babaeng nakayakap sa likod niya, o siya ang pinakamalaking banta sa kaniyang buhay.
Ang liwanag ng umaga sa Batanes ay tuluyang bumalot sa buong villa. Ang ginintuang sikat ng araw ay sumasalamin sa asul na tubig ng Karagatang Pasipiko, nagpapasok ng mainit at payapang liwanag sa loob ng master bedroom sa pamamagitan ng malalaking glass walls.Sa ibabaw ng malaking kama, dahan-dahang napadilat si Ally.Ang kaniyang unang naramdaman ay ang pambihirang init at lambing ng mga bisig na nakapulupot sa kaniyang bewang. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa dibdib ni Spencer, nakikinig sa pantay at matatag na tibok ng puso ng kaniyang asawa. Sa kaniyang daliri, ang gold wedding band at ang Ceylon sapphire ring ay kumikinang sa ilalim ng liwanag ng umaga.Bahagyang gumalaw si Spencer, his dark eyes slowly opening. Nang makita niya ang mukha ng kaniyang asawa na nakasandal sa kaniyang dibdib, a soft, rare, and deeply handsome smile touched his lips."Good morning, Mrs. Gaciano," pabulong na boses ni Spencer. His baritone voice was raspy from sleep, dripping with warmth.Napangit
Matapos ang nakakapagod ngunit napakasayang gabi ng pagdiriwang sa Marlboro Hills, dinala ng pribadong chopper ng S.G. Vanguard ang mag-asawa patungo sa isang nakatagong cliffside glass villa sa Sabtang Island. Ito ay isang pribadong ari-arian na sadyang ipinatayo at pina-secure ni Vince para sa eksklusibong honeymoon nina Spencer at Ally—malayo sa mga ahente, malayo sa media, at malayo sa ingay ng mundo.Ang buong villa ay napapalibutan ng matatayog na salamin na nakatapat sa malawak at madilim na Karagatang Pasipiko. Ang huni ng malalaking alon na humahampas sa mga batuhan sa ibaba at ang mahinang ihip ng hangin sa gabi ang tanging musikang naririnarig sa paligid.Sa loob ng master bedroom, ang silid ay nababalot ng malamig, malambot, at romantikong ilaw mula sa mga nakasinding scented candles na amoy chamomile at lavender. Sa gitna ng kuwarto ay naroon ang isang napakalaking king-sized bed na may malambot na white silk duvet, napapalamutian ng mga petals ng puting rosas.Nakatayo
Ang simoy ng hangin sa itaas ng mga burol ng Batanes ay talaga namang napaka presko at sarap sa pakiramdam, lalo na at kasama ang dalka ng hangin ay ang malamig naa simoy ng dagat. Ang kalangitan sa ibabaw ng isla ay nababalot ng isang napakalinaw na asul na kulay, habang ang malalaking puting ulap ay dahan-dahang gumagapang sa liwanag ng umaga. Sa ibaba ng matayog na bangin, ang mga dambuhalang alon ay patuloy na humahalik sa mga batuhan, naglalabas ng isang tila orkestrang humuhuni sa buong paligid. Sa ibabaw ng makasaysayang cliffside stone cathedral—isang lumang simbahang gawa sa malalaking batong-buhay na nakatayo sa mismong gilid ng Marlboro Hills—ang buong paligid ay nabago tungo sa isang napakarangya ngunit napakapayapang paraiso. Ang buong lagusan patungo sa altar ay napapalamutian ng libu-libong mga sariwang puting rosas, mga orchids, at matataas na glass pillars na naglalaman ng mga nakasinding kandila at kulay-gintong draperies na sumasayaw sa hangin. Ang kasal na ito ay
Bago ang paglipad ng lahat patungong Batanes para sa kasal, ang S.G. Vanguard Headquarters sa Bonifacio Global City ay muling nabalot ng pambihirang karangyaan at kasayahang pampamilya.Dahil sa opisyal na pagkakabagsak ng The Syndicate’s Heirs sa Tokyo at ang tuluyang pagkalinis ng lahat ng pandaigdigang banta mula sa lumang Orion network, nagdesisyon si Congressman Froilan Valderama na mag-organisa ng isang eksklusibo at intimate na Official Engagement Party para sa dalawa.Hindi ito katulad ng mga pormal na press conference o matataas na usapin sa negosyo. Ang ikalimang palapag ng headquarters—ang Grand Garden Veranda na nakatapat sa nakakabighaning skyline ng Maynila—ay pinalilibutan ng libu-libong maliliit na fairy lights, mga sariwang puting rosas, at mga kulay-gintong draperies na dahan-dahang isinasayaw ng malamig na simoy ng hangin.Isang live acoustic string quartet ang mahinang tumutugtog sa sulok, habang ang mga pinakamalapit na kaibigan, pamilya, at ang buong S.G. Vanguar
Ang gabi sa Bonifacio Global City matapos ang kanilang pagbabalik mula sa Tokyo ay tila walang kasingganda. Ang maaliwalas na langit ay puno ng maliliit na bituin, at ang malamig na simoy ng hangin ng Maynila ay nagdadala ng kapayapaang matagal nang inasam ng bawat isa sa kanila. Sa limampu't limang palapag ng S.G. Vanguard Headquarters, sa loob ng pribadong Executive Penthouse Lounge—isang napakalawak na silid na may malalaking glass walls, plush leather couches, at isang malaking solid mahogany dining table—ang amoy ng masasarap na pagkaing Pilipino ay nangingibabaw sa buong silid. Wala nang amoy ng pulbura. Wala nang malamig na simoy ng niyebe mula sa Switzerland o amoy ng basang kalsada sa Tokyo. Ang naroon lamang ay ang usok ng mainit na Lechon Kawali, Kare-Kare, Sinigang na Baboy, at ang paboritong Adobo ni Congressman Valderama. Nakatayo si Congressman Froilan Valderama sa dulo ng mahogany table. Suot niya ang isang kaswal na linen shirt at dark trousers. Hawak niya ang isan
Ang ulan sa Lungsod ng Tokyo ay walang patid. Ang pumatak na malamig na tubig mula sa maulap na kalangitan ay nagpapakintab sa basang kalsada ng Kabukicho—ang tanyag na entertainment at neon-lit district ng Shinjuku. Ang malalaking LED billboards na nagpapakita ng mga Japanese anime, high-fashion brands, at kumikislap na Kanji characters ay naglalabas ng matingkad na kulay rosas, asul, at pulang liwanag na sumasalamin sa mga basang bangketa at sa mga payong ng libu-libong taong naglalakad.Ngunit sa kabila ng makulay at buhay na buhay na gabi ng Shinjuku, may isang madilim na anino na nakatayo sa dulo ng 5th Block.Ang The Black Dragon Tower—isang limampu't limang palapag na modernong skyscraper na gawa sa obsidian glass at reinforced dark steel. Sa ibabaw ng gusali, ang malaking logo ng isang kulay-gintong nakapulupot na dragon ay nagpapakita ng tunay na nagmamay-ari nito: ang Kuroryu-kai, ang pinakamalaki at pinakamaiimpluwensyang Yakuza syndicate sa buong Kanto region. At sa pinak
Ang sikat ng araw sa Manila ay tila nakikipagkumpitensya sa kinang ng mga nagtataasang glass buildings sa paligid. Sa labas ng main entrance ng Solis Heights Mall, ang hangin ay puno ng ingay ng mga sasakyan at ang nagmamadaling yabag ng mga tao. Ngunit para kay Allysandra “Ally” Valderama, ang b
Ang malamig na simoy ng hangin sa Pier 4 ay may halong amoy ng kalawang at krudo. Sa ilalim ng madilim na kalangitan, ang pantalan ay tila isang malaking sementeryo ng mga bakal. Walang tigil ang ugong ng mga barko sa malayo, habang ang mga higanteng cranes ay tila mga halimaw na nakatayo sa dilim.
Nanigas ang buong katawan ni Spencer. Sa dilim ng hallway, ang mga mata ni Ally ay tila mga laser na sumusuri sa bawat galaw niya. Ang distansya sa pagitan nila ay sapat na para marinig niya ang mabilis na tibok ng kaniyang sariling puso. Bilang isang elite agent, sanay siya sa mga barilan, pero a
Ang foundation event na dinaluhan ni Ally ay ginanap sa isang marangyang ballroom sa Makati. Puno ang paligid ng mga makapangyarihang tao—mga negosyante, politiko, at mga socialites na ang bawat suot na alahas ay katumbas na ng halaga ng isang bahay at lupa. Sa gitna ng karamihan, si Ally ay paran







