"Tingnan mo 'ko, Cassandra. Pagkatapos ng lahat... kaya mo pa rin ba akong mahalin kung kailangan kong pumatay?"Napakapit si Cassandra sa mga braso ni Dominic habang nasa loob sila ng kanyang bulletproof SUV, papunta sa isang tagong lugar sa Batangas—kung saan daw nagtatago si Lucian Dela Cruz."Kung para sa’kin ang gagawin mo... kung para sa kaligtasan ko, oo," sagot niya, kahit ang dibdib niya ay punô ng kaba. "Pero gusto kong ako ang tumapos sa kanya, Dominic. Hindi lang ikaw ang pinasakit niya."Huminto ang kotse sa isang abandonadong villa na may mga armadong tauhan sa paligid. Lumabas si Dominic, kasunod ni Cassandra, suot ang itim na trench coat, at matalim ang mga mata. Wala na ang Dominic na dati'y pinaglalaruan lang ang babae. Siya na ngayon ang lalaking handang pumatay para sa babaeng mahal niya."Ready ka na ba?" tanong nito.Tumango si Cassandra, inilabas ang baril mula sa bag. Ang mga kamay niya’y nanginginig, pero ang mga mata niya’y matalim.Pinapasok sila sa loob ng
Umiikot pa rin ang mundo ni Cassandra kahit nakalipas na ang ilang araw mula sa pagtakas nila ni Dominic mula sa kamay ni Lucian. Pero ang iniwan nitong trauma, lalong pinatindi ng init na hindi mapawi—init na galing mismo sa piling ng mapang-akit niyang boss.Nakahiga siya sa king-sized bed ng penthouse nila ni Dominic sa Tagaytay. Malamig ang simoy ng hangin mula sa bintanang nakaawang, pero init ang bumabalot sa katawan niya. Hindi dahil sa temperatura, kundi sa bawat haplos at tinging binibigay sa kanya ni Dominic.“Cassandra,” bulong ng lalaking ngayo’y nakadagan sa ibabaw niya, hubo’t hubad at mainit ang katawan. “Sabihin mong akin ka. Sabihin mong hindi ka na aalis kahit kailan.”Hinagilap ng mata niya ang lalaking nagmamay-ari ng puso’t kaluluwa niya ngayon. “Dominic… sa’yo na ‘ko. Wala nang iba. Kahit gaano ka pa kasama, kahit ilang beses mo pa akong durugin…”Biglang lumalim ang halik ng lalaki sa labi niya. Mapusok. Galit. Sabik.Gumapang ang kamay ni Dominic sa hita niya,
“Papatayin kita kung hindi mo gagawin ang inuutos ko, Ivana.”Halos mabitiwan ni Ivana ang hawak niyang cellphone sa lakas ng boses ni Lucian sa kabilang linya. Naroon ang panginginig ng kanyang tuhod, lalo na’t naramdaman niyang hindi ito basta pananakot lang—seryoso ang ama ni Cassandra.“Pero—Lucian, paano kung bumalik sa akin si Dominic? Alam kong may nararamdaman pa rin siya sa akin,” pabulong niyang sagot habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Suot niya ang puting silk robe at may pekeng baby bump na ikinakabit niya tuwing kinakausap si Dominic.“Walang pakialam si Dominic sa ‘yo! He’s only playing along dahil iniisip niyang anak niya ‘yan. Gamitin mo ang pekeng pagbubuntis na ‘yan para pasunurin siya, at kapag nakuhanan mo na ng ebidensya sa kumpanya—sisirain natin siya.”Nagpikit si Ivana. Tumulo ang pawis sa sentido niya. Hindi na niya alam kung nasaan ang hangganan ng kasinungalingan at ang totoo. Dahil sa kagustuhan niyang maghiganti kay Cassandra, nawalan na siya ng dir
Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng elevator, agad akong sinalubong ng malamig na tingin ni Dominic. Suot niya ang itim na button-down shirt na bahagyang bukas ang dibdib, habang ang mga manggas ay nakataas hanggang siko. Kulay abo ang slacks at perpektong hapit sa kaniyang baywang.Damn. Kahit nasa gitna kami ng gulo, hindi pa rin mapigilan ng katawan ko ang mag-init."You're late," malamig niyang sabi.Napakagat ako sa labi. "May traffic—""Hindi ako interesado sa palusot mo, Cassandra," putol niya sa akin, at naglakad siya palapit.Ang bawat hakbang niya ay may dalang panggigigil at kapangyarihang pilit kong nilalabanan. Gusto kong sabayan ang yabang niya, pero ang katawan ko, traydor."Kung gusto mong tapusin 'to," bulong niya, "sabihin mo lang."Napakurap ako. "Anong ibig mong—"Mabilis niya akong hinila papasok ng opisina. Pinindot niya ang lock sa pinto gamit ang remote. Isang iglap lang, kami na lang dalawa sa loob ng pribadong mundong puno ng tensyon, galit, at... libog."Sa
Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone na may recording mula sa private investigator. Doon, malinaw na narinig ko ang boses ni Ivana habang kausap si Lucian Dela Cruz."Kung hindi mo gagamitin ang pangalan mo para sirain si Cassandra, ako mismo ang magpapalabas ng scandal video niya kasama ang anak mo!"Parang kinoryente ang katawan ko. Hindi ako makapaniwala. Si Lucian, ang ama ko, kausap si Ivana... ang babaeng halos winasak ang mundo ko. Mas lalo akong nanlumo nang mapagtanto ko kung gaano kalalim ang sabwatan nila.“Cassandra…” Mababang tawag ni Dominic, nakatayo sa may pintuan ng kwarto. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. “You okay?”Hindi ako sumagot. Pinatugtog ko muli ang recording. At sa bawat salita, mas lalong tumitindi ang kirot sa dibdib ko.Lumapit siya sa akin. “Where did you get that?”“Private investigator,” mahinang sagot ko. “Sila... sila ang may pakana. Ginagamit ako ni Ivana para saktan ka, at ginagamit ako ng ama ko para sirain ang sarili kong
CASSANDRA'S POV"Huwag ka nang magpaliwanag, Dominic. Sawa na akong makinig sa mga kasinungalingan mo," malamig kong sambit habang nakatingin sa kanya, pero ang puso ko... nagwawala.Hindi ko alam kung paano pa ako magtitiwala. Sa dami ng beses niyang sinabing ako lang, pero bakit laging may Ivana? Laging may sikreto. At ngayong alam ko na kung sino talaga si Lucian sa buhay niya—pati sa buhay ko—pakiramdam ko, isa lang akong pawn sa mas malaking laro.Lumapit siya. Unti-unti. Dahan-dahang nilalakad ang distansya sa pagitan naming dalawa. "Cassandra, please… I never meant to hurt you.""Then why does it hurt this much?" Halos maputol ang boses ko sa sama ng loob. "Bakit mo ako ginamit sa giyera ninyo ng ama ko?""I didn't use you. I fell for you. Damn it, Cass!" Nagalab ang boses niya pero kita ko rin ang kirot sa mata niya. "Nung una, oo… may misyon ako. Pero lahat 'yon nabura nung minahal kita."Tumulo ang luha ko. Hindi ko na siya tiningnan. Tinakpan ko ang dibdib ko na parang kaya