Ang balita tungkol sa masalimuot at nakakadalamhating kamatayan ko ay dumurog ng husto sa nanay ko, halos bumigay na siya ulit.Sa bawat araw, nakakapit siya sa silk scarf na iniregalo ko sa kanya, tumutulo ang mga luha niya habang hawak niya ito ng mahigpit.Ang ama ko, kahit na matindi ang sakit na nararamdaman, ay nagawang magpigil, ipinakita na lalake pa din siya na itinatago ang nararamdaman.Inalagaan niya ang nanay ko, na mukhang wala na sa sarili dahil sa pagdadalamhati, ginagawa niya ang lahat para masigurong manatili na buo ang pamilyang nasira na.Pumunta si Tita Lilian para pagaanin ang loob ng nanay ko, ikinuwento ang mga bagay na walang pasensiya ang nanay ko na pakinggan noon.“Naaalala mo ba noong nasa elementarya si Whitney?” tanong ng mahinhin ni Tita Lilian. “Pumasok siya sa art competition at ginugol ang bawat gabi pagkatapos gawin ang homework niya para magsketch hanggang sa hating gabi. Hindi siya nakaramdam ng pagod! Noong nanalo siya, nagmadali siyang umuwi
Sumarado ng mahigpit ang mga kamay ni Scarlett, nataranta siya ng husto.Pero hindi niya mapipigilan ang mga pulis sa pagpapatuloy. “Nakakita kami ng ilang mga binurang message sa phone niya.“Kinumpirma ng report ng coroner na namatay si Whitney matapos ilibing ng buhay. Ang huling mga tawag niya sa iyo ay paghingi niya ng tulong. Pero hindi ka sumagot kahit na isa sa mga tawag niya.”Namutla ng husto ang nanay ko. “Paano iyon naging posible? Naghihintay ako ng tawag niya para humingi ako ng tawad, pero hindi naman siya tumawag!”Agad niyang inilabas ang phone niya, kinumpronta ang mga pulis, at ang nakita lang niya ay record ng mga hindi sinagot na mga tawag ko sa trash folder.Sa mga oras na iyon, ang phone ng nanay ko ay nasa mga kamay ni Scarlett.Naupo siya doon, ng hindi kumikilos, na tila ba sinipsip palabas ang kaluluwa niya.Si Scarlett, na natataranta, ay sinubukan ipaliwanag, “N-Naiinis lang ako sa kanya. Itinulak niya ako, kaya hindi ko hinayaan ang nanay ko na sagu
Sa interrogation room, katabi ng nanay ko si Scarlett, madiin ang boses niya pero nakakagaan ng loob. “Ako ang guardian ng batang ito. Puwede ninyo itanong sa akin ang lahat. Bata pa si Scarlett; hindi niya kayang matakot ng ganito.”Nakapuwesto doon si Scarlett habang nanginginig ng kaunti, mukhang nakakaawa at walang kayang gawin.Nagkatinginan ang mga pulis, nakangiti ang isa, “Dalawamputanim na siya; hindi siya ganoon kabata!”Mahinhin na hinimas ng nanay ko ang likod ni Scarlett, sinusubukan siyang pakalmahin. Tumingala siya sa mga pulis. “Naiintindihan ko na ginagawa lang ninyo ang trabaho ninyo, pero tunay na walang alam si Scarlett. Kahit na magkapatid sila ni Whitney, makaiba ang buhay nila.”“Nakatanggap kami ng report na may nahuling nagsusugal sa nirerentahang apartment kahapon. Ang mga pulis sa Acturia ay nakita ang mga gamit ni Whitney sa apartment na iyon. Si Scarlett ba ang kumuha sa mga gamit niya?”Tumigil ang nanay ko, mabilis ang takbo ng isip niya. “Oo. Inabot
Ang ika animnapung kaarawan ng lola ko ay maliit na pagtitipon, nilimitahan ito sa malapit na mga kamag-anak at malapit na mga kaibigan.Habang nangyayari ang selebrasyon, ang mga magulang ko ay patuloy na nagmamasid sa paligid, hinahanap ako.Kahit si Flynn ay mukhang nabigla. “Ma, Pa, hindi ba talaga pupunta si Whitney? Paano kung may masamang nangyari sa kanya?”Hinampas ng mahina ni Scarlett ang kamay niya. “Tumigil ka sa kalokohan mo. Malaki na si Whitney; okay lang siya.”Mukhang gumaan ang loob ng mga magulang ko sa sinabi niya.Bumuntong hininga ang nanay ko. “Kung hindi magpapakita ang babaeng iyon, ang lahat ng mga kamag-anak natin ay sisisihin tayo sa hindi pagpapalaki sa kanya ng maayos.”Matapos ito marinig, hindi ko mapigilan na mapangiti na lang.Iyon pala ang inaalala nila. Ang akala ko sabik sila sa paghihintay sa akin dahil sa pag-aalala.Isinantabi ito ng nanay ko at inutusan si Scarlett na gamitin ang pagkakataon para ipresinta ang magarang regalo niya sa lo
Sa oras na sinagot ng nanay ko ang phone, nagsimula ang panenermon niya. “Ikaw na bata ka, puwede ba tumigil ka na sa pang gagatong sa lola mo na magalit sa akin?”Seryoso ang boses sa kabilang linya. “Hello, ito ba ang pamilya ni Whitney Patterson?”Matapos marinig ang boses ng lalake, napasimangot ang nanay ko. “Anong nangyayari? Bakit nasa iyo ang phone ni Whitney?”“Nakita namin ang ID ni Whitney at phone sa apartment. Puwede ba kayo pumunta sa estasyon ng pulis para iberipika ang ilang mga impormasyon?”Nagrelax ang kilay ng nanay ko ng kaunti. “Lumipat talaga ang paslit na iyon. Lagi siyang gumagawa ng gulo.”Ibinaba niya ang tawag at bumalik sa pagkain na parang wala lang.Kinakabahan siyang tinignan ni Scarlett. “Ma, tungkol ba iyon kay Whitney?”“Nawala ang phone niya at sinasabihan tayo ng mga pulis na kunin iyon. Puwede iyon maghintay; pupunta tayo pagkatapos kumain.”Humigpit sa pag-aalala ang mukha ni Scarlett. “Ma, ako na lang ang pupunta. Kapatid ko nga naman si
Ang lola ko ay kontra sa relasyon ng nanay ko at ama ko ilang taon na ang nakararaan, natatakot sa hirap na pagdadaanan nila dahil walang pera ang ama ko.Bilang resulta, ilang mga gabi na nagpakalunod ang nanay ko sa alak dahil sa lungkot, kung saan sinamantala siya ng magnanakaw na naging dahilan para mabuntis siya.Sa mga panahon na iyon, bata pa siya, at maraming pagpipilian para sa kanyang kinabukasan.Pero pinili niya na parusahan ang lola ko at iparamdam sa kanya na guilty siya sa pamimilit na iluwal ako.Noong tatlong taong gulang na ako, nakita ng nanay ko ang itsura ng ama ko sa mukha ko at isinama ako sa paternity test.Nakumpirma ng resulta ang matagal na niyang gusto marinig: na anak talaga ako ng ama ko, hindi ng magnanakaw na umatake sa kanya.Dahil sa tuwa, ginamit ng nanay ko ang rebelasyong ito para makuha ulit ang loob ng ama ko.Pero, laging dungis lang sa purong lovestory nila ang tingin nila sa akin, pinili nila akong itapon, na isang bata, sa lola ko haban