Compartilhar

CHAPTER FIVE

last update Data de publicação: 2026-05-29 14:02:32

CHAPTER 5 

SCARLET POV

Dahan-dahang bumaba ang kanyang mga labi mula sa aking dibdib, patungo sa aking tiyan, hanggang sa marating niyon ang aking puson. Ang bawat dampi ng kanyang mainit na balat sa akin ay tila nag-iiwan ng apoy na unti-unting tumutupok sa aking natitirang katinuan.

Palihim akong napalunok. Ang buong katawan ko ay tila gustong sumabog sa tindi ng pagnanasa, isang pakiramdam na bago at nakakatakot para sa isang katulad ko. Ngunit sa kabila ng nag-aalab na sensasyon, mariin kong tinikom ang aking mga labi. Pinipigil ko ang aking sarili na umungol. Natatakot ako. Nahihiya ako na baka kapag narinig ni Draven ang aking tinig, magising siya mula sa pagkakalasing at maalala kung sino ang babaeng kasama niya sa kama—at maging hudyat iyon para bigla niya akong talikuran at itigil ang kanyang ginagawa.

Hanggang sa marating ng kanyang mga labi ang pinakamaselang bahagi ng aking katawan.

"Ah..." Isang gulat at gipit na singhap ang nakawala sa aking boses nang maramdaman ko ang marahas at nag-aalab niyang pag-aangkin. 

Ang init ay tila umabot hanggang sa aking kaibuturan. Nawalan ako ng kontrol—ang aking mga kamay ay kusang gumapang patungo sa kanyang ulo, napakapit sa kanyang makapal na buhok, at hindi ko napigilang sabunutan iyon habang pilit kong nilalabanan ang matinding sarap na dulot ng kanyang mga halik.

Sa gitna ng aking panginginig, narinig ko ang bahagyang pagtawa niya mula sa ibaba—isang mababa, paos, at nakakakilabot ngunit nakakaakit na tawa. Tila ba nasisiyahan siya sa reaksiyong natatanggap niya mula sa akin. Doon ko natanto na sa gabing iyon, kahit walang pag-ibig ang kanyang mga hawak, ang katawan ni Draven ay ganap nang sumuko sa pagnanasang ako lang ang nakakapagpasingas.

Makalipas ang buong magdamag na pagniniig, nagising ako kinaumagahan na may mabigat na pakiramdam. Pagod na pagod ang aking isip at parang binubugbog ang buong katawan ko sa sakit. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, umaasang ang unang sasalubong sa akin ay ang yakap ng aking asawa.

Ngunit tulad ng dati, malamig na katotohanan ang gumising sa akin.

Nakatayo si Draven sa tapat ng malaking bintana, nakatalikod sa akin habang seryosong inaayos ang kurbata ng kanyang polo. Ang sikat ng araw na pumapasok sa silid ay nagpatingkad sa kanyang perpektong tindig—isang bilyonaryong handa nang bumalik sa kanyang marangyang mundo, na tila ba walang nangyaring milagro sa pagitan naming dalawa kagabi.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Ni hindi niya ako tinanong kung maayos ba ang aking pakiramdam.

Humakbang siya malapit sa nightstand at may inilapag doon. Isang pamilyar na maliit na pakete na naglalaman ng emergency contraceptive pills. Tila ba may invisible na kamay na sumakal sa aking leeg nang makita ko iyon. Tila ba lagi itong handa sa posibleng mangyari sa amin? 

"Take this. I don't want to have any possible problems," malamig at madiin niyang utos. Ang boses ay direkta at walang bahid ng emosyon. "I have something to do. Bumaba ka na lang doon para kumain."

Iyon lang. Pagkatapos bitawan ang mga salitang tila lason na pumatay sa natitira kong pag-asa, tumalikod siya at tuluyang lumabas ng kuwarto. Ang tunog ng pagsasara ng pinto ay tila naging huling hatol sa aming kasal.

Tinitigan ko ang tableta sa ibabaw ng nightstand habang unti-unting umaagos ang luha sa aking mga pisngi. Sa huli, pinili kong hindi uminom ng gamot. Umiral ang pagiging matigas ng aking ulo, o marahil ay ang natitirang hibla ng pag-asa na baka magbago pa ang lahat.

Dalawang buwan ang mabilis na lumipas.

Nang kumpirmahin ng pregnancy test na may buhay na ngang tumitibok sa loob ng aking sinapupunan, nanginginig ang aking mga kamay na may halo-halong takot at saya. Naglakas-loob akong lapitan si Draven isang gabi habang seryoso itong nagbabasa ng mga dokumento sa kanyang study room. Nilagyan ko ng tsaa ang kanyang tabi. Pilit na pinapakalma ko ang mabilis na kabog ng aking dibdib.

"Draven..." mahina kong tawag. Hindi niya ako nilingon.

Huminga ako nang malalim. Piniga ko ang sarili kong mga palad. "Kung... kung sakaling magkakaroon tayo ngayon ng anak... okay lang ba sa'yo?"

Sa wakas, nag-angat siya ng tingin. Ngunit ang pamilyar na lamig sa kanyang mga mata ay tila yelong sumaksak sa aking puso. Ibinaba niya ang hawak na panulat at sumandal sa kanyang upuan, walang kahit anong emosyon sa mukha.

"Kung sa tingin mo na ang pagkakaroon ng anak ang magpapabago sa sitwasyon natin, nagkakamali ka," binitawan niya ang mga salitang tila lason na dahan-dahang dinaloy sa aking sistema. "Huwag mo nang isiping magkaroon ng anak dahil sakit lang iyan sa ulo. Wala akong oras para sa mga bata."

Sakit sa ulo. Walang oras. Ano bang klaseng pag-iisip ang meron ang taong ito?

Ang bawat salita niya ay tila hatol ng kamatayan sa pag-asang binuo ko sa loob ng dalawang buwan. Doon, sa mismong sandaling iyon, tuluyan nang nadurog ang natitirang pagmamahal ko sa kanya. At doon din ako nagdesisyon— hinding-hindi na niya malalaman ang tungkol sa batang ito. Masama ang loob na sumang-ayon ako sa sinasabi nito. Umaalis ako sa study room nitong may hawak na pangako sa sarili. Talikuran man ako ng buong mundo, ako ang magiging proteksyon ng aking anak.

(BACK TO PRESENT)

Isang malalim na buntong-hinga ang kumawala sa aking mga labi nang tuluyan kong idilat ang aking mga mata. Umaga na. Ang alaala ng gabing iyon ay limang taon na ang nakalipas, ngunit ang sakit at ang lamig ng boses ni Draven ay tila nakaukit pa rin sa aking sistema.

Nasa loob ako ng kwarto namin sa mansyon ng mga Morris, kung saan ko iniwan si Draven kagabi matapos kong isampal sa kanya ang salitang "Let's get a divorce."

Tiningnan ko muli ang WeChat sa aking cellphone. Ang Barbie cartoon avatar ni Beatrice ang nag-iisang liwanag sa madilim kong buhay. Ngunit hindi 'Morris' ang apelyidong nakarehistro sa aking anak. Upang ganap siyang maitago mula sa kapangyarihan at galamay ng mga Morris, kinailangan kong humingi ng tulong sa kaisa-isa kong pinagkakatiwalaang kaibigan—si Lindsay Montenegro.

Si Lindsay ang naging takbuhan ko sa lahat ng hirap. At dahil batid niya ang bagsik at impluwensya ng pamilya ng asawa ko, gumawa siya ng paraan upang maprotektahan si Beatrice. Kinausap niya ang kanyang pinsan—si Warren Montenegro, na isa ring makapangyarihang bilyonaryo at ang susunod na itatalagang CEO ng Montenegro Group.

Maluwag sa loob na pumayag naman si Warren na ipagamit ang kanyang apelyido para sa aking anak bilang pabor sa amin ni Lindsay. Si Warren ang tumayong ama ni Beatrice, at sa kasalukuyan, ang magpinsang Montenegro ang katuwang ko sa pag-aalaga at pagbibigay ng marangyang buhay para sa aking anak sa tuwing abala ako sa aking duty bilang doktor dito sa Maynila. Sa paningin ng batas at ng publiko, si Beatrice ay isang Montenegro at hindi isang Morris. Dahil sa kapangyarihan at proteksyon ng mga Montenegro, mananatiling lihim ang pagkatao ni Beatrice. 

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa aking mga labi habang inilalagay ko ang cellphone sa aking bag.

Kung iniisip ni Draven na ang paghingi ko ng diborsyo ay isang tipikal na pag-aalburuto lamang ng isang selosang asawa, nagkakamali siya. Dahil ang tatlong buwang natitira sa aming kontrata ay hindi para sa kanya—kundi ang countdown para sa tuluyan kong paglaya kasama ang anak kong kailanman ay hindi niya karapat-dapat na makilala.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 35

    SCARLET’S POVNakahawak ako sa gilid ng mesa habang nakatingin ang aking paningin at nananatiling nakapako sa salamin ng Thai restaurant. Ang aking mukha ay unti-unting nawalan ng kulay, at ang hangin sa aking paligid ay para bang sinasakal ako. Hindi lang sina Draven, Ethan, at Jana ang nasa marangyang mesang iyon. Kasama nila ang dalawang tao na naging dahilan kung bakit naging impiyerno ang aking kabataan—si Emilio Ferguson, ang aking biological na ama, at si Melinda Thorne, ang dating kabit nito na ngayon ay asawa na niya.Sa mga sandaling iyon, tila ba may napakalaking bomba na sumasabog sa aking utak? Ang mga piraso ng mga puzzle na pitong taon kong hindi mapagdugtong-dugtong ay biglang nagkatugma-tugma.Jana Thorne...Si Jana Thorne, na labis na kinababaliwan ni Draven, ay walang iba kundi ang stepdaughter ng aking sariling ama. Siya ang anak ni Melinda sa unang asawa nito na dinala niya sa pamilyang Ferguson. Siya ang babaeng labis na pinasikat, pinayaman, at minahal ng akin

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 34

    SCARLET'S POV"Nakahanap ka na ba ng bahay?""H-hindi pa," sagot ko, na pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Eksaktong nakita ko mula sa malayo si Jana na naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Habang may bitbit itong mamahaling paper bag. "Bibigyan mo ba ako ng payo para mapabilis ang aking paghahanap?"Sinulyapan ako ni Draven ng malalim at mapanuring mga mata. Tila ba tinitimbang niya ang bawat galaw ko, pero hindi siya sumagot; alam ko naman kung bakit. "Draven, tara na." Narinig ko ang boses ni Jana sa may likuran namin. Tumingin ako sa babae. Sa kanyang mga mata ay mababakas ang hindi masayang mukha. Hindi ito masaya na makita akong nakikipag-usap kay Draven.Nang marinig ni Draven si Jana, agad siyang kumilos, "Sige, sumakay ka na sa kotse."Tumalikod na ang mga ito. Walang sinabing anuman sa akin si Draven, pero alam kong malinaw pa sa tubig sa batis ang desisyon nito: huwag akong tulungan. Dahil mas mahalaga ang oras at attention ni Jana sa kanya. Bahagyang lumambot

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 33

    ETHAN VANCE'S POVNaiwan akong nakatayo pa rin sa tapat ng elevator. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi ni Scarlet. Puno ng kahihiyan at galit ang dibdib ko, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang salitang:Alalay..... Parang babaeng putak nang putak....Ang mga salitang para bang sampal sa aking ego. Iniisip kong mali ba ang intensyon ko nang lumapit ako kay Scarlet para pagsalitaan ako ng mga ganoong bagay? Gusto ko lang naman siyang i-comfort matapos ang kaawang-awang pagpapahiya sa kanya ni Draven. Pero naisip ko, alam ba talaga ng babaeng iyon ang tama at mali? Totoo nga siguro. Ito ay nababaliw na. Bakit nga ba ako nag-aksaya ng oras sa pagsunod sa babaeng iyon? Tila ba may kakaiba sa aking pakiramdam? Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Para akong nagayuma ni Scarlet Ferguson, ang babaeng dating sunod-sunuran lang kay Draven na kilala ko ay ibang-iba na ngayon."Anong nangyari sa isang babaeng dati ay patay na patay kay Draven? Ang babaeng hindi nagsasa

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 32

    SCARLET'S POVBago pa dumapo ang aking kamay sa nagkukunwaring takot na mukha ni Jana, mabilis na nakatayo si Draven at malakas akong hinatak papalayo sa babae. Naramdaman ko ang mahigpit nitong pagkakahawak sa aking braso na alam kong mag-iiwan ng kaunting pasa. Sinalubong ko ang masama niyang tingin. Akala ba niya na matatakot ako sa ipinapakita nitong malamig at madilim na tingin? Nagkakamali siya! Hindi na ako ang dating Scarlet na umiiyak at magtatampo!"Scarlet, stop it!" malamig niyang sabi. Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko, na bahagyang ikinagulat niya. Dahil sa ginawa niya, ngayon namulat na nang tuluyan ang aking kaisipan. Nakalimutan ko. Hindi nga pala nito hahayaang masaktan ang babaeng pinakamamahal niya, ang kabit na sumisira sa aming kasal. Gusto kong umiyak, oo. Pero tuyo na ito, dahil ang natitirang nararamdaman ko na lang ay pagkasuklam, galit, dahil saka ko lang napagtanto na ang tao na ito ang pinaka-walang kwenta na nakilala ko. Tumalikod

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 31

    SCARLET POVBlag!!!Nang bumagsak sa sahig at nagkawasak-wasak ang aking cellphone, kasabay niyon ang marahas na pagkaubos ng pinipigilan kong paghinga. Nakaramdam ako ng matinding kahihiyan, pagkasuklam, galit, at ang gumapang na takot sa buo kong katawan na para bang hinihigop ang buo kong lakas. Pero alam kong naging padalos-dalos ang aking naging desisyon at hindi ko napigilan na maging marahas sa sobrang takot na aking nararamdaman. Dahil hindi maaaring makita ni Draven o ng kahit sinong tao ang mukha ng nag-iisang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito. Nakita ko ang sandaling pagkagulat sa mukha ni Ethan Vance, na isa sa mga nangaasar at matalik ding kaibigan ni Draven. Maging si Zack Thorne na kanina lang ay pekeng umiiyak na animong kawang-kawa na akala mo binully ko kanina, ngayon ay nakalimutan ang acting at sumiksik sa likod ni Jana at tiningnan ako na para ba ako ay isa nang nababaliw. Nanatiling walang emosyon na makikita sa mukha ni Draven, ngunit ang kany

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 30

    SCARLET’S POVSuot ko ang isang marangyang hapit na itim na gown na binili namin ni Lindsay. Puwede akong pumasok sa Veranda Club nang may mataas na tindig. Umiral ang kaunting kaba sa aking dibdib—akala ko talaga ay isang tunay na blind date ang inayos ni Donya Aurora para sa akin upang makahanap ng bagong simula.Inasahan kong makakatagpo ako ng isang estranghero mula sa isang de-kalidad na pamilya na ipinagmamalaki ng matanda.Ngunit nang pagbukas ng bodyguard sa pinto ng pribadong VIP suite, tila ba huminto ang pag-ikot ng mundo ko.Walang estranghero roon. Sa halip, laking gulat ko nang makita si Draven na nakaupo sa gitna ng marangyang sofa, katabi si Jana Thorne na tila isang reyna sa kung paano siya pinapatawad sa kanyang braso. Kasama rin nila ang matalik na kaibigan ni Draven na si Ethan Vance at ang spoiled na batang kapatid ni Jana na si Zack Thorne na abala sa paglalaro sa tablet.Napakapit ako nang mahigpit sa aking mamahaling clutch bag. Doon ko napagtanto ang lahat—nag

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   CHAPTER 28

    ASSISTANT QIN’S POV Bumukas ang elevator at iniluwa nito si Scarlet. Tuwid ang kanyang tindig at may kakaibang lamig ang kanyang mga mata. Mapanuri ko siyang tinitigan bago ko binuksan ang double-door na opisina ng Presidente. "Hindi pa tapos ang board meeting ni Mr. Morris. Maaari ka munang m

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter 24

    SCARLET POVPagkapasok ko sa silid ni Grandma, hinintay ko munang matapos ang personal na doktor ng pamilya Morris sa pagsusuri niya. Nang lumapit ang doktor para magligpit ng kagamitan, dahan-dahang umupo ako sa tabi ng kama at kinuha ang kulubot na kamay ng Lola upang kapain ang kanyang pulso.Bi

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter 22

    SCARLET POVMatapos kong makipagbalitaan at maghapunan kasama si Alejandro, nagmaneho ako nang mag-isa upang personal na tingnan ang ilang magagandang kindergarten sa lungsod.Palubog na ang araw sa kanluran at nagdidilim na ang paligid. Kakalabas ko pa lang sa huling kindergarten nang mapahinto ak

  • NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir   Chapter 21

    SCARLET POVPumunta si Jana sa tabi ni Draven Morris. Kalmado ito sa bawat kilos na ipinapakita sa akin na siya ang tunay na reyna sa buhay ni Draven. Nagsalita siya nang puno ng lambing kay Draven. "Gutom na ako. Maghanap muna tayo ng makakainan."Binawi na ni Draven ang tingin sa akin. Hindi na n

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status