Share

Chapter 73

Author: Diane Ruiz
last update Last Updated: 2025-08-28 04:10:59

CASSANDRA

Nang makauwi kami ni Serafina sa Mansyon ng mga Zobel ay naabutan namin si Giovanni na nakaupo lang sa sala at animo'y malalim ang iniisip nhunit hindi iyon alintana ni Serafina at nilapitan si Giovanni.

Umupo si Serafina sa kandungan niya at ipinakita yung mga pinamili niyang damit ng mga baby. Inaya na naman kasi ako ni Serafina para mag shopping.

“Love, tignan mo ‘tong nabili ko, ang cute! bagay na bagay ‘to sa little Giovanni ko.” saad ni Serafina na hinimas pa ang bilugan niyang tiyan.

“Little Giovanni? is that a… boy?” tanong ko kay Serafina.

“Yes, Cassandra. Hinihiling ko nga na sana babae naman yung baby mo eh para pag arrange marriage natin sila!” saad ni Serafina na natawa.

Napatingin naman ako sa sinapupunan ko at hinawakan iyon. Lumalaki na ang anak namin ni Ninong Jonas sa loob ng tiyan ko.

“Oh, biglang sumakit.” saad ni Serafina.

“Maybe you should get some rest, Love.” saad naman ni Giovanni na puno ng lambing. Malamlam siyang tumingin kay Serafina na pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Sorry ka nalng jonas ayaw ka makita ni Cassandra 🥲
goodnovel comment avatar
Teresa Degoro
wla cla chance magbalikan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • NINONG JONAS (SPG)   Chapter 85

    CASSANDRA“Kuya, kailangan pa ba talaga ‘to?” tanong ko kay kuya dahil nagpapawis na ang mga palad ko. Nasa malawak na garden kami ng Mansyon dahil dito gustong ganapin ni kuya Giovanni ang event.“Oo naman Diana, come on, you’re the Heir of the Zobel Group kaya dapat lang kilala ka nila.”“Eh kinakabahan kasi ako kuya eh… parang ang dami-daming tao at saka may mga press people, may media.” “Diana, masasanay ka din, ito talaga ang tunay na mundo mo dahil isa kang Zobel. Wag kang mag-alala nandito naman ako eh, kami ni Serafina at saka yung ibang mga bisita ay matatagal ng business partners ni dad at excited sila na makilala ka, malay mo makahanap ka ng matinong lalaki ngayong gabi. Puro mga bigating negosyante at mga pulitiko ang nandito.”“Kuya naman, may anak na ako. Hindi na ako interesado sa pakikipagrelasyon.” “Wag mo naman isara ang mga pinto mo Diana, malay mo, merong isang matinong lalaki dyan, yung tatanggapin ka ng buong-buo pati na rin ang anak mo.” “Eh basta kuya, wala

  • NINONG JONAS (SPG)   Chapter 84

    JONAS“I swear I saw Case! ito kasi ‘tong limang ‘to, pinipigilan ako eh!” saad ko kay Wade dahil kakapasok niya palang ng Dela Vega Corp nang maabutan niya kami da may lobby. “Eh Boss, nag iiskandalo ka na eh, sigaw ka ng sigaw, mali naman iyon.” saad pa ni Stanley na kakamot-kamot ng ulo. Naglalakad na kami ngayon sa may pasilyo papunta sa opisina ni Mr. Joaquin Dela Vega kung saan kami magmi-meeting bago kami mag ocular ni Wade. “Dito lang kayo sa pinto kung magbabantay kayo.” saad ko kila Stanley at sumunod naman sila sa akin at naghintay nga lang sa pinto. “Sino ba yung mga kasama mo?” tanong ni Wade. “Mga dating tauhan ng kapatid ko.” “Wow huh eh.. pero teka, ano namang gagawin ni Cassandra dito?! tingin mo pupunta siya dito?”“Pati ba naman ikaw hindi naniniwala sa akin?! nakita ko nga si Cassandra!” saad ko habang papasok kami ng opisina ni Sir Joaquin. “Nagsasabi siya ng totoo. Nakausap ko si Cassandra.” saad naman ni Sir Joaquin. “Nakausap niyo po si Cassandra?” tano

  • NINONG JONAS (SPG)   Chapter 83

    JONASTuluyan ko ng sinara ang drug cartel na itinayo ni Jhondo at sumama naman kay Siobeh ang karamihan sa mga tauhan niya. Ang mga natirang tauhan ni Jhondo na sumama sa akin ay binigyan ko ng trabaho sa Hacienda habang ang iba naman ay sa construction field at yung limang mokong naman ang sabi nila ay kahit magtrabaho nalang daw sila bilang bodyguard ko kaya wala akong nagawa kundi tanggapin nalang sila. Ewan ko ba kung anong trip ng limang ‘to eh, ayaw akong tantanan. Maya-maya naman ay nag-ring ang cellphone ko at si Wade ang tumatawag. “Ano? Busy ako!” singhal ko sa kanya sa kabilang linya.“Grabe siya oh! Fafa Jonas, ready ka na ba?”“Ready saan?” Mag site visit, ocular dito sa pinapatayo kong Gentleman Suites.” “Teka, ngayon ba iyon?” “Hindi, bukas pa naman, sinasabihan lang kita dahil kailangan mong lumuwas ng Maynila.” “Ano naman kung luluwas ako ng Maynila?”“Eh malay ko ba, baka mamaya mabaliw ka na naman at hanapin mo si Cassandra at hindi ka na naman uuwi dyan sa B

  • NINONG JONAS (SPG)   Chapter 82

    CASSANDRAHindi nagtagal ay bumalik na rin ako sa pagtatrabaho sa office ni kuya Giovanni. Ang sabi niya kasi ay ito talaga ang ginagawa ko. Ipapaalaga ko si Sanjo sa mga kasambahay sa Mansyon ay pagkatapos ay nagta-trabaho ako dito sa kumpanya niya. Kasama ko naman siya dito, bagama’t wala akong masyadong maalala ay sinubukan kong intindihin ang mga bagay-bagay. Ipinaliwanag naman sa akin ni kuya na ako raw ang nagturo sa kanya ng lahat-lahat at tinulungan ko daw siya sa pag-establish nito. Ang Zobel Home na ngayon ay namamayagpag sa larangan ng kitchen mechanisms at accessories dahil puro malalaking kumpanya ang kliyente namin. Ngayon ay nasa opisina lang kami at nagtratrabaho. Isang ordinaryong araw. “Diana, pa-timpla naman ng kape oh. Yung black ah.” utos ni kuya na kaagad ko namang ginawa at nagtimpla. Paghawak ko ng tasa ay biglang may nag flashback sa akin na ala-ala. “Oh, Baby, Coffee break.” Isang lalaking naka-business suit ang nakita ko sa ala-ala ko ngunit hindi ko m

  • NINONG JONAS (SPG)   Chapter 81

    JONASInilibing ko si Jhondo na puno ng paghihinagpis ngunit alam kong hindi ako nag-iisa. Kasama ko si Bernard at si Harvey. “Pre, anong balak mo ngayon?” tanong sa akin ni Harvey.“Balak saan?” tanong ko rin dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya. “Kay Cassandra, hindi ba’t nasabi ni Jhondo na buntis siya nung umalis?” “Hindi ko alam Pare, sa totoo lang. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Nawala siya na parang bula.” saad ko na naihilamos ang palad ko sa mukha ko. Hindi na kasi ako hinayaan ni Wade at ni Bernard na bumalik ng Maynila simula ng inuwi nila ako dito sa Aurora. Tumatapang ang mokong na Bernard na iyon at nakukuha niya na ang ugali ng papa. Siya ang humawak ng lahat ng trabaho ni Case at ang dahilan niya ay para mas malapit daw siya sa akin at dito na rin siya tumira sa Hacienda Del Riego ngunit nasa opisina siya ng mangyari ang ginawang pagpatay ni Jhondo sa sarili niya. “Kuya, sabi ka lang kung anong kailangan mo at saka… alam kong hindi mo pa kayang magt

  • NINONG JONAS (SPG)   Chapter 80

    JONASSa museleo ng pamilya Del Riego isinagawa ang burol ni Jhondo. Ako ang pumili ng susuotin niya. Lahat-lahat. Ang akala ko ay kami-kami lang ang magluluksa ngunit nagulat ako sa pagdating ng mga tauhan niya. Hindi ko alam na napakarami nila. Napuno ng mga naka-itim na business suit ang buong museleo dahil sa kanila. Maaayos naman ang mga hitsura nila ngunit puno ng mga tattoo ang katawan. Naroon si Harvey upang samahan ako. Nakatingin ako ngayon sa kabaong ni Jhondo. Tahimik lang siyang natutulog at hindi na alintana ang kahit anong bagay o kaganapan sa paligid niya. Maya-maya ay lumapit naman si Yaya Milling sa akin. “Sir, naka-ready na po itong pinahalungkat niyong laruan.” saad niya sabay abot sa akin ng action figure na gundam. Dahan-dahan kong binuksan ang kabaong ni Jhondo at inilagay iyon sa gilid, sa may paanan niya at saka ko sinara ulit ang kabaong. “Kailangan ho ba talagang ilagay niyo yan sa kabaong ni Jhondo, Sir?” tanong ni Yaya Milling. “Opo Yaya, paboritong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status