Share

MAD AND HURT

HINDI NA ALAM ni Tori kung gaano karaming bote ang nabasag niya. Basta ang tanging alam lang niya ay gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit at kirot na naipon sa puso niya sa loob ng ilang taon. Punong-puno rin ng mga luha ang kanyang magkabilang mata habang walang tigil sa pagtulo ang kanyang sipon kaya hindi na niya alam kung ano ang una niyang pupunasan hanggang sa hinayaan na lamang niya. Wala na siyang pakialam. Panay na lamang ang singhot niya para mapigilan ang kanyang sipon na mas tumulo pa palabas ng kanyang ilong.

“Ang sabi mo…” humihikbi na turan ni Tori. Halos hindi na siya makapagsalita nang maayos dahil sa walang tiigil na pag-iyak. “I-Ikaw na lang ang meron ako pero bakit kailangang pati ikaw, eh, mawala din sa akin?” patuloy niya na tila saka pa lamang nakaramdam ng labis na pagod.

Pagod ba ng katawan dahil sa ginawa niyang halos walang tigil na paghagis ng mga bote o pagod dahil sa samo’t-saring emosyon na halos hindi na niya mapangalanan kung ano? Hindi na alam ni T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
sanay malagpasan nla ang pagsubok sa buhay nla
goodnovel comment avatar
Marissa Alba
More ang more pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status