Share

Kabanata 4

Author: Honey Cub
Sa sumunod na araw, wala pa din balita tungkol sa akin sa pamilya.

Dumating sa bahay ng maaga si lola.

“Lola!” sambit ko, lumapit ako habang nakalutang sa tuwa.

Simula ng mamatay ako, lagi ko ng hinihiling na makita siya, pero ang espirito ko ay nakakapit sa presensiya ng nanay ko, imposible na iwan ko siya.

Mabuti na lang, pumunta ang lola ko sa akin. Para makita siya sa huling pagkakataon bago ako umalis at mabawasan ang sakit.

Bago ko pa siya mahawakan, lumapit bigla si Flynn, malambing siyang tinawag, “Lola!”

Sa nakalipas na mga taon, sumisipsip si Flynn sa lola namin gamit ang aming relasyon. Sa suporta ko, matagal na siyang tinanggap ni lola bilang ‘apo’, kahit na hindi sila magkadugo. Wala siyang intensyon na maging malayo din sa kanya.

Habang mahinhin na hawak si Flynn sa tabi niya, sinabi niya, “Tignan mo, ang laki mo na, at ang ingay pa din! Nasaan ang kapatid mo?”

“Scarlett!” sigaw ni Flynn.

Agad na tumakbo palabas si Scarlett. “Lola, nandito ka!”

Noong nakita siya ng lola ko, agad na nawala ang init ng pagtanggap niya sa kanyang ekspresyon. Humuni lang siya ng kaunti bilang pagkilala sa kanya, walang sabik ang tono niya.

Sumimangot ang nanay ko dito, “Ma, binabati ka ni Scarlett! Bakit ang lamig mo?”

Matapos marinig ang nanay ko, sumagot ang lola ko ng naiinis ng kaunti, “Wala kang pakielam kung anong trato ko sa kanya. Tignan mo ang ugali niya; walang nakakatuwa dito.”

Ang nanay ko ay malinaw na nasaktan para kay Scarlett. “Ma, mabait na bata si Scarlett. Hindi ba puwede na mas maging understanding ka?”

Namula sa galit ang mukha ng lola ko ng itinuro niya ang aking nanay. “Lagi mo siyang pinoprotektahan. Bulag ka sa pang-aapi niya sa iba. Hindi ko siya gusto. Anong mali doon?”

Dahil hindi gusto magpatalo ng nanay ko, pumamewang siya, at kinumpronta ang lola ko. “Si Scarlett ay walang inaapi na kahit na sino! Inuulit mo lang ang sinasabi ng inggratang babae na si Whitney!”

Ang totoo, umiyak lang ako ng isang beses sa harap ng lola ko. Sa pagkakataong iyon, pinrotektahan ako ng lola ko, at pinarusahan ako ng nanay ko sa pamimilit sa akin na isulat ang “Pasensiya na, Scarlett’ ng sampung libong beses. Halos matanggal ang kamay ko kakasulat, at hindi ako naglakas loob na magreklamo ulit.

Simula ng isama ako ng mga magulang ko para tumira kasama nila, wala ng ibang ipinakita sa akin si Scarlett kung hindi galit.

Sadya niya akong babanggain at madramang babagsak kapag nandoon ang mga magulang namin, sasabihin na itinulak ko siya. Pupunitin niya ang gawa kong homework, dahilan para maparusahan ako ng mga teacher. Itinago niya ang bag ko, at halos malate ako sa school. Sinulatan pa niya ang mga damit ko, dahilan para mapahiya ako sa mga kaklase ko.

Ang makita na pinapaburan siya ng nanay namin ay naging dahilan lang para apihin ako lalo ni Scarlett.

Noong sinubukan ko na sabihin ito tungkol sa mga magulang ko, sinabi lang nila na ang mga reklamo ko ay overreacting lang o kaya sobrang sensitive lang. Tunay akong nasaktan, pero hindi ko na ito sinasabi.

Habang lumalaki kami, siniguro ni Scarlett na ipamukha ang estado niya sa pamilya sa pagbibigay sa akin ng mga problema sa tuwing may family gathering.

Sa mga kaarawan, lagi niyang ineenganyo ang lahat na kumain sa labas ng magagarang mga pagkain ng hindi ako iniimbitahan. Sa tuwing may bakasyon ang pamilya, lagi akong naiiwan para bantayan ang bahay.

Kinalaunan, nasanay ang pamilya ko sa pagsasawalangbahala sa akin, at tinanggap ko na ang papel na tagalabas ako.

-

Sa living rom, nagtalo ang lola ko at nanay, ramdam ang tensyon sa pagitan nila.

Sawakas, nakielam ang ama ko, “Ginny, tumatanda na ang nanay mo, kaya hayaan mo na lang. Pamilya tayo, at hindi kailangan na pagtalunan pa ang maliit na bagay.”

Kahit na hindi kuntento ang lola ko sa ama ko, tiniis niya ito para sa kapakanan ko at ng nanay ko.

Pero, hindi niya matanggap si Scarlett, ang ampon niyang apo.

Matapos ang tignan ng mapanglait si Scarlet sandali, ang lola ko ay umiwas agad ng tingin, mukhang naiirita na makita siya.

“Nasaan si Whitney? Isasama ko muna siya ng ilang mga araw.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 10

    Ang balita tungkol sa masalimuot at nakakadalamhating kamatayan ko ay dumurog ng husto sa nanay ko, halos bumigay na siya ulit.Sa bawat araw, nakakapit siya sa silk scarf na iniregalo ko sa kanya, tumutulo ang mga luha niya habang hawak niya ito ng mahigpit.Ang ama ko, kahit na matindi ang sakit na nararamdaman, ay nagawang magpigil, ipinakita na lalake pa din siya na itinatago ang nararamdaman.Inalagaan niya ang nanay ko, na mukhang wala na sa sarili dahil sa pagdadalamhati, ginagawa niya ang lahat para masigurong manatili na buo ang pamilyang nasira na.Pumunta si Tita Lilian para pagaanin ang loob ng nanay ko, ikinuwento ang mga bagay na walang pasensiya ang nanay ko na pakinggan noon.“Naaalala mo ba noong nasa elementarya si Whitney?” tanong ng mahinhin ni Tita Lilian. “Pumasok siya sa art competition at ginugol ang bawat gabi pagkatapos gawin ang homework niya para magsketch hanggang sa hating gabi. Hindi siya nakaramdam ng pagod! Noong nanalo siya, nagmadali siyang umuwi

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 9

    Sumarado ng mahigpit ang mga kamay ni Scarlett, nataranta siya ng husto.Pero hindi niya mapipigilan ang mga pulis sa pagpapatuloy. “Nakakita kami ng ilang mga binurang message sa phone niya.“Kinumpirma ng report ng coroner na namatay si Whitney matapos ilibing ng buhay. Ang huling mga tawag niya sa iyo ay paghingi niya ng tulong. Pero hindi ka sumagot kahit na isa sa mga tawag niya.”Namutla ng husto ang nanay ko. “Paano iyon naging posible? Naghihintay ako ng tawag niya para humingi ako ng tawad, pero hindi naman siya tumawag!”Agad niyang inilabas ang phone niya, kinumpronta ang mga pulis, at ang nakita lang niya ay record ng mga hindi sinagot na mga tawag ko sa trash folder.Sa mga oras na iyon, ang phone ng nanay ko ay nasa mga kamay ni Scarlett.Naupo siya doon, ng hindi kumikilos, na tila ba sinipsip palabas ang kaluluwa niya.Si Scarlett, na natataranta, ay sinubukan ipaliwanag, “N-Naiinis lang ako sa kanya. Itinulak niya ako, kaya hindi ko hinayaan ang nanay ko na sagu

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 8

    Sa interrogation room, katabi ng nanay ko si Scarlett, madiin ang boses niya pero nakakagaan ng loob. “Ako ang guardian ng batang ito. Puwede ninyo itanong sa akin ang lahat. Bata pa si Scarlett; hindi niya kayang matakot ng ganito.”Nakapuwesto doon si Scarlett habang nanginginig ng kaunti, mukhang nakakaawa at walang kayang gawin.Nagkatinginan ang mga pulis, nakangiti ang isa, “Dalawamputanim na siya; hindi siya ganoon kabata!”Mahinhin na hinimas ng nanay ko ang likod ni Scarlett, sinusubukan siyang pakalmahin. Tumingala siya sa mga pulis. “Naiintindihan ko na ginagawa lang ninyo ang trabaho ninyo, pero tunay na walang alam si Scarlett. Kahit na magkapatid sila ni Whitney, makaiba ang buhay nila.”“Nakatanggap kami ng report na may nahuling nagsusugal sa nirerentahang apartment kahapon. Ang mga pulis sa Acturia ay nakita ang mga gamit ni Whitney sa apartment na iyon. Si Scarlett ba ang kumuha sa mga gamit niya?”Tumigil ang nanay ko, mabilis ang takbo ng isip niya. “Oo. Inabot

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 7

    Ang ika animnapung kaarawan ng lola ko ay maliit na pagtitipon, nilimitahan ito sa malapit na mga kamag-anak at malapit na mga kaibigan.Habang nangyayari ang selebrasyon, ang mga magulang ko ay patuloy na nagmamasid sa paligid, hinahanap ako.Kahit si Flynn ay mukhang nabigla. “Ma, Pa, hindi ba talaga pupunta si Whitney? Paano kung may masamang nangyari sa kanya?”Hinampas ng mahina ni Scarlett ang kamay niya. “Tumigil ka sa kalokohan mo. Malaki na si Whitney; okay lang siya.”Mukhang gumaan ang loob ng mga magulang ko sa sinabi niya.Bumuntong hininga ang nanay ko. “Kung hindi magpapakita ang babaeng iyon, ang lahat ng mga kamag-anak natin ay sisisihin tayo sa hindi pagpapalaki sa kanya ng maayos.”Matapos ito marinig, hindi ko mapigilan na mapangiti na lang.Iyon pala ang inaalala nila. Ang akala ko sabik sila sa paghihintay sa akin dahil sa pag-aalala.Isinantabi ito ng nanay ko at inutusan si Scarlett na gamitin ang pagkakataon para ipresinta ang magarang regalo niya sa lo

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 6

    Sa oras na sinagot ng nanay ko ang phone, nagsimula ang panenermon niya. “Ikaw na bata ka, puwede ba tumigil ka na sa pang gagatong sa lola mo na magalit sa akin?”Seryoso ang boses sa kabilang linya. “Hello, ito ba ang pamilya ni Whitney Patterson?”Matapos marinig ang boses ng lalake, napasimangot ang nanay ko. “Anong nangyayari? Bakit nasa iyo ang phone ni Whitney?”“Nakita namin ang ID ni Whitney at phone sa apartment. Puwede ba kayo pumunta sa estasyon ng pulis para iberipika ang ilang mga impormasyon?”Nagrelax ang kilay ng nanay ko ng kaunti. “Lumipat talaga ang paslit na iyon. Lagi siyang gumagawa ng gulo.”Ibinaba niya ang tawag at bumalik sa pagkain na parang wala lang.Kinakabahan siyang tinignan ni Scarlett. “Ma, tungkol ba iyon kay Whitney?”“Nawala ang phone niya at sinasabihan tayo ng mga pulis na kunin iyon. Puwede iyon maghintay; pupunta tayo pagkatapos kumain.”Humigpit sa pag-aalala ang mukha ni Scarlett. “Ma, ako na lang ang pupunta. Kapatid ko nga naman si

  • Nakalimutan sa Kamatayan   Kabanata 5

    Ang lola ko ay kontra sa relasyon ng nanay ko at ama ko ilang taon na ang nakararaan, natatakot sa hirap na pagdadaanan nila dahil walang pera ang ama ko.Bilang resulta, ilang mga gabi na nagpakalunod ang nanay ko sa alak dahil sa lungkot, kung saan sinamantala siya ng magnanakaw na naging dahilan para mabuntis siya.Sa mga panahon na iyon, bata pa siya, at maraming pagpipilian para sa kanyang kinabukasan.Pero pinili niya na parusahan ang lola ko at iparamdam sa kanya na guilty siya sa pamimilit na iluwal ako.Noong tatlong taong gulang na ako, nakita ng nanay ko ang itsura ng ama ko sa mukha ko at isinama ako sa paternity test.Nakumpirma ng resulta ang matagal na niyang gusto marinig: na anak talaga ako ng ama ko, hindi ng magnanakaw na umatake sa kanya.Dahil sa tuwa, ginamit ng nanay ko ang rebelasyong ito para makuha ulit ang loob ng ama ko.Pero, laging dungis lang sa purong lovestory nila ang tingin nila sa akin, pinili nila akong itapon, na isang bata, sa lola ko haban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status