Share

C-8

Penulis: CALLIEYAH JULY
last update Tanggal publikasi: 2026-11-05 09:08:56
JOYCE LHEXINE

“Hindi nga ako gutom. Lumabas ka na! Ayaw kitang makita! Galit ako sa ‘yo!”

“Magalit ka lang basta kumain ka,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat.

“Ano ba?!”

“Pinagpapasensyahan pa kita ha. ‘Wag mong ubusin ang lahat ng pagtitimpi ko sa ‘yo!”

“Bakit? Ano ang gagawin mo? Ano?!”

“Gusto mong malaman? Ipapakita ko sa ‘yo,” tanong niya sa akin at ihinagis ako pabalik sa kama ko.

“A–Ano ang ginagawa mo?” nauutal na tanong ko rin sa kanya dahil lumalapit siya sa akin.

CALLIEYAH JULY

salamat po sa inyong lahat na nag-add.. Sana po mag-iwan rin kayo ng review sa mismong profile ng story na ito.. God bless po..

| 2
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
Leajoy Labrador
thankyou pi sa bagong story
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
thank you author
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
woooy joyce wag judgemental ha kurutin kita di lht ng mafia masama marami sa knla makalaglag panty.........
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • NINONG MAFIA, I'm the Real Heiress   C-9

    JOYCE LHEXINE“Good girl, magkakasundo tayo kapag ganito ka lagi,” sabi niya at ginulo niya ang buhok ko.“Don’t touch my hair!” saway ko sa kanya dahil ayaw ko na ginugulo ang buhok ko lalo na kapag lalaki ang gumagawa.“Why? Ayaw mo ba na ginagawa ito sa ‘yo? Boyfriend mo lang ba sa UK ang gusto mong gumawa?” tanong pa talaga niya at nag-assume pa na may boyfriend ako.“Yes, siya lang. Ang boyfriend ko lang ang puwedeng gumawa niyan sa akin. Kaya ‘wag mo ng hahawakan ang buhok ko,” sabi ko at lumayo ako sa kanya.“Hindi na kayo magkikita dahil hindi ka na babalik doon.”“Pupuntahan niya ako dito,” kunwari na sabi ko kahit ang totoo ay wala naman akong boyfriend.“That will never happen,” tiim bagang na sambit niya at hindi ko naman alam kung bakit.“Why? Paano mo na sabi?”“Dahil hindi niya malalaman kung nasaan ka.”“Where’s my phone?” tanong ko sa kanya dahil naalala ko na ang phone ko na nawawala.“Sa akin na muna ang phone mo. Hindi ka puwedeng gumamit ng phone hangga’t hindi ka

  • NINONG MAFIA, I'm the Real Heiress   C-8

    JOYCE LHEXINE“Hindi nga ako gutom. Lumabas ka na! Ayaw kitang makita! Galit ako sa ‘yo!” “Magalit ka lang basta kumain ka,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya akong binuhat.“Ano ba?!”“Pinagpapasensyahan pa kita ha. ‘Wag mong ubusin ang lahat ng pagtitimpi ko sa ‘yo!”“Bakit? Ano ang gagawin mo? Ano?!”“Gusto mong malaman? Ipapakita ko sa ‘yo,” tanong niya sa akin at ihinagis ako pabalik sa kama ko.“A–Ano ang ginagawa mo?” nauutal na tanong ko rin sa kanya dahil lumalapit siya sa akin.“Sa tingin mo ba talaga ay may pakialam ako sa ‘yo kung hindi dahil sa mga magulang mo?”“Wala na sila kaya hindi na kailangan na mangialam sa akin. Pinilit mo na nga akong tumira dito pati ba naman sa ibang bagay ay pipilitin mo rin ako. ‘Wag mo ng dagdagan ang galit na nararamdaman ko para sa ‘yo!”“Ikaw pa talaga ang may ganang magalit sa akin,” malamig na sabi niya kaya masamang tingin rin ang ibinalik ko sa kanya.“Oo, dahil sa mga ginagawa mo sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang dahilan

  • NINONG MAFIA, I'm the Real Heiress   C-7

    JOYCE LHEXINE“Mamili ka, kalayaan mo o buhay nila? Pumili ka lang ng isa at ibibigay ko sa ‘yo,” tanong niya sa akin.“Bakit kailangan kong mamili? Bakit?!” sigaw ko sa kanya.“Dahil gano’n ang buhay. Hindi naman puwedeng pumabor na lang ang lahat sa ‘yo,” sagot niya sa akin kaya mas lalong tumitindi ang galit ko sa kanya.“You’re a heartless man! Ang sama mo!”“Wala silang kasalanan. Ako, ako ang parusahan mo at hayaan mo sila! Gusto mo silang b*rilin? Ako, ako ang bar*lin mo!” sigaw ko sa kanya na halatang nagulat silang lahat.“Boss, kasalanan ko po. Ako ang may kasalanan kaya ako na lang ang parusahan mo,” sabi ni Kuya Leon kaya naman ihinarang ko ang sarili ko para kay kuya.Naging mabait siya sa akin kaya naman hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya. Tumingin ako sa ninong ko at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.“You’re protecting him?”“Dahil wala siyang kasalanan. Ako ang tumakas, ako at wala silang alam,” sabi ko sa kanya.“It’s same for me, kasalanan pa rin niya

  • NINONG MAFIA, I'm the Real Heiress   C-6

    JOYCE LHEXINE“K–Kilala mo po ba ako?” kinakabahan at nauutal na tanong ko sa kanya.“Wala ka ng takas sa akin…..”“Po?” nagtataka na tingin ko sa kanya.“Sa ka sa tingin mo pupunta?”“Baka po nagkakamali lang kayo. Hindi po kita kilala, I’m sorry po kung nabangga kita,” sabi ko sa kanya at siya itong nakatingin sa akin.“What’s your name?” tanong niya sa akin.“Bakit po? Bakit mo tinatanong? Ipapakulong mo ba ako? Kasalanan na ba ngayon ang makabangga ng tao na hindi naman sinasadya?” tanong ko sa kanya at hindi ko alam kung ngumiti ba siya sa akin kasi tumaas ang isang sulok ng labi niya.“Bakit, bawal na bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya sa akin.“Hindi naman po, pero kasi bitawan mo na po ang kamay ko. Kailangan ko na po kasing umalis, hindi po kita kilala at nagsorry na po ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.“Hindi mo ba ako kilala?”“Hindi po?”“Ikaw lang yata ang hindi nakakakilala sa akin, Joyceia,” sabi niya na naging dahilan para magulat ako.“Hindi po ako si Joyceia,” sa

  • NINONG MAFIA, I'm the Real Heiress   C-5

    JOYCE LHEXINE“Joyceia, ang Ninong Atlass mo na ngayon ang magiging guardian mo.”“Bakit po?”“Sa kanya ka ihinabilin ng parents mo. Kasama sa will and testament nila na kapag nawala sila ay mapupunta ka sa ninong mo. Siya na ang magiging guardian mo,” sabi niya sa akin.“Paano po kung ayaw ko?”“Mapupunta ang lahat ng mayroon ka sa ninong mo dahil siya ang mamamahala ng mga iniwan ng parents mo.”“Pero hindi ko po siya kilala? Paano po kung ayaw niya sa akin? Ano po ang gagawin ko, attorney?”“Magkakasundo kayo, sure ako sa bagay na ‘yan.”“Ano po ba ang ninong ko? Bakit po marami siyang tauhan? Ano po ang ginagawa niya sa buhay? Businessman rin po ba siya tulad ni papa?”“Ang ninong mo ay….”“Ay ano po?”“Ang ninong mo ay isang mafia. Isa sa pinakabatang mafia dito sa bansa, lumaki siya sa ibang bansa. At ngayon ay narito na siya sa Pilipinas. Siya na ang pumalit sa ama niya.”“Mafia? So, ang ibig pong sabihin ay–”“Joyceia, I’m just doing my job. Ito ang nais ng parents mo kaya dap

  • NINONG MAFIA, I'm the Real Heiress   C-4

    JOYCE LHEXINE“Doc, ano po ang nangyayari?” “Nawawala at bumabalik ang heartbeat ng parents mo,” sagot nila sa akin.“Po?”“Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para isalba sila. Pero hindi namin alam kung may chance pa ba.”“Gawin niyo po ang lahat. ‘Wag niyo pong hayaan na mawala sila,” umiiyak na sabi ko.Pinasok na ang parents ko sa loob ng emergency room. Ako naman ay narito sa labas. Pinapirma nila ako ng waiver at ginawa ko naman. Habang naghihintay ay walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Iyak ako ng iyak dahil takot na takot ako. Sobrang takot na takot ako na mawala ang sa akin ang parents ko. Hindi na ako nakaramdam ng gutom, sinisisi ko ang sarili ko dahil lumabas pa ako. Na umalis pa ako, sana ay nanatili na lang ako sa tabi nila.Natatakot ako, sobrang natatakot ako na baka bigla na lang akong maging mag-isa. Paano na ako? Ano na ang gagawin ko? Ano ang gagawin ko kapag nawala sila sa akin? Kaya ko ba? Kakayanin ko ba?“Magiging okay sila,” sabi sa akin ni Kuya

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status