Mag-log inSCARLET POV
Nagsimula na akong mag-impake ng lahat ng personal kong gamit. Matapos ang pitong taon ng pagganap bilang isang masunurin at mayamang asawa sa mansyong ito, napatawa na lang ako nang mapait nang mapagtanto na dalawang maleta lang ang gusto kong itira sa akin. Ang lahat ng karangyaan sa paligid ko ay hindi akin—hiram na buhay na binuo sa loob ng isang malamig at madilim na kontrata.
Bago ko isara ang huling maleta, napadako ang tingin ko sa aking kamay. Tiningnan ko ang singsing na may kumikinang na brilyante sa aking daliri. Hinaplos ko ito nang dahan-dahan. Kahit naging mainit at makinis na ang metal nito dahil sa pitong taong walang tanggalan, naaalala ko kung paano ko ito inalagaan. Palagi ko itong nililinis na tila ba doon nakasalalay ang halaga ko bilang asawa. Kahit nga ang singsing ni Draven, na madalas niyang iwan kung saan-saan dahil sa kawalan ng pakialam, ako mismo ang nagpupunas at nagtatabi.
Ngunit sa ngayon, habang pinagmamasdan ko ang brilyanteng sumasalamin sa liwanag, hindi na ito simbolo ng pangako. Para na itong isang matalim na kutsilyo na unti-unting humihiwa sa aking puso.
Huminga ako nang malalim. Sa pagkakataong ito, walang pag-aalinlangan at walang panginginig, hinubad ko ang singsing mula sa aking daliri. Malamig ko itong inilagay sa ibabaw ng folder kung saan nakatago ang mga papeles para sa magiging diborsiyo namin ni Draven. Kasabay ng pagkalas ng singsing ang pagkalas ng natitirang hibla ng pagmamahal ko sa kanya.
Kinuha ko ang aking cellphone at mabilis kong tinawagan si Lindsay. Humingi ako ng tulong na hanapan ako ng bago kong magiging bahay—isang espasyo na may tatlong kwarto. Plano ko kasing magkasama na kami nina Lindsay at ng anak kong si Beatrice sa iisang kwarto para sa aming pagsisimula, habang ang ibang kwarto ay para sa mga gamit at iba pang pangangailangan. Dahil sa impluwensya ng mga Montenegro, mabilis na nakahanap si Lindsay ng isang magandang apartment at sinabing puwede ko na itong lipatan at tirhan agad-agad ngayong araw.
Bitbit ang aking dalawang maleta, nagsimula na akong bumaba ng engrandeng hagdan ng mansyon. Ngunit hindi pa man ako nakakatapak sa huling hagdan, sumalubong na sa akin ang isang pamilyar at nakakarinding boses.
Nakatayo doon ang isang lalaki na nasa labindalawa o maglalabingtatlong taon ang gulang—si Ethan, ang pinakabatang Morris at ang bunsong kapatid ni Draven. Siya ang binatilyong may ugaling bastos, walang disiplina, at kailanman ay hindi natutong rumespeto. Sa pitong taon ko rito, hindi niya ako tinawag kahit isang beses na 'Ate'. Malakas din itong mangutos sa mga katulong, at kagaya ng kanyang ina na si Madam Eleanor—isa rin siyang matapobreng sagad sa buto.
Napadako ang tingin ng bata sa mga maletang hila ko. Agad na sumilay ang isang mapang-asar na ngisi sa kanyang mukha. Itinaas niya ang kanyang kamay at bastos akong dinuro.
"Ikaw! Mabuti pang mag-empake ka na talaga at umalis! Lilipat na rito ang magiging bagong sister-in-law ko mamaya. Wala ka nang puwang sa lugar na ito, kaya dumistansya ka na! Walang-wala ka kay Ate Jana!" singhal niya, punong-puno ng pagmamataas ang boses.
Tss... Si Jana Thorne? Ang babaeng matagal nang nang-iwan kay Draven?
Imbes na maiyak o masaktan tulad ng dating Scarlet, nanatiling diretso ang aking pagkatao. "At sino naman ang nagsabi sa iyo na mag-e-empake na ako at titira na si Jana dito?" malamig kong tanong, walang kahit anong takot sa aking mga mata.
"Si Kuya Draven, sino pa ba?!" asik ng bata, sabay krus ng kanyang mga braso. "Si Ate Jana ang natatangi at karapat-dapat para kay Kuya. Matagal mo nang inagaw ang puwesto niya at kinamkam ang pagiging Mrs. Morris na dapat ay sa kanya! Ano ba ang alam mo? Eh isa ka lang naman probinsyana na nakilala namin. Naging tao ka lang dahil sa amin, pero ang totoo, mukha ka pa ring katulong!"
Kasabay ng kanyang mga masasakit na salita, napalingon ako sa malawak na sala. Doon ko nakita ang mga kahon at mga bagong gamit na kadarating pa lamang. Ilan sa mga katulong ang aligaga at tila napipilitang tanggalin ang mga kurtina, painting, at dekorasyon na ako mismo ang nagdisenyo at nag-ayos sa loob ng pitong taon. Halos lahat ng gamit na maingat kong pinili para maging tahanan ang mansyong ito ay inuutos ng batang ito na ibasura at palitan.
Tinitigan ko ang kaguluhan sa sala at pagkatapos ay ibinalik ko ang aking malamig na tingin kay Ethan. Ang pamilyang ito… talagang wala silang utang na loob.
"Ayaw na sa iyo ni Kuya, kaya inuutos niya na alisin ang lahat ng pinili mong baduy na gamit! Ayaw na sa iyo ni Kuya dahil para ka lang basahan na ginamit lang niya!" Patuloy pa rin ang binatilyo sa kanyang matatalas na asik, ang boses ay umaalingawngaw sa malawak na sala na tila ba ipinagmamalaki ang bawat salitang binitawan. "Kung alam mo kung saan ka dapat lulugar, huwag ka nang humadlang pa!"
Itinikom ko ang aking mga labi. Ramdam ko ang mariing pag-igting ng aking panga, ngunit sa loob-loob ko, parang sinusuntok ang aking dibdib ng isang mapurol na bagay. Paulit-ulit, mabigat, at nakakawala ng hininga. Biglang nawalan ng lakas ang aking mga tuhod at tila ba pansamantalang huminto sa paggana ang aking isipan. Napahigpit ang hawak ko sa hawakan ng hagdan.
Hindi ko inaasahan na gagawin at hahayaan lang talaga ni Draven ang lahat ng ito.
Ni hindi pa nga lumilipas ang dalawampu't apat na oras. Kahapon ko lang sinabi sa kanya ang tungkol sa hiningi kong diborsiyo. Kahapon ko lang din nalaman ang tungkol sa kalokohang buntis na si Jana Thorne. At ngayon ay lantaran na nilang ipinapakita sa buong mundo ang kanilang relasyon? Ganito ba siya kabilis magpalit? Ganito ba niya kabilis itapon ang pitong taon naming pagsasama na parang isang maruming basahan lang talaga, gaya ng sinabi ng kanyang bastos na kapatid?
Napakunot ang aking noo habang pinagmamasdan ang mga katulong na nagmamadaling palitan ang aking mga dekorasyon. Ito ba ang plano ng lalaking iyon? Ayusin at ihanda ang buong bahay para sa bagong magiging reyna ng mansyon ng mga Morris.
Ang bawat kahon na ipinapasok at ang bawat gamit ko na tinatanggal ay tila sampal sa aking mukha. Pitong taon akong nagsilbi, nagtiis, at nagpakamababang asawa sa bahay na ito, ngunit sa isang utos lang ng bilyonaryong si Draven Morris, mabilis na binura ang bawat bakas ng aking pag-iral sa mansyong ito.
Tumingin ako muli kay Ethan na nakataas pa rin ang kilay at naghihintay na maiiyak ako o magmakaawa. Ngunit habang tinititigan ko ang kanyang mapang-aping mukha, ang pamamanhid sa aking dibdib ay unti-unting napalitan ng isang kakaibang init. Hindi ito lungkot—kundi poot. Isang matinding poot na tuluyang gumising sa natutulog kong sistema.
Kung iniisip ng pamilyang ito na aalis akong luhaan at talunan, nagkakamali sila. Hindi na ako ang lumang Scarlet na walang ibang alam na gawin kundi umiyak sa sulok.
SCARLET’S POVNakahawak ako sa gilid ng mesa habang nakatingin ang aking paningin at nananatiling nakapako sa salamin ng Thai restaurant. Ang aking mukha ay unti-unting nawalan ng kulay, at ang hangin sa aking paligid ay para bang sinasakal ako. Hindi lang sina Draven, Ethan, at Jana ang nasa marangyang mesang iyon. Kasama nila ang dalawang tao na naging dahilan kung bakit naging impiyerno ang aking kabataan—si Emilio Ferguson, ang aking biological na ama, at si Melinda Thorne, ang dating kabit nito na ngayon ay asawa na niya.Sa mga sandaling iyon, tila ba may napakalaking bomba na sumasabog sa aking utak? Ang mga piraso ng mga puzzle na pitong taon kong hindi mapagdugtong-dugtong ay biglang nagkatugma-tugma.Jana Thorne...Si Jana Thorne, na labis na kinababaliwan ni Draven, ay walang iba kundi ang stepdaughter ng aking sariling ama. Siya ang anak ni Melinda sa unang asawa nito na dinala niya sa pamilyang Ferguson. Siya ang babaeng labis na pinasikat, pinayaman, at minahal ng akin
SCARLET'S POV"Nakahanap ka na ba ng bahay?""H-hindi pa," sagot ko, na pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Eksaktong nakita ko mula sa malayo si Jana na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Habang may bitbit itong mamahaling paper bag. "Bibigyan mo ba ako ng payo para mapabilis ang aking paghahanap?"Sinulyapan ako ni Draven ng malalim at mapanuring mga mata. Tila ba tinitimbang niya ang bawat galaw ko, pero hindi siya sumagot; alam ko naman kung bakit. "Draven, tara na." Narinig ko ang boses ni Jana sa may likuran namin. Tumingin ako sa babae. Sa kanyang mga mata ay mababakas ang hindi masayang mukha. Hindi ito masaya na makita akong nakikipag-usap kay Draven.Nang marinig ni Draven si Jana, agad siyang kumilos, "Sige, sumakay ka na sa kotse."Tumalikod na ang mga ito. Walang sinabing anuman sa akin si Draven, pero alam kong malinaw pa sa tubig sa batis ang desisyon nito: huwag akong tulungan. Dahil mas mahalaga ang oras at attention ni Jana sa kanya. Bahagyang lumambot
ETHAN VANCE'S POVNaiwan akong nakatayo pa rin sa tapat ng elevator. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi ni Scarlet. Puno ng kahihiyan at galit ang dibdib ko, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang salitang:Alalay..... Parang babaeng putak nang putak....Ang mga salitang para bang sampal sa aking ego. Iniisip kong mali ba ang intensyon ko nang lumapit ako kay Scarlet para pagsalitaan ako ng mga ganoong bagay? Gusto ko lang naman siyang i-comfort matapos ang kaawang-awang pagpapahiya sa kanya ni Draven. Pero naisip ko, alam ba talaga ng babaeng iyon ang tama at mali? Totoo nga siguro. Ito ay nababaliw na. Bakit nga ba ako nag-aksaya ng oras sa pagsunod sa babaeng iyon? Tila ba may kakaiba sa aking pakiramdam? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Para akong nagayuma ni Scarlet Ferguson, ang babaeng dating sunod-sunuran lang kay Draven na kilala ko ay ibang-iba na ngayon."Anong nangyari sa isang babaeng dati ay patay na patay kay Draven? Ang babaeng hindi nagsasa
SCARLET'S POVBago pa dumapo ang aking kamay sa nagkukunwaring takot na mukha ni Jana, mabilis na nakatayo si Draven at malakas akong hinatak papalayo sa babae. Naramdaman ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa aking braso na alam kong mag-iiwan ng kaunting pasa. Sinalubong ko ang masama niyang tingin. Akala ba niya na matatakot ako sa ipinapakita nitong malamig at madilim na tingin? Nagkakamali siya! Hindi na ako ang dating Scarlet na umiiyak at magtatampo!"Scarlet, stop it!" malamig niyang sabi. Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko, na bahagyang ikinagulat niya. Dahil sa ginawa niya, ngayon namulat na nang tuluyan ang aking kaisipan. Nakalimutan ko. Hindi nga pala nito hahayaang masaktan ang babaeng pinakamamahal niya, ang kabit na sumisira sa aming kasal. Gusto kong umiyak, oo. Pero tuyo na ito, dahil ang natitirang nararamdaman ko na lang ay pagkasuklam, galit, dahil saka ko lang napagtanto na ang tao na ito ang pinaka-walang kwenta na nakilala ko. Tumalikod
SCARLET POVBlag!!!Nang bumagsak sa sahig at nagkawasak-wasak ang aking cellphone, kasabay niyon ang marahas na pagkaubos ng pinipigilan kong paghinga. Nakaramdam ako ng matinding kahihiyan, pagkasuklam, galit, at ang gumapang na takot sa buo kong katawan na para bang hinihigop ang buo kong lakas. Pero alam kong naging padalos-dalos ang aking naging desisyon at hindi ko napigilan na maging marahas sa sobrang takot na aking nararamdaman. Dahil hindi maaaring makita ni Draven o ng kahit sinong tao ang mukha ng nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito. Nakita ko ang sandaling pagkagulat sa mukha ni Ethan Vance, na isa sa mga nangaasar at matalik ding kaibigan ni Draven. Maging si Zack Thorne na kanina lang ay pekeng umiiyak na animong kawang-kawa na akala mo binully ko kanina, ngayon ay nakalimutan ang acting at sumiksik sa likod ni Jana at tiningnan ako na para ba ako ay isa nang nababaliw. Nanatiling walang emosyon na makikita sa mukha ni Draven, ngunit ang kany
SCARLET’S POVSuot ko ang isang marangyang hapit na itim na gown na binili namin ni Lindsay. Puwede akong pumasok sa Veranda Club nang may mataas na tindig. Umiral ang kaunting kaba sa aking dibdib—akala ko talaga ay isang tunay na blind date ang inayos ni Donya Aurora para sa akin upang makahanap ng bagong simula.Inasahan kong makakatagpo ako ng isang estranghero mula sa isang de-kalidad na pamilya na ipinagmamalaki ng matanda.Ngunit nang pagbukas ng bodyguard sa pinto ng pribadong VIP suite, tila ba huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Walang estranghero roon. Sa halip, laking gulat ko nang makita si Draven na nakaupo sa gitna ng marangyang sofa, katabi si Jana Thorne na tila isang reyna sa kung paano siya pinapatawad sa kanyang braso. Kasama rin nila ang matalik na kaibigan ni Draven na si Ethan Vance at ang spoiled na batang kapatid ni Jana na si Zack Thorne na abala sa paglalaro sa tablet.Napakapit ako nang mahigpit sa aking mamahaling clutch bag. Doon ko napagtanto ang lahat—nag
SCARLET POVMatapos kong makipagbalitaan at maghapunan kasama si Alejandro, nagmaneho ako nang mag-isa upang personal na tingnan ang ilang magagandang kindergarten sa lungsod.Palubog na ang araw sa kanluran at nagdidilim na ang paligid. Kakalabas ko pa lang sa huling kindergarten nang mapahinto ak
SCARLET POVPumunta si Jana sa tabi ni Draven Morris. Kalmado ito sa bawat kilos na ipinapakita sa akin na siya ang tunay na reyna sa buhay ni Draven. Nagsalita siya nang puno ng lambing kay Draven. "Gutom na ako. Maghanap muna tayo ng makakainan."Binawi na ni Draven ang tingin sa akin. Hindi na n
SCARLET POVWala akong oras para makipagtalo o makipag-away pa kay Jana. Mas mahalaga ang buhay ng bata ngayon.Lumapit ako sa natatarantang ina at dahan-dahan ngunit matatag na nagsabi, "Isa akong doktor. Hayaan niyo po akong hawakan ang bata; mas madali ko po siyang magagamitan ng first aid kung
SCARLET POVNgunit ngayon, pinapanood ko nang live kung paano ibinibigay ni Draven ang lahat ng mga espesyal na pribilehiyong ito—ang proteksyon, ang pagkilala, ang karangalan—sa ibang babae sa harap ng buong mundo.Sumulyap si Jana sa aking direksyon habang nakatayo lang ako sa tabi at pinapanood







