Share

Chapter Sixteen | Breast Feeding

Beware SPG Ahead

***

Erica POV

Nilalaro ko si Baby Grey sa kama habang tinititigan ko ang kanyang mukha. Natutuwa ako dahil tumingkad ang pagka green ng kanyang mata. Mas higit na siyang naging kamukha ni Greg ngayon.

Lumapit si Nanay Gloria sa akin.

"Iha, kumain ka muna. Ako na mag aalaga sa anak mo." Tumango ako kay Nanay Gloria.

"Sige po. Nay" Nakangiti kong sinabi. Ibinigay ko sa kanya si Baby Grey.

"Alam ko na labag sa loob mo na iwanan si Baby Grey. Sana balang araw lumambot ang puso ni Greg at mag bago ang isip niya" Malungkot na sinabi ni Nanay Gloria. Sa kanya lang ako nag sasabi ng problema. Hindi lihim sa kanya ang pinag usapan namin ni Greg. Napabuntong hininga ako.

"Sana nga po. Nanay, masakit sa kin na iiwan ko ang kaisa isa kong anak. Siya na lang ang meron ako ngayon" May luhang lumabas sa mata ko.

"Alam ko. Iha, naiintindihan ko ang nararamdaman mo." Pinunasan ko ang luha. Naawang nakatingin si Nanay Gloria sa akin.

"Hayaan n'yo po. Nay, ipag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status