MasukChapter 4
Araw na ng linggo kaya maagang pumunta si Ella sa malaking bahay ng mga Hernandez upang sa ganon ay maaga rin siyang makaalis doon. Ayaw niya ng makasagupa ang anak ng mag-asawa. Masisira masira lamang ang araw niya. Ngunit kamalasan nga naman, pagpasok niya kasi ng loob ng bahay ay si Terron agad ang nakita niya. Nakaupo sa may sofa na mukhang hinihintay. Di niya na lamang pinansin ang lalaki at tinawag ang pangalan ng mag-asawa. Kahit naman nasa pangalawang palapag ang mag-asawa ay rinig siya mula sa baba dahil may kalakasan ang kanyang boses. " Hindi mo man lang ba ako babatiin ng goodmorning? Or what? Wala kang respeto sa anak ng mga taong nagpapasweldo sayo." Sabi sakanya ni Terron matapos ipatong sa mesa ang kaninang binabasa nito na magazine. " Hindi niyo na rin naman po ako nirerespect, Sir. Kaya bakit ako magiging ganon sa inyo." Aniya sa lalaki na halatang kinainis nito. Napatayo tuloy ito at mukhang papatulan siya pero nakita na pababa na ang mga magulang. " Ella Hija aalis kasi kami ng asawa ko. ang pera ay iniwan namin kay Manang, kuhanin mo na lamang kapag tapos ka na." Ani Mrs. Hernandez. " Sige po." At siya ay ngumiti. Tumingin ang ginang sa anak nito." Son may papalabhan ka ba? Ibigay mo na lamang kay Ella. Aalis na kami ng daddy mo. " Napangiti si Terron sa sinabi ng mommy nito. At yun nga umalis na ang mag-asawa. " Follow me. " Utos sakanya ng lalaki. Kung wala lang talagang sinabi ang mga magulang nito. Talagang hindi siya susunod. Nasa loob na sila ng kwarto ni Terron at abala na siya sa paglalagay sa basket ng mga gustong nitong palabhan. Halos lahat ata na sa tingin nito na madumi, ipapalaba na sakanya. Nang bigla na lang nitong isinarado ang pinto. " Sir Terron , ano pong ginagawa niyo?" Tanong niya sa lalaki na pinilit pa rin ni Ella na gamitin ang matapang niyang boses . Para di isipin ng lalaki na siya ay mahina at natatakot dito. " Oh don't be scared Ella mag-uusap lamang tayong dalawa." Tsaka unti unting naglakad papunta sakanya ang lalaki. " Mag-uusap pero bakit pa kailangan na sarado ang pintuan? At wala akong oras na makipag usap sa inyo dahil ang dami niyong pinalalabhan sa akin. " Inis niyang sabi sa lalaki. Kaya mahina itong napatawa." Sabihin na lang natin na ayoko ng istorbo. " Doon na tuluyang kinabahan si Ella. Kaya umisip agad siya ng paraan kung paano maipagtanggol ang sarili kung sakaling gawan siya ng masama ng lalaki. Nang nasa harapan niya na si Terron ay hinaplos nito ang kanyang mukha . Grabe ang tingin nito sakanya. Tingin na parang may gusto. May gustong makuha kaya di na nagdalawang isip pa si Ella na ibaba muna ang basket na may lamang labahin saka niya tinuhod ang pag-aari ng lalaki. Dali dali siyang lumabas ng silid. Narinig niya pa ang pagmumura ng lalaki pero wala siyang pakialam. Di siya padadaig sa kabastusan nitong taglay. Dahil hindi naman siya ganong klase ng babae. " Oh anong nangyari? Bakit pinagpapawisan ka parang may humabol sayo? " Tanong ni Macy noong nasa may kusina na siya. Kahit na di niya talaga gawain ang magsinungaling, napilitan na siya. " Wala ang init kasi. Sige maglalaba na ko " at lumabas na siya sa pintuan sa may kusina. Sa labas kasi noon ay nandoon ang lugar kung saan siya pwedeng maglaba. Doon walang istorbo para makatapos siya agad . Para makaalis agad doon. Kinakabahan kasi dahil sakanyang ginawa. Baka gantihan siya ni Terron.Chapter 23Buong akala ni Terron ay magagalit sakanya ang mommy niya sa pag uwi. Gawa ng ginawa niyang pagsagot sagot niya sakaniyang tiyahin ngunit wala namang nangyari ganon . Ang agad kasi nitong tinanong ay kamusta sila ni Ella? O kung ano ang nangyari matapos niyang ihatid ang dalaga." Ella and I we're fine mom." Aniya sa kaniyang mommy. Bigla na lang lumungkot ang mukha pero hindi siya nagalit dito. Bagkus ay niyakap niya na lamang ang mahal na ina." I'm sorry for earlier kung alam ko lang na ganon ang mangyayari ay sana di ko na lang inimbita pa sila ate." Malungkot nitong ani. Pinakawalan niya ang ina mula sakanyang yakap. " Wala kang kasalanan mommy. Si Tita Lydia talaga ang may ugaling di maganda kahit na ang mga anak niya ay ganundin. I'm sorry too dahil bigla na lang akong umalis."" I understand you anak. Ayaw mo lang na palalain pa ang sitwasyon." Maya maya pa bumaba ang kanyang daddy at agad din siyang tinanong kung kamusta sila ni Ella." We're okay dad."" Anong ib
Chapter 22" Anak, calmdown. Pwede naman natin itong pag-usapan ng maayos." Mahinahong sabi kay Terron ng ina nito. Halatang naiistress na din ang ginang. Kung hindi naman dahil sa kapatid nito, hindi magiging ganon ang celebration ng birthday nito." Lina I was just telling the truth. Hindi bat babaero naman talaga itong anak mo? Ilang babae na ba ang natikman niya? Kung wala nga lang tong mga negosyo na pinapatakbo ay yon ang magiging pinakapintas sakanya. Pero nakakatawa lang na pati isang anak ng labandera ay gusto niyang makuha." Tumawa pa ang tiyahin ni Terron. Kaya hindi niya na napigilan ang sarili na ipagtanggol si Terron mula dito." Wala naman pong masama sa pagiging labandera. Ang masama po ay ang mga taong katulad niyo na nangmamata sa kapwa porke nakakataas lang sila. Alam ko po na babaero si Terron at nakita ko po na nagbabago na siya. Di na tulad ng dati." Aniya sa ginang na umirap lang." Sinasabi mo yan dahil m*landi ka din. Gusto mo na may makuha sa pamangkin ko. No
Chapter 21 Hindi alam ni Ella kung bakit humiram pa siya ng damit sa kapitbahay nila na maisusuot niya para sa selebrasyon ng birth day ni Mrs. Hernandez. Siguro ay dahil ayaw niyang masaktan si Terron kung sakali mang sasabihin niya na ayaw niyang pumunta doon. Kailan niya pa ba inisip ang nararamdaman ng lalaki? Hindi niya na rin alam kung kailan ba nagsimula ang lahat. " Ayos lang ba ang damit ko? Pasalamat ka kung hindi si Mrs. Hernandez ang may kaarawan ay di na ko sasama sayo." Aniya kay Terron na nakatitig lamang sakanya. Nag apply kasi siya ng konting powder sa mukha at lipstick para hindi naman siya mukhang haggard. " Kahit ano naman ang isuot mo ay maganda ka sa paningin ko. Anyways my mother would be very happy dahil pupunta ka." Napakaganda ng ngiti nito sa labi. Kaya iniwas niya na lamang ang tingin baka kasi mapatagal pa ang tingin nito. Pumasok na sila ng kotse. Habang nasa byahe ay di niya maiwasan ang kabahan." Kayo kayo lang ba ang nandoon? " " Yes. Sabi ka kay
Chapter 20Nagyayaya na agad siya umuwi. Pero nang nasa sasakyan na sila, hindi naman pinapaandar ng lalaki ang sasakyan. Nakatingin lang ito sa manibela kaya nagulat si Ella nang tumingin ito sakanya." Are you mad at me? It's not what you think. Hindi ako nakikipaglandian. Ayaw niya lang talaga na umalis kanina kahit pinapaalis ko na." Di nito malaman kung anong pagpapaliwanag ba ang gagawin sakanya. Tila ba stress na stress ito." Wala akong pakialam kahit kalandian mo pa ang babaeng yon. Kasi alam ko na ganon ka talaga." Aniya at ipinokus na lang ang tingin sa may labas ng bintana." F*ck ." Napamura na lang si Terron bago nito pinaandar ang kotse. Ngunit di niya na lamang pinansin ang lalaki. Pakialam niya dito. Ang mahalaga ay nabusog siya sa date nila kuno kahit na medyo nabw*sit din siya sa lalaki.Mabuti na lang at walang traffic kaya mabilis siyang naihatid ni Terron. Hindi niya na inintay pa na pagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse. Siya na ang naunang lumabas.Papasok na
Chapter 19Nagdadalawang isip pa si Ella kung lalabas siya ng silid na suot ang pinakamaayos niyang dress. Nahihiya kasi siya. Ang nanay niya ang nagregalo non sakanya noong pasko. Ngunit di naman niya naisusuot , wala naman siyang pupuntahan. Pero ngayon magagamit niya na dahil sa gagawin nilang lakad ni Terron. Kung pwede lang na wag na siyang lumabas ng kanyang silid ay ginawa niya na. Kaso nga lang hindi pupwede dahil alam niya na hinihintay siya ni Terron sa ibaba. Pati na rin ang kanyang ina. Masyado naman siyang paimportante kung tatagalan niya pa.Halata ang pagkagulat sa mga mata ni Terron ng makita siya nito. Maging ang kanyang ina ay namangha dahil sakanyang itsura. Gandang ganda ang mga ito sakanya. Sa ayos niya. " Ayan ba iyong ineregalo ko sa iyo, anak?" Natutuwang tanong ng kanyang nanay." Opo Nay." Magalang niyang pagsagot." Napakaganda mo, anak." Papuri pa nito sakanya. Nang magtama ang mga tingin nila ni Terron, bumalik na ito sa katinuan." So let's go? " Ang
Chapter 18Naging maayos naman ang isang buong araw ni Ella matapos umalis ni Terron. Ngunit nagulat na lamang siya dahil kinabukasan, kakagising niya palang nang bigla na lamang may dumating na mga lamesa at ilang box ng grocerie. Hindi lang basta ordinaryong mga groceries kundi yung ginagamit paninda." Mali ata kayo ng dala. Hindi para sakin ang mga to." Sabi niya sa mga lalaking nagdala ng mga yon." Hindi po Ma'am sainyo po yan dahil dito po ang nakalagay sa address. Pero ang nagpadala po ay susunod na lang. "Napatingin tuloy kay Ella ang mga kapitbahay nila. Siguro ay nag-iisip na ng kung ano ano tungkol sakany. Yun naman talaga ang hobby na gawin ng mga ito baka nga pinag-iisipan na din siya ng masama kung saan posible galing ang mga yon.Lumabas ang kanyang nanay at nagulat din ito." Hindi atin yan Nay kaya ipapabalik ko. " Sabi niya sa nanay niya na napatango na lamang . Baka nagkamali lang daw kaso nga lang, bigla namang dumating si Terron. Kaya napaawang na lang ang labi
Chapter 16Hindi alam ni Ella kung paniniwalaan niya ba si Terron sa sinasabi nito na gusto siya. Pwedeng oo gusto nga siya pero baka gusto siya na makama at bukod doon ay wala na. Napailing iling na lang siya habang naglalaba dapat ay di siya magpadala sa mga sinasabi sakanya ng lalaki. Baka sa hu
Chapter 11Matapos ang saglit na pag iyak ay ayos na ulit si Ella. Pinunasan niya na ang kanyang mukha upang wala ng bakas pa ng pag-iyak niya. Ipinagpatuloy niya na lamang ang paglalaba ng sa ganon ay makaalis na rin siya doon.Tapos na si Ella na maglaba kaya magbabanlaw
Chapter 13 Tapos na si Ella maglaba at magsampay. Ang pagtitiklop ay di niya na naman trabaho kaya makakauwi na siya. Ang gagawa na lamang ng pagtitiklop ay ang ibang katulong. Matapos nilang kumain ng tanghalian, diretso living room na sila para ibigay ng mag-asawa ang sweldo niya. " Sige po sal
Chapter 10Matulin na lumipas ang huwebes , biyernes at sabado. Linggo na naman at doon na naman siya sa bahay ng mga Hernandez. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagdalaw sakanila ni Terron noong huwebes . Hiling niya nga sana ay wala ito doon sa bahay. Para naman masaya saya siya kaso di siya m







