LOGINCASSANDRA
Nang makainom ako ng gamot ay inaantok na din naman ako kaagad. Ito ang unang pagkakataon na sinamahan ako ni Ninong Jonas sa kwarto ko. I want him so bad ngunit wala siyang ginagawa. Binabantayan niya lang ako.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa bintana ng kwarto ko. Mataas na ang sikat ng araw at mukhang magdamag na nakabukas ang kurtina dahilan upang tumagos iyon sa loob ng kwarto ko.
Napalingon ako dahil may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko at laking gulat ko nang makita ko si Ninong Jonas na walang t-shirt at tanging boxer shorts lang ang suot kung kaya’t napasigaw ako dahilan upang malaglag siya sa kama ko.
Napatakip naman ako ng mga mata ko gamit ang dalawang kamay ko.
“Case! I’m sorry, magpapaliwanag ako.”
“Just– Just put your clothes on and get out, Ninong!”
“Okay. I’m sorry. Fuck!” asik niya na ginawa nalang ang sinabi ko at pinulot ang t-shirt niya at saka lumabas ng kwarto ko.
Nagulat talaga ako dahil kitang-kita ko ang malapad at six pack abs niya at ang malaki at galit na galit niyang burat na bumabakat sa kanyang boxer short.
Lord naman! Ang aga-aga bakit mo ako hinahainan ng ganong almusal? Nakakaloka! Ang sarap pero bawal! Kainis!
Kaagad akong nagbihis upang pumasok na sa opisina. Bahala si Ninong dyan, aalis na ako dahil kailangan ko pang mag-prepare para sa meeting ngayong umaga.
“Kuya Javier, tara na po.” pag-aaya ko sa driver ko.
Noong bago palang ako dito sa hacienda ay binigyan na kaagad ako ni ninong ng kotse ngunit nag-hire siya ng driver para sa akin at iyon ay si kuya Javier. Kung hindi ako nagkakamali ay matagal na rin si kuya Javier dito sa Hacienda at driver siya ng mga magulang ni Ninong Jonas.
Habang bumabyahe kami ay napatingin naman sa akin si kuya Javier.
“Ma’am kamukhang kamukha niyo po talaga ang nanay ninyo, eh parang si Ma’am Katrina ho ang kasama ko.” saad niya.
Nagulat naman ako dahil ngayon niya lang nasabi iyon.
“Kilala niyo ho mommy ko?”
“Aba’y oo naman, matagal na tumira dito si Ma’am Katrina at pamilya na ang turing sa kanya ng mga Del Riego.”
“Talaga ho?”
“Hindi mo natatanong eh kababata ni Jonas ang nanay mo.”
“Ah ganon ho ba.”
“Kaya nga lang eh sayang dahil maagang kinuha si ma’am Katrina.”
“Oo nga po eh, nakakalungkot pero… kailangan tuloy lang ang buhay.”
“Manang-mana rin ho kayo sa nanay ninyo. Malakas ang loob at may paninindigan. Ganyan din si ma’am Katrina.”
“Mabait po ba si mommy, Kuya Javier?” tanong ko dahil bata palang ako nang mamatay si mommy at hindi kami nagkakilala ng lubusan.
“Oo naman. Malambing na bata si ma’am Katrina at mapagmahal. Maalaga din siya sa amin at hindi niya kami itinuring na iba kahit na trabahador lang kami dito sa Mansyon. Pamilya ang tingin niya sa amin at sa tingin ko ay napalaki ho kayo ng maayos ni maam dahil ganon din po kayo sa amin.”
Napangiti ako sa sinabi ni kuya Javier.
May mga bagay pa rin akong hindi alam tungkol sa nakaraan ng mga magulang ko at sa tingin ko ay dito ko iyon malalaman sa Hacienda Del Riego.
Ang buong akala ko ay si daddy ang may malalim na kaugnayan sa mga Del Riego nagkamali ako. Si mommy pala dahil ang sabi ni kuya Javier ay matagal na tumira dito si mommy.
Bakit siya tumira dito sa Hacienda Del Riego? Anong meron sa lugar na ito?
***
DEL RIEGO GROUP OF COMPANIES
Abala na kaming lahat dahil ngayon isasagawa ang meeting sa isang project namin sa Tagaytay. Isang malaking condominium iyon kung kaya’t kailangan na naming mag-usap-usap para sa design, costing at yung mga bibilhing materyales, pati na rin ang labor ng mga manggagawa sa nasabing establishment.
“Cassandra, explain please.” utos ni Ninong Jonas.
Teka, hindi ba’t trabaho niya iyon bakit sa akin niya pinapagawa?! nakakahiya sa mga kliyente baka magkamali ako!
“A-ako po?” tanong ko habang tinuturo ang sarili ko.“Yes, you. Alam mo naman siguro ang project diba? At ikaw rin ang gumawa ng mga slides na yan sa presentation so, you explain.”
Wala na akong nagawa kundi sundin ang utos ni Ninong Jonas kahit na kinakabahan ako. Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa harap.
Wow. Lahat sila nakatingin sa akin.
“Good morning, everyone. Uhm, so let’s start. As you all know dahil sa machineries natin ay mas bumilis ang mga nagagawa nating projects. Meron din tayong sapat na manpower kaya wala na tayong problema doon and about po sa gastos Mr. De Villa, we made sure na quality materials po ang gamit namin baka kasi mag reklamo kayo kung bakit mahal it’s because galing pa po sa US ang ibang materials and kung may mga posibleng aberya naman po siguro dahil lang sa weather dahil kung maulan po automatic na cancel yung buhos.” simpleng paliwanag ko sa kliyente.
“We also do oculars and site visits from time to time at ako mismo ang nagche-check nyan Mr. De Villa. Mabilis at skilled din talaga ang mga workers namin.” dagdag pa ni Ninong Jonas.
“I know kaya nga sayo ako lumapit para sa bagong negosyong itatayo ko eh.”
“Magsisimula na kaming mag-ocular tomorrow. I hope makapunta kayo.”
“Yes Jonas, ako mismo ang pupunta. I also like to hear your plans about this project.”
“Very well. Congratulations on your new investment and business Mr. De Villa, we will make sure that we will do our best.”
“Looking forward to that Jonas, congratulations also on the closed deal.” saad nila na nagsitayo na at nakipag shake-hands sa isa’t-isa.
Nagkapirmahan na rin at nag picture taking kami. Kinakabahan talaga ako kanina. Buti nalang ay binack-upan ako ni Ninong Jonas dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Halos ma-tanga na ako sa harapan habang siya ay chill lang na nakaupo.
Nag-ayos na ako ng mga gamit dahil palabas na sila ng meeting room. Akmang palabas na rin ako nang makabangga ko si Ninong Jonas sa pinto. Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.
“Ang galing mo kanina ah, na-close natin yung deal. Mr. De Villa is a very meticulous person pero nakikinig siya sayo kanina habang nag e-explain ka. Anong gusto mo mamaya?”
“Ikaw– este ikaw ba Ninong, anong gusto mo?” nadudulas na naman ako, ano ba!
“Mamaya, pag-usapan natin.” saad niya na hindi pa rin mapawi ang ngiti. Good mood ang walang hiya! Porket nakahalik siya sa akin kagabi.
Ako naman ‘tong baliw baliw na hindi sinasaway si ninong sa ginagawa niya. It’s considered rape pero… rape bang matatawag iyon kung gusto ko din siya at nasa legal age na ako?
REESE It was a garden wedding here at Casa Joaquin. Pinagbihis na nila kami kaagad dahil naghihintay na ang judge na magkakasal sa amin. At dahil pinlano ko nga ito ay naka-ready na ang lahat at kami na lang ni Paco ang kulang. agad na siyang pumwesto sa gilid sa harap ng altar habang ako naman ay nasa entrance na kasama si daddy. “Reese, anak, basta ah, pag sinaktan ka ng lokong yan, magsabi ka lang sa akin, may kalalagyan yan!” “Dad naman eh… akala ko ba boto ka kay Paco?” “Eh paano ba naman, wala sa usapan namin na buntisin ka niya, nagulat na lang ako nang sabihin sa akin ni Jonas.” “Sorry daddy, basta biglaan lang talaga nangyari eh… are you disappointed?” “Hindi naman… nasa tamang edad ka naman na eh at saka… ganyan lang din kami nagsimula ng mommy mo, bigla lang kayong dumating sa buhay namin kaya lang itong si Paco, seventeen ka pa lang non, nagpaalam na yan sa akin… eh akala ko biro-biro lang dahil mga bata pa kayo noon eh… tototohanin pala niya at.. sa tingin
PACO Nang makarating kami ng Maynila ay tila hindi na mapakali si Reese. Hindi ko naman masabi na excited siya pero parang may problema siya. Parang kinakabahan na ewan. “Paco, sa Casa Joaquin tayo ah…” “Casa Joaquin? diba hindi naman kayo doon nakatira sa lolo mo?” “Oo, pero gusto ko doon mo ako ihatid at saka… nakausap ko na si daddy, nandoon sila.” “Okay,” Sinunod ko ang sinabi niya at doon kami sa Casa Joaquin pumunta. Inihinto ko na ang kotse sa tapat. Damn, I miss this place. Medyo malawak din ang kalsada doon kung kaya't kailangan pa naming tumawid para makapunta sa Hacienda. Napakalaki at napakalawak. “Nandito na tayo.” “Sige, bababa na ako.” “Teka, wala ka man lang bang sasabihin sa akin?” tanong ko. “Meron… marami pero… gusto ko malayo ka sa akin kaya pwede bang ako lang muna ang tatawid?” “Huh? bakit pa gusto mo malayo ako? nandito na nga ako, magkalapit na nga tayo eh, paano ko maririnig iyon kung malayo ako?” “Maririnig mo yan kasi… sisigaw ako.”
REESE “Paco, naiihi ako ulit…” saad ko na kinalabit siya ng mahina. “Huh? eh nakadaan na tayo ng stop-over eh, hindi ka ba umihi doon?” “Umihi…” “Oh, eh bakit naiihi ka na naman?” “Eh anong gagawin ko? binabalisawsaw ako at saka… nahihilo ako.” “Eh damuhan ulit dito eh..” “Ihinto mo ulit…” saad ko at ginawa niya naman. Paglabas ko ng kotse ay hindi ko na napigilang wag masuka. Hinagod-hagod naman ni Paco ang likod ko at napatingin ako sa hawak niya, may naka-ready siyang mineral water at inabot niya sa akin. “Hindi ka naman sukahin sa byahe ah, bakit nagsusuka ka ngayon? normal ba yan?” “Oo…” (sa buntis) natuwa ako sa isiping iyon ngunit masama talaga ang pakiramdam ko. This must be morning sickness. Hindi ko naman pwedeng sabihin pa kay Paco ngayon dahil baka hindi kami makabalik ng Maynila. Kailangan ko munang tiisin sa ngayon, at saka dapat ay humarap muna siya sa pamilya ko bago ko siya pakasalanan. Binuntis niya na ako eh… wala naman ‘to sa plano eh pero dumat
PACO Nagising ako na ako na lang mag-isa ang nasa kama at pagtingin ko ay nakabihis na si Reese. She was wearing a white maxi dress. Ang ganda niya, damn it! pero… parang napakabigat bumangon dahil aalis na siya. Naihanda niya na ang mga maleta at gamit niya. “Good morning.” bati niya na may matamis na ngiti. Napakamot naman ako ng ulo dahil mukhang good mood siya ngayon. Dahil ba ihahatid ko na siya sa Maynila? Bagama't malungkot at hirap ay bumangon ako at nagbihis para sa kanya. Babalik na naman ako ng Maynila pagkatapos ng sampung taon. Ano ba ‘to? parang maisip ko pa lang ay ayoko na kaagad. Pagkatapos kong maligo ay nag shave ako ng balbas at inayos ang buhok ko. Nagsuot ako ng business suit dahil gusto ko naman na maayos ako kapag haharap ako kay Mr. Dela Vega kung kaya't nagbihis talaga ako. Habang nag-aayos ako ng buhok ko at naglalagay ng wax ay napatingin ako doon sa engagement ring na binigay ko kay Reese na ibinalik niya. “Paco, okay ka na? tara na!” masayan
PACO TWO WEEKS LATER… Gumaling na ang binti ni Reese at nakakalakad na talaga siya. Sinulit niya ang tatlong araw sa paglilibot sa Hacienda Del Riego kasama ako ngunit hindi na ako umaasang magkakabalikan pa kami. Okay na ako. Natanggap ko na. May mga bagay talaga na kailangan mong pakawalan para hindi ka na masaktan at para hindi ka na rin makasakit pa. Kausap ko ngayon sa phone si Daddy. Gabi na dito sa Mansyon at umaga naman doon sa US. “Ano? Ang labo mo naman, akala ko ikakasal ka na, bakit biglang hindi natuloy? Ano bang problema ninyo ni Reese?” “Ayaw na ngani, magpakasal ngani, ano gagawin ko, Dad? Pilitin ko ba?” “Bakit ayaw? Baka naman kasi may ginawa kang damuho ka!” “Wala ah, ang bait bait ko eh, hayaan na lang natin kung ayaw at saka diba ang turo mo sa akin pakawalan ko, pag sayo edi sayo, pag hindi edi hindi.” “Gago! oo sinabi ko nga iyon pero hindi ko sinabi na sukuan mo kaagad! loko! kung sinukuan ko kaagad ang mommy mo naku, sigurado ako wala ka! ah basta,
REESE Simula nang ma-injured ako ay wala na akong magawa kundi umiyak lang ng umiyak. Masakit ang katawan ko, lalo na ang paa ko ngunit ang tingin sa akin ni Paco ay alagain at hindi na bisita sa Mansyon ng mga Del Riego. Hindi siya umaalis sa tabi ko ngunit ramdam ko rin ang tahimik niyang pang-uuyam. Halatang ayaw niya akong alagaan, at parang unti-unting hindi niya na ako mahal. Wala na ang kislap ng mga mata niya tuwing titignan ko siya. Hindi na ako espesyal sa kanya katulad ng dati. Inaasikaso niya lang ako dahil kailangan parang robot na walang pakiramdam. Isang araw ay nagmadali akong sumampa sa wheelchair dahil ihing-ihi na ako. Kanina ko pa pinapatunog ang bell na binigay niya sa akin ngunit walang kahit sinong pumupunta kung kaya't sinikap kong makarating sa wheelchair. Maya-maya ay dumating na si Paco. “Oh, anong gagawin mo?” natatarantang tanong niya at humarap sa akin. “CR lang…” saad ko ngunit naramdaman ko ng hindi na ako umabot sa bathroom kung kaya't naiya







