LOGINChapter 3
Niyayaya si Terron ng kaibigan niya na si Gerald para lumabas nang sa ganon ay makapag enjoy sila. Dating gawi mambabae pero tumatanggi siya na laking pagtataka ng malapit niyang kaibigan. Sa mga ganon kasing lakad ay hindi tumatanggi ang isang Terron Hernandez. Inaasar pa nga siya nito na anong masamang hangin daw ang nakadali sakanya. Gusto naman ni Terron na kahit papaano ay mag eenjoy. Pero parang mas mag eenjoy siya kapag nakita niya na ulit ang labandera ng mga magulang niya. Na hindi pa bumabalik dahil linggo pa naman talaga ang balik nito. Masyado na siyang naging interesado sa babae na pati ibang gawain niya ay naapektuhan na. Samantala si Ella habang walang labada ay nagbebenta ng paninda ni Aling na medyo malapit lang sakanila nila at may kaya din. Sapat na rin ang ibinibigay nito sakanya sa isang araw. Naniniwala kasi siya na wala namang tatanggap sakanya na mga trabaho sa mga resto o kompanya. Hindi naman kasi siya nakatapos. Masyado pa naman na mataas ang standards ng iba. Minsan nga na sumubok siya ay paano daw siya tatanggapin kung noong highschool, di ganon kataasan ang grades niya tapos di pa siya nagcollege. Kaya siguro bukod sa kahirapan at kawalan ng sapat na talino ang kalaban niya para makapag-aral. Ayaw na ni Ella na makaranas pa ulit ng pangmamaliit sa kapwa kaya di na siya muli pang sumubok. May bumibili ng bigla na lang pumasok sa isip ni Ella na sa susunod na araw ay linggo na pala. Kaya babalik na siya sa malaking bahay ng mga Hernandez . Pero ipinagdarasal niya na lang na sana wala doon ang anak ng mag-asawa na si Terron. Kahit yun na lang. " Ella, ano ba may bumibili." Sabi ni Aling Terrie na may ari ng bilihan ng meryenda. Agad na napabalik sa wisyo si Ella at humingi ng pasensya dito. Naiintindihan naman siya basta daw ay maging alisto lang lagi. Kaya naman napatango na lamang siya. Maagang naubos ang itinitinda ni Ella siguro dahil sa masarap talaga ang luto niya. Bukod kasi sa pagiging masipag ay yun ang naipamana sakanya ng kanyang nanay ang labis niyang kasipagan. " Aling Terrie uwi na po ako." Paalam niya kay Aling Terrie . " Sige balik ka na lang bukas. " Naabutan na naman siya nito. Kaya uuwi na talaga siya. Nang makauwi si Ella, naabutan niya ang kanyang nanay na nagwawalis. Mabilis siyang lumapit dito at inagaw ang walis. " Nay, naman dapat nagpapahinga lang kayo." Sabi niya dito. " Eh anak ikaw na nga ang nagtatrabaho sa ating dalawa nakakahiya naman kung pati dito sa bahay ay ikaw pa rin. " " Nay, naman ayos lang . Ito may dala ko sa inyong pansit. " Aniya sabay ngiti. Napatingin na lamang ang nanay niya sakanyang dala dala. " Hindi lang talaga masipag ang anak ko kundi napakasweet pang bata. " Napangiti na lang si Ella." Siyempre mahal ko kayo eh. Tayo na nga lang ang magkasama." " Pero anak di ka ba nahihirapan sa paglalabada? " Biglang napaisip si Ella kung sasabihin niya ba sa nanay niya ang tungkol sa anak ng mag-asawa. Pero ayaw nito itong pag-isipin kaya wag na lang baka maapektuhan pa ang nanay niya. Pinagsaluhan nila ng nanay niya ang dala niyang pansit. " Ang sarap talaga ng luto mo anak kaya ayaw kang pakawalan ni Aling Terrie. Mawawalan siya ng masikap na tagabenta at kung iba magluluto baka kaunti na lang ang bumili. " Natawa na lamang siya sa sinabi ng kanyang nanay." Sa inyo ko natuto eh. " Ginulo na lamang ng nanay niya ang kanyang buhok. Para sakanyang nanay ay handang tiisin ni Ella ang lahat kahit ang ugali pa ng ibang tao na hindi talaga kagusto gusto. Katulad na lamang ng ugali ng Terron na yon.Chapter 23Buong akala ni Terron ay magagalit sakanya ang mommy niya sa pag uwi. Gawa ng ginawa niyang pagsagot sagot niya sakaniyang tiyahin ngunit wala namang nangyari ganon . Ang agad kasi nitong tinanong ay kamusta sila ni Ella? O kung ano ang nangyari matapos niyang ihatid ang dalaga." Ella and I we're fine mom." Aniya sa kaniyang mommy. Bigla na lang lumungkot ang mukha pero hindi siya nagalit dito. Bagkus ay niyakap niya na lamang ang mahal na ina." I'm sorry for earlier kung alam ko lang na ganon ang mangyayari ay sana di ko na lang inimbita pa sila ate." Malungkot nitong ani. Pinakawalan niya ang ina mula sakanyang yakap. " Wala kang kasalanan mommy. Si Tita Lydia talaga ang may ugaling di maganda kahit na ang mga anak niya ay ganundin. I'm sorry too dahil bigla na lang akong umalis."" I understand you anak. Ayaw mo lang na palalain pa ang sitwasyon." Maya maya pa bumaba ang kanyang daddy at agad din siyang tinanong kung kamusta sila ni Ella." We're okay dad."" Anong ib
Chapter 22" Anak, calmdown. Pwede naman natin itong pag-usapan ng maayos." Mahinahong sabi kay Terron ng ina nito. Halatang naiistress na din ang ginang. Kung hindi naman dahil sa kapatid nito, hindi magiging ganon ang celebration ng birthday nito." Lina I was just telling the truth. Hindi bat babaero naman talaga itong anak mo? Ilang babae na ba ang natikman niya? Kung wala nga lang tong mga negosyo na pinapatakbo ay yon ang magiging pinakapintas sakanya. Pero nakakatawa lang na pati isang anak ng labandera ay gusto niyang makuha." Tumawa pa ang tiyahin ni Terron. Kaya hindi niya na napigilan ang sarili na ipagtanggol si Terron mula dito." Wala naman pong masama sa pagiging labandera. Ang masama po ay ang mga taong katulad niyo na nangmamata sa kapwa porke nakakataas lang sila. Alam ko po na babaero si Terron at nakita ko po na nagbabago na siya. Di na tulad ng dati." Aniya sa ginang na umirap lang." Sinasabi mo yan dahil m*landi ka din. Gusto mo na may makuha sa pamangkin ko. No
Chapter 21 Hindi alam ni Ella kung bakit humiram pa siya ng damit sa kapitbahay nila na maisusuot niya para sa selebrasyon ng birth day ni Mrs. Hernandez. Siguro ay dahil ayaw niyang masaktan si Terron kung sakali mang sasabihin niya na ayaw niyang pumunta doon. Kailan niya pa ba inisip ang nararamdaman ng lalaki? Hindi niya na rin alam kung kailan ba nagsimula ang lahat. " Ayos lang ba ang damit ko? Pasalamat ka kung hindi si Mrs. Hernandez ang may kaarawan ay di na ko sasama sayo." Aniya kay Terron na nakatitig lamang sakanya. Nag apply kasi siya ng konting powder sa mukha at lipstick para hindi naman siya mukhang haggard. " Kahit ano naman ang isuot mo ay maganda ka sa paningin ko. Anyways my mother would be very happy dahil pupunta ka." Napakaganda ng ngiti nito sa labi. Kaya iniwas niya na lamang ang tingin baka kasi mapatagal pa ang tingin nito. Pumasok na sila ng kotse. Habang nasa byahe ay di niya maiwasan ang kabahan." Kayo kayo lang ba ang nandoon? " " Yes. Sabi ka kay
Chapter 20Nagyayaya na agad siya umuwi. Pero nang nasa sasakyan na sila, hindi naman pinapaandar ng lalaki ang sasakyan. Nakatingin lang ito sa manibela kaya nagulat si Ella nang tumingin ito sakanya." Are you mad at me? It's not what you think. Hindi ako nakikipaglandian. Ayaw niya lang talaga na umalis kanina kahit pinapaalis ko na." Di nito malaman kung anong pagpapaliwanag ba ang gagawin sakanya. Tila ba stress na stress ito." Wala akong pakialam kahit kalandian mo pa ang babaeng yon. Kasi alam ko na ganon ka talaga." Aniya at ipinokus na lang ang tingin sa may labas ng bintana." F*ck ." Napamura na lang si Terron bago nito pinaandar ang kotse. Ngunit di niya na lamang pinansin ang lalaki. Pakialam niya dito. Ang mahalaga ay nabusog siya sa date nila kuno kahit na medyo nabw*sit din siya sa lalaki.Mabuti na lang at walang traffic kaya mabilis siyang naihatid ni Terron. Hindi niya na inintay pa na pagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse. Siya na ang naunang lumabas.Papasok na
Chapter 19Nagdadalawang isip pa si Ella kung lalabas siya ng silid na suot ang pinakamaayos niyang dress. Nahihiya kasi siya. Ang nanay niya ang nagregalo non sakanya noong pasko. Ngunit di naman niya naisusuot , wala naman siyang pupuntahan. Pero ngayon magagamit niya na dahil sa gagawin nilang lakad ni Terron. Kung pwede lang na wag na siyang lumabas ng kanyang silid ay ginawa niya na. Kaso nga lang hindi pupwede dahil alam niya na hinihintay siya ni Terron sa ibaba. Pati na rin ang kanyang ina. Masyado naman siyang paimportante kung tatagalan niya pa.Halata ang pagkagulat sa mga mata ni Terron ng makita siya nito. Maging ang kanyang ina ay namangha dahil sakanyang itsura. Gandang ganda ang mga ito sakanya. Sa ayos niya. " Ayan ba iyong ineregalo ko sa iyo, anak?" Natutuwang tanong ng kanyang nanay." Opo Nay." Magalang niyang pagsagot." Napakaganda mo, anak." Papuri pa nito sakanya. Nang magtama ang mga tingin nila ni Terron, bumalik na ito sa katinuan." So let's go? " Ang
Chapter 18Naging maayos naman ang isang buong araw ni Ella matapos umalis ni Terron. Ngunit nagulat na lamang siya dahil kinabukasan, kakagising niya palang nang bigla na lamang may dumating na mga lamesa at ilang box ng grocerie. Hindi lang basta ordinaryong mga groceries kundi yung ginagamit paninda." Mali ata kayo ng dala. Hindi para sakin ang mga to." Sabi niya sa mga lalaking nagdala ng mga yon." Hindi po Ma'am sainyo po yan dahil dito po ang nakalagay sa address. Pero ang nagpadala po ay susunod na lang. "Napatingin tuloy kay Ella ang mga kapitbahay nila. Siguro ay nag-iisip na ng kung ano ano tungkol sakany. Yun naman talaga ang hobby na gawin ng mga ito baka nga pinag-iisipan na din siya ng masama kung saan posible galing ang mga yon.Lumabas ang kanyang nanay at nagulat din ito." Hindi atin yan Nay kaya ipapabalik ko. " Sabi niya sa nanay niya na napatango na lamang . Baka nagkamali lang daw kaso nga lang, bigla namang dumating si Terron. Kaya napaawang na lang ang labi
Chapter 12 Gulat ang mag-asawa Hernandez, pag uwi kasi naabutan nila ang anak na nag-aayos ing mesa. Sinadya talaga nila na agahan ang pag-uwi para makasabay ito sa tanghalian. Kaya natutuwa sila na mukhang ipinaghanda sila nito. Kaya naman hindi nila maiwasan ang magtinginan ng ipatawag ng anak n
Chapter 10Matulin na lumipas ang huwebes , biyernes at sabado. Linggo na naman at doon na naman siya sa bahay ng mga Hernandez. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagdalaw sakanila ni Terron noong huwebes . Hiling niya nga sana ay wala ito doon sa bahay. Para naman masaya saya siya kaso di siya m
Chapter 16Hindi alam ni Ella kung paniniwalaan niya ba si Terron sa sinasabi nito na gusto siya. Pwedeng oo gusto nga siya pero baka gusto siya na makama at bukod doon ay wala na. Napailing iling na lang siya habang naglalaba dapat ay di siya magpadala sa mga sinasabi sakanya ng lalaki. Baka sa hu
Chapter 14 Hindi na mawala sa isip ni Ella ang sinabi sakanya ni Terron. Hindi tuloy siya makapagfocus sa tinitinda niyang meryenda. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay tama pa ang mga naibibigay niyang meryenda. Kung hindi ay mayayari talaga siya. Ano ba kasing pinagsasasabi ng lalaking yon? M







