LOGIN
Ang sikat ng araw sa Manila ay tila nakikipagkumpitensya sa kinang ng mga nagtataasang glass buildings sa paligid. Sa labas ng main entrance ng Solis Heights Mall, ang hangin ay puno ng ingay ng mga sasakyan at ang nagmamadaling yabag ng mga tao. Ngunit para kay Allysandra “Ally” Valderama, ang bawat segundo sa ilalim ng init ay isang pagtitiis na nais na niyang wakasan.
Naglalakad siya palabas ng mall, ang tunog ng kanyang designer heels ay sumasabay sa mabibigat na hakbang ng dalawang lalaking naka-uniporme ng security sa kanyang likuran. Halos hindi na makita ang mga mukha ng mga guwardiya dahil sa dami ng paper bags na bitbit nila—mga huling koleksyon mula sa mga luxury boutiques na binili niya hindi dahil gusto niya, kundi dahil iyon ang inaasahan sa isang anak ng makapangyarihang politiko.
Nakasuot si Ally ng malaking sunglasses, pilit na itinatago ang inis na kanina pa nakaguhit sa kanyang mukha. Pasimple niyang tiningnan ang kanyang relo. At nainis lang siya lalo ng makitang oras na at wala pa ang sundo niya.
"I told Dad I don't need this many guards. It’s embarrassing," bulong niya sa sarili habang nararamdaman ang mga tingin ng mga taong dumadaan.
Huminto siya sa gilid ng kalsada, hinihintay ang pagdating ng kanyang sundo. Ang tensyon sa kanyang dibdib ay hindi dahil sa init, kundi sa pakiramdam na laging may nakamasid sakaniya. Ngunit bago pa man mamataan ang pamilyar na itim na sedan ng pamilya, isang itim na van na walang plaka ang biglang huminto sa kanyang tapat, dahilan para magpreno nang malakas ang ibang sasakyan sa likod nito.
Sa isang iglap, ang tahimik na bangketa ay naging eksena ng kaguluhan. Mabilis na bumukas ang pinto ng van at tatlong lalaking naka-maskara ang lumabas. Ang mga security guards ni Ally, na abala sa pag-aayos ng mga bitbit, ay hindi agad nakapag-react.
Isang malakas na tulak ang tumama sa kanila, dahilan para magsabog ang mga mamahaling binili ni Ally sa kalsada. Bago pa man makasigaw ang dalaga, isang magaspang at malakas na kamay ang humablot sa kanyang braso.
"Bitawan niyo ako! Do you know who my father is?!" sigaw ni Ally. Ang kanyang boses ay nanginginig sa takot, ngunit pilit niya itong ikinukubli ng tapang na natutunan niya sa mundong ginagalawan.
Nanlaban siya, ginamit ang kanyang heels para sipain ang lalaki, pero masyado itong malakas.
Sa hindi kalayuan naman sa kaguluhan, nakaupo sa isang sementadong barrier ang isang lalaking tila walang pakialam sa mundo. Naka-suot siya ng kupas na checkered na polo na medyo maluwag sa kanya, maong na may mga mantsa ng grasa, at isang lumang tsinelas na tila manipis na ang swelas.
Siya si Spencer Gaciano. Sa kanyang kanang kamay ay hawak niya ang isang plastic ng banana cue. Dahan-dahan niyang kinakagat ang matamis at malagkit na saging habang ang kanyang mga mata ay matalas na nakatitig sa bawat galaw sa tapat ng mall. Sa paningin ng iba, isa lamang siyang tambay na nagpapalipas ng oras, pero sa loob ng kanyang isip, bawat anggulo ay kalkulado.
"Status," bulong ni Spencer sa kanyang mic, na nakatago sa kuwelyo ng kanyang luma at kupas na polo.
"Extraction in progress, Sir. Ready na ang mga tauhan. We will make it look real," sagot ni Vince, mula sa kabilang linya ng earpiece na nakatanim sa loob ng kanyang tenga.
Ito ang plano. Ang mga lalaking umaatake kay Ally ay hindi mga totoong kriminal. Sila ay mga elite agents o mga under cover gaent na mula sa sariling kumpanya ni Spencer—ang S.G. Strategic. Ang lahat ng ito ay isang planted na senaryo para lumabas si Spencer na isang bayani.
Bilang founder ng S.G. Strategic, alam ni Spencer na ang pinakamabilis na paraan para pasukin ang kuta ni Congressman Froilan Valderama ay hindi sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan, kundi sa pamamagitan ng pagkuha sa kaisa-isang kahinaan nito, walang iba kundi ang nag iisang anak nito na si Allysandra Valderama.
"Tulog na ang mga guwardiya! Isakay na 'yan!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni Spencer, na kasalukuyang umaarte bilang isang kidnapper.
Dito na kumilos si Spencer. Itapon niya ang stick ng banana cue sa basurahan at tumayo na parang isang taong naguguluhan.
Binago niya ang kanyang postura—ang tuwid na tindig ng matikas niyang katawan ay naging medyo kuba at lulutang-lutang.
"Hoy! Kayong mga taga-Maynila! Bakit niyo kinukuha ang binibining 'yan?" sigaw ni Spencer na may accent na batangeno.
Sapat ang lakas ng boses niya para makuha ang atensyon ng mga sibilyang nagtatakbuhan.
"Ala eh, hindi ba niyo alam na bawal ang ganyan? pwede kayong makulong niyan!" saad pa nito.
Natawa ang agent na may hawak kay Ally, bukod sa nagpapanggap ito na natawa para iinsultuhin ito na parang nagtatapang tapangan ay natatawa rin ang mga ito dahil sa accent ni Spencer.
"Umalis ka rito, probinsyano! Baka gusto mong maunang mamatay?"
"Naku, huwag po! Magagalit po ang lola ko kapag hindi ako nakauwi nang buo!" sabi ni Spencer habang dahan-dahang lumalapit.
Ang bawat hakbang niya ay mukhang lampa at hindi sigurado, pero ang totoo, sinisiguro niya ang kanyang footing para sa susunod na galaw.
Nang makalapit, biglang sumalakay si Spencer. Hindi niya ginamit ang malilinis na strike na itinuro sa kaniya sa military academy. Sa halip, ginawa niyang mukhang barumbado o nakikipag away lang sa kanto ang galaw niya dahil baka mahalata siya.
"Aray ko po!" sigaw ni Spencer habang aksidenteng nadulas, pero sa pagbagsak niya ay nasipa niya nang eksakto ang pressure point sa tuhod ng lalaking may hawak kay Ally.
"Anak ng—! Ang liksi ng damuhong ito!" acting ng agent habang nabibitawan si Ally.
"Takbo, Ma'am! Takbo sa likod ko! Huwag kayong matakot!" sigaw ni Spencer. Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay na parang nakikipag-away sa langaw, pero bawat paghampas niya ay tumatama sa mga strategic spots ng kanyang mga tauhan para magmukhang napatumba niya ang mga ito.
Sa loob ng dalawang minuto, ang tatlong kunwari'y kidnapper ay mabilis na nagsitakbo pabalik sa van, ayon sa plano.
"Masyadong malakas ang probinsyanong ito! Alis na tayo bago pa dumating ang mga pulis!"
Humaharurot ang van palayo na nag-iwan ng usok at alikabok sa kalsada. Iniwan nito si Ally na hinihingal at nanginginig ang mga kamay, habang si Spencer ay nakaupo sa semento, hawak ang kanyang tsinelas na sadyang pinatid ang strap.
"Ayos lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Spencer, ang kanyang mga mata ay puno ng kunwaring pag-aalala habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang braso.
Hindi nakasagot agad si Ally. Tinitigan niya ang lalaking nasa harap niya. Madungis ito, amoy asukal at saging, at mukhang walang alam sa panganib na hinarap. Ngunit may kung anong kislap sa mga mata nito na sandali niyang nakita bago ito muling nagmukhang inosente.
Maya-maya pa, dumating ang convoy ni Congressman Froilan Valderama. Ang tunog ng mga wang-wang ay pumuno sa paligid. Halos liparin ng Congressman ang distansya mula sa kanyang bullet-proof na sasakyan patungo sa kanyang anak.
"Ally! Diyos ko, are you hurt?!" tanong ng ama, ang boses ay nanginginig sa takot. Niyakap niya ang anak, pero ang kanyang mga mata ay mabilis na nag-scan sa paligid, sinisigurong wala ng banta ng panganib sakanila.
"I'm fine, Dad. But that... that man," turo ni Ally kay Spencer na ngayon ay abala sa pagtatali ng kanyang tsinelas gamit ang isang pirasong goma. "He saved me. He fought them off with... with I don't even know what that was. It was just luck, I guess."
Tiningnan ni Valderama si Spencer. Nakita niya ang isang lalaking mukhang galing sa malayang bukid—simple, tila walang itinatagong talino, at higit sa lahat, walang koneksyon sa kanyang mga kaaway sa politika. Para sa isang taong tulad ni Froilan na maraming itinatagong dumi, ang ganitong klaseng tauhan ay mas mahalaga at mukhang maaasahan.
"Anong pangalan mo, iho?" tanong ng Congressman habang inaalalayan si Spencer na tumayo.
"Josep po. Josep Macaraeg.” sagot naman ni Spencer.
“Pasensya na po kayo sa itsura ko, kasalukuyan po kasi akong naghahanap ng trabaho ngayon, e napasakto na napaupo ako sa gilid para kainin ang banana que ko dahil nagutom na p ako, hanggang sa mapansin kosi madam na pilit kinukuha nung mga lalaki” sagot ni Spencer, ang boses ay puno ng pagpapakumbaba.
Nagkatinginan ang Congressman at ang kanyang chief of security. Isang desisyon ang mabilis na nabuo sa isip ni Froilan.
"Naghahanap ka ng trabaho? Mas maganda! Mula ngayon, ikaw na ang personal bodyguard ng anak ko. Titira ka sa mansyon, at dodoblehin ko ang anumang sweldong inaasahan mo. Huwag mo lang hahayaan na may mangyari ulit sa kanya." litanya ni Cong. Froilan kaya napatingin si Ally sa kanyang ama, pagkatapos ay sa madungis na lalaking nasa harap niya.
"Dad, look at him! He's dusty! And he smells like... fried bananas! I can't have him following me around!"
"I don't care, Ally! He has more courage than those professional guards who let you down today!" pasya ng Congressman.
Sumakay si Spencer sa mamahaling SUV, katabi si Ally na halatang diring-diri at pilit na lumalayo sa kanya para hindi madumihan ang kanyang suot. Habang tumitingin sa labas ng bintana, isang maliit at halos hindi mapansing ngiti ang sumilay sa labi ni Spencer.
Ang bitag ay nailatag na. Ang pamilya Valderama ay pumasok na sa kanyang laro nang hindi nila nalalaman. Habang hinahawakan niya ang lumang tsinelas sa kanyang kandungan, isang mensahe ang tumakbo sa kanyang isip para sa kanyang team.
First mission accomplish!
Maagang nagising si Ally at lumabas ng kuwarto. Hind na muna niya inistorbo angpagtulog ni Spencer dahil alam niyang masama pa rin ang pakiramdam nito dahil sa mga tinamo nitong sugat, idagdag pa ang ginawa nila kagabi.Naabutan niya sa sala si Vince at ang ama niya na si Cong Valderama. Masayang nagkaakpe, pero ng makita siya ay biglang sumeryoso ang mukha ni Cong valderama.“San ka natulog?” tanong ni Cong kay Ally.“S-sa kuwarto po, dad”“Katabi mo si Jo–Spencer?” tanong ng matanda at tumango naman si Ally.“May relasyon ba kayo? Anong relasyon niyong dalawa?” sunod sunod na tanong nito kaya napalabi na lang si Ally.“Dad… kung ano mang meoron samin ni Spencer please. Alam ko ang pinapasok ko.” sagot naman ni Ally kaya nangunot ang noo ni Valderama.“He lied to us—”“But he save us. He risk his life to save us Dad.” putol ni Ally sa ama. Kaya nanahimik na lang si Valderama habang si Vince ay tahimik lang sa gilid, pero hindi maikubli ang nagngingiti niyang labi.“Ano bang ngini-ngi
Papasok si Ally sa master bedroom, dahan-dahan ang pagbukas ng pinto. Hawak niya ang malaking first-aid kit na nakita niya sa kabinet kanina. Si Spencer naman ay nakaupo na sa gilid ng malaking kama, hubad ang pang-itaas, at may dugo pa rin ang tumutulo sa gilid ng kanyang braso. Mukha siyang pagod pero matalim pa rin ang titig niya."Spencer, huwag kang aalis dyan," sabi ni Ally habang nilalapitan siya. "Kailangan ko munang linisan 'yan bago pa lumala."Umupo siya sa tabi nito at binuksan ang kit. Kinuha niya ang cotton balls, antiseptic, at gauze. Nanginginig nang bahagya ang mga kamay niya habang tinatanggal ang dugo sa balat ng binata. Mainit ang balat ni Spencer, at ramdam na ramdam niya ang matinding titig nito sa kanyang mukha."Ally..." bulong ni Spencer, mababa at paos na boses nito"Hmm?" sagot niya nang hindi tumitingin, naka-focus sa sugat. Dahan-dahan niyang pinahid ang antiseptic. Napadaing si Spencer pero hindi siya gumalaw. Sa tuwing humihinga siya, ramdam ni Ally ang
Ang katahimikan sa labas ng bahay ay tila naging isang mabigat na pader na humahadlang sa kanilang paghinga. Pagkatapos ng tanong ng Congressman, walang sumagot. Si Spencer ay hindi lumingon; dire-diretso lang ang kaniyang tingin sa pintong kahoy na kinakalawang na ang mga bisagra. Ang tanging sagot niya ay ang tunog ng susi na bahagyang kumalansing nang pasukin niya ang awang ng pinto.Sa bawat hakbang nila papasok, ang bawat kahoy na sahig ay naglalabas ng tunog na tila nagrereklamo sa bigat ng mga taong dumadaan. Ang loob ng bahay ay eksaktong hitsura ng inaasahan: payak at halos walang laman. Isang hapag-kainang kahoy na may apat na upuan na tila kakalas na ang mga paa, isang lumang kalan sa kusina na may bahid ng kalawang, at isang maliit na cabinet na halos wala nang kalaman-laman.Si Vince ay huminto sa gitna ng sala, inikot ang paningin. "Sir... ito lang? Sigurado ka bang ito ang safe house? Masyadong lantad at masyadong... simple."Si Ally ay nanatiling tahimik, ang kaniyang
Ang hangin sa loob ng truck ay puno ng amoy ng lupa at mga sariwang gulay. Ang matandang tsuper ay hindi nagsalita simula pa nang isakay niya ang dalawa. Tanging ang ugong ng makina ng lumang truck ang nagsisilbing musika sa kanilang paglalakbay.Si Spencer ay nakasandal sa gilid ng truck, ang kaniyang mga mata ay bahagyang nakapikit ngunit ang kaniyang pandinig ay nakatutok sa bawat kaluskos sa labas. Ang matandang tsuper, sa kabila ng kaniyang edad, ay nagmamaneho nang may kakaibang bilis at ingat. Alam niya ang bawat liku-liko ng mga liblib na kalsada na hindi alam ng mga patrol cars ng NISA."Salamat," mahinang sabi ni Ally nang huminto sila sa isang madilim na bahagi ng kalsada malapit sa hangganan ng Laguna.Ang matandang tsuper ay hindi lumingon. Bahagya lang siyang tumango, ang kaniyang mga mata ay nakapako pa rin sa kalsada na tila hindi interesado sa kung ano ang ginagawa ng dalawa. "Huwag kayong magpasalamat. Ang ginagawa niyo ay para sa hustisya. Matagal na kaming naghihin
Ang gubat ay hindi lang mga puno, ito ay isang maze ng mga ugat, masukal na damuhan, at mga bangin na nakatago sa ilalim ng makapal na fog. Alas-sais ng umaga. Ang liwanag ay nagsisimula nang tumagos sa mga dahon, ngunit para kina Spencer at Ally, ang liwanag ay kaaway—ito ang nagbibigay ng pagkakataon sa mga thermal drones ng Orion na makita sila."Dito," bulong ni Spencer.Pinilipit niya ang kaniyang katawan patungo sa ilalim ng isang malaking balete tree. Ang kaniyang paghinga ay mababaw at maputol-putol. Ang bawat hakbang niya ay parang pagpukpok ng martilyo sa kaniyang balikat."Spencer, tumigil na tayo," pakiusap ni Ally. Kinuha niya ang tactical backpack mula sa balikat ni Spencer at ibinaba ito sa lupa. "Tingnan mo ang sarili mo. Namumutla ka na. Kung hindi natin itatahi 'yan nang maayos, mauubusan ka ng dugo bago pa tayo makarating ng kalsada.""Wala tayong oras," sagot ni Spencer, kahit na ang kaniyang paningin ay nagsisimula nang maging malabo."May oras tayo kung gagamit ta
Sa loob ng monitor room, ang mga screen na kanina ay nagpapakita ng payapang hallway ay unti-unting namamatay. Isang glitch na hindi dulot ng kuryente, kundi ng isang sopistikadong electronic warfare."Sir, may nag-inject ng virus sa system natin," sigaw ni Vince, ang kaniyang mga daliri ay mabilis na tumitipa sa keyboard. "Hindi ito NISA. Ang encryption protocol na gamit nila… ito ang lagda ng Orion."Si Spencer, na kasalukuyan pang inaayos ang kaniyang tactical vest, ay agad na napapikit. Ang sugat sa balikat niya ay kumikirot, ngunit mas matindi ang kaba sa kaniyang dibdib. "I-lockdown ang lahat ng exits. Vince, ihanda mo ang sasakyan sa likod. Ally, lumabas ka na dyan!"Bumukas ang pinto. Pumasok si Ally, ang kaniyang mukha ay puno ng matinding kaba ngunit ang kaniyang mga mata ay determinadong nakatingin kay Spencer. "Narinig ko ang alarm. Ano ang nangyayari?""Orion," tipid na sagot ni Spencer habang kinakasa ang kaniyang HK416. "Hindi tayo pwedeng manatili rito. Vince, kung hin







