Share

Chapter one

Author: AnneVillamin
last update publish date: 2026-04-01 16:14:09

Lumipas ang ilang taon mula sa gabing pilit nang ibinaon ni Amara Villanueva sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang alaala. Isang gabi ng luha, kalituhan, at kahinaan—isang gabi na hindi niya inaasahang magbabago sa buhay niya. Hanggang ngayon, nananatili itong isang lihim, isang bagay na tanging siya, ang kanyang mga magulang, at ang kanyang kambal na kapatid na si Althea lamang ang nakakaalam.

Sa labas, tahimik ang gabi sa Forbes Park. Ang malawak na villa ng pamilya Villanueva ay maliwanag sa mga ilaw ng street lamps at chandelier sa loob. Bagamat hindi sila pinakamayaman, kilala sila sa kanilang disente at respetadong pamumuhay. Ang Villanueva & Co., isang chain ng mid-range luxury cafes at lifestyle stores sa Metro Manila, ay naging pundasyon ng kanilang status. Hindi sila billionaire, ngunit sa social circles nila, maituturing silang influential at respetado.

Nakaupo si Amara sa sofa ng living room, hawak ang kanyang cellphone, habang pinagmamasdan ang malawak na sala na puno ng klasikong dekorasyon, mahahabang kurtina, at kahoy na furniture na eleganteng naglalarawan ng kanilang taste. Ilang beses na niyang tinawagan ang parehong numero ng kanyang twin, ngunit paulit-ulit lang na napuputol ang tawag. Walang sagot.

“Come on, Thea…” mahina niyang bulong habang pinipilit hindi sumigaw ng pag-aalala.

Muling tinignan ni Amara ang wall clock. Dalawang oras na siyang naghihintay. Dalawang oras bago magsimula ang engagement party na dapat ay isa sa pinakamahalagang gabi sa buhay ng kanyang twin. At ngayon, siya ang nag-iisa, nag-aalala, at may mabigat na responsibilidad.

Lumaki silang kambal, halos hindi mapaghiwalay. Identical twins—parehong mahaba ang buhok, parehong hugis ng mukha, parehong mata. Ngunit sa kabila ng pagkakapareho, magkaibang-magkaiba ang kanilang personalidad.

Si Althea ay natural na charming, confident, at sanay sa spotlight. Lumaki siyang parang prinsesa, sanay sa glamour at sa atensyon ng iba. Samantalang si Amara ay tahimik, simple, at mas komportable sa likod ng kamera kaysa sa gitna ng ballroom. Mas gusto niyang magbasa sa cafe kaysa sa maggarang party. Hindi niya kailanman pinangarap ang buhay ng kapatid—masaya na siya sa sarili niyang mundo.

Ngunit ngayong gabi… lahat ng iyon ay nagbago.

Biglang bumukas ang pinto ng villa, at pumasok ang kanilang ina, si Carmen Villanueva. Halatang may pag-aalala sa mukha nito.

“Amara!” tawag nito, halatang nangangatog ang boses.

Agad tumayo si Amara. “Mom? May balita na ba kay Thea?”

Hindi agad sumagot si Carmen. Napaupo ito sa sofa, humawak sa noo.

“Hindi namin siya mahanap,” mahina nitong sabi.

Nanlaki ang mga mata ni Amara. “Ano?”

“Hindi siya sumasagot sa phone. Wala siya sa condo niya. Kahit ang assistant niya, walang alam kung nasaan siya.”

Hindi maikubli ni Amara ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Hindi maaaring mangyari ito—hindi ngayong gabi.

“Baka naman may important meeting lang…” sabi niya, pilit pinapaniwala ang sarili.

Ngunit umiling ang kanyang ina. “Dalawang oras na siyang late.”

Dalawang oras. Hindi ito simpleng dinner party. Ito ang engagement party ng kanyang twin sa isang kilalang entrepreneur sa bansa—si Ethan Reyes. Isa siyang tao na kilala sa strategic mind at business acumen, isang respetadong figure sa corporate world, at kahit hindi kaalyado sa kanya, madaling makikita ang authority at charisma niya sa bawat kilos at tingin.

Muling bumukas ang pinto, at pumasok ang kanyang ama, si Ricardo Villanueva. Kitang-kita ang pagkabahala at kaunting galit sa mukha nito.

“Wala pa rin siyang sagot?” tanong niya, matindi at maingat.

Umiling si Carmen. “Wala.”

Mahigpit na napakuyom ni Ricardo ang mga kamay. “This is unacceptable.”

Tumingin siya kay Amara, at sa isang iglap, parang pumasok ang ideya sa isip niya.

“Amara…”

Kinabahan siya.

“Dad…?”

Lumapit ang kanyang ama. “Magkamukhang-magkamukha kayo ng kapatid mo.”

Parang may malamig na tubig na bumagsak sa katawan ni Amara. “Dad… no,” sagot niya, pilit kumikibo.

“Makinig ka muna,” seryoso ang tono ni Ricardo.

Ngunit umiling agad si Amara. “Hindi ko kayang gawin iyon.”

“Amara,” muling sabi ng ama niya, mas mahigpit, “kung hindi sisipot si Althea ngayong gabi, mapapahiya ang buong pamilya natin.”

Tahimik ang sala. Ramdam ni Amara ang bigat ng sitwasyon. Ang Villanueva family, kahit hindi billionaire, ay may reputasyon sa social circles—isang engagement ay hindi lang simpleng kasiyahan. Isa itong statement: ng kanilang pamilya, ng kanilang social status, at ng negosyo na maituturing nilang legacy.

“Please, Amara,” pakiusap ni Carmen. “Isang gabi lang. Kailangan mo lang magpakita.”

Napapikit si Amara, ramdam ang tensyon sa dibdib niya. Isang gabi lang… ngunit alam niyang hindi ito magiging simple.

Nagbabalik sa isip niya ang alaala—isang gabi sa hotel, isang kwarto, isang lalaki na hindi niya kilala… isang lihim na pilit niyang kinubli. Mabilis niyang itinulak palayo ang alaala, bumalik sa realidad.

“Okay,” mahina niyang sabi. “Gagawin ko.”

Halos sabay na napabuntong-hininga ang kanyang mga magulang. Ngunit hindi pa tapos ang problema.

“May isa pang bagay,” sabi ng kanyang ama, at ramdam ni Amara ang bigat ng boses.

“Ano pa?”

“At kailangan mong makaharap si Ethan Reyes.”

Parang biglang bumigat ang dibdib niya. Ngayon lang niya tunay na na-realize ang sitwasyon. Papasok siya sa engagement party bilang fiancee ng isang lalaki na hindi niya kilala, bilang kapalit ng kanyang twin.

Habang papalapit sa hotel sa Makati, ramdam ni Amara ang kaba na palaging nararamdaman niya tuwing may malaking social event. Kahit na hindi siya sanay sa ganitong eksena, pinilit niyang kontrolin ang sarili. Suot ang gown na pinili ng stylist ng kanyang twin—eleganteng puti, may subtle shimmer sa ilaw, may neckline na sophisticated ngunit hindi over-the-top. Ang make-up at hairstyle ay kopya rin ng style ng kanyang twin.

“Isang gabi lang,” bulong niya sa sarili, humihinga ng malalim bago pumasok sa lobby.

Sa loob ng hotel, nagsimula nang dumating ang mga bisita. Punong-puno ang ballroom ng eleganteng dekorasyon, kristal na chandelier, at waiter na naglilibot na may dalang champagne. Isa-isang dumarating ang mga kilalang personalidad sa negosyo at social circles. Ramdam ni Amara ang bigat ng bawat tingin, ang mga ngiti, at ang mga haka-haka sa paligid.

Sa gitna ng lahat, nakatayo si Ethan Reyes. Matangkad, naka-itim na suit, tahimik ngunit may dominanteng aura. Ang bawat galaw niya ay may epekto sa paligid, at ang bawat tingin ay parang sumusubaybay sa lahat ng detalye. Ang mga mata niya ay tila nakakakita ng higit pa sa physical—parang nakikita niya ang tunay na intensyon ng tao sa paligid.

Huminga si Amara nang malalim bago pumasok sa ballroom. Ramdam niya ang bawat mata na nakatingin sa kanya, iniisip niya kung paano papatakbuhin ang pekeng identity na ito. Ang bawat ngiti, bawat pagkilos, ay kailangang eksaktong gaya ng ginagawa ni Althea.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata ni Ethan, tila nag-iba ang temperatura sa hangin. Ang babae na papasok ngayon ay hindi ang inaakala nito na fiancee niya, ngunit isang estranghero—isang estranghero na hahawak sa kanyang mundo sa paraang hindi niya inaasahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred seventy six

    AltheaHindi ako makatulog.Tahimik lang akong nakahiga sa kama habang nakatitig sa kisame ng condo ni James.Madilim ang buong kwarto maliban sa mahinang ilaw mula sa bedside lamp sa gilid ng kama. Tahimik ang paligid, tanging aircon lang at mabagal na paghinga niya ang naririnig ko.Katabi ko si James.Mahimbing ang tulog niya.Isang braso niya nakapulupot pa rin sa bewang ko na parang kahit sa pagtulog—takot pa rin siyang mawala ako. Hindi niya ako inangkin ngayon gabi dahil pagod daw ako sa biyahe. Iniisipnjiya lagi ang kapakanan ko. Biglang humigpit agad yung dibdib ko.God.Hindi ko na alam kung paano ko haharapin lahat ng ito.Dahan-dahan akong napalingon sa kanya.Mas malinaw ko siyang nakikita ngayon sa mahinang ilaw.Mas mature na yung mukha niya.Mas halata yung pagod sa mga mata kahit nakapikit siya.Parang mas maraming gabi na hindi siya nakatulog nang maayos.At kahit natutulog siya ngayon—ramdam ko pa rin yung bigat na ilang taon niyang dinala.Dahil sa’kin.Dahil sa

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred seventy five

    JamesTahimik lang akong nakatingin sa marriage certificate habang hawak iyon sa kamay ko.Parang hindi pa rin nagsi-sink in.Married.After two years of losing her—nandito ulit si Althea.Asawa ko.Napahawak ako sa noo ko habang napapatawa nang mahina.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o tuluyan nang mababaliw.Kasi kung may magsabi sa’kin kahapon na makikita ko ulit siya—hindi ako maniniwala.Pero ngayon—nandito siya.Nasa tabi ko.Tahimik lang si Althea habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ko. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang mahigpit yung hawak niya sa bag niya.Parang kinakabahan pa rin.Parang may gusto pa ring takbuhan.At ayoko nang maramdaman iyon.“Baby.”Mahina lang.Pero agad siyang napatingin sa’kin.Fuck.Miss na miss ko talaga yung mata niya.Yung paraan ng pagtitig niya na parang laging may tinatagong emosyon.“You okay?”Saglit siyang natahimik bago pilit ngumiti.“Yeah.”Hindi ako naniwala.Hindi ko alam anong nangyari sa Canada.Hindi ko a

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred seventy four

    AltheaTahimik lang ako habang nakaupo sa loob ng sasakyan ni James.Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming bumiyahe mula sa office niya pero hanggang ngayon—hindi pa rin bumabagal yung tibok ng puso ko.Pakiramdam ko sasabog dibdib ko anumang oras.Sa tabi ko, tahimik lang si James habang mahigpit yung hawak niya sa manibela. Diretso lang yung tingin niya sa daan pero kita ko yung tension sa panga niya.Parang isang maling galaw ko lang—babagsak ulit siya.At iyon yung mas nagpapahirap sa’kin.Kasi hindi niya alam.Hindi niya alam na habang pilit niya akong binabalik sa buhay niya—may batang naghihintay sa’kin sa Canada.May batang anak niya.Napapikit ako sandali habang palihim na napahawak sa tiyan ko.Automatic.Habit.At doon ako lalo nilamon ng guilt.“Stop doing that.”Napamulat agad ako.Napalingon ako kay James.“Doing what?”Saglit siyang tumingin sa’kin bago bumalik ulit sa kalsada yung mata niya.“Thinking about running away again.”Biglang humigpit agad dibdib ko.G

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hunderd seventy three

    Althea "Not yet. "Mahina lang yung boses ko.Halos bulong.Pero sa tahimik na loob ng office—parang sobrang lakas pa rin noon.Nakatitig lang si James sa’kin habang mabigat yung paghinga niya. Kita ko kung paano gumagalaw yung panga niya, parang pilit niyang pinipigilan yung emosyon na kanina pa gustong sumabog.“What do you mean not yet?” mababa niyang tanong.Napalunok ako.Hindi ko alam paano ipapaliwanag.Paano ko sasabihin sa kanya na sa likod ng dalawang taon naming pagkakahiwalay—may batang buhay.May batang kamukhang-kamukha niya.May batang tinatawag akong “Mommy” habang hindi man lang alam kung sino yung ama niya.“James…” mahina kong sabi habang umiwas ng tingin. “Please.”Napamura siya nang mahina bago hinila yung buhok niya paatras.“Fuck this.”Napatingin agad ako sa kanya.At bago pa ako makapag-react—bigla siyang lumapit.Then mabilis niyang hinawakan yung kamay ko.Mahigpit.Parang takot na takot na naman siyang mawala ako.“James—”“Come with me.”Nanlaki agad y

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hunderd seventy two

    Althea2 years.Masyadong mabilis. Masyadong mabagal. Parang dalawang taon na dumaan na hindi ko man lang namalayan nang buo.Tahimik akong nakatayo sa harap ng salamin habang inaayos yung coat ko. Malamig pa rin sa labas, pero sanay na ako. Mas sanay kaysa dati. Hindi na siya yung lamig na nakakapanghina—yung lamig na tinatanggap mo na lang kasi wala ka nang choice.Sa likod ko, maririnig ko si Ramil na tumatawa habang karga siya ni Tita Lucia sa sala.“Careful, sweetheart,” mahinang sabi ni Tita Lucia habang pinupunasan yung kamay ni Ramil. “Ayaw mo ba mag-stay kay Lola?”“Lola!” tawa ni Ramil, sabay yakap sa kanya nang mahigpit.Napapikit ako sandali.Ang laki na niya.Two years old.Mas malinaw na yung mga mata niya ngayon. Mas expressive. Mas buhay.At kahit pilit kong iwasan—mas malinaw din yung hawig niya kay James.Yung paraan ng pagtitig niya kapag may gusto siya.Yung konting pagkakunot ng noo kapag nagtataka.Minsan kahit yung pag-iling niya kapag ayaw niya.Parang bawat ga

  • My Wife's Secret Son   Chapter one hundred seventy one

    “Ang cute niya talaga.”Napangiti ako nang mahina habang pinapanood si Tita Lucia na karga si Ramil sa sala. Halos isang oras na niya itong kinakausap na parang naiintindihan lahat ng sinasabi niya.“Well, obviously,” biro ko habang hinihigop yung mainit na tsaa. “Mana sa’kin.”Napatawa siya agad.“Excuse me? Kita mo nga yung mata.” Tinuro niya si Ramil. “Barrameda na Barrameda.”Biglang natahimik yung ngiti ko.Kahit hanggang ngayon—iba pa rin talaga kapag naririnig ko yung apelyido ni James.Parang may humihila agad sa dibdib ko.Mabilis akong umiwas ng tingin bago tumingin sa labas ng bintana.Makapal yung snow ngayon. Tahimik yung buong neighborhood. Simple. Payapa.Pero minsan, sa sobrang tahimik—mas naririnig ko yung mga bagay na pilit kong tinatakasan.“Sweetheart.”Napalingon ako kay Tita Lucia.Concerned na naman yung tingin niya.At alam ko agad kung bakit.Masyado akong obvious kapag si James na yung nasa isip ko.“I’m okay,” mabilis kong sabi.Bahagya siyang ngumiti.“Hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status