LOGINDinala ako ni Ninong Jonas sa ice cream house pagkatapos ng trabaho namin dahil babawi nga daw siya sa akin ngunit ayoko doon. Pwede naman kami sa Bar at uminom bakit dito pa?
“What am I? Twelve?! Bakit dito mo ako dinala, Ninong?”
“Cassandra, I thought you like mint chocolate ice cream.” saad niya na kumakain ng vanilla flavored ice cream.
“Yes but I prefer it on some other days.”
“Ano bang gusto mo? Pag tinatanong kita palagi mong sinasabi ako bahala.”
“You don't know what a lady wants paano ka magkaka-girlfriend nyan?!” asik ko sa kanya.
“Bakit pati lovelife ko nasama? Hindi na ako natutuwa sayo, Cassandra!” asik niya habang nilalantakan yung ice cream.
“I want wine. I want martini!”
“You can have it. Basta doon lang sa Mansyon.”
“What?! Balak mo ba akong gawing preso?!”
“Iniingatan lang kita, kita mong namatay nga ang daddy mo eh.”
“Nagpakamatay siya hindi pinatay.”
“Iyon na nga! And I hate Daniel for doing that!”
“Umuwi na nga lang tayo! Ayoko ng pag-usapan yan. ” saad ko na nag-aya ng umuwi.
“Wait lang, kumakain pa ako.” saad niya na sarap na sarao doon sa ice cream.
Sa tingin ko siya talaga ang nagcrave kaya dito niya ako dinala.
“Nga pala, may ocular visit tayo bukas sa Tagaytay kaya mag ready ka ng gamit mo pang staycation. 4:00 am aalis tayo.”
“Eh ilang araw tayo doon, Ninong?”
“Ewan, two or three days. Depende. Kasama naman natin yung mga nagco-construction sila kuya Richard.”
“Ah okay.”
“At saka kung gusto mo ng pasyal iyon talaga ang pasyal.”
“Sige.”
“Tara na!” saad niya na tumayo na nang maubos niya yung ice cream niya.
Nang makauwi kami ay nagshower ako at nagpalit na ako ng pantulog. Nagsuot lang ako ng ternong black silk na sando at short at saka bumaba. Nakarolyo pa ang twalya sa buhok ko dahil basa pa. Hawak-hawak ko naman ang mini fan at hairbrush ko.
Pagbaba ko naman ay naabutan kong nanunuod si Ninong Jonas ng TV sa sala kung kaya’t bumalik ako ulit sa kwarto at kinuha yung lotion ko para magpapansin sa kanya.
Bumaba ako ulit at tumabi kay Ninong.
“Anong pinapanuod mo, Ninong?” tanong ko na tinanggal ang rolyo ng twalya sa buhok ko at sinimulang buksan ang mini fan para tuyuin ang buhok ko.
“Basketball.” bored niyang sagot kung kaya’t sinimulan ko na yung kalokohan ko.
Naglagay ako ng lotion sa kamay ko at ipinahid sa makinis kong hita. Gaya ng inaasahan ay napatingin siya sa akin. Tingin ng pagnanasa.
Yan, dyan ka magaling Ninong, sa kamanyakan. Pagpatuloy mo lang, gusto ko yan.
“Wala ka bang kwarto? Bakit dito ka nag-gaganyan?” tanong niya ngunit tinataas niya yung t-shirt niya at ipinapang-paypay iyon.
Marahil ay nag-iinit siya sa ginagawa ko.
“Eh gusto ko manuod eh.” palusot ko ngunit binigay niya sa akin yung remote at umalis.
Lihim akong napangiti. Iniiwasan niya talaga ako pero hindi ko kayang palagpasin ang nakita kong ginagawa niya sa pictures ko.
Sinundan ko siya dahil paakyat na siya sa kwarto niya. Nagkubli ako sa may gilid ng pinto at sinilip siya. Nakahiga na siya ngayon ngunit may kinuha siya sa ilalim ng unan niya at nang makita ko iyon ay pictures ko na naman.
Gaano karaming pictures ko ang meron siya?! Those pictures, nakuha niya siguro iyon sa social media accounts ko na naka-public.
Maya-maya ay may tumawag sa cellphone niya at kaagad niya namang sinagot iyon.
“Oh Harvey, balita?” tanong niya na ni-loud speaker ang cellphone dahil balak nilang mag videocall.
Harvey? si Ninong Harvey. Kausap niya si Ninong Harvey.
“Kamusta naman dyan si Cassandra sa poder mo?”
“Okay naman kami, bakit?”
“Eh ikaw? kamusta ka?” tanong ni Ninong Harvey ngunit napangiti lang si Ninong Jonas at umiling-iling.
“Pare naman, hanggang kailan mo ba itatago ang pagnanasa mo dyan kay Cassandra? at saka ikaw si Jonas Del Riego, kayang-kaya mo siyang kunin ng isang iglap lang and besides, patay na si Daniel.”
Damn it. Alam din pala ni Ninong Harvey?!
“Iyon na nga eh, patay na si Daniel. Syempre, ayoko naman na matakot sa akin yung bata.”
“Jonas, alam natin pareho na hindi na bata si Cassandra at saka… nung eighteen pa nga lang siya pinagnanasaan mo na siya eh, hindi ba?”
Eighteen?! ganon katagal niya na akong gusto?!
“Basta, hayaan mo na akong dumiskarte, dadating din tayo dyan. Sa ngayon, hinay-hinay lang muna kasi masakit pa para kay Cassandra ang lahat. Kamamatay lang ni Daniel.”
“Sabagay, pero ang sinasabi ko lang, kesa naman mapunta siya sa kung sino eh… sayo nalang. In that way, masisiguro din namin yung safety ni Cassandra.”
“Baka kasi matakot sa akin si Cassandra eh baka biglang umalis iyon dito at mag-impake pabalik ng Maynila kaya… dinadahan-dahan ko lang.”
“Eh ikaw, diskarte mo yan.”
“Ako na bahala kay Cassandra.”
“Sige, sabi mo eh basta wag mo lang sasaktan,”
“Nananakit ba ako ng babae, Pare?”
“Oo. Nangyari na kay Katrina noon, so please, wag na wag. Wag na wag mong uulitin kay Cassandra ngayon.”
“Hindi. Pangako yan.”
Sinaktan ni Ninong Jonas si mommy noon? Paano? physically ba or mentally? Kailangan kong malaman.
“Oh siya sige na, napatawag lang ako, magpapahinga na ako at gabi na.”
“Sige, bye.”
Nang matapos ang tawag ay bumuntong hininga nalang ako at lumakad na paalis. Pumunta na ako sa kwarto ko at kinuha ang maleta ko.
Ngayon ko na ihahanda ang mga gamit ko para sa ocular visit namin bukas para pag gising ko ay magbibihis at aalis nalang kami.
KINABUKASAN ay maaga akong kinatok ni Ninong Jonas.
“Case! Gising na!” sigaw niya at sunod-sunod na malalakas na katok ang ginawa niya sa pinto ng kwarto ko.
“Opo Ninong, magbibihis na ako!” sigaw ko dahil alam kong hindi niya ako tatantanan kapag hindi pa ako sumagot.
Ang aga-aga madaling araw pa lang may regla na naman siya.
Nagmadali na akong magbihis, hindi ko nga alam kung nakapag toothbrush ba ako ng maayos eh. Naglalagay na ako ng make-up nang kumatok na naman siya.
Itong Ninong ko na ‘to makuit!
“Case, ano ba?!”
“Opo Ninong, wait lang!”
Siya lang ang tumatawag sa akin ng “Case” hindi ko alam kung bakit may sarili akong nickname sa kanya.
Alak na alak yata siya at kailangan niya ng isang “case” ng katas ko. Shocks! ano ba ‘tong naiisip ko? nababaliw na ata ako!
Nang makalabas ako ay nasilip ko siya sa kwarto niya na nagkukumahog.
“Okay na ako Ninong, tara na!” pagbawi ko sa kanya dahil kanina niya pa ako minamadali tapos siya pala itong hindi pa ready.
“Maghintay ka na doon sa kotse, sige na.” saad niya na palakad-lakad habang hinahanda ang mga gamit niya at halatang hindi pa siya nakakaligo o nakakapagbihis.
Bumuntong hininga na lang ako at kinuha yung maleta niya.
“Sige na, Ninong maligo ka na, ako na dito.” saad ko na inako na yung pag-aayos ng gamit niya tutal personal assistant kuno niya naman ako edi ako na ang gagawa nito.
“Madali ng madali sa akin siya pala itong hindi pa nakahanda hays, sana inayos niya na kasi kagabi eh, kung kailan aalis tss!” bulong ko sa sarili ko ngunit bigla siyang nagsalita.
“Ano?!”
“Ah-eh wala po Ninong.” ngumiti ako sa kanya habang fino-fold yung mga damit niyang gagamitin.
Nakita ko pa ang isang polo at coat niya na gusot gusot kung kaya't ini-steam ko pa. Hindi pwedeng gusot ito lalo na’t haharap siya sa mga kliyente namin mamaya baka sabihin eh ang yaman-yaman niya tapos gusot ang business suit niya.
Inihanda ko na iyon para kung sakaling magbihis siya sa kotse ay okay na.
PACO Kakamot-kamot ako ng ulo dahil kasama naming maglibot-libot sa bayan si Nikita. Hawak ko ang kamay niya ngayon at naglalakad kami sa may tiangge. “Dapat iwan ka na lang eh, bakit ka pa sumama?” tanong ko sa kanya. “Tito Pogi naman eh! sige ka, monster ka na, hindi ka na pogi!” inis na saad niya, nakikita ko sa kanya si Tita Manika kapag nagsusungit kaya natatawa ako. Half-half talaga ang ugali at hitsura niya sa mga magulang niya. “Ayos lang naman na kasama natin siya, atleast hindi ako mabo-bored sayo.” saad naman ni Reese. “Hindi ako boring, ano! ikaw lang nagsasabi niyan.” saad ko sa kanya ngunit gusto ko siyang nakikitang nakangiti kagaya ngayon kaya okay na din kahit pa ang dahilan ng mga ngiti na iyon ay ang pang-aasar sa akin. Reese has been so lonely for so long dahil sa pagkamatay ng lolo Joaquin niya. I want to make her the happiest girl in the world ngayong nandito siya sa poder ko. Wala siyang ka-alam-alam na matagal ko ng hiningi sa mga magulang niya
PACO “Ano? gusto mo labas na tayo ngayon?” tanong ko sa kanya dahil nakabusangot pa rin siya. Kahit kailan talaga ang babaeng ‘to! akala mo laging pinaglihi sa sama ng loob! “Mamayang hapon na lang.” saad niya. Maya-maya ay nakarinig naman ako ng mga maliliit na yabag ng paa. “Tito Pogi, Tito Pogi!” saad ni Nikita na iniluwa ng pinto at nagulat ngunit natuwa siya nang makita niya si Reese. “Oh, Nikita, gising ka na pala, Prinsesa ko!” bati ko sa kanya. “Tito Pogi, she's gorgeous!” saad ni Nikita. “Thank you, Sweetie, anong pangalan mo?” tanong ni Reese na nakikipagkilala sa bata. “Nikita po. Ano pong pangalan niyo?” tanong ng bata kay Reese. “My name is Reese Dela Vega.” “Anak ko siya sa pagka-binata.” nakangiting pakilala ko ngunit sumimangot si Reese at mukhang hindi natuwa sa biro ko. “Joke lang, anak siya ni kuya Sanjo.” paliwanag ko. “Oh? ang laki na pala niya.” “Yeah, she's nine years old.” “Tito Pogi, siya na ba yung bride mo?!” Napa-facepalm nalang
REESE Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Nasaan ba ako? Luminga-linga ako sa paligid at wala talaga akong alam kung nasaan ako. Nakaposas ang dalawang kamay ko sa headboard at ang mga paa ko naman ay naka-kadena. Pilit akong nagpupumiglas ngunit hindi ko matanggal iyon. Maya-maya ay may nagsalita. “Don’t hurt yourself, Reese.” napalingon ako at pagtingin ko ay si Paco. Nakatayo siya sa likod ng pinto at nakapamulsa. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko nang makita ko siya. “You fucking psycho! Anong ginawa mo sa akin?!” “Psycho agad?! Wala pa nga akong ginagawa eh!” “Pakawalan mo ako dito!” “Oh yes, Reese, I’m a psycho. Atleast, I don’t have protective parents like your dad.” saad niya na itinaas ang cellphone niya. “This is kidnapping! Pakawalan mo ako dito! Hindi mo hawak ang buhay ko!” galit na saad ko. “Kakatawag lang sa akin ni tito Joaquin at ang sabi niya ay dito ka daw mag-iistay. Akala mo ba hindi ko alam na nag-rent ka ng transient? Pagm
REESE“No, Mr. Del Riego, sinasabi ko na nga ba, sinasayang ko lang ang oras ko dito. Aalis na ako. Tutal wala ka namang balak seryosohin ang interview na ‘to.” saad ko at kinuha ang bag ko at ang thesis journal ni Madeleine. “I’m not joking around Reese, ano bang problema mo? Iinterviewhin mo ako tapos hindi ka maniniwala sa sinasabi ko? What the actual fuck?!” sumabog na siya sa inis. “But I already told you, sa simula palang ng interview natin ay sinabi ko na, na labas ang personal matters natin!” “That’s why I told you to turn off your damn recorder!” “You know what?! Forget it! Kalimutan mo ng ininterview kita! And I’m not gonna marry you, Paco!” saad ko at lumabas na ng study room niya sa Mansion ng mga Del Riego. Nagdire-diretso nalang akong umalis dahil sinasayang lang talaga ng Paco na iyon ang oras ko. Wala akong balak makipaglaro sa kanya dahil kailangan ng kapatid ko ang thesis na ‘to para maka-graduate siya ng college. Tandang-tanda ko pa ang pag-uusap namin ng gabin
PACO They said that if you love someone, set them free. If they come back, they're yours; but if they don't then they're never were. Pero para sa akin, kung mahal mo, ipaglaban mo hanggang sa makulitan ang tadhana. Hanggang sa itulot Niya, hanggang sa ibigay. After all, you only lived once so might as well, do some crazy things for love. *** “What would you like to know about me? I’m all ears, Ms. Reese Dela Vega.” saad ko kay Reese dahil ngayon ang itinalaga niyang schedule ng interview sa akin. Wala kasi si kuya na ninong niya nasa US sila ni Tita Manika at iniwan lang nila sa akin si Nikita kaya wala siyang choice. Ako lang ang nandito at pamangkin ko. Si mommy at daddy naman ay nasa US din kasama nila sila kambal at ang utos lang sa akin ni kuya ay entertain-in ko daw siya kaya heto ang ginagawa ko ngayon. “Okay, uhm, before we start, gusto kong malaman mo na ginagawa ko lang ‘to dahil sa bunso kong kapatid Mr. Del Riego. This is her thesis at labas ang personal issues nat
MANIKANang matapos ang masayang gabi ay nagpaalam na kami para sa honeymoon namin ni Sanjo. Ang vacation trip na iyon ay all expense paid exclusive para sa honeymoon namin. Iyon ang wedding gift sa amin ni Ate Cassandra at Tito Jonas “Wait! Manika! Wear this tonight!” saad ni mommy Katrina at inabot sa akin ang isang box. “Ano ‘to?! Mommy?” tatawa-tawang tanong ko dahil panigurado ay lingerie set na naman ito. “Secret!” saad ni mommy at kumindat sa akin. “Oh, bigyan mo ako ulit ng apo, Sanjo ah! Kulang pa ‘tong isa! Ang ganda-ganda nito, bigyan mo naman ako ng gwapo!” saad naman ni Tito Jonas na buhat-buhat si Nikita. Lumapit ako sa kanila ni Ate Cassandra at tumingin kay Nikita. “Ate, vitamins niya ah saka yung mga nilalagay ko sa kanya bago matulog at sak–”“Manika, it’s alright! Don’t worry about Nikita! Akong bahala sa apo ko, basta kayo ni Sanjo mag enjoy lang kayo, okay?” “Thank you Ate! You’re the best!”“Sige na, hinihintay na kayo doon!” saad pa niya. “Bye, ingat kayo







