مشاركة

Rye 73:

مؤلف: Hiraya_23
last update تاريخ النشر: 2026-08-23 20:09:04

RYE’S POV

Nanginginig ang mga kamay ko habang ipinapasok ko ang susi sa seradura ng pinto ng apartment ko.

Ang lakas ng ulan sa labas ay tila sumasabay sa pagwawala ng puso ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ni Hunter kanina bago siya tuluyang tumalikod at sumakay sa SUV niya. Walang sagot. Walang paliwanag.

Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nakakabinging katahimikan at ang nakakapasong dilim ng maliit naming sala.

Wala pa rin si Tristan.

Dahan-dahan kong isinara ang
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
الفصل مغلق

أحدث فصل

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 74:

    “S-Sir!” suway ko, pilit na ibinababa ang boses ko.Isang mapanuyang ngiti ang sumilay sa labi niya. “You’re too tense, clumsy. Don’t tell me you’re still affected by yesterday? O baka naman, nagugutom na naman yang inaalagaan mo sa tiyan mo kaya ang sungit mo?”Ito na naman siya.“H-hindi natin dapat pag-usapan ang mga personal na bagay sa trabaho, SIR!” mabilis na depensa ko.Tinitigan niya ako. Isang titig na parang tinatagos ang kaluluwa ko at binabasa ang pinakamalalim kong sikreto.“Right.” malamig na sambit niya.Bago pa ako makasagot, marahas niyang inayos ang sariling cuffs at tumalikod.“Get your things ready, Alvarez. You have a new schedule.”“New schedule?”Hindi siya sumagot bagkus ay nag-abot ng isang folder.Binasa ko ang itinerary na nasa folder.Monday: Board Meeting (Taguig) – Fitting at 7 AM. Tuesday: Nocturne Expansion Inspection – Wardrobe check at 2 PM. Wednesday: Private Client Dinner – Full suit prep at 6 PM.Puro sa kaniya. Lahat ng oras ko sa trabaho, umiiko

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 73:

    RYE’S POVNanginginig ang mga kamay ko habang ipinapasok ko ang susi sa seradura ng pinto ng apartment ko.Ang lakas ng ulan sa labas ay tila sumasabay sa pagwawala ng puso ko. Ramdam na ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ni Hunter kanina bago siya tuluyang tumalikod at sumakay sa SUV niya. Walang sagot. Walang paliwanag.Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nakakabinging katahimikan at ang nakakapasong dilim ng maliit naming sala.Wala pa rin si Tristan.Dahan-dahan kong isinara ang pinto at isinandal ang likod ko roon. Doon, tuluyan nang nanghina ang mga tuhod ko. Napadausdos ako paupo sa malamig na sahig habang mahigpit na yakap-yakap ang brown envelope na naglalaman ng ultrasound ng baby ko.Bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.Sobrang sakit. Ang sakit-sakit na pakiramdam ko habang unti-unting bumabalik sa isip ko kung anong sitwasyon meron ako ngayon.Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na si Tristan ang ama ng dinadala ko, habang ang totoong ama nito

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 72:

    THIRD PERSON’S POVSa pagbukas ng pinto ng SUV, isang malaking itim na payong ang unang lumabas, bago tuluyang tumapak sa basang kalsada ang kumikinang na itim na leather shoes.Dahan-dahang lumabas si Hunter Saviano.Nakasuot siya ng kaniyang paboritong three-piece suit, ang kaniyang aura ay kasing lamig at kasing dilim ng nag-aamok na malakas na ulan.Ang mga mata niya ay dumiretso sa nanginginig at kaawa-awang bulto ni Rye.Nang makita ni Hunter kung gaano kaputla ang dalaga, kung paano ito nakayakap sa sariling tiyan habang basang-basa ang laylayan ng damit, isang pamilyar na halimaw ng galit ang nagising sa loob ng dibdib niya.Gustong patayin ni Hunter si Tristan. Gusto niyang balatan ito nang buhay ngayon din dahil sa pang-iiwan nito sa dalaga sa gitna ng ulan, sa kabila ng milyun-milyong ibinabayad niya rito para lang protektahan ito.Ngunit hindi niya iyon ipinakita.Humakbang si Hunter papalapit. Bawat hakbang niya ay puno ng awtoridad na tila ba ang mismong ulan ay umiiwas

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 71:

    RYE’S POV“Okay, Ms. Alvarez, let’s check on your baby.”Nakahiga ako sa malamig na examination bed ng clinic. Ipinahid ng OB-GYN ang malamig na gel sa umbok ng tiyan ko.“Wala ba ang daddy ngayon?” nakangiting tanong ng doktora habang inihahanda ang ultrasound wand.Parang may kumurot nang pino sa puso ko. Pilit akong ngumiti, kahit ang totoo ay gusto ko nang humagulgol. “A-Ah, may emergency po kasi sa site nila. E-Engineer po kasi siya. H-Hindi po siya nakaabot.”“Sayang naman. First ultrasound pa naman ninyo. Pero don't worry, ipi-print ko na lang para maipakita mo sa kaniya mamaya pag-uwi,” malambing na sagot ng doktora.Hindi siya nakaabot.Isang malaking kasinungalingan.Kaninang umaga, nangako si Tristan na susunduin niya ako sa apartment bago mag-alas tres ng hapon. Sabi niya pa nga, “I wouldn't miss our first ultrasound, babe. Excited na akong makita ang baby natin.”Pero alas kwatro na. Limang beses ko siyang tinawagan bago ako pumasok sa clinic. Out of coverage area.Nang i

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 70:

    RYE’S POV“Tara, kain na tayo? Nagugutom na yung baby natin oh.”Nakatingin lang ako sa kaniya habang inilalapit niya ang isang platito ng garlic bread sa tabi ng carbonara ko. Ang kaniyang ngiti ay napakatamis, napakaperpekto. Parang walang bahid ng kahit anong kasinungalingan.Pero sa loob-loob ko, parang may isang malaking bagyo na nagwawala.Tristan just got his first engineering job this year, nung mga unang buwan niya, 25-30 thousand lang ang monthly niya. Pero ngayon? Pero paano ko siya kakausapin tungkol sa bagay na’to?Natatakot ako na kapag question-nin ko siya ay biglang gumuho ang paniniwala kong tinatanggal niya ako sa kabila ng kasalanang nagawa ko. At higit sa lahat… yung pagsusugal?! Na-iitress ba siya sa akin? Ako ba ang dahilan? Itong pagiging maunawain niya? Totoo pa ba ito?Mahal pa ba niya ako? Bakit… bakit pakiramdam ko parang may iba. “Babe?” tawag ni Tristan, ang kaniyang noo ay bahagyang kumunot nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang tinidor ko. “Ayaw m

  • Naglalagablab na Secrets and Revenge   Rye 69:

    RYE'S POVPagsapit ng hapon, tila nabunutan ako ng tinik.Maghapon na nandito si Tristan sa apartment. Pinilit niya akong magpahinga habang siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Nagluto siya, naglinis, at panay ang pagtatanong kung may gusto ba akong kainin.Sa isang banda, gusto kong umiyak sa tuwa. Ito ang Tristan na nakilala ko noon—bago pa siya naging abala at mainitin ang ulo dahil sa lintik na construction project na humigop sa kaluluwa niya. Pero sa kabilang banda, hindi ko pa rin maalis ang kaba sa dibdib ko.Masyadong biglaan. Masyadong mabilis ang pagbabago.Bandang alas-sais ng gabi, nagpaalam si Tristan na maliligo lang daw siya dahil pawis na pawis siya sa paglilinis.“Babe, ligo lang ako ha? Paki-handa na lang nung dinner natin sa mesa. I bought us your favorite carbonara,” nakangiting sabi niya bago tuluyang pumasok sa banyo at ni-lock ang pinto.“S-Sige,” sagot ko habang nagpupunas ng mga baso sa kusina.Narinig ko ang pagbukas ng shower. Tahimik ang buong apartment

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status