MasukJOYCE LHEXINE
Magkaiba ang oras sa UK at dito sa Pinas kaya naman nag-aadjust pa talaga ako. Nahirapan akong matulog. Kaunti lang ang naging tulog ko. Pero dahil nakapahinga na ako ng kahit na kaunti ay dadalaw na ulit ako sa parents ko. Sobrang lapit lang naman at kaya rin ako hindi umuwi sa bahay dahil ayaw ko na mahirapan sa pagpunta sa kanila. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin talagang improvement sa kanila, tumawag kasi ako sa ospital kanina paggising ko. Ayaw ko naman kumuha ng mag-aalaga sa kanila dahil mas gusto ko na ako na lang. Kaya ko naman at mas gusto ko itong gawin.
Palabas na ako dito sa hotel room ko. Nakasuot lang ako ng jacket na may hoodie. Nakasuot lang rin ako jogger at tsinelas. Hindi ko naman kailangan na magbihis ng maganda dahil doon lang naman ako pupunta. Naghihintay ako sa elevator at nang bumukas ito ay nagulat ako sa mga taong lumabas.
Napaatras ako ng wala sa oras dahil sa mga taong nakasuot ng itim at hindi sila mukhang mga normal na mga tao. Ang dami nila at ako itong hindi na alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Lalo pa at may lumabas na isang lalaki na maangas, may tattoos pero gwapo siya. Nakasuot siya ng black suit na bumagay naman sa kanya.
Nagtagpo ang mga mata namin pero ako rin naman ang unang umiwas sa kanya dahil hindi ko makayanan ang tumingin sa kanya. Bigla na lang kasing nagsitayuan ang mga balahibo ko sa presensya pa lang niya. Lumakas rin ang t*bok ng puso ko dahil sa kaba. Tumabi ako para makadaan sila. Nagpapasalamat ako at nakahinga na rin ako ng maluwag dahil nagpatuloy lang sila sa paglalakad.
Ako naman ay nagmamadali ng pumasok sa loob ng elevator. Nakakatakot kasi sila, sa totoo lang ay para silang mga nababasa ko sa novel. Parang mafia na may mga tauhan. Mabuti na lang talaga at nakaalis ako ng maayos. Nang makalabas na ako ay nagmamadali na akong naglakad papunta sa ospital.
Pagdating ko ay pumasok agad ako sa ICU para kausapin na naman ang parents ko. Ginagawa ko ang mga nababasa ko dahil naresearch ako kung ano ba ang makakatulong sa kanila para mag-response sila ng maayos at baka sakaling gumising na sila. Kung may kapangyarihan lang ako ay ginawa ko na para hindi sila mahirapan ng ganito. Pero tao lang rin kasi ako.
May oras ang bisita kaya lumabas rin ako. Kinausap ako ng doktor na puwede na daw ilipat ang parents ko sa private ward nila kaya naman pumayag na ako. Para naman maalagaan ko sila ng mas maayos. We decided na bukas na lang nila gawin. Gusto ko pa kasing pumili ng room para magkasama na silang dalawa. Gusto ko ng malaking room para puwede ko silang mabantayan talaga at puwede akong matulog dito.
Nang maayos na namin ang lahat ay lumabas na muna ako para kumain. Nagugutom na rin kasi ako. Naghanap ako ng restaurant na malapit lang pero mukhang hindi naman sila nagseserve ng Filipino dishes.. May food naman sa hotel pero ayaw ko lang. Hinahanap ko kasi ang lutong bahay na pagkain. Hindi naman ako maselan kaya naghanap ako ng simple lang na makakainan.
“Dito ka na umupo, ganda,” nakangiti na sabi sa akin ng isang babae.
“Salamat po. Isa pong order ng adobo at isa rin po sa kaldereta,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Ilang rice, ganda?”
“Puwede po ba ang kalahati?”
“Puwede, ganda.”
“Isa at kalahati na lang po,” nakangiti na sabi ko sa kanya.
“Sige, ganda. Dadalhin ko na lang dito,” sabi niya sa akin.
Matatas talaga akong magsalita ng tagalog. Nasa Pilipinas naman ako kaya tagalog talaga ang salita ko. Kapag nasa UK ako ay english rin ang gamit ko. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga orders ko.
“Salamat po,” nakangiti na sabi ko.
“Para sa ‘yo, ganda. Libre na ‘yan,” sabi niya sa akin at nilapag niya ang sisig sa harapan ko.
“Naku, nakakahiya naman po. Okay lang naman po kung babayaran ko.”
“Naku, ‘wag na. Gusto kitang bigyan, ang ganda-ganda mo kasi.”
“Salamat po,” sabi ko sa kanya.
“Kain ka na,” sabi niya sa akin at bumalik na siya sa mga bumibili.
Ako naman ay nagsimula ng kumain. Habang kumakain ako ay bigla kong naalala ang mga luto sa akin ng mama ko. Sobrang na miss ko talaga ang lahat ng mga ginagawa sa akin ng mama ko. Ang lambing niya kasi, tapos kapag pinupuntahan nila ako sa UK ay lagi siyang nagluluto ng ganito. Hindi ko man lang namalayan na napaiyak na pala ako. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko dahil ayaw ko naman na mapansin ako ng mga tao dito.
Nang matapos na akong kumain ay nagbayad na ako. Lumabas na rin agad ako. Bumalik ulit ako sa ospital. Puwede na kasi akong magtagal ngayon dahil sa nakausap ko na ang doktor. Kanina kasi ay hindi pa puwede kaya saglit lang ako.
“Mama, miss ko na po ang mga luto niyong pagkain.”
“Gising na po kayo. Gising na kayo ni papa. Gusto ko na po ulit kayong makasama. Gusto ko po na matikman ang mga niluluto niyo sa akin. Alam niyo po ba na kumain ako kanina sa labas. Tapos bigla ko na lang na naalala ang mga niluluto mo sa akin.”
“Mama, lumaban po kayo para sa akin. Ayaw ko pa pong mawala kayo sa akin. Gusto ko po na makasama ko pa kayong dalawa ni papa. Miss ko na ang mga family travel natin. Mahal na mahal ko po kayo,” umiiyak na kausap ko sa kanilang dalawa dahil ang lungkot talaga.
Sobrang lungkot na nangyayari ang lahat ng ito sa pamilya namin. Parang noong nakaraan lang ay masaya pa kaming nag-uusap. Tapos ngayon ay bigla na lang nagbago ang lahat sa pamilya namin. Nakaratay silang dalawa dito sa ospital, ni hindi ko alam kung gigising pa ba sila? Kung makakasama ko pa sila?
“Joyceia, ‘wag kang mag-isip ng kahit na ano. Dapat ay maging malakas ka, maging matapang ka at positive lang dapat. Gigising sila, makakasama mo sila ulit. Magiging masaya ulit ang pamilya niyo,” kausap ko sa sarili ko.
JOYCE LHEXINE“Good girl, magkakasundo tayo kapag ganito ka lagi,” sabi niya at ginulo niya ang buhok ko.“Don’t touch my hair!” saway ko sa kanya dahil ayaw ko na ginugulo ang buhok ko lalo na kapag lalaki ang gumagawa.“Why? Ayaw mo ba na ginagawa ito sa ‘yo? Boyfriend mo lang ba sa UK ang gusto mong gumawa?” tanong pa talaga niya at nag-assume pa na may boyfriend ako.“Yes, siya lang. Ang boyfriend ko lang ang puwedeng gumawa niyan sa akin. Kaya ‘wag mo ng hahawakan ang buhok ko,” sabi ko at lumayo ako sa kanya.“Hindi na kayo magkikita dahil hindi ka na babalik doon.”“Pupuntahan niya ako dito,” kunwari na sabi ko kahit ang totoo ay wala naman akong boyfriend.“That will never happen,” tiim bagang na sambit niya at hindi ko naman alam kung bakit.“Why? Paano mo na sabi?”“Dahil hindi niya malalaman kung nasaan ka.”“Where’s my phone?” tanong ko sa kanya dahil naalala ko na ang phone ko na nawawala.“Sa akin na muna ang phone mo. Hindi ka puwedeng gumamit ng phone hangga’t hindi ka
JOYCE LHEXINE“Hindi nga ako gutom. Lumabas ka na! Ayaw kitang makita! Galit ako sa ‘yo!” “Magalit ka lang basta kumain ka,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat.“Ano ba?!”“Pinagpapasensyahan pa kita ha. ‘Wag mong ubusin ang lahat ng pagtitimpi ko sa ‘yo!”“Bakit? Ano ang gagawin mo? Ano?!”“Gusto mong malaman? Ipapakita ko sa ‘yo,” tanong niya sa akin at ihinagis ako pabalik sa kama ko.“A–Ano ang ginagawa mo?” nauutal na tanong ko rin sa kanya dahil lumalapit siya sa akin.“Sa tingin mo ba talaga ay may pakialam ako sa ‘yo kung hindi dahil sa mga magulang mo?”“Wala na sila kaya hindi na kailangan na mangialam sa akin. Pinilit mo na nga akong tumira dito pati ba naman sa ibang bagay ay pipilitin mo rin ako. ‘Wag mo ng dagdagan ang galit na nararamdaman ko para sa ‘yo!”“Ikaw pa talaga ang may ganang magalit sa akin,” malamig na sabi niya kaya masamang tingin rin ang ibinalik ko sa kanya.“Oo, dahil sa mga ginagawa mo sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan
JOYCE LHEXINE“Mamili ka, kalayaan mo o buhay nila? Pumili ka lang ng isa at ibibigay ko sa ‘yo,” tanong niya sa akin.“Bakit kailangan kong mamili? Bakit?!” sigaw ko sa kanya.“Dahil gano’n ang buhay. Hindi naman puwedeng pumabor na lang ang lahat sa ‘yo,” sagot niya sa akin kaya mas lalong tumitindi ang galit ko sa kanya.“You’re a heartless man! Ang sama mo!”“Wala silang kasalanan. Ako, ako ang parusahan mo at hayaan mo sila! Gusto mo silang b*rilin? Ako, ako ang bar*lin mo!” sigaw ko sa kanya na halatang nagulat silang lahat.“Boss, kasalanan ko po. Ako ang may kasalanan kaya ako na lang ang parusahan mo,” sabi ni Kuya Leon kaya naman ihinarang ko ang sarili ko para kay kuya.Naging mabait siya sa akin kaya naman hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya. Tumingin ako sa ninong ko at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.“You’re protecting him?”“Dahil wala siyang kasalanan. Ako ang tumakas, ako at wala silang alam,” sabi ko sa kanya.“It’s same for me, kasalanan pa rin niya
JOYCE LHEXINE“K–Kilala mo po ba ako?” kinakabahan at nauutal na tanong ko sa kanya.“Wala ka ng takas sa akin…..”“Po?” nagtataka na tingin ko sa kanya.“Sa ka sa tingin mo pupunta?”“Baka po nagkakamali lang kayo. Hindi po kita kilala, I’m sorry po kung nabangga kita,” sabi ko sa kanya at siya itong nakatingin sa akin.“What’s your name?” tanong niya sa akin.“Bakit po? Bakit mo tinatanong? Ipapakulong mo ba ako? Kasalanan na ba ngayon ang makabangga ng tao na hindi naman sinasadya?” tanong ko sa kanya at hindi ko alam kung ngumiti ba siya sa akin kasi tumaas ang isang sulok ng labi niya.“Bakit, bawal na bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya sa akin.“Hindi naman po, pero kasi bitawan mo na po ang kamay ko. Kailangan ko na po kasing umalis, hindi po kita kilala at nagsorry na po ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.“Hindi mo ba ako kilala?”“Hindi po?”“Ikaw lang yata ang hindi nakakakilala sa akin, Joyceia,” sabi niya na naging dahilan para magulat ako.“Hindi po ako si Joyceia,” sa
JOYCE LHEXINE“Joyceia, ang Ninong Atlass mo na ngayon ang magiging guardian mo.”“Bakit po?”“Sa kanya ka ihinabilin ng parents mo. Kasama sa will and testament nila na kapag nawala sila ay mapupunta ka sa ninong mo. Siya na ang magiging guardian mo,” sabi niya sa akin.“Paano po kung ayaw ko?”“Mapupunta ang lahat ng mayroon ka sa ninong mo dahil siya ang mamamahala ng mga iniwan ng parents mo.”“Pero hindi ko po siya kilala? Paano po kung ayaw niya sa akin? Ano po ang gagawin ko, attorney?”“Magkakasundo kayo, sure ako sa bagay na ‘yan.”“Ano po ba ang ninong ko? Bakit po marami siyang tauhan? Ano po ang ginagawa niya sa buhay? Businessman rin po ba siya tulad ni papa?”“Ang ninong mo ay….”“Ay ano po?”“Ang ninong mo ay isang mafia. Isa sa pinakabatang mafia dito sa bansa, lumaki siya sa ibang bansa. At ngayon ay narito na siya sa Pilipinas. Siya na ang pumalit sa ama niya.”“Mafia? So, ang ibig pong sabihin ay–”“Joyceia, I’m just doing my job. Ito ang nais ng parents mo kaya dap
JOYCE LHEXINE“Doc, ano po ang nangyayari?” “Nawawala at bumabalik ang heartbeat ng parents mo,” sagot nila sa akin.“Po?”“Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para isalba sila. Pero hindi namin alam kung may chance pa ba.”“Gawin niyo po ang lahat. ‘Wag niyo pong hayaan na mawala sila,” umiiyak na sabi ko.Pinasok na ang parents ko sa loob ng emergency room. Ako naman ay narito sa labas. Pinapirma nila ako ng waiver at ginawa ko naman. Habang naghihintay ay walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Iyak ako ng iyak dahil takot na takot ako. Sobrang takot na takot ako na mawala ang sa akin ang parents ko. Hindi na ako nakaramdam ng gutom, sinisisi ko ang sarili ko dahil lumabas pa ako. Na umalis pa ako, sana ay nanatili na lang ako sa tabi nila.Natatakot ako, sobrang natatakot ako na baka bigla na lang akong maging mag-isa. Paano na ako? Ano na ang gagawin ko? Ano ang gagawin ko kapag nawala sila sa akin? Kaya ko ba? Kakayanin ko ba?“Magiging okay sila,” sabi sa akin ni Kuya







