MasukJOYCE LHEXINE
Ngayon na nag araw na nilipat na sa private room ang parents ko. Pero nagtataka ako dahil may mga dumating na mga lalaki. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon. Pero mabilis kong tinawagan si attorney.
“Ano po ang mayroon? Bakit ang dami po ng mga tao dito sa labas ng room ng parents ko?” tanong ko sa kanya.
“Pinadala sila ng ninong mo para may magbantay sa inyo.”
“Po? Bakit po? Ano po ba ang nangyayari?”
“Hindi safe na lumalabas ka mag-isa. Lalo na ini-imbestigahan ang nangyari sa parents mo. Mukhang may gustong mawala na sila.”
“Okay po, pakisabi sa ninong ko na salamat.”
“Okay, sasabihin ko sa kanya. Nasa ibang bansa siya ngayon at hindi mo pa siya makikilala. Maasahan naman ang mga tauhan niya,” sabi ni attorney sa akin.
“Okay po, salamat po.”
Napatingin ako sa parents ko. Hindi ko tuloy maiwasan na itanong sa kanila.
“May tao po ba na may galit sa inyo? Sino naman po ang mga taong gustong man*kit sa inyo? Sino po sila?” tanong ko kahit pa alam ko na hindi naman sila sasagot sa akin.
Umupo ako sa tabi ni mama. Sa sinasabi ni attorney na may kalaban ang parents ko. Parang ang hirap namang paniwalaan dahil kilala ko na kalmado lang ang papa ko. Ni hindi ko pa nga siya nakita na magalit. Kaya parang ang imposible naman na may kaaway siya. Pero ano nga ba ang alam ko? Nasa malayo ako at hindi ko naman sila laging nakikita. Hindi ko rin alam kung sino ang mga nakakasalamuha nila.
Apat na tao ang nasa labas. Nanatili na lang ako dito sa loob. Papasok lang ang nurses at doctor dito kapag i-check na nila ang parents ko. Palagi kong ipinagdadasal na sana ay maging okay na sila. Na gumising na sila kahit pa alagaan ko sila habang buhay ay gagawin ko. Magising lang talaga sila ay ako na ang bahala sa kanilang dalawa.
“Mama, alam mo po ba na ang ganda ng panahon ngayon.”
“Magandang mamasyal ngayon. Sana ay magawa pa natin ulit ang mga bagay na ‘yon noh. Gusto ko talaga na mamasyal kasama kayo. Tulad noon, tulad ng palagi nating ginagawa. Masaya po ‘yon, miss na miss ko na po ang mga araw na ‘yon.”
“Gusto ko po na magpicnic po ulit tayo sa park. Kukuha ng mga magagandang pictures. Diba, nakakamiss po ang gano’n? Kaya po gising na po kayo. Gising na po para magawa natin ang lahat ng mga ‘yon,” nakangiti na sabi ko pero may luha na pumapatak mula sa mga mata ko.
“May mga taong nagbabantay sa atin sa labas. Ang sabi ni attorney ay tauhan daw po ng ninong ko. Sino po sa kanila? Sinong ninong po? May ninong pa po ba ako na hindi ko kilala? Siya po ba ang sinasabi niyo noon sa akin na pinakabata kong ninong? Siya po ba ang nakatira sa ibang bansa?”
Ang alam ko ay may ninong ako noon. Pero hindi ko lang alam kung siya ba ang ninong na tinutukoy ni attorney o baka naman ang mga ninong na nakilala ko na. Marami rin kasi sila. Naalala ko pa noong bata pa ako ay palagi nila akong binibigyan ng regalo lalo na kapag birthday ko. Speaking of my birthday, malapit na ang birthday ko. Next week na pala ‘yon. Pero mukhang ako lang ang magcecelebrate na mag-isa. Makakapagcelebrate kaya ako lalo na ngayon na ganito ang sitwasyon ng parents ko.
Binusog ako ng pagmamahal ng parents ko kaya mahirap para sa akin na makita sila na nasa ganitong kalagayan. Ayaw ko ng ganito sila kasi nga sanay talaga ako na nakikita ko ang mga maganda nilang ngiti. Kaya ngayon na hindi ko alam kung ano ba ang mangyayari bukas ay nagbabasa ako ng bible.
Ito ang mayroon ako ngayon. Kumakapit ako sa maliit na chance na mabubuhay sila. Wala akong pakialam kung maubos ang kayamanan namin basta ang mahalaga ay mabuhay pa rin sila. Sumapit na ang tanghali kaya naman kailangan ko munang lumabas para kumain.
“Saan ka pupunta, Miss?”
“Sa labas lang po. Kakain po muna ako ng lunch.”
“Siya na lang ang bibili, Miss.”
“Ako na po, okay lang naman po na ako. Dito na lang po kayo at bantayan niyo na lang po ang parents ko.”
“Leon, samahan mo siya,” sabi ng isa sa kanila.
“Tara na po, Miss. Samahan na kita,” sabi ng isa sa bata pa sa kanila.
“Sige po, kuya.”
Hindi na ako kumontra pa dahil alam ko naman na walang akong magagawa. Pinadala sila dito ng ninong ko. Naglakad na kaming dalawa para lumabas. Bibili lang naman ako at kakain na lang ako doon sa private room ng parents ko. Balak ko rin na doon na ako matutulog. Malaki naman ang couch at kasya naman ako. Nakalimutan ko ang iba kong mga gamit kaya naman pumunta na muna kami ni Kuya Leon sa hotel para kunin ko ang mga ito.
“Dito ka pala nag-stay, Miss.”
“Opo, kuya. Para malapit lang po sa ospital.”
“Pagmamay-ari ito ni boss,” sabi niya sa akin.
“Boss? Si ninong po ba? Ano po ang pangalan niya?”
“Hindi mo ba kilala si boss?”
“Hindi po dahil sa UK po ako galing.”
“Ang pangalan ni boss ay Atlass Romano Vizente,” sagot niya sa akin.
“Atlass?” sambit ko dahil parang pamilyar sa akin ang pangalan niya.
“Opo, si boss po.”
“Matagal ka na ba sa kanya?”
“Dalawang taon pa lang, Miss.”
“Mabait naman ba siya?” tanong ko pa sa kanya.
“Mabait naman siya kapag mabait ka sa kanya.”
Dahil sa naging sagot niya sa akin ay nakahinga naman ako ng maayos. Sa tingin ko naman ay magkakasundo naman kami ng ninong ko. Masunurin naman ako kaya wala siyang magiging problema sa akin. Hindi ko siya bibigyan ng sakit ng ulo habang inaalagaan niya ang parents ko. Ibabalik ko ang kabutihan niyang ito sa amin.
After namin dito sa hotel ay bumili na kami ng pagkain. Doon pa rin ako sa karinderya bumili. Pinapili ko rin si Kuya Leon ng pagkain nila. Hindi naman kasi puwede na ako lang ang kumain. Dapat ay sila rin, hindi sila puwedeng magutom. Nang makuha na namin ang mga pagkain na binili namin ay bumalik na agad kami sa ospital.
Kararating lang namin pero nakita namin na nagkakagulo ang mga nurses at doctors. Biglang kumal*bog ng malakas ang d*bdib ko. Tumakbo na ako palapit sa kanila at….
JOYCE LHEXINE“Good girl, magkakasundo tayo kapag ganito ka lagi,” sabi niya at ginulo niya ang buhok ko.“Don’t touch my hair!” saway ko sa kanya dahil ayaw ko na ginugulo ang buhok ko lalo na kapag lalaki ang gumagawa.“Why? Ayaw mo ba na ginagawa ito sa ‘yo? Boyfriend mo lang ba sa UK ang gusto mong gumawa?” tanong pa talaga niya at nag-assume pa na may boyfriend ako.“Yes, siya lang. Ang boyfriend ko lang ang puwedeng gumawa niyan sa akin. Kaya ‘wag mo ng hahawakan ang buhok ko,” sabi ko at lumayo ako sa kanya.“Hindi na kayo magkikita dahil hindi ka na babalik doon.”“Pupuntahan niya ako dito,” kunwari na sabi ko kahit ang totoo ay wala naman akong boyfriend.“That will never happen,” tiim bagang na sambit niya at hindi ko naman alam kung bakit.“Why? Paano mo na sabi?”“Dahil hindi niya malalaman kung nasaan ka.”“Where’s my phone?” tanong ko sa kanya dahil naalala ko na ang phone ko na nawawala.“Sa akin na muna ang phone mo. Hindi ka puwedeng gumamit ng phone hangga’t hindi ka
JOYCE LHEXINE“Hindi nga ako gutom. Lumabas ka na! Ayaw kitang makita! Galit ako sa ‘yo!” “Magalit ka lang basta kumain ka,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat.“Ano ba?!”“Pinagpapasensyahan pa kita ha. ‘Wag mong ubusin ang lahat ng pagtitimpi ko sa ‘yo!”“Bakit? Ano ang gagawin mo? Ano?!”“Gusto mong malaman? Ipapakita ko sa ‘yo,” tanong niya sa akin at ihinagis ako pabalik sa kama ko.“A–Ano ang ginagawa mo?” nauutal na tanong ko rin sa kanya dahil lumalapit siya sa akin.“Sa tingin mo ba talaga ay may pakialam ako sa ‘yo kung hindi dahil sa mga magulang mo?”“Wala na sila kaya hindi na kailangan na mangialam sa akin. Pinilit mo na nga akong tumira dito pati ba naman sa ibang bagay ay pipilitin mo rin ako. ‘Wag mo ng dagdagan ang galit na nararamdaman ko para sa ‘yo!”“Ikaw pa talaga ang may ganang magalit sa akin,” malamig na sabi niya kaya masamang tingin rin ang ibinalik ko sa kanya.“Oo, dahil sa mga ginagawa mo sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan
JOYCE LHEXINE“Mamili ka, kalayaan mo o buhay nila? Pumili ka lang ng isa at ibibigay ko sa ‘yo,” tanong niya sa akin.“Bakit kailangan kong mamili? Bakit?!” sigaw ko sa kanya.“Dahil gano’n ang buhay. Hindi naman puwedeng pumabor na lang ang lahat sa ‘yo,” sagot niya sa akin kaya mas lalong tumitindi ang galit ko sa kanya.“You’re a heartless man! Ang sama mo!”“Wala silang kasalanan. Ako, ako ang parusahan mo at hayaan mo sila! Gusto mo silang b*rilin? Ako, ako ang bar*lin mo!” sigaw ko sa kanya na halatang nagulat silang lahat.“Boss, kasalanan ko po. Ako ang may kasalanan kaya ako na lang ang parusahan mo,” sabi ni Kuya Leon kaya naman ihinarang ko ang sarili ko para kay kuya.Naging mabait siya sa akin kaya naman hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya. Tumingin ako sa ninong ko at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.“You’re protecting him?”“Dahil wala siyang kasalanan. Ako ang tumakas, ako at wala silang alam,” sabi ko sa kanya.“It’s same for me, kasalanan pa rin niya
JOYCE LHEXINE“K–Kilala mo po ba ako?” kinakabahan at nauutal na tanong ko sa kanya.“Wala ka ng takas sa akin…..”“Po?” nagtataka na tingin ko sa kanya.“Sa ka sa tingin mo pupunta?”“Baka po nagkakamali lang kayo. Hindi po kita kilala, I’m sorry po kung nabangga kita,” sabi ko sa kanya at siya itong nakatingin sa akin.“What’s your name?” tanong niya sa akin.“Bakit po? Bakit mo tinatanong? Ipapakulong mo ba ako? Kasalanan na ba ngayon ang makabangga ng tao na hindi naman sinasadya?” tanong ko sa kanya at hindi ko alam kung ngumiti ba siya sa akin kasi tumaas ang isang sulok ng labi niya.“Bakit, bawal na bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya sa akin.“Hindi naman po, pero kasi bitawan mo na po ang kamay ko. Kailangan ko na po kasing umalis, hindi po kita kilala at nagsorry na po ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.“Hindi mo ba ako kilala?”“Hindi po?”“Ikaw lang yata ang hindi nakakakilala sa akin, Joyceia,” sabi niya na naging dahilan para magulat ako.“Hindi po ako si Joyceia,” sa
JOYCE LHEXINE“Joyceia, ang Ninong Atlass mo na ngayon ang magiging guardian mo.”“Bakit po?”“Sa kanya ka ihinabilin ng parents mo. Kasama sa will and testament nila na kapag nawala sila ay mapupunta ka sa ninong mo. Siya na ang magiging guardian mo,” sabi niya sa akin.“Paano po kung ayaw ko?”“Mapupunta ang lahat ng mayroon ka sa ninong mo dahil siya ang mamamahala ng mga iniwan ng parents mo.”“Pero hindi ko po siya kilala? Paano po kung ayaw niya sa akin? Ano po ang gagawin ko, attorney?”“Magkakasundo kayo, sure ako sa bagay na ‘yan.”“Ano po ba ang ninong ko? Bakit po marami siyang tauhan? Ano po ang ginagawa niya sa buhay? Businessman rin po ba siya tulad ni papa?”“Ang ninong mo ay….”“Ay ano po?”“Ang ninong mo ay isang mafia. Isa sa pinakabatang mafia dito sa bansa, lumaki siya sa ibang bansa. At ngayon ay narito na siya sa Pilipinas. Siya na ang pumalit sa ama niya.”“Mafia? So, ang ibig pong sabihin ay–”“Joyceia, I’m just doing my job. Ito ang nais ng parents mo kaya dap
JOYCE LHEXINE“Doc, ano po ang nangyayari?” “Nawawala at bumabalik ang heartbeat ng parents mo,” sagot nila sa akin.“Po?”“Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para isalba sila. Pero hindi namin alam kung may chance pa ba.”“Gawin niyo po ang lahat. ‘Wag niyo pong hayaan na mawala sila,” umiiyak na sabi ko.Pinasok na ang parents ko sa loob ng emergency room. Ako naman ay narito sa labas. Pinapirma nila ako ng waiver at ginawa ko naman. Habang naghihintay ay walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Iyak ako ng iyak dahil takot na takot ako. Sobrang takot na takot ako na mawala ang sa akin ang parents ko. Hindi na ako nakaramdam ng gutom, sinisisi ko ang sarili ko dahil lumabas pa ako. Na umalis pa ako, sana ay nanatili na lang ako sa tabi nila.Natatakot ako, sobrang natatakot ako na baka bigla na lang akong maging mag-isa. Paano na ako? Ano na ang gagawin ko? Ano ang gagawin ko kapag nawala sila sa akin? Kaya ko ba? Kakayanin ko ba?“Magiging okay sila,” sabi sa akin ni Kuya







