Share

My Wife's Secret Son
My Wife's Secret Son
Author: AnneVillamin

Prologue

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-04-01 16:13:04

Suot ang pulang cocktail dress at matataas na stilettos, dahan-dahang naglakad si Amara Villanueva sa mahaba at tahimik na hallway ng isang exclusive hotel.

Bahagya siyang sumusuray habang hawak ang pader. Halatang lasing na lasing na siya.

Ang bawat tunog ng party sa ibaba—malakas na musika, tawanan ng mga bisita, at kalansing ng mga baso—ay tila sumasabay sa mabilis na tibok ng puso niya.

Hindi naman talaga siya sanay uminom.

Ngunit ngayong gabi, parang gusto niyang kalimutan ang lahat.

Ang pagod sa trabaho.

Ang pressure sa buhay.

At higit sa lahat, ang pakiramdam na kahit anong gawin niya… parang nag-iisa pa rin siya.

Huminga siya nang malalim habang pilit inaalala ang numero ng kuwarto.

“Anong number nga ba ‘yon…” mahina niyang bulong sa sarili.

Kanina pa niya inupahan ang kuwartong iyon bago pumunta sa party. Alam niyang kapag nalasing siya, mahihirapan na siyang umuwi.

Mas mabuting dito na lang siya matulog.

Nang marating niya ang pinto, kinuha niya ang keycard sa loob ng maliit niyang clutch bag.

Bahagyang nanginginig ang kamay niya habang isinaswipe iyon sa lock.

Ngunit bago pa niya tuluyang magamit ang card—

Click.

Bahagyang bumukas ang pinto.

Napakunot ang noo ni Amara.

“Hindi ko ba ‘to naisara kanina…?”

Dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at pumasok.

Tahimik ang loob ng kuwarto. Tanging ang mahinang ilaw mula sa lampshade sa gilid ng kama ang nagbibigay liwanag sa silid.

Dahil sa hilo ng alak, hindi agad napansin ni Amara ang isang bagay.

May tao na pala sa loob.

Isang lalaki ang nakahiga sa kama.

Mahimbing ang tulog nito, nakahiga nang pahilis sa kama. Bahagyang magulo ang buhok at halatang lasing din.

Ngunit hindi iyon agad napansin ni Amara.

Sa halip, nang tuluyan siyang makapasok sa loob, biglang nanghina ang tuhod niya.

Nadulas ang paa niya sa carpet.

“Ah—!”

Napaupo siya sa gilid ng kama, halos matumba.

Sa biglang galaw na iyon, napakilos ang lalaki.

Bago pa makapagreact si Amara, may malalakas na bisig na agad na humawak sa kanya mula sa likuran.

Hinila siya nito nang bahagya pabalik sa kama.

Napasinghap si Amara nang maramdaman ang mainit na katawan ng lalaki sa likod niya.

“A-ano ba—”

Ngunit tila hindi malinaw sa lalaki ang nangyayari. Halatang lasing din ito. Bahagya pa ring nakapikit ang mga mata habang hawak siya.

Sa halip na bitawan siya, lalo siyang hinapit nito palapit.

Ang mainit nitong hininga ay dumampi sa gilid ng leeg ni Amara.

Napapikit siya.

Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Dahan-dahan siyang inihiga ng lalaki sa kama.

Hindi marahas.

Kundi maingat.

Para bang natatakot itong masaktan siya.

Saglit na napatitig si Amara sa kisame habang sinusubukang intindihin ang nangyayari.

Ano bang ginagawa ko…?

First time niyang mapunta sa ganitong sitwasyon.

Wala pa siyang naging boyfriend sa buong buhay niya.

Palagi siyang abala sa trabaho at sa pamilya.

Ngunit ngayong gabi, tila ibang-iba ang takbo ng lahat.

Ramdam niya ang kamay ng lalaki sa balikat niya—marahang humahaplos pababa sa braso niya.

Hindi siya makapagsalita.

Parang may kakaibang init na kumakalat sa dibdib niya.

Unti-unting yumuko ang lalaki at marahang humalik sa pisngi niya.

Napasinghap si Amara.

Sumunod ang isa pang halik sa gilid ng leeg niya.

Napapikit siya.

Hindi niya alam kung dahil iyon sa alak o sa kaba, ngunit parang nanghihina ang katawan niya sa bawat paglapit ng lalaki.

“Ang bango mo…” mahina nitong bulong.

Dahan-dahan nitong hinaplos ang buhok niya.

Para bang sinusubukan siyang pakalmahin.

Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, naglakas-loob si Amara na tingnan ang mukha nito. Pero dahil sa madilim hindi niya maaninag masyado ang mukha nito. Sa kunting liwanag nanggagaling sa bintana ng room. Nakita niya bahagyang nakapikit ang mga mata ng lalaki, ngunit halata ang matapang nitong features—matangos ang ilong, matibay ang panga, at bahagyang magulong buhok.

Hindi ko siya kilala…

Iyon ang paulit-ulit sa isip niya.

Ngunit kahit ganoon, hindi niya maitanggi ang kakaibang koneksyon na nararamdaman niya.

Unti-unting nagtagpo ang kanilang mga labi.

Sa una ay marahan lamang.

Ngunit habang tumatagal, unti-unting nagiging mas malalim ang halik.

Napapikit si Amara habang ramdam niya ang init ng katawan ng lalaki na malapit sa kanya.

Dahan-dahang gumalaw ang kamay ng lalaki sa likod ng zipper ng kanyang pulang cocktail dress.

Napasinghap si Amara nang maramdaman niyang bumaba ang zipper.

Unti-unting dumulas ang tela ng kanyang damit mula sa kanyang balikat hanggang sa tuluyang mahulog iyon sa sahig.

Saglit na tumayo ang lalaki upang alisin din ang sariling suot, saka muling lumapit sa kanya.

Muli siyang niyakap nito.

Mas mahigpit.

Mas mainit.

Napahawak si Amara sa balikat nito habang nararamdaman ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

May halong kaba at takot ang nararamdaman niya.

Ngunit may kakaibang hatak din ang sandaling iyon.

May bahagyang kirot sa unang sandali na nagpaigting sa paghinga niya, dahilan upang mapaluha siya nang bahagya.

Ngunit kasunod noon ay kakaibang init na kumalat sa kanyang dibdib.

Ang silid ay napuno ng mabibigat nilang paghinga habang unti-unting lumilipas ang gabi.

At sa gitna ng katahimikan ng kuwarto, dalawang estranghero ang nagtagpo sa isang sandaling hindi nila inaasahan.

Isang gabing hindi na nila mababawi.

Pagkaraan ng ilang sandali, tuluyang napagod ang lalaki at muling nakatulog.

Ngunit si Amara… gising pa rin.

Nakatitig siya sa kisame habang pilit pinapakalma ang mabilis na tibok ng puso niya.

May kung anong kirot sa dibdib niya.

Hindi dahil sa lalaki.

Kundi dahil sa sarili niya.

Bakit parang ang lungkot ko pa rin…?

Sa dami ng taon na nag-iisa siya, ngayon lang may taong yumakap sa kanya nang ganito.

Ngunit alam niyang panandalian lang iyon.

Hanggang sa unti-unti na rin siyang nakatulog.

Kinabukasan…

Nagising si Amara sa liwanag ng umaga na sumisilip sa kurtina.

Nanlaki ang mata niya nang maalala ang nangyari kagabi.

Agad siyang napaupo sa gilid ng kama. Nakita niya ang katabi niya lalaki na bahagya itong nakatagilid sa kama, magulo ang buhok kaya hindi niya nakita pa ang mukha nito. Pero nakita niya may tattoo ito malaking letter E sa kanan balikat nito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Amara.

Oh my God…

Dahan-dahan siyang bumangon.

Tahimik.

Maingat.

Ayaw niyang makagawa ng kahit anong ingay.

Mabilis niyang hinanap ang mga damit niya sa sahig at agad itong sinuot.

Habang nagbibihis, paminsan-minsan ay napapatingin siya sa lalaki.

Ayaw niyang makita nito ang mukha niya kapag nagising ito.

Ayaw niyang makilala siya nito.

Hindi niya kayang harapin ang awkward na usapan pagkatapos ng nangyari.

Kaya nang tuluyan siyang makapagbihis, kinuha niya ang bag niya at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto.

Bago siya lumabas, napalingon siya sa kama.

Saglit lamang.

Tinitigan niya ang lalaking mahimbing pa ring natutulog.

Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kumirot sa dibdib niya.

Isang gabi.

Isang estranghero.

Isang alaala na hindi niya malilimutan.

Tahimik niyang binuksan ang pinto.

At bago pa magising ang lalaki—

umalis na siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife's Secret Son   Chapter thirty

    Madilim.Iyon ang unang bagay na naramdaman ni Amara nang unti-unti siyang magkamalay.Hindi agad siya gumalaw. Hindi agad siya nagsalita. Para bang may mabigat na kumot na nakabalot sa buong katawan niya—hindi pisikal, kundi sa mismong diwa niya. Mabigat ang ulo niya, parang may humahampas na sakit sa bawat pintig ng puso niya.Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya.Malabo.Umiikot ang paligid.Napapikit siya ulit, pilit inaayos ang sarili. Huminga siya nang malalim—pero kahit ang paghinga niya, parang hindi buo. Parang may kulang. Parang may humahadlang.“Ugh…”Mahina siyang napaungol.Maya-maya, muli niyang binuksan ang mga mata niya.At doon niya napansin ang paligid.Isang ilaw lang ang nakasindi sa kisame. Mahina, dilaw, at parang hindi sapat para tuluyang maliwanagan ang buong silid. Ang mga pader—luma. Kupas. May mga bitak na tila matagal nang pinabayaan. May bahid ng alikabok ang hangin, at ang amoy… parang matagal nang sarado ang lugar.Tahimik.Sobrang tahimik.At d

  • My Wife's Secret Son   Chapter twenty nine

    Isang buwan na ang lumipas.Sa loob ng isang buwang iyon, unti-unting naging mas tahimik ang buhay ni Amara. Hindi dahil wala, kundi dahil natutunan niyang harapin ang routine—ang umaga na may kasamang ngiti ni Jayden, ang tanghalian sa café, ang hapon na pag-aalaga sa bata, at ang gabi na simpleng kwentuhan bago matulog.Hindi pa ganap na sumisikat ang araw, ngunit gising na si Amara—nakatingin sa kisame ng ilang sandali, tahimik, halos walang ingay sa bahay. Dahan-dahan siyang umupo, hawak ang gilid ng kama, at naramdaman ang kakaibang panghihina at kaunting pagkahilo.“Hmm…”Mahina ang bulong niya. Sandaling lumipas bago siya tuluyang tumayo.Lumakad siya papunta sa banyo, humugop ng malamig na tubig sa mukha. Napatingin siya sa sarili sa salamin—ang mga mata niya, parang may hinahanap, may halong takot at pag-aalinlangan. Ang kaba sa dibdib niya ay hindi maipaliwanag, parang may tinatago siyang sikreto sa sarili niya.Pagkababa niya sa kusina, nagsimula siyang maghanda ng simpleng

  • My Wife's Secret Son   Chapter twenty eight

    Maagang gumising si Amara, mas maaga pa kay Manang Teresa. Pero ngayon, iba ang nararamdaman niya—may halo ng excitement at kaunting kaba sa bawat kilos niya. Ramdam niya na ang araw na ito ay hindi lang basta ordinaryo; may bago silang haharapin bilang pamilya.Pinaghanda niya ng breakfast si Jayden at Ethan, kasama si Manang Teresa. Mainit ang amoy ng nilagang itlog, ang tinapay ay may halong butter na unti-unting natutunaw, at maayos ang pagkaka-set ng mga plato sa dining table. Habang naglalakad siya papunta sa mesa, nakita niyang abala si Ethan sa pagkuha ng breakfast. Tahimik, maayos, at may kasamang ngiti sa bawat kilos—ang paraan ng lalaki sa kanilang anak ay nakaka-relax at nakaka-engganyo.“Good morning, Mama!” sigaw ni Jayden sabay wave.“Good morning, baby!” sagot ni Amara, napangiti nang malawak.Tumango si Ethan. “Morning, Althea.”Habang nag-aalmusal, hindi maiwasan ni Amara na titigan si Ethan. Napansin niya ang pagiging maingat nito sa kilos ni Jayden, ang pasensya sa

  • My Wife's Secret Son   Chapter twenty seven

    Tahimik ang buong bahay—wala pang ingay mula sa kusina. Pero sa loob ni Amara, kabaligtaran ang nangyayari. Parang may malakas na ingay sa dibdib niya—mga tanong, kaba, at takot na hindi niya mapatahimik.Paulit-ulit siyang naglalakad sa loob ng kwarto. Minsan hihinto sa harap ng salamin, titingnan ang sarili na parang naghahanap ng lakas. Minsan uupo sa kama, hahawak sa kamay niya na bahagyang nanginginig.Ito na ‘yon.Hindi na ito simpleng araw.Hindi na ito basta pagsundo kay Jayden.Ito ang araw na pagsasamahin niya ang dalawang pinakamahalaga sa buhay niya—ang anak niya… at ang lalaking pinili niyang mahalin.Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata.“Kakayanin ko ‘to…” bulong niya.Pero kahit ilang beses niya ulitin, hindi nawawala ang kaba.Paano kung magtanong si Jayden?Paano kung hindi niya maintindihan?Paano kung tanggihan niya si Ethan?At higit sa lahat—Paano kung masaktan niya ang anak niya?Napaupo siya sa kama at hinawakan ang ulo niya.“Hindi na puwedeng

  • My Wife's Secret Son   Chapter twenty six

    Hindi na kinaya ni Amara ang bigat ng lahat.Buong araw siyang tahimik—umiwas sa mga mata ni Ethan, at pilit tinatakasan ang katotohanan na matagal na niyang itinatago. Ngunit sa bawat sulyap ni Ethan, bawat banayad na tanong, bawat pagkakataon, ramdam niya na unti-unti nang nabubuo sa isip nito ang lahat ng kulang na piraso. At alam niya sa sarili niyang alam din ni Ethan—malapit nang mabunyag ang lahat.Ngayong gabi, ramdam ni Amara na wala nang matatakbuhan. Ang mga lihim, ang bigat ng kasinungalingan, at ang kahihiyan na dala ng nakaraang gabi—lahat iyon ay humihingi ng katotohanan.Dahan-dahan siyang lumapit sa study room at kumatok.“Come in,” sagot ni Ethan—kalmado, pero may bahagyang lamig sa boses.Binuksan niya ang pinto. Nakatayo si Ethan sa tabi ng bintana, nakatalikod. Tahimik ang paligid, pero ramdam ang bigat ng hangin sa pagitan nila.“Ethan…” mahina niyang tawag, parang may pag-iling sa boses niya.Hindi ito agad lumingon. “Yes?”Huminga nang malalim si Amara. Nanging

  • My Wife's Secret Son   Chapter twenty five

    Maaga pa lang, gising na si Amara.Hindi dahil gusto niya—kundi dahil hindi na siya nakatulog nang maayos buong gabi.Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakayuko, hawak ang kumot na parang iyon na lang ang natitirang kapit niya sa realidad. Tahimik ang kwarto. Tahimik ang buong bahay. Pero sa loob niya—magulo.Punong-puno ng tanong. Takot. At pagsisisi.Napapikit siya sandali, pilit inaayos ang paghinga.Hanggang kailan ko itatago ‘to?Biglang bumukas ang pinto.Napalingon siya.Si Ethan.Nakatayo ito sa pintuan, mukhang kagigising lang din. Gusot ang buhok, pero mas kapansin-pansin ang mga mata nito—pagod… at mabigat.Nagkatitigan sila.Tahimik.Walang bumati ng “good morning.”Walang ngiti.Walang kahit anong normal.“Hindi ka pa natutulog?” tanong ni Ethan, mahina pero diretso.Umiling si Amara. “Ikaw?”“Same.”Tahimik ulit.Pumasok si Ethan sa loob, pero hindi lumapit. Tumayo lang ito malapit sa bintana, nakatingin sa labas.Parang may pagitan.At ramdam na ramdam iyon ni Amara.“I’m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status